CHAPTER 5

Chapter Five

Playboy


Kahit na ilang beses kong sinabing busog pa ako ay hindi na rin ako nakatangging samahan sila. Paano ko ba naman iiwan si Venus kung buong durasyon ng paglalakad namin ay puro pangongonsensiya ang sinabi niya sa akin.

"Ngayon lang napayapa ang araw ko kasama 'yang mga 'yan dahil sa 'yo, so pretty please? Join us?"

That finally convinced me to join them. Hindi ko napasalamatan kaagad si Nicolaus dahil naiilang ako sa bawat ngisi ni Riggwell sa tabi nito sa bawat sulyap ko sa lalaki.

"Ano ba!"

"This is not for you!" mabilis niyang itinulak palayo ang chopsticks ni Riggwell na handa na sanang kunin ang beef na niluluto niya.

"Napakadamot mo para pahingi lang, sige na kasi!"

Nagmamadali niyang kinuha ang tongs at dinampot lahat ng lutong beef saka inilagay sa plato ko. Nalaglag ang panga ko sa ginawa ni Nicolaus.

Ngumisi siya at agad na napakamot sa ulo dahil hindi ko naman hiniling 'yon.

"I assumed you like beef more kaya nilutuan kita."

"Gusto ko rin naman ng beef."

Maagap niyang nahawakan ang kamay ni Riggwell na akmang nanakawin ang beef na inilagay ng pinsan sa plato ko. Napabusangot siya pero ang titig ni Nicolaus ay hindi natanggal sa akin, maging ang malawak niyang ngiti.

"You can have it Riggs." Nakangiti kong baling rito na ikinalaglag ng panga ni Nicolaus lalo na nang matuloy ang pagkuha ni Riggwell sa ilang beef na inilagay niya sa plato ko.

"Ang sarap talaga! Magluto ka pa, 'di ba bida-bida ka? Sige, ipagluto mo ako." nang-aasar na utos niya sa pinsan.

Napangisi ako. Nicolaus turned to him and gave a sarcastic smile before giving him a death stare. Venus laughed at that. Ang dalawang lalaking nasa kabilang lamesa naman ay natawa lang rin sa patuloy na pag-aaway ng dalawa.

"So, how come ngayon ka lang yata namin nakita rito? Bagong salta ka ba?" tanong ni Riggs habang ganadong kumakain.

"Yeah... I actually got here yesterday. Noong nakita ko kayo sa parkour, kadarating ko lang dito."

"Really?" bumagal ang kanyang pagnguya. "Sabi ko na nga ba."

"Why? How can you tell?"

"Lahat ng mga magaganda rito ay mabilis makilala, Zab. Isa pa, your talent in dancing was amazing. I've never seen quite like it. Are you a part of a dance group or something?" si Venus ang sumagot.

Umiling ako. "I've never been part of any crew. I flew solo I guess. Hindi rin naman kasi ako madalas sumasayaw."

"Humble." bulong ni Nicolaus kaya napabalik ang titig ko sa kanya.

"Paano mo nalamang marunong akong sumayaw? Bakit mo ako hinamon ng dance off?"

Nagkibit siya ng balikat. "I just knew."

Ngumisi si Riggwell pero kahit na maraming gustong sabihin ay hindi itinuloy bilang respeto sa pinsan.

"So, where do you live?" si Venus ulit.

"Sa Milagros lang."

"Oh," her jaw slightly dropped at that. "Really? I knew some people there." nagkatinginan silang tatlo.

"Mukhang big time pala 'tong si Zabryna..." si Riggs.

"Not me. Si Papa siguro." nahinto ako sa pagsasalita.

I knew nothing about my father. Ang alam ko lang ay big time ito at mayroong sariling negosyo sa lugar at mga karatig siyudad pero hindi ko alam kung ano.

"What's his name?" Venus asked after drinking her water.

Uminom rin ako bago sagutin ang tanong niya. "Rucio... Rucio Almanzerano."

"Sir Rucio Zulian Almanzerano?!" Eksaheradang bulalas ni Riggwell dahilan para matuon sa amin ang atensiyon ng ilang mga kumakain sa restaurant.

