CHAPTER 16
Chapter Sixteen
Best Of Your Life
"Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman akong kaibigan mo, Roshlin Zabryna..." nababaliw na bulong sa akin ni Ivana habang palapit kami sa parking lot kung nasaan ang magpipinsang Cordova na naghihintay sa amin.
I don't want to feel awkward or nervous, but my heart beat faster when Nicolaus sit up straight from his bike and then locked his eyes with mine. I felt my cheeks burn a bit when his white perfect teeth showed after he smiled.
"Tangina, napakaganda talaga..." narinig kong bulong niya sa sarili nang tuluyan na kaming makalapit ni Ivana.
Hindi ko na lang iyon pinansin dahil alam kong mamumula lang ako lalo and I should stop blushing! Hindi ako dapat kiligin sa mga sinasabi at ipinapakita niya sa akin. I don't want to lead him on and I also don't have any plans pn putting my guards down. Alam ko na ang hilatsa ni Nicolaus at kailangan kong protektahan ang sarili ko doon.
I greeted everyone. Hindi ako umalis sa tabi ni Riggwell matapos bigyan ng simpleng bati si Nicolaus kaya agad nawala ang malawak na ngiti niya kanina. Maybe he expected me to stand beside him na hindi ko ginawa. I won't do that. His presence was enough to make my heart beat crazy now, ang pagtabi pa kaya sa kanya?
I listened to Vivi about our agenda, but my focus were divided to her and the man who couldn't stop staring at me and Riggwell.
"You're up for a dance showdown, 'di ba? You did it last time with Nicolaus and you did great, RZ! We're so lucky that you're here with us now!"
I smiled and nodded at her. "Okay lang naman pero hindi ako pwedeng gabihin masyado."
"Kasama mo naman si Kuya Faun, 'di ba?"
Napabaling ako kay Nicolaus na sa unang pagkakataon ay nagsalita na rin pero hindi nawawala ang kaseryosohan.
"No shit..." Rigwell trailed, a bit surprised. "Oo nga pala, 'no? Bodyguard mo nga pala si Kuya Faun tapos driver n'yo naman si Mang Diego!"
"You know them?"
"Oo naman! Ano ka ba ilang tumbling lang sa Claveria bahay na nila! Kabalawarte namin 'yang mga 'yan! San Antonio OG's!"
Natawa ako. "Pero kahit na bawal kasi talaga akong gabihin."
"Yes, may curfew kasi itong si Roshlin gawa ng evil step-mother niyang hindi naman kagandahan–"
"Ivana!"
Natatawa nitong natakpan ang bibig at wala nang nagawa kung hindi ang mag-peace sign na lang lalo na't napabaling sa kanya sila Achilles. Natawa ang lahat.
"No offense pero totoo naman kasing pangit ang step-mother mo! Maganda lang 'yon kung walang retoke. Kita mo nga 'yung mga anak eh mukhang mga palakang nakakaligo three times a day!"
"You're so mean!"
"I'm just telling the truth!" Giit niya.
Panay ang tawa ni Riggwell sa usapan. "I'm a gentlemen so let me stay quiet with this topic."
"Good for you! Pasensiya ka na sa kaibigan ko Riggs. Pinaglihi kasi sa pagiging pintasera."
"Roshlin Zabryna, how dare you!" nagbibirong hinila ni Ivana ang braso ko dahilan para mas lalong matuwa si Riggwell sa amin.
Hinihintay pa namin sila Chaz kaya nanatili muna kami sa parking lot at nagpatuloy sa kwentuhan. Bumalik sa pag-upo si Nicolaus sa kanyang sports bike, wala talagang amor na makisali sa usapan dahil libang na libang na kami nila Riggwell. Ang ilan naman ay mayroon ring sariling usapan. Hindi ko na rin siya pinansin lalo na nang mag-vape na lang siya. No one minded the smoke coming out of his mouth kaya hinayaan ko na lang rin kahit na ang totoo ay kanina pa ako nauubo at gusto siyang punahin.
