CHAPTER 6

Chapter Six

Bolero


I knew it was Nicolaus. Nababaliwan nga lang ako kung paano niya nakuha ang number ko gayong wala naman akong pinagbigyan ni isa sa kanila kagabi.

I bit my lip as I start typing my reply.

Ako:

Roses are red. Violets are blue. Hindi ko kailangan ng boyfriend, who you?

Wala pang kalahating minuto ay tumunog na ulit ang telepono ko. Speed.

Unknown number:

Fine, but if you need one, nasa unahan ako ng pila.

Ako:

I don't need a boyfriend. Mas lalong hindi kita gustong maging boyfriend Nicolaus.

Unknown number:

So you know it's me, huh?

I was entertained by him so I continued replying. Ayos na rin dahil nawawala ang badtrip ko sa mga nangyari kanina sa hapag.

Ako:

Sino pa ba?

Unknown number:

Save my number then.

Ako:

Lol. I-block kaya kita.

Unknown number:

Mawawalan ka ng poging stalker.

Ako:

Stalker lang, you mean?

Unknown number:

Sus haha. Wait, ang bilis mo mag-reply ah? Hindi halatang na-miss mo 'ko.

Wala sa sariling napairap ako. Gaya ng sabi ko, marami na akong nakilalang katulad ni Nicolaus pero siya yata ang bukod tanging nagpangiti sa akin imbes na inis. Yes, he can be irritating sometimes, but I don't know. There was something in him that I just couldn't ignore.

Ako:

Asa ka. I'm just bored. Pampalipas ka lang ng oras.

Unknown number:

Okay na rin 'yan. Time is precious and you're giving me time now. Next time baka iba na ibigay mo. Ready na agad.

Dumapa ako sa kama dahil nangangalay na ang kamay ko kaka-type ng reply sa kanya.

Ako:

Natural ka talagang malandi 'no? Ganito ka mambola ng mga babae?

Unknown number:

First of all, mapagmahal ako at hindi malandi. Second of all, hindi kita binobola. It's not my fault you're my type, Zabryna. Hindi ko kasalanang sobrang ganda mo para hindi magustuhan.

Ako:

Ang sarap mong i-block.

Unknown number:

Mahalin mo na lang. Masarap din naman 'yon.

Nicolaus became my regular text mate. At sa bawat pag-uusap namin ay hindi nawala rito ang mga pangungulit na ikinatutuwa ko. At least he could make me smile. Buong araw na lang kasi akong nakasimangot lalo na kapag kaharap ang mga anak ni Papa.

Isang linggong hindi ko nakita ang magpipinsan. Bukod sa bahay, isang beses lang rin akong nakalabas nang sumama akong mamalengke kasama ang mga Ate. I don't know where else to go.

Nicolaus and his cousins were on their home in San Antonio. Sa kabilang town pa iyon at ilang oras rin simula rito sa Buenavista. Naiilang rin ako sa bago kong bodyguard dahil hindi ako sanay pero ayaw ko namang tanggihan ang hiling ni Daddy. In short, wala akong kaibigan, wala akong alam na puntahan kaya natuto akong manahimik.

Essa's party will be held at Delaney Hotel And Resort. Mauuna iyon sa party ko nang dalawang linggo pero naghahanda na ang lahat. She invited all the students at her university. Lahat ng requests niya ay ibinigay ni Papa.

Halos malula nga ako nang makita ang labing walong pahina na laman ang pangalan ng kanyang mga bisita. Papa rented the whole hotel for that. Oo nga't sanay naman na sila sa yaman at siguro ay barya na lang iyon para kay Papa pero hindi pa rin ako makapaniwala. I would rather spend millions on people who needed it the most rather than invite everyone to a fancy party just so I could impress them. Well, siguro nga ay iba-iba lang ang kasiyahan ng mga tao.

"Napakaganda mo, Roshlin. Tiyak na babagay sa 'yo kahit na anong kulay ng damit." Si Ate Nati habang sinusukatan ako para sa aking gown.

I told Papa that I would just buy my own gown from the mall, but he insisted to make one for me. Essa has eight gowns throughout the evening of her party. Hindi ko alam kung kada isang oras ba siya magpapalit, pero iyon ang plano. Napapailing na lang ako. It was not even her debut.