I nooded at him. "Y-you know my father?"

"Are you kidding me?! He's a legend in basketball! Their team dominated every basketball tournament in this town! Wow, really?!"

"But, I thought she only have two daughters?" singit ni Seidon. "And we've seen both of them, right?"

Venus agreed. "You mean..."

"Anak ako ni Rucio sa una niyang asawa... My father married my mother first."

Kahit na mahabang kwento ay nagawa kong sabihin kung paano ako naging anak ng isa sa pinakamayamang negosyante at kilala sa lugar ng Buenavista. They were speechless at first, pero sa kanila ko nalaman ang negosyo ng Papa ko.

My father owned Milagros subdivision and some of the others outside Buenavista. He came from a family of engineers. Almanzerano Holdings Inc. construct wide variety of projects ranging from residences to multi-storey hotels, condominiums, theaters even large commercial complexes. Halos malula ako sa lahat ng sinabi ni Achilles tungkol doon.

"Your father was one of the most humble person we've ever met." aniya sabay kwento na rin ng iba sa mga experiences nila nang makilala ang Papa ko.

Yup, they all knew him. Hindi na ako magtataka kung dadagsain ang party na plano niya para sa akin dahil ngayon pa lang ay wala na akong duda sa kanyang mga koneksiyon.

Hindi naubos ang usapan sa lamesa. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya ang mga ito sa parke. Dahil nalibang na ako sa kanila ay hindi na ako tumanggi. Si Mang Diego naman ay nasa sasakyan lang at naghihintay lang raw sa akin. Hindi na ako nagpaalam.

Kinuha nang kambal ang kanilang mga skateboard. Nauna sa paglalakad si Seidon at Achilles kaya nagkaroon ng pagkakataon si Nicolaus na pantayan ako sa paglalakad.

"Thank you sa libro, nakakahiya sa 'yo. Hindi mo na sana binili."

"Ako nga ang dapat mahiyang nilibre ka eh, kahit buhay ko kaya mo naman pa lang bilhin."

Napanguso ako't nailing sa kanyang sagot. "Papa ko lang ang mayaman at hindi ako. I can't buy you."

Napatingala ako sa kanya nang hindi siya sumagot. I saw a playful smile on his face, tumaas ang isang kilay ko.

"Hindi naman ako magpapabili... Libre lang basta ikaw."

Nababaliwan akong umiling. "Galawang playboy." I spat.

"Sus, don't judge the book by its cover, Zabryna." he said my name gently. Napaiwas ako ng tingin.

"I knew a lot of people like you, Nicolaus. Kahit hindi kita i-judge, alam kong 'yon ang totoo."

Imbes na ma-offend ay natawa lang ito.  "Playboy man sa iyong paningin, kayang magmahal ng matindi pa rin."

I suppressed a laugh. "Daming alam."

"Oo naman. Gusto mo bang may malaman sa mga alam ko?"

Kunot noo ko siyang binalingan, bumagal ang lakad ko nang bagalan niya ang bawat hakbang. His dark orbs remained on me, nangintab iyon sa tuwa kasabay nang pagbasa niya sa kanyang pang-ibabang labi.

"'Wag na, baka ma-fall ka."

"Ang kapal mo." My eyes rolled at him.

"Cute mo."

"Huwag mo akong bolahin, Nicolaus. Hindi tatalab sa 'kin 'yan."

"Hindi naman bola 'yon. I only spit facts, baby. Alam mo kung ano pang totoo?"

Inirapan ko siya ulit. Naghalukipkip ako at umiling pero hindi siya natigil sa pangungulit.

"Sobrang ganda mo..."

Inirapan ko ulit.

"Isa pang irap mo mamahalin na kita."

That made me stop rolling my eyes! Sinapak ko ang braso niya. God his words were making my stomach churn!

"Playboy!"

He laughed harder at that, pero natigil sa pangungulit nang makarating na kami sa parkour.