We continued laughing with Riggs. Nakisali na rin si Vivi at dahil sa lakas ng tawa ni Riggwell ay napunta na rin sa amin ang atensiyon nila Achilles, Seidon, at iba pa.
"Maswerte pa rin pala ako dahil kahit na maalat ang ugali ni Venus ay maganda naman."
"Ang kapal ng mukha mo, Riggwell! Hindi masama ang ugali ko!"
"Choosy ka pa ha?! Sinabihan ka na ngang maganda kahit hindi ako sure!"
Pilit na umiwas si Riggwell nang akmang sasapukin ni Venus.
"Talaga namang maganda ako dahil kapag sinabi mong pangit ako ibig sabihin pangit ka rin!"
"Kaya nga para balanse, Vivi! Hindi ka naman perfect aminin mo na!"
"I am not pero hindi masama ang ugali ko! Sa ating dalawa ikaw ang nakasalo no'n!"
Madramang sinapo ni Riggwell ang kanyang dibdib. "What a freaking liar! Hinulma ako ng mas mabuti kumpara sa 'yo kaya nga mas paborito ako ni Lola Ellen dahil bukod sa almost perfect ako, ako rin ang pinakamabait sa ating lahat! No offense, Chi. Usapang kambal lang." aniyang ikinukumpas pa ang kamay sa harapan ni Achilles.
Nababaliwan lang napailing ang huli pagkatapos ay inayos ang kanyang suot na salamin. Kami naman ay walang ginawa kung hindi ang tumawa nang tumawa sa alitan ng dalawa.
Ivana was happy and lucky to be with them, too. Masyadong welcoming ang mga ito at walang maitapon sa kanila. I like their vibes. Hindi pilit at talagang hindi ka mauubusan ng topic. Kay Riggwell pa nga lang ay busog na busog na kami.
The conversation went on while we waited for the rest.
"Ayos ka lang, tol?" sa wakas ay puna ni Riggwell sa pinsan na tahimik.
Bahagyang nabawasan ang ngisi ko. Imbes kasi na sagutin nito ang pinsan ay awtomatiko lang lumipad ang titig ni Nico sa akin.
"Hindi. Huwag masyadong dumikit, tol, akin 'yan, 'di ba."
My lips parted in awe with what Nicolaus said! Pati si Ivana ay napanganga sa bulgarang pagsasabi niya ng mga salita. Imbes naman na ma-offend ay natawa lang si Riggwell at pagkatapos ay hinila ako papunta sa kabilang gilid para matapat ako sa pinsan at malayo sa kanya.
I'm glad Ivana wasn't on my side dahil kung naroon ang babae ay tiyak na ilang kurot na naman ang natikman ko pero hindi ko rin lubos maipagpasalamat ang sitwasyon dahil ngayon ay nasa harapan ko naman ang tahimik na lalaki.
I gathered all my strength to look in his eyes and ask, "Ayos ka lang?"
"Oo." he answered coldly and then puffed his vape again.
"Eh, bakit ang tahimik mo?"
Ibinuga niya ang usok sa ere at saka ibinaba ang hawak at muling tumitig sa aking mga mata.
"Wala."
"Ano nga? Bakit hindi ka nakikipagkulitan?"
He licked his lower lip. Kumibot ang mapupulang labi niya. "Masaya ka na, ano pang gagawin ko?"
"Bakit ikaw? Hindi ka ba masaya?"
"Hindi, pero basta masaya ka okay na 'ko."
Kusang umangat ang aking kamay para sapakin na siya sa dibdib pero imbes na matinag at bumalik na ang sigla ay maagap niya lang hinawakan ang kamay ko at hindi na iyon binitiwan.
"Hindi na ako nagbibiro, Zabryna. Seryoso na ako."
Iginalaw ko ang aking kamay pero bago pa mabaliwan sa kanya ay kumawala nang muli ang ngisi niya.
"Nag-aalala ka ba? Gusto mo bang maging masaya lang rin ako? May alam ako kung paano..."
Sa pagkakataong iyon ay mas malakas ang naging pagsapak ko sa kanyang dibdib!
"Baliw ka talaga!"
