CHAPTER 19

Chapter Nineteen

Sexy Abs


My breath hitched when I saw Nicolaus leaning on his motorcycle while puffing his vape. Nang makita niya akong lumabas sa gate ay agad niyang itinabi ang hawak at inayos ang sarili.

"You shouldn't have come here, Nico." kinakabahan kong bungad habang nililingon ang aking pinanggalingan.

Everyone is in the house. Mabuti na lang at abala ang magkapatid at hindi ako nakitang lumabas dahil kung hindi ay tiyak na malaking issue na naman ito lalo na kapag nakarating kay Tita Myrcelle.

"Sorry na, gusto lang naman kitang makita tsaka... sorry na rin kanina."

Pinuno ko ng hangin ang aking baga para kumalma bago humakbang palapit sa kanya.

"Okay lang 'yon at alam kong gano'n rin kay Janus, but you still need to apologize to him for acting that way."

Napalunok siya at hindi nakasagot sa suhestiyon ko.

"Hmm?"

"I'll try."

"Nico–"

"Oo alam kong hindi tayo at alam ko kung saan ako dapat lumugar pero hindi mo ako masisisi dahil hindi mo naman siniseryoso ang mga sinasabi ko."

My brows furrowed at that. Yes, I never like the idea of someone being possessive over a person they didn't have a relationship with, but my heart kind of understand Nicolaus. Palagi ko siyang gustong intindihin kahit na masyadong komplikado.

"I never like someone like you Zabryna so I will apologize hindi lang ngayon kung hindi sa mga susunod pang magagawa ko kung sakaling makakita ako ng lalaking lalandi sa 'yo."

"You don't have to do that, Nicolaus. Sinabi ko nang wala sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon at walang exempted do'n kaya hindi mo kailangang gawin dahil kaya kong i-reject lahat ng mga lalaking magpaparamdam sa 'kin."

Imbes na sumagot ay wala itong ginawa kung hindi ang titigan na lang ako. Nalukot ang aking noo sa pagkailang.

"What?"

Kumibot ang mapupulang labi niya bago sumagot. "Ang ganda mo talaga."

That made me punch his chest! Madrama ngunit nakangisi niyang hinuli ang kamay ko.

"Lambot nito. Kapag naging tayo araw-araw tayong mag-ho-holding hands, ah?"

Pilit kong binawi ang kamay ko kaya napahalakhak siya.

"Tyansing!" I spat!

"Sus, nahawakan ko na 'yan eh. Hayaan mo next time hahanap-hanapin mo rin 'tong kamay ko."

Dahil nababaliw na ako sa mga pinagsasabi niya ay minabuti kong lumayo na.

"Umuwi ka na nga! Gabing-gabi na!"

"Good night pala ganda."

"Stop calling me that!"

"Bakit? Eh ikaw naman talaga ang pinakamaganda sa lugar na 'to. Tsaka bawal magsinungaling sabi ng Lola Ellen ko."

"Mas malabo na yata ang mga mata mo kaysa sa lola mo!" patuloy kong sagot habang umaatras palayo sa kanya.

Hindi nawala ang kanyang ngisi habang nakahalukipkip at tuwang-tuwang nakatitig sa akin.

"Hindi ko lang sure. Puntahan kaya natin para malaman mo? Pwede ring ipakilala na kita sa Mama at Papa ko para makakita rin ng maganda."

"Good bye Nicolaus! Drive safe!"

"Good night ganda! See you on Monday! Huwag magpalandi ah! Bad 'yon!" sigaw niya bago pa ako tuluyang makabalik sa loob ng bahay.

My heart was pounding aggressively when I got into my room. Hindi ko na alam kung bakit walang humpay na lang ang pagwawala ng puso ko. Ilang beses ko mang sabihing hindi ako papasok sa isang relasyon at ayaw kong magpalandi lalo na sa mga tulad niya ay hindi ko naman mapigilang sumaya sa bawat salitang binibitiwan niya.

I never felt something like it. Nicolaus really has the charm that nobody could ever resist. Naiintindihan ko na kung bakit maraming nahuhumaling sa kanya... pero hindi ako kasali do'n. I won't. Hindi pwede.

Kahit na malinaw ang pagtanggi ko sa mga pagpaparamdam niya ay hindi naman ito tumigil sa pangungulit. Nasanay na lang rin ako lalo na't mas lalong lumiit ang mundo namin dahil sa EDM sa mga sumunod na linggo.

My father told Tita Myrcelle about that dance crew three weeks after their argument. Nagkaro'n ng kaunting kumosyon dahil doon pero hindi naman ako kinausap ng babae. My father told me everything was fine and I don't have to worry about it anymore. I trusted him.

