CHAPTER 15
Chapter Fifteen
Buong Mundo
I didn't know how we managed to get out of the cafeteria while holding hands... again.
Alam kong maraming nakatingin sa amin pero tila ba ang mundo ng mga segundong hawak niya ako ay sa aming dalawa lang. He didn't mind the glares of the people. Parang wala rin talaga siyang pakialam kung awayin siya ng girlfriend niya dahil sa ginagawa niya sa akin.
"Wala akong girlfriend." bungad niya matapos akong bitiwan sa kabilang pasilyo na wala ni isang estudyante. "Describe to me the girl who you saw me kissing at papatunayan kong hindi ko girlfriend 'yon."
"Hindi naman kailangan, Nicolaus. Wala naman akong problema kung may girlfriend ka–"
"Wala nga akong girlfriend, Zabryna." giit niya, bahagyang nag-igting ang panga dahil sa paulit-ulit kong pagsasabi no'n.
Sinubukan kong ngumiti para mawala ang tensiyon sa pagitan namin.
"Bakit ka galit?"
"I am not."
"You look mad for someone who's not mad," biro ko ngunit nanatili siyang seryoso.
Marahan kong sinapak ang dibdib niya.
"It's okay. We don't have to talk about each other's relationship dahil wala ka namang obligasyong sabihin 'yon sa akin. I just don't want any drama. I'm here to study and nothing else. I appreciate you telling me personal things like this but I swear you don't have to."
Alam kong napakarami pa niyang gustong sabihin pero dahil male-late na ako ay nagmamadali na akong nagpaalam sa kanya. Gusto pa sana akong ihatid pero hindi na nagawa sa agaran kong paglayo.
"Happy birthday ulit, Nico! Thank you sa food!"
Nasuklay niya ang buhok at napatango na lang habang pinapanuod akong lumayo.
Ivana teased me the whole day. Hindi ko na pinatulan dahil ayaw ko namang gawing issue iyon.
"Bagay naman kayo. Tsaka mukhang malakas ang tama sa 'yo, RZ."
Natatawa ko siyang inirapan pero hindi ito natigil sa pang-aasar.
"Salamat sa pagsabay! Thank you Mang Diego!"
Magiliw na tumango ang driver namin sa kanya. Humalik naman siya sa aking pisngi matapos akong yakapin bago bumaba ng sasakyan. Kumaway na lang ako habang papasok siya sa WYWB para umpisahan ang shift sa kanyang part time job.
Pagkauwi ay naging abala ako sa mga homeworks. My father was coming home late kaya kahit nang matapos ako sa ginagawa ay nagkunwari pa rin akong busy.
I don't have the energy to share the meal with my step sisters and I also wanted to talk to my father tonight. Kahit kasi gusto ko na talaga ang gagawing pagsali sa dance crew ay hindi ko naman siya pwede i-by pass. I am grateful to my father and I want to build a trust and safe communication with him kaya kung ano ang sasabihin niya ay magiging malaking desisyon para sa akin.
Habang hinihintay siya ay nalibang ako sa mga photos na sinend ni Ivana. She was fangirling over a band's vocalist na kasalukuyang nagpe-perform sa Wish You Were Beer kaya kilig na kilig. Though she love dancers, she said ang mga tipo niya ay mga artistic and adventurous na tao. She's currently single and she wanted to take things slow, but if meron naman daw ay hindi siya tatanggi.
Sa maikling panahon na nakilala ko si Ivana ay masasabi kong marami na kaming napag-usapan lalo na sa pamilya at ilang mga prefences sa buhay. She applaud me for not having a boyfriend even once. Imposible daw iyon lalo na't maganda ako at mukhang prinsesa pero kalaunan ay naniwala na rin siyang iyon ang totoo.
