CHAPTER 20
Chapter Twenty
Damn Serious
Hindi natigil ang mga kulitan at pang-aasar sa amin ni Nicolaus. Kahit nga si Venus ay minsan nakikisali na rin. Si Seidon rin, kahit na iyon ang pinakabawal sa EDM ay wala akong narinig na pagbabawal tungkol dito. I confronted him one day and he said that's because he trust us.
"I never saw Nicolaus this serious of pursuing someone. He's behave and everyone likes this side of him."
"Pero sabi mo bawal, 'di ba?"
Nag-init ang pisngi ko nang makita ang pag-ngisi niya. "Bakit? Malaki ba ang pag-asa sa 'yo?"
Inirapan ko siya kaya natawa ito.
"On a serious note, rules is rules. Someone had to give way kung talagang isang araw gusto n'yong maging kayo."
"You mean?"
"Kailangang umalis ng isa sa inyo sa EDM."
Pasimple akong napalunok at wala sa sariling lumihis ang titig kay Nicolaus na abala sa pagpa-practice ng mga bagong steps.
I must admit that I am more attached to him now. Bukod kasi sa talagang siya ang unang-una kong natatawagan lalo na kapag may problema sa bahay ay hindi naman ito nagmintis na iparamdam sa akin na gusto niya ako't mahalaga ako para sa kanya. I never saw him with other girls, too, since he knew I was studying at the university.
"Clay will visit later." anunsiyo ni Riggwell habang palapit sa amin kaya hindi na ako nakasagot.
Umayos ako ng upo nang makitang huminto si Nicolaus dahil sa sinabi ng pinsan. He grab his towel and then walks toward us. Awtomatikong may nagpiyestang mga paru-paro sa tiyan ko nang maupo siya sa aking tabi.
"WYWB?"
Ngumisi si Riggwell at tumango.
"Sama ka..." bulong ni Nicolaus sa akin nang magpatuloy sa pakikipag-usap si Riggwell kay Seidon.
Inilapag niya sa gilid ang tinunggang hydro flask. "Kahit saglit lang? Ihahatid naman kita pauwi tsaka para makilala mo rin si Clegane. He's a vocalist, malupit 'yon pero mas gwapo pa rin ako sympre."
Napailing ako. "Ang daming sinabi hindi mo na lang sabihing gusto mo akong makasama."
He smirked at that. "Kailangan pa ba 'yong sabihin? Eh gusto na nga kitang iuwi sa 'min..."
Pinigilan kong mapangisi. Kinuha ko ang water bottle ko at tinungga para hindi niya mapansin ang epekto ng kanyang mga salita sa akin.
"Okay pero saglit lang ako. I still have a curfew."
Lumawak ang ngisi niya. "Alright, walang problema susulitin natin 'yan."
Iyon nga ang nangyari pagkatapos ng isa pang round ng aming rehearsal. Everyone was excited to meet Clegane. Turned out, this one was famous, too. May banda ito sa San Antonio at kahit nagsisimula pa lang ay talagang sikat at pinagkakaguluhan na.
I was confused when I finally saw him because I thought he was Seidon. Sa unang tingin talaga ay magkakamali ka dahil magkamukha ang dalawa maging sa pangangatawan, tikas at tangkad. Ang kinaibahan lang ay may tattoo si Seidon sa braso at ang hikaw naman ni Clegane ay hindi lang sa magkabilang tainga kung hindi pati na rin sa gilid ng kanang labi.
He was fun to talk to. Gaya rin ng mga pinsan na madaling pakisamahan gano'n na rin ang mga kabanda niyang kasama. Nicolaus stayed beside me. Walang minuto na hindi niya ako inasikaso.
"How come he's not in college?" Tanong ko kay Nicolaus habang pinanunuod ang banda nitong tumugtog sa gitna. They call themselves FTB at dalawa raw ang meaning no'n.
Everyone was busy listening to him. He has a wonderful voice. Iyong tipong kapag napakinggan mo ay kusa na lang magtataasan ang mga balahibo mo sa katawan. Kung ano ang ganda ng boses niya ay mas mahuhumaling ka kapag pinanunuod mo pa. He's good looking and talented. He's got everything. A full package indeed. Nakakamangha.
"He doesn't really want to study." Nicolaus answered.
Nalukot ang noo ko. He heave a sigh and then looked at his cousin who was singing a fun song on the stage.
"Hindi lang talaga niya trip mag-aral. Gusto lang niyang tumulong kay Tito Caloy, his father. Kahit nga ang pagbabanda ay hindi naman niya kina-career noon pero ngayon ay mukhang tuloy-tuloy na."
"What changed his mind?"
Hindi kaagad nakasagot si Nicolaus nang matapos ang unang kanta ni Clegane sa harapan at pagkatapos ay nagsalita.
Everyone cheered for him. Talaga ngang sikat dahil kahit ang lahat ng mga nasa WYWB ay giliw na giliw sa kanya. Every girl was giggling and blushing while snapping photos of him.
"You're killing me with your song requests." Clegane joked in front after reading a paper that the waiter gave him.