"RZ, you're a dancer pala 'no? Kaya naman pala naging close mo ang mga gwapong dancer na 'yon!" si Saphia isang hapon nang maabutan ko silang nasa bahay.

Wala naman sana akong balak na saluhan sila dahil bukod sa hindi ko naman sila gano'n ka-close ay ayaw ko ring magkaro'n na naman kami ng iringan ng magkapatid. Hangga't kaya kong umiwas ay gagawin ko.

"Really?" si Isaac, ang mata ay nagniningning sa nalaman.

Marahan akong tumango at sinabi sa kanila ang lahat ng gusto nilang malaman. Sa lahat ng naroon ay bukod tanging ang magkapatid ang walang amor sa usapan. Sanay naman na akong palaging maalat ang pagtanggap at pakikitungo nila sa akin. Marahil naninibago pa rin ang mga ito na nasa bahay nila ako at nasanay silang nasa kanila lang ang atensiyon lalo na ni Papa kaya ngayong may kahati ay hindi nila iyon nagugustuhan.

"Wow! I can't wait to watch you guys! Sabihin mo lang kung kailan ang dance competition so I can gather all my friends and watch you perform." si Isaac na hindi na yata nawala ang titig sa akin.

"Naku, hindi naman ako kasali sa parating na dance competition ng EDM dahil may limit ang members at masyado na kaming marami pero sa susunod sasabihin ko. Thank you, Isaac."

"And you think Mommy will let you join that lame competition?" si Essa, napabaling ang tingin ng lahat sa kanya.

"For sure that thing consumes a lot of time tsaka regional ibig sabihin sa labas ng lugar na 'to at kailangan ng ilang araw na preparasyon kaya malabo. We are not allowed to stay outside the house beyond nine pm except kung may party at kasama natin sila Mommy so that's impossible."

"For sure Tito Rucio will make way for that. I mean, he approved RZ's passion in the first place at sayang naman kung hindi siya makakasali sa mga competition ng grupo. Para ano pa't sumali siya do'n kung hindi naman iyon ang purpose?" singit ni Lucille na mas lalong nagpasama sa timpla ng magkapatid.

"Tsaka omg! It's the Elite Dynasty Movement! Sinong palalagpasin 'yon?!"

"That's so cheap."

My jaw dropped at what Fyrcelle said. Imbes na bawiin ay walang pakialam lang nitong sinipsip ang straw sa kanyang pineapple shake.

"Uy, it's not! They are great dancers, Fyrcelle! Bukod sa ang gaguwapo ng mga miyembro ng dance crew na 'yon ay talagang sikat, magagaling at tinitilian silang lahat! Maraming nag-aabang!"

Pinihit ni Rosalie ang kanyang cell phone paharap ay Fyrcelle.

"Look, they already have three hundred thousand followers on their Facebook page and each member has almost one million followers on tiktok except itong si Riggwell na halos dalawang milyon na dahil siya ang pinaka-active sa lahat! Imagine, ilang taon pa lang silang exposed pero biglang sikat na kaagad! It's not cheap! Maswerte tayong kasama natin ang isa sa kanila! I bet you had a hard time getting in, RZ! Tell us about it please!"

Inis na hinawi ni Fyrcelle ang telepono ni Rosalie kaya hindi ako nakasagot. Hindi ko na rin ikinagulat iyon.

"Can we not talk about this?" Inis niyang sabi. "Isaac, can we just go to your place now? It's too boring here! I need some fun!"

Kahit na mukhang walang balak umalis ang mga kaibigan nila ay wala na itong nagawa kung hindi ang sumunod sa babae.

"RZ, you coming with us?" Ani Isaac na may pag-aalinlangan akong iwan.

"Isaac, she's busy with her dance crew! Hayaan mo na siya do'n! Let's go!"

Pinagdiin ko na lang ang aking mga labi at tipid siyang nginitian bago sila pinanuod na umalis.

Napabuntong-hininga ako nang tuluyan na silang mawala. Imbes na magpaapekto sa kagaspangan ng ugali ng lahi ni Tita Myrcelle ay inayos ko na lang ang mga nagamit nila.

"Roshlin, ano ba naman ang ginagawa mo? Bakit ikaw ang nagligpit niyan?"

"Nay Canciana, okay lang po. Wala rin naman po akong gagawin. Tapos ko na lahat ng homework ko at nakapag-aral na rin ako para bukas kaya okay lang na tumulong ako."

"Naku, hindi," nagmamadali niyang kinuha sa kamay ko ang tray laman ang mga ginamit ng bisita. "Alam mo namang bawal at pare-parehas tayong pagagalitan ng madrasta mo, hindi ba?"

"Pasensiya na po."

Sinundan ko siya hanggang sa lababo. Nakangiti ako nitong hinarap. Napangiti na rin ako nang haplusin niya ang aking pisngi.

