CHAPTER 2

Chapter Two

Buenavista

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa door bell ng bahay na iyon.

Nagpatuloy sa pagkalampag nang mabilis ang puso ko. I was nervous as hell. My eyes shifted on the house. It wasn't the biggest house in the area, but it was one of the nicest. The walls were painted gray and white at sa tantiya ko ay may limang kwarto o higit ang mayroon ito.

Inilayo ko ang kamay sa door bell at huminga muna sandali bago muling titigan ang litratong hawak ko.

It was still the house behind the gate, wala  masyadong nagbago bukod sa kulay. The old trees were still there, mas mayabong at kulay luntian pa nga kaysa sa litrato.

Muli akong napabuga ng malalim na paghinga habang nakatitig doon at pabalik ulit sa nasa harapan ko.

Umayos ako ng tayo at muling hinila ang hawak kong maleta, nagpaskil ng ngiti at pilit na pinipilit ang sariling ayos lang ako. Magiging maayos lang ako.

Nagmamadali ko nang itinago ang litratong laman ang lalaking pakay ko. My dad, ang lalaking una kong minahal... At una ring bumasag sa puso ko.

Pababa na ang araw kaya nananayo na ang balahibo ko sa lamig ng simoy ng hanging ibang-iba sa pinaggalingan ko.

I heave another sigh before finally pushing the door bell. Isang beses, dalawang beses hanggang sa pang lima kung saan doon lang lumabas ang nakaunipormeng babae para madaluhan ako.

"Magandang hapon po!" masigla kong bati kahit na mukhang hindi siya matutuwa kapag nasabi ko na ang sadya ko.

Kunot noo siyang lumapit sa gate. Umatras ako nang bahagya at binati siya ulit.

"Magandang hapon po! Gusto ko lang pong itanong kung dito pa rin po ba nakatira si Mr. Almanzerano? Rucio Almanzerano po?"

Her jaw almost fell right after she heard what I said. Napatulala siya sa akin at tuluyan nang nahinto habang nakatitig sa mukha ko, as if she was looking at a ghost. Ngumiti ako ng malawak kahit na gulat pa rin siya.

"O-Oo," may pag-aalinlangang sagot ng may katandang kasambahay. "Anong pakay nila?"

I felt a sudden bile on my throat. I don't know if I should be happy or more nervous at that. Gayunpaman, nagawa ko pa ring tumindig nang maayos para sagutin siya.

"Ako po ang unang anak ni Rucio sa unang asawa niyang si Heaven, pwede ko po ba siyang makausap?"

Kung kanina ay mukhang nagulat siya nang makita ako, ngayon naman ay parang tuluyan na siyang mahihimatay sa mga sinabi ko.

I get it. Alam kong hindi niya ako kilala o maski siguro ang Mama ko at tingin niya ngayon sa akin ay nagsisinungaling, pero iyon ang totoo. I am Rucio's daughter at ang Mommy ang unang asawa niya.

"Manang?"

Napapitlag siya't binalikan ng katinuan sa pagpukaw ko. Lutang niyang nilingon ang bahay na kanyang pinanggalingan at pabalik ulit sa akin.

"P-Pero–"

"Alam ko pong may sarili ng pamilya ang Papa ko pero kailangan ko po siyang makausap. Please, kahit sandali lang po." may pagmamakaawa ko nang sabi.

Hindi dahil gusto kong kaawaan niya ako ngunit dahil iyon ang totoo kong nararamdaman bukod sa kaba at lungkot—awa para sa aking sarili.

"S-Sandali at sasabihin ko. Ano nga pala ang pangalan mo, Hija?"

Sinubukan kong ngumiti ulit para kunin ang loob niya.

"Roshlin... Roshlin Zabryna Catalina Almanzerano po."

Sa haba ng pangalan ko ay isang tango na lang ang naisagot niya.

May pagmamadali siyang bumalik sa bahay. Nang mawala siya ay saka lang ako nakahinga ulit ng maluwag, pero hindi rin iyon nagtagal dahil bago pa ko pa maayos ulit ang sarili ay nakita ko na ang lalaking matagal na panahon nang wala sa buhay ko.

I wished I held the railings before we our eyes met. Ngayon kasi habang palapit siya at magkatitIgan ang aming mga mata ay parang kandilang nauupos naman ang lakas ko. Mas lalong kumapal ang mga bara sa lalamunan ko habang palapit siya ng palapit sa 'kin.