Tinabihan niya ako nang maupo ako sa gilid habang sila Seidon ay may binating mga kaibigang naroon. Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko siya sa mga pasimpleng sulyap sa akin, hindi rin alam kung ano ang mga sunod na ibibira dahil alam na sigurong babarahin ko.

"Can I borrow your phone?" nilingon ko siya. Inangat niya ang kanyang telepono na hindi umilaw. "Low batt na eh. May load ka naman 'di ba? Okay lang ba?"

May pag-aalinlangan kong ibinigay ang telepono ko. Lumawak ang ngiti niya at kinuha iyon. Maya-maya ay may tinawagan na siya.

"Nandito pa kami sa parke, Ma. Basta uuwi kami bukas diyan..."

Hinayaan ko siyang makipag-usap sa tinawagan hanggang sa matapos. Saktong pagbalik niya ng telepono ko ay nakabalik na ang kambal dala ang kanilang mga skateboard. I watched them skate.

Maraming mga dumating na kakilala nila kaya hinila ako ni Venus at inilayo kay Nicolaus para ipakilala sa mga ito.

I had a fun night. Hindi ko na namalayan ang oras. Ilang beses na ring tumatawag sa akin si Mang Diego pero dahil sa sobrang busy ko't saya sa mga kasama ay wala akong nasagot.

Mag-a-alas dies na nang mapagpasyahang magsiuwian ng lahat.

"Zab, sabay ka na?" yaya ni Riggs habang kinukuha sa kakambal ang skateboard nito.

"May naghihintay sa akin," inangat ko ang aking telepono para sabihing hinihintay ko na lang ang tawag nito.

Tumango sila. Lumihis ang tingin ko kay Nicolaus na hindi na yata nagsalita simula nang iwan ko siya kanina. He just kept watching me. His hair was tied in a bun now. Ngumiti siya sa akin. I smiled back. Saktong tumawag si Mang Diego kaya nagpaalam na ako sa kanila pero hindi nila ako iniwan. We all waited for my ride.

"I hope we can hang out again, Zab." si Vivi.

"Oo naman. I'm free the whole vacation."

"Really? Dito ka lang?"

"Yeah."

"So wait, are you staying here? I mean, nakalimutan kong itanong kung magbabakasyon ka lang ba o dito ka na titira?"

Napalunok ako sa tanong na 'yon, pero bago pa makasagot ay huminto na ang sasakyan ni Papa sa aming harapan.

"I-I gotta go. I talk to you soon," paalam ko sabay baling sa mga lalaki. "Nice to meet you all. Thank you for today. It was fun."

They all nodded at me. Sa paglihis ng mga mata ko't pagtuon kay Nicolaus na nasa mga bulsa ang kamay ay napatuwid siya ng tayo.

"Thank you ulit." sabi ko sabay angat sa hawak na paper bag.

He nodded slowly. "Basta ikaw."

Napailing na lang ako nang mapangisi ang lahat lalo na si Riggwell na nakita ko pang bahagyang tinapakan ang kanyang sapatos pero hindi niya inintindi. His eyes never left mine as we drove away.

Wala sa sariling napailing at napangiti na lang rin ako nang tuluyan na kaming mapalayo.

Ilang beses akong nagpaumanhin kay Mang Diego pero ako pa ang inalala niya. Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi niya dahil nanatiling okupado ang utak ko sa mga bagong kaibigan at nangyari kanina kaya nang makauwi at makita kaagad ang dalawang babaeng nakahalukipkip sa entrance ng bahay ay kumalat na ang kaba sa puso ko.

"Patay tayo..."

"Po?"

Hindi siya nakasagot nang nagkukumahog kaming nilapitan ni Ate Nati at Flor.

"Roshlin, saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap!" si Ate Flor.

"Ni Papa po?"

"Hindi makakauwi ngayon si Senyor Rucio pero si Madam Myrcelle ay kanina ka pa hinihintay."

"Hindi ka nakasama sa dinner n'yo." si Ate Nati naman habang kinukuha ang paper bag na hawak ko.

Mas lalong nalukot ang noo ko sa narinig. "Bakit ano pong kaso? Nasa akin ba ang kaldero? Hindi ba sila makakakain ng wala ako?"