"Ayaw ko na ngang magpagawa, Ate. Isang gabi lang naman kasing gagamitin... no offense." Sabi ko nang matitigan ang nagsusukat sa akin, ngumiti lang ito.

"Hay naku, ano ka ba! Kailangang maganda ka sa gabing iyon kahit hindi mo pa party! Aba't hindi naman tamang sila lang ang pagagawan ng damit! Given na hindi mo na kailangan dahil kahit ano namang suotin mo ay mahahawa sa ganda mo, pero syempre kailangang kabugin mo pa rin ang mga kapatid mo."

Napapailing akong nangiti. I let the girl get my measurements. Nang matapos ay saka ko lang nabalikan si Ate Nati.

Sumunod siya sa akin sa vanity mirror at nagpresintang suklayin ang mahaba't tuwid kong buhok. I let her. Hindi ko naiwasang ma-miss si Mommy. She loves my hair. Kaya hindi ko iyon nagagawang pagupitan dahil gustong-gusto niya iyong suklayin.

"Hindi naman sa sobrang sama ko sa mga Tita at kapatid mo pero sumaya talaga kaming narito ka Roshlin. Isang linggo pa lang simula ng dumating ka ay mas naging ganado kami sa trabaho. Tuwang-tuwa pati si Tiya Cancia sa 'yo. Oo nga pala, gusto mo raw ba ng cookies? Magbi-bake daw siya ngayong araw."

"She bakes?"

"Oo! Panadera iyan si Tiya! May maliit kaming bakery noon bago siya napunta rito. Minsan ay nagbi-bake talaga 'yan kaso ay para sa amin lang. Gusto mo ba? May gusto ka bang ipagawa? Malupit 'yon!"

Lumiwanag ang mukha ko. "Kahit ano Ate Nati. I can't wait to try that!"

"Sige at sasabihan ko kaagad!"

I thanked her for combing my hair. Nang mawala siya ay ipinagpatuloy ko iyon. My heart felt heavy at the thought of my mom. I missed her so much...

Ipinilig ko ang ulo at imbes na malungkot dahil sa pangungulila sa kanya ay lumabas na lang ako ng kwarto para makisali sa mga Ate.

Dahil wala sila Tita Myrcelle at ang mga anak nito ay malaya akong nakatulong. Nagpaturo ako kay Manang Cancia sa pagbi-bake and she was indeed good at it.

Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kusina dahil sa amin. We were just interrupted when Toni entered the room, mukhang tapos na sa trabaho. Her eyes darted immediately at me. Nginitian ko siya. She smiled back pero alam kong hindi iyon bukal sa loob.

"Oh Toni, tapos ka na ba sa pinagagawa ko?"

"Tapos na, Manang." sumulyap lang siya sa ginagawa namin bago nagmamadaling umalis.

"Pangit talaga putang ina."

"Flor!" natatawang suway sa kanya ni Ate Nati na inirapan niya lang.

"Flor, ang bibig mo ha? Hindi iyan maganda."

"Tiya, napakabait mo talaga sa babaeng 'yan! Nakakainis na. Naku, may araw rin 'yan sa 'kin! Titirisin ko talaga siya nang pinong-pino!"

"Flor, hayaan mo na at tapos na iyon," binalingan ako ni Manang Cancia. "Pasensiya ka na kay Toni, hija. Masyado lang iyang loyal kay Myrcelle–"

"Sipsip kamo, Tiya!"

Kinuha sa akin ni Ate Nati ang mga chocolate at siya na ang naglagay sa mixer.

"Basta huwag kang masyadong maglalalapit sa babaeng 'yan, Roshlin. Para 'yang ulol na pitbull na aatake na lang bigla. Huwag kang magtiwala."

Napabuntong-hininga na lang si Manang Cancia dahil nagkasundo na ang dalawa sa pag-wa-warning sa akin tungkol sa babae.

The cookies and other pastries were actually good. Kahit na ayaw nilang isabay ko iyon sa hapag ay wala na ring nagawa ang matanda.

Papa liked it. Tita Myrcelle and her daughters did not even try. Okay lang naman dahil sapat na ang pamumuri ni Papa para matuwa ang matanda. He even urge her to bake every weekends. Sinabihan rin nitong turuan ako na mas lalo kong ikinatuwa.

