CHAPTER 7
Chapter Seven
Date
I ignored Nicolaus' texts. Dumiretso ako sa mga babaeng bumati sa akin sa paglabas ko sa may pool area. Labing dalawa ang naroon kasama ang mga step sisters ko. Walo silang babae at apat lang ang lalaki. Nang makalapit ako sa kanila ay nakita ko kaagad ang pagsisikuhan ni Essa at Fyrcelle na masama ang loob sa pagsali ko.
Their friends were actually nice. Lalo na si Isaac na hindi na nawala ang titig sa akin kaya mas lalong nanggagalaiti si Fyrcelle sa gilid.
"It's so nice to meet you!" anang isang babae na totoong tuwang-tuwang makilala ako.
I smiled at her before saying the same words back.
"So are you going to stay here?"
"Lucille, I told you she was only here for vacation. Pagkatapos ng bakasyon ay uuwi na rin si Roshlin sa pinaggalingan niya." Essa answered without minding her words.
Hinayaan ko lang siyang sumagot para sa akin kahit na hinihintay pa rin ako ng mga kaibigan nilang magsalita.
"Really? Where do you live ba?"
"Outside the country with my mom."
"And she's going back soon." singit ni Fyrcelle.
The boys gave me drinks. Pasimpleng umikot ang mga mata ni Essa nang kunin ko iyon.
"Sayang naman. You know what? Bakit hindi ka sumama sa amin this weekend? Pagkatapos ng party ni Essa ay pupunta kami sa Isla Fontanegra. We'll also visit the fish sanctuary. Masaya 'yon! Come with us!"
Hilaw akong nangiti lalo na't kitang-kita ko sa mga mukha ng babae ang antisipasyon sa sagot ko maliban sa dalawang magkapatid na pinandidilatan ako ng mata.
"I'll think about it. Baka kasi may pupuntahan ako."
Lucille laughed. "Hindi nga? Saan ka naman pupunta? Maybe you can reschedule that? Pwede ka rin naming samahan diyan kung gusto mo? You don't have any friends here, right? Sama ka na, Rosh!"
"I actually have friends here," sagot ko. Napatuwid ng tayo si Essa sa narinig. "But, I'll think about it. Sasabihan ko kayo kapag pwede akong makasama."
"Sana naman you can join us!" singit naman ng isa pa nilang kaibigan.
"Lucille is right, masaya do'n so think about it, Roshlin." dagdag ni Isaac na hindi na nawala ang malawak na ngiti sa akin.
Tinanguan ko lang siya bago siya mahila ulit ni Fyrcelle palayo. Dahil sa mga babae ay kahit paano hindi naman ako na out of place. Bukod sa dalawang magkapatid, maayos naman ang pakikitungo sa akin ng lahat. They were all part of the higher class in this town. Ang ilan ay anak ng mga politiko at mga kilalang negosyante sa lugar. Mabuti at nakasabay naman ako sa kanilang usapan kahit pa halos lahat ay tungkol sa karangyaan.
Nang mapagod sa pakikipag-usap at pang-aasar sa mga step sisters ko ay lumayo na muna ako at nagpasyang maligo.
Nagsimula na silang uminom ng alak. Ilang minuto akong nagbabad sa pool. Pag-ahon ko ay ilang message na ni Nicolaus ang naghihintay sa akin. Kahit paano ay napangiti ako. I read his texts.
Playboy:
Busy? Sige pala. Maghihintay na lang ako.
Playboy:
Sayang miss pa naman kita.
Playboy:
Meryenda ka na.
Playboy:
I have a question. Pwedeng magtanong?
The last text made me smile. Tinutuyo ko ang sarili habang nagtitipa ng text pabalik sa kanya.
Ako:
What?
He replied right away. I'm impressed.
Playboy:
Tae ka ba?
Ako:
Baboy ah.
Playboy:
Haha. De, seryoso, pwede ba kitang ilabas bukas?
I bit my lip and then shook my head. Naupo ako sa lounger at hinayaan ang tuwalya sa katawan.
Ako:
Okay na sana kaso ang baboy ng pick up line.
Playboy:
'Di naman 'yon pick up line. Tatanong lang eh. Kung ayaw mo naman okay lang. Saksakin mo na lang ako.