Sa bilis ng pangyayari ay naestatwa na lang ako at sunod na lang na naramdaman ang pagpulupot ng kanyang mainit na bisig sa akin upang ikulong ako sa isang mahigpit na yakap! Awtomatiko akong napapikit nang tumulo ang mga luha ko.

His hug wasn't that comforting because he was a stranger to me, but his warmth was so familiar... Like picking up some of the lost pieces of me. Iyong mga parteng hindi ko akalaing kailangan ko pero ngayon ay pilit na binubuo ang ilang parte ng aking pagkatao.

"Oh, Roshlin..." he murmured with so much longing. "Roshlin, anak ko..." doon na nagpatuloy ang mga luha ko.

I moved my hands to hug him back while I let all the emotions rushed through me.

"P-Papa..." hindi ko nasundan ang mga salitang iyon dahil sa paggaralgal ng aking boses at paghigpit pa ng yakap niya. Iyong yakap na parang gustong pawiin ang mga taong hindi naming pagkikita.

Ilang minuto niya pa akong hindi binitiwan at gano'n rin ako. Sa pagdilat ko ay nakita ko iyong kasambahay kanina na tulala at emosyonal rin sa naging tagpo naming dalawa. Nakatakip ang mga kamay niya sa kanyang bibig at hindi maputol ang titig sa akin.

Nang bitiwan ako ni Papa at ipihit paharap sa kanya ay agad na lumukso ang puso ko dahil sa pagluha niya't maagap na pagpunas nang sa akin.

"Roshlin, anak... Ikaw nga! Ikaw nga!" aniya sabay yakap ulit.

My Papa gave me the longest hug I've ever had my entire life. Wala siyang ginawa kung hindi ang yakapin ako kahit nang nakapasok na kami sa kanyang bahay.

Mas malaki iyon sa inakala ko. Dalawang palapag lang ang bahay pero malawak ang lupaing sakop. Simula sa sala ay tanaw ko ang malawak na swimming pool na nililinis ng ilang tauhan. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid.

Maraming mga mamahaling halaman sa bawat sulok ng bahay. The grand staircase were painted black, kapares ng malalaki ring paintings na may black canvass sa dingding. Sa itaas ko ay mayroong grandihiyosong chandelier, sa ibaba ng TV na nasa tapat ko ay ang fireplace.

Natatawa ako't nailing nang mapatitig sa sahig. Their carpet was so white I could see Jesus if I stare too much at it.

Nawala ang atensiyon ko doon nang makarinig ako ng yapak palapit sa akin. Nagmamadali kong ibinalik ang basong may lamang tubig sa babasaging coffee table na nasa aking harapan.

Hindi ko alam kung anong trabaho ni Papa at bakit napakayaman niya dahil hindi ko naman maalala kung nabuhay ba ako ng marangya noon kasama siya, pero tiyak na hindi ganito ang lahat. My father looked so loaded, the bank could rob him.

Ipinilig ko ang aking ulo at umayos nang upo nang makita ang pagbalik ni Papa. Umurong ako sa gilid ng mahabang couch upang bigyan siya ng espasyo.

May multo ng ngiti sa mga labi niya. Now that he was in front of me, napagtanto ko kung bakit siguro nagulat iyong kasambahay nila kanina nang makita ako.

Looking at my father was like staring at my own reflection. Well maliban sa balbas at bigote, kuhang kuha ko ang tangos ng kanyang ilong, bilugang mata, makakapal na pilik at kilay maging ang mapupulang labi.

I never thought that my Tita was right when she told me that I looked exactly just like my father. Sa litrato kasing dala ko ay bata pa si Papa at malabo na rin kaya ngayong nasa harapan ko na siya ay ako na mismo ang nagpapatunay no'n.

Nang kumibot ang labi niya tanda nang pagsasalita ay inunahan ko siya.

"Alam kong may sarili na po kayong pamilya ngayon at hindi ko po gustong maging dahilan ng gulo, pero kailangan ko pong lumayo muna kay Mama ngayong bakasyon. We had a fight that's why I'm giving her space now." kinuha ko sa aking bulsa ang sulat laman ang address niya. I handed it to him.

"I found your old address and I was thinking if I could spend the rest of the summer with you."

He looked surprised to hear that. Napapitlag ako nang hawakan niya ang aking kamay matapos tumango sa sinabi ko.

"Roshlin, I'm sorry..." he said.

Mukhang marami pa siyang gustong sabihin pero muli ko siyang pinutol.

"Can I stay here, Papa? Dalawang buwan... Kahit dalawang buwan lang pagkatapos ng bakasyon."

