CHAPTER 3

Chapter Three

Money Can't Buy Everything


Malawak ang ngisi ko nang makapasok sa guest room na aking tutuluyan. Nasa baba iyon at malapit sa maids quarter. Ang tatlo raw kasi ay hindi ko pwedeng tuluyan dahil may mga bisitang darating ang asawa ni Papa sa isang araw, pero ayos na iyon sa akin.

Kumawala ang buntonghininga sa labi ko pero hindi na iyon sa bigat kundi dahil totoong gumaan na ang pakiramdam ko.

The room was plain white, but it was bigger than my room and it has everything so there was no reason to complain.

"Naku hija, pasensiya ka na talaga at hindi man lang napalitan ng ibang kulay ang kwartong ito. Hindi namin napaghandaan ang pagdating mo." nagkukumahog na pumunta sa kama ang dalawang kasambahay kasama ang isang may katandaan na nag-utos sa kanilang palitan ang lahat ng kulay pink.

"Okay lang po Manang Canciana," sabi ko sabay pigil sa dalawang kasama nito.

Nagkatinginan silang tatlo pero imbes na sundin ako ay hinila lang ako ni Manang Canciana palayo sa mga ito para makapagpatuloy sila sa ginagawa.

"Ano bang paborito mong kulay at nang iyon ang maipalit namin? Papapalitan ko na rin ang mga kurtina at sabihin mo kung ano pa ang kailangan mo–"

"Okay na ho ito sa akin. Okay na po ito."

Muli ay nagkatinginan sila lalo na ang dalawa pero mas lalo silang nabaliwan nang balingan ko sila at malawak na ngitian. Nahihiyang ngumiti ang mga ito pabalik at napatabi nang walang sabi akong lumapit muli sa kama at pabagsak na nahiga. Natulala silang tatlo sa akin.

"Ang laki ho pala ng bahay ni Papa. Ngayon lang ako nakapunta rito. Ilang kwarto ho ba mayroon ang bahay na 'to?" nakangisi kong tanong habang nakatulala sa ceiling.

"Siyam," si Manang Canciana nang makabawi. "Lima ang sa taas at apat naman ang guest rooms rito sa ibaba."

Mas lalo akong namangha. Umahon ako sa kama, napaatras palayo ang dalawa na tila hindi alam kung ano ang iaakto sa harapan ko. Muli ko silang nginitian sabay lahad ng kamay.

"My name is Roshlin Zabryna, pero pwede n'yo akong tawaging Rosh or Zab depende sa gusto n'yo."

May pag-aatubiling tinanggap ng isa ang kamay ko. "Natividad, Nati na lang ang itawag mo sa akin. Ito naman si Floriana o Flor at Cancia na lang rin ang itawag mo kay Tiya."

Nakangiti ko silang kinamayang lahat kahit na halata pa rin ang gulat sa kanilang mga mukha.

Kahit na ayaw ko ay wala akong nagawa dahil mapilit si Manang Cancia sa pagpapalit at ayos ng magiging kwarto ko. Aniya ay matagal akong mananatili rito at iyon rin daw ang utos ni Papa para naman maging at home ako.

Hindi ako umalis sa silid at ilang beses pa silang tinulungan kahit na parang gusto na lang akong ikadena ni Manang Cancia sa upuan para lang mapirmi.

Sa huli, wala pa rin silang nagawa. I am taller than all of them kaya ako ang nanguna sa pagpapalit ng mga kurtina.

"What are you doing?!" sabay-sabay kaming napalingon nang marahas nang marinig ang matinis na boses galing sa pintuan ng aking silid.

Bumungad doon ang nakahalukipkip na si Essa. Hindi pa ako nakakasagot ay marahas na niyang tinapunan nang tingin sina Nati at Flor na agad namang namutla sa kaba.

"Why are you letting her do your stupid job?! Trabaho n'yo 'yan 'di ba?!"

"Essa, ako ang nagpresinta–"

"I am not talking to you!" she cut me off.

Pumasok siya sa loob kaya napasiksik ang dalawa tabi ni Manang Cancia na halata rin ang pagkabahala sa mukha.