Nakangisi niyang hinuli ulit iyon. "Baliw naman talaga sa 'yo. Hindi pa ba obvious? Gusto mo bang patunayan ko? Sabihin mo lang luluhod na ako."
"Baliw!"
"Rekta kasal na lang kaya tayo para habang buhay na akong masaya?"
"Nicolaus!"
He finally laughed at that. "De joke lang!" aniya sabay bitiw ng kamay ko.
My cheeks burned profusely hindi ko na alam kung paano pa itatago sa kanya.
"Pero balang araw seseryosohin ko 'yan kaya huwag mong kalimutan."
I pouted at him. Lumayo ako sa kanya. Mabuti naman at sumigla na siya sa naging interaksiyon namin at naging makulit na rin sa mga sumunod na minuto.
Akala ko makakaligtas na ako sa mga birada niya at sa asaran para sa aming dalawa pero mas lalo lang iyong umingay nang dumating na sila Chaz at magdesisyon nang umalis ang lahat.
"Ako na lang kay Riggwell, RZ!" hindi na ako nakapalag dahil bago pa ako makapihit kay Riggwell ay nakasampa na sa motor niya si Ivana.
Natatawang nagkibit ng balikat ni Riggs. "Sorry lods, I'm taken."
"Ako na 'to." singit ni Nicolaus.
Sa pagbaling ko sa kanya ay nahapit ko ang aking paghinga sa kanyang lapit!
"Helmet, baka mauntog ka pa't magkagusto sa iba. Hindi puwede 'yon." aniya pagkatapos ay maingat nang inilagay sa ulo ko ang kanyang hawak na helmet.
"Sus... Ilang babae na ba ang nakasuot nito? Mukhang lagi mong dala eh. Lagi kang may angkas?"
That caught him off guard. Hindi kaagad nakaisip ng sagot. Tinalikuran ko na lang siya at hinintay na ayusin ang kanyang motor dahil baka kapag nagpatuloy pa kami sa diskusyon ay mahimatay na lang ako sa harapan niya. Kahit kailan, alam kong hindi ako mananalo kay Nicolaus. Marami siyang baon na mga salitang tumatagos sa kailaliman ng puso ko kahit na hindi ko naman iyon gusto.
Everyone who doesn't have a motorcycle was already on Achilles' black ford ranger. Iba iyon sa usual niyang gamit na sasakyan.
"Sakay na." aniya sabay tapik sa espasyo sa kanyang likuran. Sumunod naman ako.
"Yakap." he demanded.
"Dito na lang ako kakapit–"
"Yakap sabi, eh."
"Nicolaus–"
"Hays, ang damot naman para yakap lang..."
I bit my lip and then put my hands on his shoulders instead. Wala na itong nagawa kung hindi ang magpatuloy dahil kami na lang ang naiwan.
I called my father when we got into the park. Pinayagan niya akong makipag-bonding sa mga kaibigan ko.
Vivi taught me how to use her skate board. Doon ako naging abala sa mga sumunod na minuto hanggang sa magsimula na silang sumayaw. This time, the group were divided into two dahil wala naman silang maka-showdown. Ivana and I were the first one to dance in the middle since we're new to the group. I still have to go through the second audition, pero kahit wala iyon ay siguradong pasok na ako.
Walang tigil ang hiyawan at kasiyahan sa dance showdown ng nahating grupo. Everyone participated and had fun with that. Naki-practice rin kami ni Ivana sa dance steps ng piyesa nilang nabuo para sa kanilang performance sa darating na regional dance competition. We also did tiktok videos with Riggwell at saka lang nagpahinga nang makuntento ito sa ilang videos na kinunan.
I thought I was going to rest after that but Nicolaus asked me to dance with him again. I was hesitant to give him my hand pero dahil sa hiyawan ay hindi ko na ito natanggihan.
Bago pa ako makapaghanda sa pagsabay sa mabilis na beat ay awtomatiko nang lumipad ang mga mata ko kay Riggwell nang palitan niya iyon ng kantang say you won't let go by James Arthur.
Bago pa ako makapagreklamo ay sandali nang natigil ang pagtibok ng puso ko nang hapitin ni Nicolaus ang aking bewang palapit sa kanyang katawan. My heart throb relentlessly with what he did!