Though hindi naman ako naubusan ng mga lalaking nagpaparamdam ng pagkagusto nila sa akin, I always let them know that I am not ready for that. Bukod doon ay talagang gusto kong makatapos muna ng pag-aaral. Kahit kasi alam kong kaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral at love life ay kailangan kong magkaroon ng prioridad sa buhay. I need to choose and prioritize what was best for me and for my betterment so someday I could be someone I would be proud of. That's my goal.
Nagpatuloy ang daloy ng usapan namin hanggang sa sabihin ng mga ate na nakauwi na raw si Papa. It's already late at alam kong masesermonan ako pero hindi ko napigilang puntahan siya.
"Why are you still up, anak?" Magiliw niyang tanong matapos akong yakapin pabalik.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman siya nagalit na gising pa ako dis oras ng gabi. Kung ang step-mother ko pa iyon ay katakot-takot na sermon na ang maririnig ko.
"I'm waiting for you, Papa."
"Why? I told manang to tell you that I'm going home late. Kumain ka na ba? I already ate Roshlin pero kung hindi ka pa kumakain ay sasabayan kita."
I was happy to hear that. I thank him for dining with me kahit na sinabi niyang kumain na siya.
"Thank you Papa for dining with me. Hindi naman talaga ako gutom at alam kong kumain ka na rin but I have to sit down and talk to you."
Inayos niya ang table cloth na hawak. "About what? Anything wrong? Nag-away na naman ba kayo ng mga kapatid mo?" Bahagya siyang natigil sa pagkuha ng pagkain.
Agad akong umiling para pabulaanan iyon. Hindi nawala ang pangamba sa kanyang mukha.
"It's about some curricular activities. Hear me out first before you say something."
"Okay, I'm listening."
Inabot niya sa akin ang kanin. Kumuha naman ako habang naghahanda sa mga susunod na sasabihin.
"You and Mommy used to dance, right?"
Bumagal ang galaw niya sa aking tanong. Nagpatuloy ako.
"Hindi mo po natatanong but mommy taught me how to dance, too. She enrolled me to a ballet school but even before that marami na akong dance class na in-attend-an because of her."
His face ligthens at that. Bahagya pang nanubig ang mga mata hindi ko alam kung sa tuwa ba o sa kung ano pang emosyon para sa aking ina. He did not say any word. He let me finish talking.
"And since then dancing has become my passion, Papa. Kahit na hindi ako active sa pagsali sa mga dance competition, nasa pagsasayaw ang puso ko. Mom was a good dancer, too."
"She's the best dancer I know, Roshlin."
That made me smile, but I also felt the sadness in Papa's eyes.
"She was a great dancer before we even met. Dahil nga siguro do'n kaya kami mas lalong naging malapit. We share the same passion for dancing and that became one of the core of our relationship. Naalala kong sumali pa kaming dalawa noon sa salsa and we won. Simula no'n ay sumubok pa kaming sumali sa iba, but we didn't made it our priority dahil maraming pangarap ang mommy mo bukod sa pagsasayaw. She had so many dreams and plans for her future..."
Nagpatuloy si Papa sa pagsasalita. Tila ba hinatak siya ng nakaraan para lang maikwento sa akin ang pinakamasayang parte ng buhay niya.
Hindi na niya naitago ang pagiging emosyonal habang natutulala at isinasalaysay ang buhay kasama si Mommy. I was stunned to see him like that. His reaction made me curious about what really went wrong. Sa kanyang pagkukwento kasi ay halatang mahal na mahal niya si Mommy. I felt that his love for my mother didn't go away even if Tita Myrcelle already took her place.
We were both emotional with the flow of our conversation. Nahiya pa akong sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ko iyon nasabi pero sa huli ay nagawa ko pa rin. I was so happy to hear him say that he approved my decisions on joining a dance crew.
"I trust you Roshlin and I know that you will never disappoint me. Alam kong responsable ka at kaya mong i-balance ang pag-aaral at ang dance crew kaya walang problema sa akin ang pagsali mo diyan."