"Madam Ersylle–"

"You're all slacking off! Hindi ba't sinabihan na kayo ni Mommy na gawin n'yo ng maayos ang mga trabaho n'yo?!" Nanlaki ang mga mata ko nang ambahan niya ng sampal si Manang Canciana kaya wala sa sarili akong napatalon sa ibabaw ng upuan para lang maitulak siya!

"Essa!"

Her eyes widened at that! Gulat siyang napaatras! Hindi niya inasahan ang pagtulak ko! I was not here to make enemies, but I couldn't let her do that!

"How dare you!"

"How dare you, too!" I rebutted louder! "Ako ang may gustong tumulong sa kanila at hindi sila nagpapakatamad! They are doing their job and I was just helping them! Hindi mo kailangang manakit!"

"Shut up!" Inayos ko ang tindig nang akmang susugurin niya ako. When she saw that I was ready and not backing out, natigil siya. "Isusumbong kita kay Mommy! Kayong lahat! Mga walang kwenta!" histerikal na sigaw niya pagkatapos ay nagdadabog na nag walk out!

Hindi ako nakasagot sa bilis ng mga pangyayari. Pumipintig ang tainga ko at kung itinuloy niya lang ang pananakit sa akin ay baka napatulan ko talaga siya!

Kung hindi pa nanghihinang napaupo si Manang Cancia ay hindi pa mawawala ang titig ko sa nilabasan ng bruhang hindi naman maganda. Unang araw ko pa lang ay mukhang mapapasabak na ako.

Oh Lord, give me strength!

"Tiya..."

"Manang, ayos lang ho ba kayo?" nag-aalala kong baling rito. Nagkukumahog namang kumuha ng tubig si Flor.

"Ayos lang ako," namumutlang sagot niya sabay hawak sa kamay ko. "Roshlin, Hija, huwag mo sanang sabihin ito kay Myrcelle."

"P-Po?"

"May sakit sa puso si Tiya, Rosh..." si Nati sabay alalay na rin sa matanda. Mukhang kahit na hindi iyon dapat sabihin sa akin ay hindi na napigilan dahil sa nangyayari sa kanyang Tiya.

"Pero Manang–"

Humigpit ang kapit niya sa aking kamay. "Marami pa akong pinaaaral. Hindi pa ako pwedeng magretiro at kapag nalaman ni Myrcelle o kahit sino sa mga anak niya ang kalagayan ko ay tiyak na sisisantehin ako. Hindi pa pwede Roshlin kaya sana ay huwag nang makarating."

"Tiya..." lumayo ako para bigyang daan si Flor.

Pinanuod ko silang siguraduhing maayos ang kalagayan ng matanda. Natulala na lang ako hanggang sa kumalma si Manang Cancia.

"Pasensiya ka na, Roshlin."

"No, wala kayong kasalanan. We're all doing fine until that girl barged in. It wasn't our fault. Ako na ang magpapaliwanag–"

"Roshlin, hindi pwede. Hindi mo naiintindihan. Maraming patakaran sa bahay na ito at kapag hindi mo iyon sinunod ay baka madamay ka pa sa mga parusa."

Hindi ko napigilang matawa sa narinig. "Parusa? What the hell was that supposed to mean?"

Nagpalipat-lipat ang titig ko sa kanila pero pare-pareho silang atubiling sumagot. Tumayo si Nanay Cancia nang makabawi saka lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Malalaman mo rin ang lahat. Sa ngayon ay hayaan mo na munang gawin namin ang trabaho namin. Magpahinga ka na muna. Maghanda ka na rin dahil ilang minuto na lang ay kakain na kayo ng hapunan. Kailangan mong sumama at ibinilin rin iyon ni Senyor Rucio."

Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan sila at huwag nang pakialaman para hindi na mapagbuntunan ng galit.

Hinanda ko na lang ang sarili ko sa pagkikita namin mamaya ng pamilyang iyon. Oo nga't bago lang ako sa pamamahay na ito at wala akong karapatang makialam sa mga patakaran, pero hindi naman ako bobo para malaman kung ano ang tama at mali. I don't think I could keep mum about what was wrong. Bahala na kung saan aabutin ang tapang ko.

The two girls were staring at me when I got into the dining area. Bukod sa mga kasambahay na nag-aasikaso ng pagkain ay ang magkapatid na Fyrcelle at Ersylle pa lang ang naroon.