"Is that what you want? Anak marami akong pagkukulang sa 'yo–"

"That's what I want," I cut him off again, trying to get rid of the subject before it gets into my head again.

Meeting him for the first time after a long time was enough for me. Sa ngayon ay tama na muna iyon.

"Kung okay lang po sa inyo?"

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang ngumiti siya at tumango. Kahit na hindi pa rin makapaniwalang nasa harapan niya ako ay nagawa naming maging pormal sa isa't isa sa mga sumunod na minuto.

"How's your mother?"

Nag-iwas ako ng tingin at kahit na busog ay kumuha ako ng cookies bago siya sagutin.

"She's doing okay. She's busy working as usual. Alam n'yo namang sobrang sipag no'n kaya nga minsan ay hindi na rin kami nakakapag-usap, but I still turned out fine, I guess. She never left Macau, Papa. Wala na siyang balak umuwi rito."

Guilt spread his eyes like a venom while I tell him something about me, my mom and our life without him. Kahit naman may lungkot ako at kaunting galit sa kanya, alam ko naman ang salitang respeto kaya hindi ko iyon ipamumukha sa kanya lalo na ngayong humihingi ako ng pabor.

"Pero okay lang po ba talaga? Paano ang pamilya ninyo? Ang asawa n'yo?" tanong ko kasabay na rin sa pagkuha ng impormasyon sa buhay niya, pero bago pa siya makasagot ay naputol na kami sa pagbukas ng pintuan kasabay nang pagbaha ng tawanan ng mga babae at pagkukumahog muli ng panibagong kasambahay upang asikasuhin ang mga ito.

"Sir Rucio, nandito na po sila Ma'am Myrcelle!" aniyang halos pasigaw kaya pati ako ay nakaramdam muli ng kaba.

Papa held my hand. Sa pagdating ng mga bagong mukha ay nabitiwan ko ang kamay niya. Sabay kaming napatayo.

Napalunok ako nang makita ang tatlong babae. Isang halos kasing tanda ni Papa na siyang tiyak na asawa nito ngayon at dalawang babaeng parehas ang suot na kulay pink dress na tingin ko'y kaedad ko naman.

Wait, mga kapatid ko sila? I have sisters now?

"Myrcelle..." si Papa dahilan nang agad na pagkawala ng ngiti sa mga labi nito.

The lady he called Myrcelle laid her sharp eyes on me. Tuluyan nang nabahiran ng pait ang kanyang titig habang bumababa ang matalas niyang mga matang sumusuri sa aking kabuuan.

"Who are you?" matabang at may pagkadisgusto niyang tanong. Giving me no choice but to close my mouth.

She was damn scary. Bukod sa mukha niyang natural yatang mataas ang kilay, mukhang kasing itim rin ng budhi niya ang winged eye liner niya.

Mas lalo ko pang naidiin ang aking mga labi nang sabay na maghalukipkip ang dalawang babaeng nasa gilid nito. Parehas ni Myrcelle, tinitigan rin ako ng sabay pataas-pababa gaya ng kanilang ina.

Yep, there was no doubt it was her daughters pero seryoso? May kapatid nga talaga ako?

"Roshlin, this is Myrcelle," hinawakan ni Papa ang siko ko bago magpatuloy. "My wife and this is Fyrcelle and Essa, my step-daughters."

Hindi ko alam kung bakit ikinatuwa kong step-daughters lang sila ng Papa ko. Okay lang naman pero iba ang aura nila kaya ngayon pa lang ay parang ayaw ko na.

"Hello, I'm Roshlin. Rucio Almanzerano's daughter."

"Daugh-fucking-what?!" napapitlag ako't agad na napaatras sa agarang paghiyaw ni Myrcelle dahil sa kabiglaan!

Papa let go of my elbow to held Myrcelle's hand. "Let's talk without the kids."

"No, Rucio! What the hell is happening?! Dalawang oras lang kaming nawala ng mga anak mo ay may bago ka ng anak?!"

"Myrcelle..." sinubukan niyang ilayo ang babae sa akin matapos akong sulyapan gamit ang nagpapaumanhing mga mata. "Mag-usap tayo ng pribado. Roshlin, dito ka muna." aniya habang iginigiya ang babaeng gusto na yatang magsisisigaw sa rebelasyong narinig!

But what the hell?! Bakit hindi niya alam na may anak ang Papa ko sa unang asawa nito? Hindi ba 'yon sinabi ni Papa? And wait, did she just said mga anak nila ni Papa? Hindi ba sabi ni Papa step-daughters niya lang ang mga ito?

Speaking of the devils...