Akala ko ay tatanggihan niya ang binasang kanta pero naging propesyunal ito sa ginagawa. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot na agad lumukob sa kanyang mga mata nang magsimula ang mga kasama niya sa mga nota.
He heave a sigh before strumming his guitar. Inayos niya ang mikropono at saka hinanda ang sarili sa pagkanta.
"Take me as you are push me off the road... The sadness... I need this time to be with you..."
Pakiramdam ko ay nahiwa ang puso ko sa mga unang lyrics na madamdamin at buong puso niyang sinimulan.
"That's the reason why he wanted to be better." ani Nicolaus na hindi na kailangan pang sabihin dahil naintindihan ko na kaagad.
He was clearly broken-hearted. Parang gusto ko na lang siyang yakapin dahil sa lungkot na nararamdaman ko sa kanya sa pamamagitan ng kanyang pagkanta. Kung sino man ang babaeng nanakit kay Clegane ay napakaswerte dahil walang dudang mahal na mahal siya nito.
I told Papa where I was. Hindi ako uminom at talagang nakinig lang sa banda kahit na lahat ay umiinom ng alak. Papa didn't mind me drinking. Though hindi naman ako tino-tolerate, alam ko rin naman sa sarili ko ang aking mga limitasyon. And now, I chose not to.
Nang matapos ang unang set nila Clegane ay dinaluhan kami ng mga ito. We were all having a good time when someone interrupted us.
"Nicolaus! I haven't seen you in a while! Gosh, why aren't you replying to my texts?!"
Literal na natigil ang lahat sa pagdating ng isang babae sa aming lamesa na hindi ko alam kung saang sulok nanggaling.
Hindi nakasagot si Nicolaus sa tanong nito dahil hindi pa man niya nakikilala kung sino ang nagsalita ay nayakap na siya nito. Sa gilid ng aking paningin ay kitang-kita ko ang halos pagluwa ng mga mata ni Ivana. Si Riggwell naman ay agad natungga ang beer na hawak. Achilles massages the back of his neck while Venus, Seidon and Clegane looked at me.
"Dito lang pala kita makikita! Sabi mo hindi ka na lumalabas?"
Bahagyang natulala si Nicolaus, tila hindi alam ang gagawin at sasabihin. Gano'n rin ako. The stares of the people made me tense, too!
"Y-yeah. I'm with my cousins and friends. I don't go out with anyone-"
Natigil siya nang maupo ang babae sa kanyang kabilang gilid.
"Why aren't you replying to my texts? Iba na ba ang number mo?" Nangisi ang babae nang makita ang telepono niyang nasa lamesa.
Bago pa makapagsalita ay kinuha na niya iyon, itinapat sa mukha ni Nicolaus at walang sabing nagtipa ng kung ano doon.
"I saved my number," ipinakita niya sa lalaki ang ginawa sabay malawak na ngumiti. "I'm with my friends, wanna join us on our table?"
Gumalaw ako para sa akmang pag-alis sa tabi niya pero parang naubos ang lakas ko nang maramdaman ang maagap na paglingkis ng kamay ni Nicolaus sa aking bewang upang pigilan ako sa gagawin.
"Where are you going, Zabryna?" Nicolaus asked in low voice that made me stay still.
Imbes na hintayin ang sagot ko ay muli lang niyang binalingan ang babae habang humihigpit ang kapit sa aking katawan.
"I'm dead serious with this girl, Korin," proklama ni Nicolaus sabay higit sa akin palapit pa sa kanyang katawan, doon lang ako napansin ng babae.
Her jaw automatically dropped when our eyes met. Kanina pa gustong sawayin ni Vivi ang babae pero nangisi na lang dahil si Nicolaus na mismo ang gumawa.
"Now please delete your number on my phone because I don't need it. Don't ruin my chance because I'm fucking serious about pursuing her... ngayon lang ako naging seryoso."
"N-Nico..." nauutal kong sambit.
Kung sa babae ay seryoso siya, sa pagbaling sa akin ay agad na lumawak ang kanyang ngiti. Ang mga mata ay bahagya pang nangingislap at namumungay sa tuwa.
Para akong mauubusan ng hangin sa baga nang basain niya ang pang-ibabang labi habang titig na titig sa akin. Our faces were only inches away, too.
"Napakaganda mo talaga, Zabryna..." mabagal niyang sabi dahilan para mag-init ang aking buong pagkatao!
Sa pagkapahiya ay wala nang nagawa ang babae kung hindi ang umalis. Nicolaus chuckled when all I did to escape his irresistible charm was to drink his beer!
I was never put in a position where all I ever wanted was to become invisible! Kahit na madilim ay alam kong halatang-halata ang pamumula ko lalo na't hindi na rin tinanggal ni Nicolaus ang kamay na nakayakap sa aking katawan.
Mabuti na lang at naroon si Clegane kaya nawala sa amin ang atensiyon ng lahat... maliban kay Riggwell na hindi napipigilang sulyapan ako't ibaba ang titig sa kamay ng pinsang nanatili sa aking bewang pagkatapos ay ngingising parang baliw kasabay ng paggalaw pataas pababa ng mga kilay.