"Ayos lang naman pero kung maaari ay huwag na dahil trabaho namin iyan. Para ano pa't narito kami kung ikaw lang rin naman ang gagawa?"

"Pasensiya na po. Nasanay lang po kasi ako na may ginagawa. Kahit na kaya ni Mommy noon ay magkaro'n ng kasambahay ay hindi niya ginawa dahil gusto niya akong matuto. She taught me how to do house chores and I'm lucky to learn all that pero para hindi na po kayo mapagalitan, patago na lang."

Napahagikhik siya't nailing. "Ikaw talaga. Oh siya, kung ano ang magpapasaya sa 'yo. Basta palagi mong tandaan, ha? Hindi mo ito trabaho at kung maaari ay isipin mo unang-una palagi ang sarili mo kaysa sa amin. Alam mong palaging mainit ang dugo sa iyo ni Myrcelle. Pagpasensiyahan mo na at galit talaga iyan sa magaganda."

"Nanay!"

She put her pointing finger on her lips to shut me up. Parehas kaming natawa.

I enjoy every conversation I had with our house help. Dahil nga rin sa kanila ay hindi ko lubusang maramdaman ang pangungulila ko kay Mommy. I would always email my mom about it. Sinasabi ko rin ang mga ganap sa university at sa dance crew pero ang tungkol sa trato sa akin ng pamilya ni Papa ay hindi ko na ipinaalam. I don't want her to think that I made a wrong choice by living with my father. Gusto kong panatilihing puro magagandang bagay lang ang malalaman niya.

Being part of EDM was the highlight of my first semester. I made a lot of friends because of it, too. Hindi lang ang mga miyembro kung hindi pati na rin ang mga humahanga sa grupo. Dahil rin sa EDM ay mabilis akong nakilala ng ilang mga schoolmates namin. People would always pay me respect gaya ng ibinibigay nila sa lahat ng EDM members and it made my life easy.

Nicolaus and I became closer, too. Lahat naman sila ay close ko na hindi pa man ako opisyal na miyembro ng kanilang dance crew pero habang tumatagal ay mas lalo ko silang nakikilala.

Seidon wasn't really a snob. It was my first impression of him, but he turned out to be one of the good guys. Mukhang intimidating dahil minsan lang ngumiti at hindi kaagad nakikipagkilala but his tough look doesn't represent what was inside his heart and his whole being. He's soft, caring, and a good leader. Kung si Vivi ang parang ilaw ng grupo at magpipinsan, si Seidon naman ang haligi no'n.

Achilles was the shy one. Gaya ni Seidon, hindi rin ito basta nakikihalubilo masyado sa mga hindi kilala. Though they were both good conversationalist, sila iyong mga tipo ng lalaking kapag hindi ikaw ang naunang nakipagkilala ay hindi mo ito makakausap kahit kailan. The two were the opposite of Riggwell at Nicolaus. Sila naman iyong mga maloko at maraming baong humor na nagpapasigla sa lahat.

Speaking of Nicolaus, sa mga nagdaang buwan rin ay mas naging malapit kami sa kabila ng mga pambabara ko sa mga pagpaparamdam niya. We talk on the phone every night. Kahit na malinaw sa kanyang hanggang kaibigan lang ang kaya ko ay hindi ito tumigil sa pagpaparamdam. He was a good listener and we never had a boring conversation, too. Isa iyon sa pinakagusto ko sa kanya dahil madalang na lang ang mga taong kaya kang pakinggan at intindihin. With him, I found comfort.

"What's the real score between you two, huh?"

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig nang itanong iyon sa akin ni Riggwell isang araw habang nasa dance studio kami.

We're done rehearsing new steps for the upcoming performance in the university. Hinihingal pa ako sa pagod pero mas lalo yata akong nahapo dahil sa tanong niya.

"What do you mean by that?" inosente kong tanong.

Mas lalong lumawak ang nang-aasar niyang ngisi. Hindi ko napigilang sapakin siya sa braso dahil hindi ko na rin maiwasang mahawa.

"Ano nga? Atin-atin lang naman. Promise hindi ko sasabihin kay papi Seidon. Secret lang."

"Wala, Riggwell."

"Sus!" napapitlag ako nang kilitiin niya ang tagiliran ko. Muli ko siyang sinapak, parehas kaming napahalakhak.

He was still laughing when he pick up his water bottle and chugged it. "Akala ko nagsisinungaling na sa 'kin si Kulas eh. Ilang beses na 'yang niyayang lumabas pero palaging tumatanggi dahil wala ka naman daw sa pupuntahan. Tsaka, 'pag uwi niyan diretso na kaagad sa saksakan ng charger kasi mag-uusap daw kayo."