Muli pang umatras ang paa ko kahit na wala na si Papa at ang asawa nito dahil sa pagsundot sa balikat ko ng babaeng tinawag ni Papa kaninang Essa.

"Are you really our father's daughter?" gaya ng nanay niya, gano'n rin ang kanyang tono. Mas matinis nga lang bagay sa pink niyang damit na ang manggas na ruffles ay iniluluwa ang bakuna sa kanyang brasong mukhang pinagdiskitahan ng lasing na pedia noong vaccination day niya.

Bukod sa tango ay wala nang lumabas sa bibig ko. The other girl in pink—Fyrcelle, pushed me using her pointing fingers, too.

"Anak ka ni Daddy Rucio?"

"O-oo? Kayo ba?" tanong pabalik sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawa na parang naka-program na sa utak nila ang gagawin sa ganitong pagkakataon.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit may maleta ka? Dito ka na titira?" si Essa ulit.

"M-Magbabakasyon lang. Kayo? Dito kayo nakatira?"

Mas lalong tumalim ang titig nilang dalawa sa akin.

"This is our house and this is where we live, you stupid! Ugh, Fyrcelle ! Dito siya titira!" baling niya sa kapatid sa nagmamaktol na tono na akala mo'y hindi ko naririnig.

"Magbabakasyon lang daw!" sigaw pabalik nito sabay baling ulit sa akin.

Dahil wala na akong naatrasan ay napabalik ako sa pagkakaupo sa couch.

"Nagpa-DNA ka na ba? Are you sure anak ka ng Daddy namin? Paano kung gusto mo lang ng pera, ha?!"

"Hindi ko gusto ng pera. Totoong Papa ko si Rucio—"

"No way!"

"Uh! Yes way highway! He was married to my mother almost three decades ago! Kahit kuhaan niyo pa ng cenomar ang Daddy niyo, nagsasabi ako ng totoo!"

"Well, you can't be here! This is not your house!"

"Essa, she's just here for vacation. She'll never stay here for good! This isn't her house!"

"I can't share a room with her! Mas matanda ka kaya alam kong ako na naman ang pakikiusapan ni Daddy at hindi ako papayag! She can sleep with the maids alright, but she can never step foot inside my room!"

"She will not!"

Pinanuod ko silang magtalo sa harapan ko. Imbes na mainis ay na-entertain ako sa ginagawa nila. Noong bata pa ako ay pinangarap ko ring maging invisible, hindi ko naman inasahang ngayon lang pala iyon matutupad!

They continued arguing because of me, as if I wasn't in front of them. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng cookies habang nanunuod ng bardagulan ng mga Karen's.

Ang totoo, kung anong tanggi ni Essa na ayaw niya ako sa kwarto niya, ilang libong doble naman ang tutol kong maki-share sa kanya. Kung wala na ngang bakanteng kwarto para sa akin at sa kanya ako patutulugin ay mas gugustuhin ko pang sa mga maids na lang. Mukhang okay naman iyong dalawang nakilala ko kanina kaysa sa dalawang magulo sa mapang ito.

I checked my nails, my phone, and I even replied to some of my messages on social media while they continue arguing. Natigil lang ako nang mahinto sila dahil sa pagbalik ni Papa at Myrcelle.

Hindi ko alam kung dapat kong ikabahala ang galit sa mukha ng asawa ni Papa o ikatuwa dahil alam kong magandang balita ang hatid no'n. Muli akong tumayo para pantayan silang lahat at hintayin ang sasabihin nito.

"Essa, Fyrcelle, your mother and I decided to let Roshlin spend her vacation here–"

"No, Daddy! She can't sleep in my room! I will not let you do that to me! No way!"

"No, I'm not asking you that."

"She'll stay with the maids then?" si Fyrcelle na kahit nasa gilid ko ay nasipat ko ang pag-arko ng labi matapos ang sinabi.

"No. Roshlin will stay in one of the guest room. Nag-usap na kami at maayos na ang lahat," napatuwid ako ng tayo nang bumalik sa akin ang buong atensiyon ni Papa.

"Welcome home, anak." aniya at muli akong nilapitan upang yakapin.

I heard my step-sisters sighed dramatically at that, but I didn't care anymore. Sapat na ang pagpayag ni Papa at desisyong patuluyin ako para magawa ko ang mga plano ko. Hindi na bale kung paano pero bahala na. Sa ngayon ay makukuntento na muna ako rito. Sa ngayon ay sapat na ito.

Welcome home, Roshlin... Welcome to Buenavista!

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

P.S

Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!

Follow all my social media accounts to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top