"Dance with me..." masuyo niyang bulong at walang sabi na akong inikot, wala nang kawala sa gusto niyang gawin.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga at pagkatapos ay dinama na lang ang mabagal na tugtog sa parkour.
Natahimik ang lahat nang walang hirap akong nakapag-adjust sa kanta. Moments later, we were both dancing like feathers in the wind. We were in synced. Para siyang anino ng aking katawan na sumasabay at umaalalay sa bawat galaw ko.
Our piece became more intense and passionate for the next minutes. Gaya ng unang nangyari iyon, it felt like our performance was perfectly rehearsed. Hindi ko gustong maapektuhan sa ginagawa, but I lost it when he held my waist and pulled me up from the ground. He spin my body just as the chorus ended but instead of letting go, my legs automatically snaked around his waist, ayaw magpabitiw sa kanya.
"Just say you won't let go. Just say you won't let go..."
Naghiyawan ang lahat sa aking ginawa pero pakiramdam ko ay ako ang dapat sumigaw nang imbes putulin niya na ang sayaw ay iniyakap niya lang ang matitipunong braso sa aking katawan at agad akong niyakap nang mahigpit habang patuloy na umiikot kasabay ng pagbagal ng kanta.
I felt like crying at the sudden burst of my emotions. Hindi ko maintindihan ang dapat maramdaman sa kanyang ginawa. What he did made me so emotional for some reason.
Parehas kaming hinihingal nang tuluyang matapos ang kanta kasabay ng kanyang pagtigil sa paggalaw. My feet were back on the ground, but we continued hugging each other. Sandali kaming nawalan ng pakialam sa mga kasama naming nagwawala na dahil sa napanuod.
"You're so damn good at this, Roshlin. Paano pa ako makakaahon niyan?" Masuyo niyang bulong sa aking tainga.
I chuckled on his chest. Sinapak ko ang likod niya pero nang subukan kong bumitiw ay mas humigpit lang ang yakap niya sa akin.
"Pwede bang dito ka na lang? Tangina, binabaliw mo na talaga ako."
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at tuluyan nang walang naisagot. I don't know what to answer to that. Mabuti na lang at dumating na ang pagkaing in-order ng magpipinsan kaya naghiwalay kami. Kung ako lang, parang ayaw ko na ring bumitiw...
Ivana didn't stop teasing me again. Buong pagkain namin ay wala itong ginawa kung hindi ang tuksuhin ako kay Nicolaus. Hindi ko na lang siya pinatulan dahil ayaw ko nang pahabain pa iyon.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami ni Ivana sa kanila. Hindi na ako nagpasundo dahil kaya ko namang mag-commute. Gusto pa sana nila kaming ihatid pero hindi na nila nagawa nang makapara na kami ni Ivana ng tricycle at agad sumakay.
She teased me the whole ride at hanggang sa makababa ako ng sasakyan.
"Good night, Roshlin! Panigurado namang talagang masarap ang tulog mo!"
"Sira!"
Tumawa na lang ito at kumaway bilang paalam sa kanya. Dahil bawal na ang tricycle sa loob ng village ay naglakad na lang ako. Hindi naman iyon delikado dahil marami rin namang nagrorondang mga gwardiya kaya hindi ako nakaramdam ng takot kahit na alas diyes na ng gabi.
Hindi nawala ang ngiti ko habang palapit sa bahay. Time really flies when you're living the best of your life. Nanatili akong nakangisi habang papasok ng bahay.
Being with them today was one of the best decision I've ever made and I am so excited to spend more days with them. Iyon ang mas nagpapasaya sa puso ko ngayon, pero ang lahat ng tuwang naramdaman ko ay agad napalitan ng kaba nang matanaw ang agarang pagtayo ni Tita Myrcelle matapos akong makitang pumasok sa main door.
"Where the hell have you been?! Uwi pa ba ito ng matinong babae, Roshlin Zabryna?!" her angry voice roared like a blazing thunder, replacing all the happiness in my heart with fear.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below.
🙂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top