Pinigilan kong mapahalakhak sa nabasa.
Ako:
Siraulo ka talaga eh, 'no? Bakit nakauwi na ba kayo rito sa Buenavista?
Playboy:
Ako lang. Kanina lang.
Ako:
Bakit? Asan sila? Ba't 'di mo kasama?
I felt my heart jump on my throat when I saw him calling! Napatayo ako't lutang na napalakad hanggang sa dulo ng pool habang pinag-iisipan kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi! Gusto kong patayin dahil baka nagkamali lang siya pero hindi iyon nawala. He was really calling me!
I gathered all my strength before I finally answer his call.
"Hello?"
"Hey, boo..." malamyos at masayang boses niyang sagot kaagad sa kabilang linya!
Bigla ako lalong hindi napakali! "Bakit ka tumawag?"
"Nakakatamad mag-type. Tsaka, gusto ko rin marinig boses mo hindi ba pwede? Sorry na pala."
I chuckle at that. "Arte."
Siya naman ang natawa. "So, can we uhm, go outside?"
"Are you asking me on a date? Kasama ba si Riggwell?"
"Bakit? Gusto mo bang siya na lang?" Sagot niyang binalewala ang una kong tanong.
"Pwede rin naman."
"Ahh, okay lang 'di naman masakit."
"At bakit ka naman masasaktan, aber?"
"'Di ka magugustuhan no'n. Huwag kang umasa."
Imbes na ma-offend ay mas natawa lang ako lalo na sa boses niyang halatang nagtatampo.
"Bakit? Ano bang mga trip ni Riggs, ha?"
"Simple lang."
"Like what?"
"'Yung hindi akin."
His answer made me swallowed hard! Tingin ko ay maling-mali talagang sinagot ko ang tawag niya nang hindi nakakapaghanda!
"I am not yours."
"Not yet," he rephrased. "Sige na, labas tayo. Mabait naman ako tsaka sabi mo may bodyguard ka naman, 'di ba? Gusto mo magpabugbog pa 'ko diyan makasama ka lang eh."
Pakiramdam ko ay dudugo na ang labi ko kakakagat rito dahil sa mga banat niya.
"You're crazy!"
"Please? Hindi naman ako magpapalibre 'to naman. I just want to see you."
"And?"
"Wala lang. Tangina kasi wala man lang social media na pwedeng ma-stalk. Nangungulila 'yung puso ko sa 'yo, lam mo ba 'yon?"
"Siraulo! Kapag gumawa ba ako hindi mo na ako aayaing lumabas?"
"Sympre, hindi. Labas na tayo? Sige na? Ganda?"
"Roshlin! Come! We're going to play some games! Join us!"
Napabaling ako kay Isaac na palapit na sa akin kaya hindi ako kaagad nakasagot kay Nicolaus.
"What game?"
"Basta, tara na. Masaya 'to!"
"Susunod ako, Isaac. Wait lang." Inangat ko ang aking telepono para sabihing may kausap ako, pero bago ko pa mabalikan si Nicolaus ay nauna na itong magsalita.
"Hindi pa tayo nananakit ka na ah."
"Kapal mo talaga! Hindi magiging tayo huy!"
"Mabubusog ka niyan. Sige ka."
"Ano?!"
"Wala. Sabi ko mas masaya akong kalaro diyan, sus."
I laughed at his tone. Nagsimula na akong maglakad pabalik kina Isaac.
"I'm with my step sisters' friends. May party sila nakisali lang ako. I'll text you later, okay lang?"
"Sige. Have fun, Zab."
"Bakit parang galit?"
"Hindi naman. Sige na. Hihintayin na lang kita."
"Okay. Baka ma-busy rin ako ngayon. See you tomorrow."
"W-what?"
Lumawak ang ngisi ko. "Bye! See you!" I said before I finally drop the call.
Nakipaglaro ako sa mga bisita pero kahit na naroon ako ay nanatili kay Nicolaus ang utak ko lalo na't ilang messages na niya ang dumating pagkatapos kong sumang-ayon sa anyaya niya bukas.