I knew how to cook, but I was always curious about baking. I kind of love the thought of being in the kitchen. Matagal ko nang pinag-iisipan kung ano ang kukunin ko pagtungtong ko nang kolehiyo and I was considering taking culinary, but then, I had a long way ahead of me. Hindi ko pa alam kung paano at ano ang mangyayari sa susunod na araw. Bahala na...

Sa day off ni Ate Flor ay isinama niya ako sa kanilang bahay. They live near the beach. Bukod sa maliit na palaisdaan, ang pamilya niya ay nagpapalaki rin ng mga baboy at manok at ibinibenta kapag pwede na. Just like Ate Nati and Manang Cancia, they were all bread winners of their family.

Nilibot niya ako sa kanilang lugar. It was nice to meet a lot of people. Tuwang-tuwa ang mga ito sa akin at ayaw pa nga akong paalisin.

Pag-uwi ay parehas pa rin ang sistema. I'm just glad Papa went home early so the dinner wouldn't be a disaster. Noong nakaraan kasing kaming tatlo lang ay kulang na lang gilitan nila ako sa leeg gamit ang kutsilyong panghiwa ng steak.

Playboy:

Heyyy!

Kusang rumolyo ang mga mata ko nang makita ang pangalang iyon sa aking screen.

Katatapos ko lang i-check ang mga e-mails ko. Bukod kasi doon ay wala naman na akong social media accounts na pwedeng tignan. I deleted all my accounts and I'm not planning to create a new one. Good thing I still have my Netflix and spotify account. Iyon na lang ang bumubuhay sa akin.

Ako:

Ano? Bored ka? Wala kang mabola ngayong gabi?

Playboy:

Sus. Alam kong gusto mo rin akong kausap nahihiya ka lang mag-text. I got you, boo.

Ako:

😵‍💫🤢🤮

Ako:

Ang kapal talaga ng mukha.

Ako:

Actually pinagdarasal ko ngang huwag ka ng mag-text. Panira ka ng gabi.

Playboy:

Talaga ba? Tatlong message agad ah. Miss na miss na miss?

Ako:

🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮

Playboy:

Hahaha. How are you? Lapit na party mo, ah.

Kahit paano ay nakahinga ako ng maayos nang malihis ang mga panglalandi niya sa akin. I told him that once. Kasagsagang wala akong makausap. I actually told him a lot. Gano'n ako ka-bored.

Ako:

Bored. Hmm, wala naman 'yon. Hindi naman importante. Gastos lang.

Playboy:

Don't say that. Pinaghandaan ng Papa mo 'yan meaning gano'n ka kahalaga sa kanya. He is already proud of you for being his daughter. Do you know how rare that is? Enjoy mo lang.

Ako:

I am grateful, alright pero wala akong kilala do'n. I don't even like fancy parties. Paano kung makabasag ako? Paano kung maging clumsy ako? Nakakahiya lang para sa kanya.

Playboy:

Kahit magwala ka do'n, kahit basagin mo lahat bayad ng Papa mo 'yan. Ikaw ang alas, ikaw ang mahalaga. It's your party. Don't stress too much about it. Sayang ganda mo pa naman.

Ako:

Nasingit mo pa 'yon? Malandi ka talagang nilalang.

Playboy:

At least sa 'yo lang.

Ako:

Huwag ako, Kulas.

Playboy:

Nicolaus Aegon, hindi Kulas. Pangit pota.

Napahagikhik ako sa nabasa. Pansin ko ring iritang-irita siya kapag tinatawag na Kulas. I called him that just to piss him off. Nagtipa ako ng reply.

Ako:

Cute kaya ng Kulas.

Playboy:

Jowain mo na, cute pala eh.

I almost choked on my own saliva because of his reply! What the hell! Hindi ako nagpatalo.

Ako:

Pass. Busy ako.

Playboy:

Sulit ka dito, Roshlin Zabryna. Walang tapon, promises. 😏

Ako:

Ewww! And please, stop calling me that. RZ is fine.

He sent a laughing emoji. Napapailing na lang ako.

Playboy:

Ang iksi masyado. Baby na lang. Do'n rin naman papunta.

Ako:

Luh? Asa ka? HAHAHAHA

Playboy:

Sige lang tumawa ka. Kapag niluhuran kita iyak ka.