Hindi ko na napigilang yakapin si Papa dahil sa kanyang pagpayag. I was the happiest. Hindi ko in-expect na walang pag-aalinlangan niya akong papayagan kaya naman kinabukasan ay iyon kaagad ang naging topic namin ni Ivanna.
She was happy for me, too. In fact, sa pangalawang audition ko nga ay sasamahan niya pa rin daw ako.
"Are you ready for the second audition? For sure pasok ka naman na, 'di ba?"
"I still want to go through all that. Ayaw ko namang manlamang sa mga sumali dahil lang kilala ko ang magpipinsan."
Nakangisi niya akong siniko. "Hindi lang kilala! Mukhang babakuran ka na!" Aniya sabay nguso sa harapan namin dahilan para lumipad ang mga mata ko doon.
I immediately swallowed hard when I saw Nicolaus walking towards our direction. Nakapamulsa ito at diretos lang sa paglalakad pero nang matama ang mga mata namin ay agad siyang napangiti ng malawak. Nahawa naman ako at napangiti rin pabalik.
Damn, he looks so good and fresh today. Nakalugay ang hanggang balikat na buhok at mukhang basa pa rin.
"Aalis na ba ako?" Kinikilig na bulong ni Ivana sa akin dahilan para hawakan ko ang braso niya kaya hindi na ito nakagalaw lalo na nang mapunta sa harapan namin ang lalaki.
"Hi, Nicolaus!" Binati rin siya nito pero agad na ibinalik sa akin ang titig.
"Tutuloy ka sa audition?"
"Oo naman. Ayaw mo ba?"
"Sus, 'yun nga lang ang inaabangan ko..."
Mas lalo kong nayakap ang braso ni Ivana dahil sa akma niyang pagkawala sa aking pagkakahawak, alam kong ipagkakanulo na naman ako sa lalaki!
"See you na lang pala bukas—"
"Are you free later?" Putol niya't harang sa aking daraanan. My heart pounded a bit!
"Saan?"
"Nagyayaya si Ino sa parkour. Baka lang gusto mong sumama."
"Si Ino ba talaga?" Singit ni Ivana dahilan para mapakamot siya sa kanyang kilay. Napahagikhik ang kaibigan ko.
"Busy kami mamaya, eh. Tsaka, kailangan naming mag-review ni Ivana para sa quiz bukas—"
"May quiz tayo?!"
Pinandilatan ko ng mata si Ivana! Nalaglag naman ang panga niya matapos maintindihan ang gusto kong sabihin!
"M-may quiz pala kami! Nakalimutan ko! Hehe!"
Nawala ang ngiti ni Nicolaus. Bahagya akong na-guilty nang pagdiinin niya ang kanyang mga labi.
"Alright, see you around then. Ingat." Aniya at wala nang sabing nilagpasan kami.
Bagsak ang mga balikat kong napabitiw kay Ivana matapos sundan ng tingin ang palayong lalaki.
Why do I feel bad about that? Oo nga't tama lang na iwasan ko siya dahil baka kapag nagpadala ako ay makalimutan ko ang mga prioridad ko sa buhay pero bakit mabigat sa loob?
"Ayan! Pakipot pa kasi eh halata namang gusto rin!"
Nanlalaki ang mga mata kong binalingan ang kaibigan. "I don't like him like that! He's just a friend Ivana!"
Humalakhak ito. "Bakit parang bigay na bigay ang emosyon sa pagpapaliwanag? Tsaka, ano ka ba wala namang masama sa pagyayaya no'ng tao! Alam mo bang napakaswerte mo?! It's freaking Nicolaus Cordova! Ni minsan wala pa akong narinig na niyaya niyang sumama kasama ang mga pinsan! Bukod tangi kang may privilege Roshlin kaya ang sarap mong kutusan!"