Nagsisimula na kasi akong ma-bored sa bahay. Isa pa, okay lang naman kay Papa na umalis ako at magpapaalam rin naman ako. My bodyguard will be with me, too kaya wala naman magiging problema. Pang huli, it's Nicolaus. Alam kong playboy siya at matinik pagdating sa babae pero alam ko namang safe siyang kasama.
Everyone got drunk. Maswerte ako dahil naging pabor sa akin ang laro kaya hindi ako nalasing.
I called Nicolaus after I got out of the shower. Alas onse na ng gabi pero gising pa rin ito. We talked for a bit. Magkikita kami sa mall tapos siya na raw ang bahala.
Gano'n ang nangyari kinabukasan. I asked Kuya Faun, my bodyguard to give me space. I thought he would not let me do that, but he knew Nicolaus. Turned out, kaibigan ng pamilya nila ang pamilya nila Kuya Faun kaya ipinaubaya na rin ako sa lalaki.
"Okay lang ba?" Tanong niya habang nasa harapan ng kanyang sports bike.
Kinuha ko ang isang helmet sa kamay niya. "Oo naman. I know how to drive and ride this."
Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko. "Really? Marunong ka?"
Inayos ko ang helmet sa aking ulo saka tumango. "Gusto mo ako pang mag-drive?"
Nagkaroon ng pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Inayos niya na rin ang helmet sa ulo bago umiling.
"Ako na. Gusto ko ng yakap mo, eh."
Sinapak ko ang braso niya. I waited for him to ride his bike. Inalalayan niya akong makaupo sa kanyang likuran niya. Dahil masyadong malaki ang kanyang back pack ay nagpresinta akong isuot iyon. Mas naging pabor naman sa kanya dahil sa gusto niyang mangyari.
Wala naman talaga akong balak na yakapin siya pero masyadong mabilis ang kanyang pagpapatakbo kaya hindi na rin ako nakatanggi.
It has been a long time since I rode a motorcycle. Natuto ako noon dahil sa naging boyfriend ng kapatid ni Mama, pero nang maghiwalay sila ay hindi na rin naulit. My mother didn't want to get me a bike. Ilang taon kong inungot iyon pero bigo ako kaya naman ngayon ay napapapikit na lang ako habang patuloy na dinadama ang tuwa sa aking puso.
I felt like flying. Mas lalong napupuno ng kasiyahan ang aking dibdib nang sa aking pagdilat ay sakto ang pag-ibis namin sa harapan ng dagat!
Part of the ocean was sparkling like diamonds because of the sun. Matarik pa ang araw pero dahil pahapon na ay hindi na mainit sa balat. Ang simoy ng hangin ay sariwa rin. Mas lalo akong namangha sa tanawin. Sa haba no'n ay nakuntento ang puso ko. God, I could watch the ocean all day...
Huminto kami sa isang pampublikong beach. Kinuha ni Nicolaus ang bag niya at dinala iyon sa paglalakad namin sa dalampasigan.
Maraming tao roon pero kabisado na ni Nicolaus ang lugar. Magkatabi kaming naglakad hanggang sa maubos ang tao at makarating sa malapit sa batuhan.
"Okay na ba rito?"
Nginitian ko siya. "Dito mo rin dinadala lahat ng mga nabobola mo?"
"Pang labing walo ka na siguro."
Namimilog ang matang napapihit ako paharap sa kanya. Mas lalo siyang nangisi sabay kamot sa kanyang kilay.
"Naniwala ka naman? Ikaw pa lang."
"Sinungaling 'yan?"
"Hindi ka naman kasi naniniwala."
I pouted. Uupo na sana ako sa buhagin pero agad niyang nahawakan ang kamay ko.
"Sandali."
Kunot noo ko siyang pinanuod na kunin ang bag niya. I was surprised to see him get a beach towel inside. Inilapag niya ang bag at inayos ang towel sa buhangin.
"Okay na."
Naiiling akong naupo doon. "Hindi ka prepared?"
"Sakto lang." naupo siya sa tabi ko sabay labas pa ng mga kung ano sa loob ng bag niya.
My jaw dropped at the sight of Shakey's mojos supreme! Parang bigla akong naglaway ng makita pa ang garlic ranch! He did not stop emptying his bag. Bukod sa mojos and chicken, he also bought carbonara and some canned drinks.