"Bakit hindi ka pumunta do'n..." maya-maya ay naisatinig ko habang abala na ulit ang lahat.
Sumalang na kasi ulit sila Clegane sa stage pagkatapos ng pumalit na banda sa una nilang set.
Tumagal ang titig sa akin ni Nicolaus. Hindi pa rin nagsasawang titigan ako.
"Bakit ako pupunta do'n kung ikaw ang dahilan kaya ako nandito?"
I pouted. "That's a lie. Kaya ka nandito dahil rin kay Clegane."
"You really wanna argue with me?"
Inirapan ko siya bago pa makabanat. "Puro ka ganyan. Mukhang kilalang kilala ka no'n. Komportable sa 'yo. Bakit pinabura mo pa ang number niya?"
He stare at me for the longest. Nagbaba ako ng tingin at muling tinungga ang beer niya.
"Nagtatanong lang..."
"Sa 'yo ko lang gustong maging komportable, Zabryna. Wala na akong pakialam sa kahit na sinong babae bukod sa 'yo."
"Sus, nasasabi mo lang 'yan kasi ako ang kasama mo ngayon."
Mabagal siyang umiling at pagkatapos ay inayos ang pihit paharap sa akin. My heart betrayed me when he held my hand. Pinigilan kong mapapikit nang umangat naman iyon para hindi mawala ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya.
"Kasi ikaw na talaga..." mabagal at buong puso niyang sambit. "Sure na ako."
That made me finally shut up. Bakit pa nga ba ako makikipagtalo sa isang 'to eh kahit kailan naman hindi ako umubra sa mga banat niya?
Yes, alam kong may posibilidad na isa lang rin ako sa mga babaeng dadaan sa buhay niya pero kahit na anong gawin ko ay totoong nadadala rin ako. Sino bang hindi? Clearly, Nicolaus knew how to steal anyone's heart... and that includes mine.
"Ihahatid ko na muna. Baka ma-bad shot ako kay Tito Rucio, eh."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngumisi lang ito matapos kong sapakin sa tiyan. Nagpaalam ako sa lahat ng mga kasama namin at hinayaan na lang siya sa mga banat niya.
"Dapat hindi mo na ako hinatid." sabi ko habang yakap siya't binabaybay ang daan pauwi gamit ang kanyang sports bike.
"Kapag sinabi kong ihahatid kita, ihahatid kita. Tsaka kailangan kong magpa-good vibes sa Papa mo—Tito Rucio."
"Puro ka talaga kalokohan."
He chuckled. "Bakit, mali ba? Dapat ba Papa na rin kaagad ang itawag ko? Hindi ba masyado tayong mabilis niyan?"
I punched his back. Lumakas ang tawa niya.
"Akala mo ba nagbibiro ako? Pumayag ka lang na opisyal kitang ligawan talagang haharapin ko ang Papa mo."
"No, you wouldn't."
"You don't think I can do it?"
Hindi ako nakasagot, bumagal ang pagpapatakbo niya.
"Seryoso ako, Zabryna. Gusto kita at kung kailangan kong harapin ang Papa mo para ipagpaalam ang panliligaw ko, gagawin ko."
Walang lumabas sa labi ko upang sagutin ang mga 'yon. Mabuti at hindi naman na siya nangulit.
Iyon ang naging usapan namin matapos niya akong maihatid pauwi.
"Bakit hindi ka na bumalik sa bar?" tanong ko nang tawagan niya ako saktong pagkatapos kong maligo.
"Paano kita makakausap kung babalik ako do'n? Tsaka low batt na ako."
"Paano sila Clegane? Mga pinsan mo?"
"Malalaki na 'yon, Zabryna. Kaya na nila mga buhay nila."
Hindi ko napigilang matawa. "You're really serious about me, huh?"
Nahigit ko ang paghinga nang marinig ang sandali niyang pananahimik bago sumagot ng, "Tangina, sobra..."
I went silent for two minutes.
"B-but you know you can't, right?"
"Oo, ilang beses mo ng sinabing hindi ka pa handa at hindi mo prioridad ang pakikipagrelasyon pero hindi ibig sabihing titigil na ako, Zab. I am serious at kahit na hindi ko ugaling maghintay, pagdating sa 'yo ay gagawin ko. Kahit gaano katagal basta ikaw, hihintayin ko dahil ngayon lang ako nagseryoso ng ganito. Sa 'yo lang, Zabryna."
Napapikit ako sa haba ng kanyang litanya. It wasn't the first time that he told me that, but I really felt it this time.
Damn, the playboy was really into me.
"The dance crew..."
It was all it take for him to understand the reason why he cannot fall in love with me, but I was blown away with his immediate answer.
"I'll leave EDM for you."
"Nicolaus—"
"I'll do everything for you, Zab," he cut me off, napapikit ako. "Sabihin mo ng baliw ako but I'm damn serious about you. Sobra pa sa seryoso kaya sabihin mo lang na may pag-asang maging tayo, iiwan ko kaagad ang lahat para sa 'yo."
~~~~~~~~~~~~
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad DELETING it.
Just message our FB page Ceng Crdva with 139k followers for full VIP details.
Thank you!
🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top