Nang makaupo na ako sa harapan nila ay nagbulungan sila. Mas lalong tumiim ang bagang ni Fyrcelle habang nakatitig sa akin dahil sa sinabi ni Essa. Imbes na mabahala ay malawak ko siyang nginitian.

"Hi!" Nilawakan ko pa ang ngisi ko nang irapan niya ako.

I suppressed a laugh. Masyado yata akong mai-entertain dahil mukhang pikunin ang dalawang pangit na 'to.

Good thing my father came before I died out of the tension between me and his step daughters. Iyon nga lang, ang paghinga ko nang maluwag ay agad ring napawi nang makita ang asawa nitong ang winged eye liner ay nananakal sa talas!

Matalim ang titig na itinapon niya sa akin, mukhang alam na ang nangyari dahil sa sumbungera niyang anak. Kumalma pa rin ako. I greeted both of them. Lumiwanag ang mukha ni Papa nang makita ako at hindi napigilang yakapin ako.

"Hi, Pa..."

"It's really good to see you here Roshlin, anak," emosyonal niyang sabi nang maghiwalay kami.

Parang hinaplos ang puso ko't ang mga mata ay gusto na namang manubig. Bago pa kami mag-iyakan ay inalalayan na ako ni Papa na maupo.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang sabay na pag-ikot ng mga eyeballs ni Essa at Fyrcelle. Binalewala ko na lang.

"How's your room? Okay ka lang ba doon? Hayaan mo't pagkatapos ng mga bisita ng Tita Myrcelle mo ay ipalilipat kita sa pinakamalaking kwarto—"

"Okay na ako roon, Pa. Hindi na kailangan."

Kahit na may pagtutol ay naintindihan niya ako. "Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi sa akin o sa kahit na sino sa helpers, okay?"

"Opo, Pa."

"Papa, alam mo na ba ang ginawa ni Roshlin kanina?" mabilis na singit ni Essa.

Bumagal ang pag-nguya ni Papa dahil sa sinabi nito. Kumunot ang noo niya.

"Ano iyon? Anong nangyari?"

"The maids were slacking off. I caught Roshlin changing her own curtains."

My jaw dropped at that! Is she serious?!

"Totoo ba iyon?" malumanay na tanong ni Papa na agad kong inilingan. Ang asawa niya ay nakikinig lang, mukhang nagpipigil pa.

"I volunteered to change my own curtains, Papa. Tumulong lang ako at wala silang kasalanan. Hindi slacking off ang tawag do'n. I was bored and I was doing nothing so I decided to help."

"But that is not your job, Hija," Myrcelle cut me off. Malawak siyang ngumiti, pero mas kinabahan ako doon imbes na mabunutan ng tinik sa dibdib. "You are our guest. Kaya nga may mga katulong ay para gumawa ng lahat ng mga trabaho rito. Sayang ang ibinabayad sa mga iyan kung hindi naman nila ginagawa ng maayos ang trabaho nila. Besides, you needs to rest. Alam kong malayo ang pinanggalingan mo so let them do their job." She continued in gritted teeth.

"I'm sorry if helping the helpers offended all of you, but they've done nothing wrong," binalingan ko si Papa at agad na hinawakan ang kamay niya. "Pa, wala silang kasalanan. Please don't fire them."

My father chuckled and then held my hand. "Why would I do that? Gawin mo ang gusto mo sa pamamahay na ito. Enjoy your stay here, Anak. This is your home Roshlin, too and no, I will not fire anyone."

Lumawak ang ngiti ko at hindi na inintindi ang mga babaeng kasama namin sa hapag kahit na dumidiin ang mga galaw ng kubyertos nila sa plato.

"You like to do household chores, huh?"

I proudly nodded at that. "May isang katulong si Mama noon sa paglilinis ng bahay namin pero hindi naman siya stay in. My mother taught me how to do everything in the house, too. My mom said, a girl should know every household chores as it provides life skills that I will carry into adulthood. Kahit anong estado sa buhay ay kailangan pa ring may alam sa gawaing bahay."

"So your mother treated you as a maid?" nakataas ang kilay ni singit ni Fyrcelle, may pangungutya sa labi.

Imbes na ma-offend ay nakipagtitigan ako sa kanya bago sumagot. "No. My mother just wanted me to learn so I could have the will to live independently someday. Hindi ba dapat lang na ituro iyon?"