Hindi ako umubra sa mga birada ni Nicolaus. I had a boyfriend once. May mga nanligaw na rin sa akin at nakatanggap na rin naman ako ng ilang libong pambobola pero iba ang isang ito. Bihasang-bihasa siya sa ginagawa at kung priority ko lang ang pagbo-boyfriend ay baka isang text niya pa lang bumigay na ako.

Nicolaus can be a man whore, but he wasn't that bad. He got the looks, the charm and definitely the talent. Wala pa akong naging boyfriend na dancer, but I think I am into one. Isang beses ko pa lang siyang nakitang sumayaw parang ina-anticipate ko na ang mga susunod. Actually hindi lang naman siya, silang lahat.

I met some of my sisters friends the day before Essa's party. Mababait naman ang mga ito pero halatang gusto akong itaboy ni Essa at huwag sumama sa kanila kaya hindi rin ako nagtagal.

Nasa pool silang lahat at nagpa-party. Pupunta na sana ako sa kwarto ko para manuod na lang ng kung ano sa Netflix nang may mag door bell.

The Ate's were busy with their visitors kaya ako na ang nagbukas no'n. Bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Parehas kaming nagkagulatan. He was the guy with the dog. Sa kanya iyong nilaro ko noong araw na napadpad ako sa lugar na ito.

"H-Hi!"

"Hey! Have we met?" Agad niyang tanong, nahinto sa pagpasok.

Tumango ako. "Lola's yours, right?"

Lumawak ang ngiti sa mga labi niya. "Right! I knew it. I'm sorry hindi ako nakapagpakilala sa 'yo. I'm Isaac and you are?"

"Roshlin Zabryna, RZ na lang," namilog ang mga mata niya, mukhang may ideya na kung sino ako. "Yep, that's me."

Kahit na papasok na kami sa loob ay hindi nawala ang titig niya sa aking hindi pa rin makapaniwala. He looked like he has a lot of questions for me, but we were interrupted by Fyrcelle's loud voice.

"Isaac!" may pagmamadali siyang lumapit sa lalaki upang hatakin paalis sa tabi ko.

Napaatras ako nang halikan niya kaagad sa labi ang huli, minamarkahan ito sa aking harapan. Mukhang nagulat rin ang lalaki sa tinuran ni Fyrcelle pero sa huli ay nginitian lang ang babae.

"I'm so glad you came! Nasa labas na sila tara–"

"Wait," Isaac pulled her hand. Bumaling siya sa akin. "Thank you, RZ."

Tumango ako at ngumiti. "You're welcome."

"Aren't you joining us?"

"Zac, she's busy and she's not joining us!" agad na singit ni Fyrcelle.

Nanatili ang titig sa akin ni Isaac, hinihintay ang sagot ko kahit na sinagot na iyon ni Fyrcelle.

"Busy ka? Are you going out?"

I looked at the girl who was glaring at me. Alam ko na ang tinging iyon. Wala naman talaga akong balak makihalubilo sa kanila pero ngayong alam kong masisira ang araw ni Fyrcelle ay agad kong nilawakan ang ngiti kay Isaac.

"You know what, I kind of want to meet new friends. Susunod na lang ako sa pool."

"Great!"

I smiled sweetly at him to pissed Fyrcelle more before I left them. Kahit nakalayo na ako ay naririnig ko pa rin ang boses nila lalo na ang matinding iritasyon ni Fyrcelle.

"Isaac!"

"This is crazy! You didn't tell me she's home. Sana nakapagdala ako ng kahit bulaklak."

"Flowers?! Why would you bring her flowers! Ugh! I hate you!"

Marami pa silang naging sagutan pero dahil lumabas na si Fyrcelle pabalik sa pool ay hindi ko na narinig.

Napapailing na lang ako habang nagpapalit ng swimsuit. Glad I brought some swimwear with me. Kakaunti lang ang damit ko at hindi pa ako nakakapamili. I need to put that on my list. Bukas ay mag-sa-shopping ako, pero sa ngayon ay mang-aasar muna.

Umayos ako ng tindig sa harapan ng salamin matapos magpalit. Hindi ko ugaling mang-away pero mas lalong hindi ko ugaling magpaapi. If they want to have a beef with me, then fine. Hindi ko sila aatrasan.

Bago pa ako lumabas ng kwarto ay napangiti na ako nang makita ang text ni Nicolaus, tuluyan nang lumakas ang loob ko matapos iyong basahin.

Playboy:

Gandang hapon ganda mo sobra. Text?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top