Napaiwas ako ng tingin. Kung sa ibang anggulo nga titignan ay magkakaro'n ng malisya ang ginagawa namin pero totoong wala kaming relasyon bukod sa pagiging magkaibigan.

"We're just friends."

Kumibot ang labi niya. "Marami rin naman akong friends pero hindi ako ganyan sa kanila. Nicolaus has never been this way, too. Since you came, I rarely saw him with someone else. Mukhang seryoso ang manok ko, 'di mo ba talaga trip? Gwapo naman, ah?"

I bit my lip at his last remark. Muli niya akong kinulit.

"'Di nga? Ayaw mo ba sa long hair?"

"His hair suits him."

"Ano pala? Sexy naman 'yan eh. May six pack abs rin. Hey, Nico!"

Nanlaki ang mga mata ko nang walang sabi niyang tawagin ang pinsan dahilan para mahinto ito sa pagsayaw kasama ang ilan.

Hinihingal niyang hinawi ang buhok bago kami nilingon. Parang gusto ko nang sakalin si Riggwell sa mga sunod na salitang lumabas sa kanyang bibig.

"'Di ba may abs ka? Patingin nga! Survey lang!"

Nangunot ang kanyang noo. I felt my cheeks blushed when his eyes shifted on me, but he gladly lifted his wet gray muscle tee before I could even say no.

Pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan nang i-flex niya pa ang mga nagmumura at kumikinang sa pawis na abs habang titig na titig sa akin.

"Okay na?" he asked playfully.

I absentmindedly bit the inside of my left cheek when Nicolaus licked his lower lip while still flexing his sexy abs and looking intently at me, sinasakyan ang kabaliwan ng kanyang pinsan.

"Sabi sa 'yo sexy 'yan eh. Hindi ka na lugi diyan, Zab..." bulong sa akin ni Riggwell na aliw na aliw sa nangyayari. "Sexy rin pwet niyan gusto mo bang makita–"

"No!" natataranta akong lumayo sa kanya kaya muli siyang napahagalpak ng tawa.

Narinig ko rin ang pagtawa ni Nicolaus sa successful nilang pang-aasar pero hindi ko na pinansin. Dire-diretso ako sa pwesto ni Seidon na abala sa kanyang tablet. Napatuwid siya ng upo sa aking pagtabi.

"Okay lang ba? Mukhang hindi na naman kasi nakainom ng gamot 'yung dalawa eh."

Lumipad ang tingin ni Ino sa mga pinsang tinutukoy ko. He shook his head when he saw the two having an abs showdown in front of the mirror.

"Now you see what I deal with everyday."

I smiled at him. Everyone was busy polishing the steps. Dahil kuha ko naman na ay nanatili ako sa tabi niya. I watched him draw a tiger head with fangs. I realized it was for a tattoo. Napatitig tuloy ako sa braso niya.

"Masakit ba?"

Sinipat niya iyon saka umiling. "Pain tolerance is different for each person. What's not painful for me could be painful for someone. Sanay na rin ako kaya hindi ko na siguro nararamdaman kung masakit ba o hindi."

"Is that for a client?"

"Nah, it just pop up in my head this morning. It will look good on a girl's portrait, like a crown."

I listened to his insights. Kahit na hindi ko pa nakikita sa balat ang iginuguhit niya ay nai-imagine ko nang magiging maganda iyon. Naging interesado ako kaya nakulit ko siyang ipakita sa akin ang iba pa niyang drafts and he I was mesmerized by it. Nadagdagan ang paghanga ko sa kanya dahil doon.

"How much do you charge per tattoo?"

Napatitig siya sa akin, hindi sigurado ang isasagot dahil mukhang nabasa na ang nasa utak ko.

"It depends kung gaano kalaki, why?"

"Just thinking about it."

His lips curved a smile. "If it's for you, I'll do it for free."

Pakiramdam ko ay lumiwanag ang buong mundo sa narinig. I never really thought of getting a tattoo, but I became instantly curious now that I found the right artist.

"Hindi naman yata pwedeng walang bayad. This is a masterpiece."

Nagkibit siya ng balikat. "Just tell me what you want and I'll do it."

"Magkano nga?"

Imbes na sumagot ay naiiling lang itong tumayo.

"Nicolaus is a good tattoo artist, too. Kung ayaw mo ng libre sa 'kin, sa kanya na lang para siguradong may bayad. Hey Nics!" Seidon called, sa pangalawang pagkakataon ay nagulantang na naman ang puso ko dahilan para masapo ko na ang aking buong mukha.

Shit na malagkit! Bakit ba pakiramdam ko ay ibinubugaw talaga ako ng mga ito?

~~~~~~~~~~~~

Full version of this story is only available on PATREON and VIP group. Click the link in my bio to subscribe or message me for details.

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.

P.S

HAPPY SUNDAY! ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top