"Hindi ako masyadong nakapaghanda. Sana okay na 'to?" Nahihiya niyang sabi sabay sulyap sa mga pagkain.
"I love Shakey's."
"I know..." he murmured.
Napatitig ako sa kanya pero gumalaw na siya't kinunan ako ng pagkain kaya napangiti na lang ako't nailing.
I thanked him for bringing us foods. We talk for a bit. Kumustahan lang. He said his cousins will be back next week. Nauna lang daw siya dahil nabo-bored siya sa San Antonio.
Ilang beses niya akong binanatan habang kumakain kami pero mas nagustohan ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang matapos kaming kumain.
We both lay down the sand. Walang nagsasalita. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko, patuloy na pinakikinggan ang along humahampas sa dalampasigan at ang mga tawanan sa hindi kalayuan.
"This is nice..." wala sa sariling bulong ko. "Thank you for bringing me here."
Sa aking pagdilat ay agad akong napalunok nang makitang nakatitig sa akin si Nicolaus. Mukhang kanina pa ako pinapanuod.
Agad niyang inalis ang mga mata at itinuon sa langit. "You're welcome. It's nice to lay here with you."
"Really, huh?"
He chuckle and then turn to me again. "You always doubt me. Sige sabihin na nating maraming babaeng dumaan sa buhay ko pero hindi naman ako sinungaling. Kapag sinabi kong ikaw lang, sa 'yo lang, totoo 'yon."
"Defensive?"
He licked his lips before ripping his gaze off of me again.
"Pasalamat ka maganda ka, hindi ko magawang mapikon."
Napahalakhak ako ng wala sa oras. "Pero thank you for today. It's nice to be outside that house. I'm thankful for this."
"Huwag mo masyadong isipin, baka mahalin mo ako bigla eh."
"Kapal talaga."
Siya naman ang natawa. "You have my number. You can call me anytime you want. Ilalabas kita at ilalayo kapag nababaliw ka na sa mansion n'yo."
"Hindi lang ako sanay pero masasanay rin siguro ako. Maybe I'm really judgemental. Baka marami lang akong trust issues sa buhay kaya ganito ako sa pamilya ni Papa?"
"Normal naman sigurong may trust issues ka dahil weird naman kung basta ka na lang magtitiwala lalo na sa mga hindi mo kilala. May pagka-judgemental ka rin naman lalo na pagdating sa 'kin, but you had your reasons. I think you're a fair person. It's okay not to like everyone. Hindi mo kasalanan iyon. You dislike them for a reason, but as long as you're not doing anything to hurt them then you're good."
Napatitig ako sa kanya. "What if I did something to hurt them? Masama na ba ako no'n?"
"It depends. If that ruined them, then yes. If you're just doing it to piss them off, hindi naman siguro."
I like Nicolaus for taking my side. Kahit na hindi ko pa naipapaliwanag ay ipinararamdam na niyang nasa panig ko siya. He knew about my dillemas lately and he did a great job listening to it.
"Will you come to my party?" Marahas siyang napabaling sa akin. "I mean, kung hindi ka busy. You can bring everyone you like. Siguro naman pwede akong mag-imbita dahil party ko naman 'yon, 'di ba?"
"Are you sure?"
Ipinihit ko ang katawan paharap sa kanya. I almost touched his hair. Mabuti na lang at nakatali iyon. Umangat siya at itinukod ang siko sa buhangin para matitigan rin ako pabalik.
Napatingala ako sa kanya. His face was too close. His brown skin was being complimented by the orange sky. He was like a greek God hovering me, parang nakalimutan ko biglang huminga. Mas lalo pa nang basain niyang muli ang namumulang mga labi.
Bago pa ako tuluyang maligaw sa pagtitig sa kanya ay marahan na akong tumango.
"Come to my party, Nicolaus. I want to see you there."
Mabagal ang naging pagkurap niya habang titig na titig sa akin. My heart pounded loudly inside my chest when his eyes stared on my lips. Pinilit kong huwag mapalunok lalo na sa pagrolyo ng kanyang adams apple habang patuloy na nakatitig sa mga labi ko.
"Okay... Sabi mo, eh..." He muttered under his breath before he rebelliously pulled his eyes back to mine.
~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top