Ate Flor pulled me quickly towards the house. Mas lalong lumakas ang kalampag ng puso ko sa pagmamadali nilang dalawa.

Nalagpasan ko ang mga step sisters kong may malawak na ngisi. Nagbulungan pa ito pero hindi ko na narinig dahil sa paghila ng dalawang mga Ate sa akin. Natigil lang sila nang harangin kami ng bagong mukhang kasambahay.

"Ako na ang maghahatid kay Roshlin." malamig niyang sabi sa mga kasama ko na agad akong binitiwan kahit na mukhang labag sa kalooban nila.

"Nasa opisina na ba si Madam Myrcelle, Toni?"

"Oo at kanina pa naghihintay." walang amor na sagot niya kay Ate Flor sabay baling na ulit sa akin.

"Sundan mo na lang ako, Roshlin." aniya at tumalikod na.

May pag-aalinlangan akong hinawakan ulit ni Ate Nati pero wala nang sinabi.

"Ilalagay ko na lang ito sa kwarto mo, Roshlin." si Ate Flor tukoy sa mga libro ko bago ako pasundin sa isa pang kasambahay.

Natigil kami sa harapan ng isang silid. Hindi ko pa nato-tour masyado ang bahay pero ang alam ko ay opisina iyon ni Tita Myrcelle.

"Kanina ka pa hinihintay ni Madam Myrcelle," anang Toni nang balingan ako. "Sa mall ka lang naman nagpunta, hindi ba?"

My eyes squinted at her question. "Do I need to answer you? Hindi ba si Tita Myrcelle ang kakausap sa akin? Ikaw na lang ba dapat ang sagutin ko?"

Wala sa sariling napaawang ang kanyang bibig sa aking sagot. I don't really want to be rude, but she has this aura that I couldn't stand. Parang gaya ng aura na nararamdaman ko sa dalawang step sisters ko at sa ina nila. Pakiramdam ko kasi ay iisa lang sila ng hilatsa.

God, when did I became judgemental?

Dahil sa pambabara ko ay hindi na siya nakasagot. She opened the door for me. Tumaas kaagad ang kilay ni Tita Myrcelle nang mabaling sa amin.

"Magandang gabi, Madam. Narito na po si Roshlin, kadarating lang." diniinan niya ang mga huling salita bago ako hawakan at ilapit sa babae.

Hindi ako nakagalaw dahil sa nagdidilim na titig sa akin ng asawa ni Papa. She looked so mad and annoyed to see me.

"Thanks, Toni."

Ngumisi ang babae bago ako bitiwan.

"Sit."

Sinunod ko kaagad. Nanatili si Toni sa gilid namin.

"Do you know what time is it?"

Tamad kong sinulyapan ang wrist watch ko. I told her the time. Mas lalong nagngitngit ang panga niya.

"I know you are still not aware of the rules in this house, but I want you to know that we have a lot," napatuwid ako ng upo nang hilahin niya ang swivel chair palapit sa kanyang lamesa. "At isa na roon ang oras nang pag-uwi. You are not allowed to stay outside this house beyond nine in the evening. Bago mag alas nuebe ay dapat nasa bahay na ang lahat, naintindihan mo ba?"

Imbes na sang-ayunan siya ay hindi napigilan nang labi kong matawa.

"Sorry," I said as I suppressed a laugh. "Sorry, continue, please."

Pakiramdam ko ay nadudurog na ang mga ngipin niya sa galit dahil sa aking reaksiyon.

I knew she hates me the moment we met. Naiintindihan ko naman dahil para nga naman akong kabuteng kung saan lang sumulpot, pero hindi ko sigurado kung sapat ba iyon para magalit siya ng ganito. I mean, being mad at someone was just a waste of good energy. Ako yata ang mapapagod para sa kanya.

"You are my husband's daughter we all get that, but let me remind you of your place, Roshlin. Nakikitira ka lang sa pamamahay ko kaya wala kang karapatang bastusin ang mga patakaran ko rito."

That wiped my smirk. Hindi dahil natakot ako kundi dahil baka mangisay na lang siya sa galit. I nodded at her.