"Sa mga mahihirap lang 'yan." singit naman ni Essa.

"Point taken, but what if one day biglang mawala lahat ng yaman n'yo? Will you survive kung ni pagbukas ng de lata ay hindi mo alam gawin?"

"What if hindi?" She rebutted.

"Roshlin has a point," Papa interjects. Nabaling sa kanya ang atensiyon namin. The two didn't like what he said. Pumalakpak naman ang tainga ko. "Masaya akong malaman iyan. Mabuti ang may alam sa buhay."

"That is not applicable to everyone Rucio, don't be ridiculous!" si Myrcelle na hindi na nakatiis sa pagtatanggol sa akin ni Papa, pero imbes na intindihin pa ay bumuntonghininga lang ito at saka binago ang topic sa hapag.

The tension became thicker and thicker each time. Mabuti na lang at wala namang nagliparang mga plato hanggang sa matapos kaming kumain.

Papa asked me to join him on the patio after our not so friendly dinner. Habang nakaupo at magkatabi ay hindi nawala sa mga mata niya ang kasiyahan. Alam kong marami siyang tanong pero hindi lubos makapagsalita dahil sa nag-uumapaw na emosyon sa muli naming pagkikita. Natutulala na lang siya sa akin.

"How's your mother, Roshlin? Is she doing great? Is she happy?"

Huminga ako ng malalim, pinagdiin ang mga labi bago siya sinagot. "She's doing fine, Papa. She's happier than ever."

"Did she... had someone... A father figure..." hindi niya maituloy na sabihin ang lahat pero naintindihan ko.

"Walang naging lalaki sa buhay ni Mommy maliban sa 'yo, Papa. She never dated anyone. Wala iyong ginawa kung hindi ang magtrabaho lang para sa akin. She said she doesn't need a man to give me a normal family. Pinanindigan niya ang pagiging ina at ama sa akin and I turned out well. Alam ko..."

"Oh, Roshlin..." napalunok ako nang hawakan niya ang aking kamay. "Patawarin mo ako kung hindi ko alam ang mga dapat sabihin sa 'yo ngayon. Your mother and I had a bad break up–"

"I know... Alam ko po ang lahat kaya ni minsan ay hindi rin ako nagtanong tungkol sa inyo. I just silently prayed to see you one day, and here I am, Papa..."

"Masayang masaya akong makita ka... Your mother–"

"We don't have to talk about her," putol ko. "Let's put the past behind us. Ang mahalaga ay ang ngayon. Masaya po akong tinanggap n'yo ako at hinayaang manatili rito. Thank you, Papa."

"Walang problema, anak... I was praying for this day to come, too..." His voice trembled at that. Masyado siyang emosyonal kumpara sa akin na nakakaya pang pigilan ang lahat. "Wala akong hiniling kung hindi ang makita ka ulit. Simula nang maghiwalay kami ng Mommy mo ay wala na akong naging balita sa inyo. I was so mad when I walked away that day, but I didn't think that that would be the last time I'd saw you... It was too late when I realized I still wanted to fix our family–"

"We don't need to talk about this, Papa," putol ko ulit dahil naapektuhan ako bigla sa mga sinasabi niya.

Bumaha sa utak ko ang mga what if's na kinalakihan ko na. Lahat nang mga katanungan ko. Lahat nang hinanakit sa pagkakaroon nang hindi buong pamilya, and that still hurts me... Kahit na sabihin kong kalimutan na lang namin ay nasasaktan pa rin ako.

"I'm sorry..." sisinghap-singhap niyang sabi sabay yakap sa akin. "Patawarin mo ako sa lahat at sana ay hayaan mo akong bumawi sa 'yo ngayon. Roshlin anak, sabihin mo ang lahat ng gusto mo kay Papa. Handa akong makinig sa lahat maging sa mga sama ng loob mo sa akin. Gusto kong bumawi... Kung nabibili lang ang oras ay gagawin ko para ibalik ang panahong may tiyansa pang mabuo tayo. Kung mabibili lang..." mahaba niyang litanya kasabay nang panginginig ng kanyang mga balikat tanda ng luha dahilan para tumulo na rin ang sa akin.


~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

P.S

Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!

Follow all my social media accounts to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top