Napanguso ako at hindi na lang sinagot ang mga sinabi niya dahil ang totoo ay gusto ko rin naman talagang kasama ang mga ito. It's just that... I don't know. Maybe I'm protecting myself from anything that will hurt me in the future. Kahit na kasi sabihin kong hindi ako naghahanap ng boyfriend at ayaw kong payagan si Nicolaus na i-pursue ako ay hindi ko naman maiwasang maramdaman rin iyon pabalik. I'm human and honestly, I'm attracted to him, too. Bonus na lang doon ang galing nito sa pagsasalita. Even without his great looks, I'd still probably be drown to his personality. I like goofy guys and he loves dancing so there's that.
Ang pagtanggi ko ang bumagabag sa akin lalo na't iyon rin ang walang tigil na inungot sa akin ni Ivana buong araw. When I finally stopped thinking about it, saka naman ako nakatanggap ng text galing sa kambal.
Venus:
Rosh busy ka? Parkour tayo?
Riggwell:
Roshlin Zabryna sasama ka ba o sasama ka? Kawawa naman 'yung pinsan ko grabe baka umiyak 'to pag hindi ka sumama. Kawawa sobra.
Napailing ako dahil doon pero agad kong nahapit ang paghinga nang makita rin ang pagdating ng text ni Nicolaus.
Nicolaus:
Heyyy! You still busy?
Siya ang nauna kong replayan dahil muli na naman akong na-guilty sa nangyari kanina.
Ako:
Hindi naman na.
Nicolaus:
Ah good. Anong ginagawa mo?
Ako:
Wala.
Nicolaus:
Wala naman pala eh ba't 'di mo na lang ako mahalin para maging busy ka?
My cheek burned at that! I was worried he was mad at me for turning down his invite. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa pagiging makulit niya ngayon.
Ako:
Puro ka talaga kalokohan, Nicolaus.
Nicolaus:
Sus. Kapag ikaw sineryoso ko 'di mo kakayanin 'to. Gusto mo ba?
Ako:
Huwag ako. Iba na lang.
Nicolaus:
'Wag na lang rin kung hindi ikaw. 😏
Hindi na sana ako mag-re-reply dahil nababaliw na naman ako pero mas lalo ko iyong naramdaman nang makitang tumatawag siya sa akin!
I was hesitant to answer it at first pero nang makita ang nagbabantang mukha ni Ivana ay wala na akong nagawa.
"Hello?"
"Ikagagalit ba ni Lord kapag sinamba kita?" Bungad niyang dahilan para makagat ko ang aking pang-ibabang labi.
I almost cursed when I felt Ivana pinched my hand! Nakikinig sa usapan namin!
"Survey lang! Uy sama ka na mamaya. Kahit isama mo pa si Ivana kahit pati Papa mo basta sumama ka lang."
"Busy nga kasi—"
"Akala ko hindi ka na busy at wala ka ng ginagawa?"
"Nicolaus—"
"Are you breaking up with me?"
"What?!"
He laughed on the other line. "Practice lang. Tsaka, hindi rin naman mangyayari 'yon 'no."
Napalunok ako. "Ang maging tayo?"
"Ang mag-break tayo. Kapag napunta ka sa 'kin akala mo pakakawalan pa kita? Luh, asa ka."
"Puro ka talaga kalokohan, Kulas! Wala ka bang klase, ha?!"
"Patapos na. Sige na kasi, ano bang kailangan kong gawin para lang sumama ka, ha? Hindi naman kita itatanan, eh. Para bonding lang."
"Ano ba kasing meron?"
"Wala naman. Gusto lang kitang makasama masama ba 'yon?"
"For sure marami naman kayo—"
"Kahit buong mundo pa kasama ko ikaw lang ang hahanapin ko."
I bit my lip harder this time, hindi na nananalo lalo na't si Ivana ay halos mangisay na rin sa tabi ko! Ilang beses ko pang naramdaman ang pagkurot niya kaya sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang um-oo.
~~~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on PATREON and VIP group. Click the link in my bio to subscribe or message me for details.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top