"From now on, you will be home before nine pm maliwanag ba?"

"Yes. Anything else, Tita Myrcelle?"

Naningkit ang mga mata niya. "Respect my time and anyone in this house. Huwag kang gumawa ng kahit anong gulong ikasisira ng pangalan ng ama mo, do you understand?"

That was too much and I wanted to give her an argument, but I let it go. Imbes na makipagtalo ay sinang-ayunan ko na lang ang lahat ng mga sinabi niya.

Tita Myrcelle told my father what happened the next day. Kitang-kita ko ang pagbubunyi ng magkapatid dahil akala nila ay pagagalitan ako ni Papa pero nanatili silang bigo.

"Myrcelle, Roshlin is new to this place. Don't be too hard on her. Isa pa, kasama niya naman si Diego buong araw."

"Daddy, Toni saw her alone at the mall. Hindi niya kasama si Mang Diego!" singit ni Essa sabay tingin kay Toni na kapapasok lang sa loob ng dining habang dala ang juice namin.

I almost forgot about the other maid. Ngayon pa lang ay alam ko nang isa siya sa magiging balakid sa buhay ko.

"I asked Toni to run errands for me. Nakita niya doon si Roshlin kahapon at tama ang sinabi ni Essa." Toni silently poured juice on my glass with a smirk on her face.

Papa turned to me. "Is that true, hija? Hindi ba't ang bilin ko ay kasama mo dapat si Diego sa lakad mo?"

"Pa, Mang Diego is too old to accompany me. Isa pa, hindi naman siya umalis sa mall. He waited for me. Ako ang may sabi no'n at wala siyang kasalanan. Wala namang nangyari sa aking masama. Naawa lang ako sa matanda kung bubuntot siya sa akin buong araw. He doesn't have the energy for that."

Papa heave a sigh. I waited for him to scold me, but it did not came. He turned to Tita Myrcelle instead.

"Diego is really too old for that job. Can you call someone from the agency, Myrcelle? Gusto kong kuhaan mo ng personal na bodyguard si Roshlin."

Their jaw parted at that. Ang akala nilang magiging pagalit ay mas napabuti pa yata para sa akin.

"Papa, hindi naman po kailangan–"

"I want you to be safe. We don't want to risk it lalo na't naipadala na ang imbitasyon sa party mo. Everyone will have an eye on you now. I always try to be the kindest person, but there will always be people who are envious. Kailangan mo ng siguridad lalo na kapag aalis ka sa bahay na ito."

"A personal bodyguard?!" si Fyrcelle, hindi na nakatiis sumingit sa usapan. "Daddy, I asked you to give me a personal bodyguard, but you said one is enough for me and Essa. Bakit kay Roshlin, agad-agad? This is unfair!"

"Fyrcelle!" hiyaw ng ina niya kaya natigil siya sa pagwa-walk out.

"Hija, you and Essa are always on the same place. Ayaw n'yo namang isama si Roshlin sa mga lakad n'yo kaya kailangan niya ng sariling bodyguard."

"Still unfair, Daddy!" aniya at hindi na napigilan ang sariling umalis!

Iritado akong tinapunan ng tingin ni Essa bago nito sundan ang kapatid. Myrcelle's eyes darted on me. Kitang-kita ko ang pagpipigil niyang huwag akong sigawan sa harapan ng aking ama.

Bakit parang kasalanan ko?

Again, the dinner was a disaster. Pagod kong inihiga ang katawan sa kama at sandaling pumikit.

Parang mas nakakapagod pang kumain kasama sila kaysa ang maglibot sa mall. Ikinurap-kurap ko ang mga mata. Natulala ako sa ceiling at napukaw lang nang tumunog ang telepono ko dahil sa isang text.

Kunot noo kong binuksan ang message ng isang unknown number.

Unknown number:

Roses are red. Violets are blue. Ako na ang nag-text para hindi ka na mahirapang maging tayo.

~~~~~~~~~~~~

Full version of this story is only available on patreon and VIP group. Click the link on my bio or message me for details.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top