CHAPTER 14

Chapter Fourteen

Birthday Wish


Nicolaus and I exchanged more messages that night. Kahit nga hindi ko gustong magpuyat at napuyat ako dahil sa kakulitan niya.

I woke up the next day with a huge smile on my face. Ngayon na lang ako nakangisi nang gano'n kaya namula ako nang punahin ako nila Ate Nati.

"Blooming na blooming naman yata ngayon ang Roshlin namin, ah? Mukhang masarap ang tulog?"

Agad kong nakagat ang labi at nahihiyang inalis ang atensiyon sa kanila. Kunwari kong hinalungkat ang mga gamit ko kahit na ang totoo ay hindi naman kailangan.

Katatapos lang naming kumain. I was just waiting for the driver to pull up. Nauna kasing ihatid ang mga step-sisters ko at ang iba namang driver ay kasama ni Papa at Tita Myrcelle. I'll probably be late for my first class pero ayos lang. Saglit lang rin naman ang biyahe at makakaabot pa ako.

"Palagi naman pong masarap ang tulog ko, Ate."

Imbes na iwan ako ay nagmamadali siyang umibis patungo sa aking harapan. Natawa ako nang hawakan niya ang mukha ko at sinipat-sipat.

"Hindi eh! Parang sumobra ng ilang guhit 'yong lawak ng ngiti mo ngayon, eh!"

"Ate!"

We both laughed at that. Mas lalo akong nadiin sa usapan nang dumating pa si Ate Flor. Hindi nawala ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa mga pang-aasar nila. I don't know what's wrong with me. Siguro nga ay talagang masarap lang ang tulog ko kaya gano'n?

Naiinis ko nang pinisil ang magkabila kong pisngi nang maramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga ito matapos mabasa ang huling text ni Nicolaus kagabi. Nasa kotse na ako at patungo na sa university.

Nicolaus:

Matulog ka na mamahalin pa kita.

Hindi ko na iyon nareplayan kagabi. Akala ko makakapag-isip ako ng matinong reply ngayon pero hindi ko pa rin magawa.

My heart pounded when I saw another text from him! Kagat labi ko iyong binasa.

Nicolaus:

Good morning ganda. Anong oras break mo mamaya?

Kung nasa harapan ko lang siguro ang lalaki ay nasuntok ko na siya. I typed my reply.

Ako:

Before lunch may 1hr break ako, bakit?

Nicolaus:

Sama ka raw sabi ni Vivi eh. Sakto pala sabay-sabay tayo.

Ako:

Saan? Anong meron mamaya?

Nicolaus:

Wala naman. Kakain lang ng lunch tapos baka landiin ka na rin.

His texts should be illegal. Kahit na kasi matagal na panahon kaming hindi nakapag-usap at nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan ay parang walang nagbago sa lalaki. Kung ano kami bago ko siya ginhost ay gano'n pa rin kami ngayon.

Mag-re-reply na sana ako nang oo pero nang maalala ko ang unang beses na makita ko siya sa unang araw ng klase ay nag-iba ang mood ko.

Ako:

Bakit hindi mo landiin 'yong girlfriend mo?

Hinintay ko ang text niya pero nalaglag na ang magkabila kong balikat nang walang dumating hanggang sa makarating kami university.

Hindi ko na inasahan ang pag-re-reply niya. I knew it. Siguro ay na-realized niyang mayroon na nga pala siyang girlfriend at dapat ay hindi na siya gano'n sa akin.

Inayos ko ang aking mga gamit at bumaba na sa sasakyan pero nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa parking lot ay natigil na ako't napatalon nang marinig ang busina ng motor sa aking likuran!

"Holy mother of dogs!" I blurted! Nasapo pa ang bibig sa gulat!

Humigpit ang kapit ko sa aking bag at inis na nilingon ang may gawa pero naitikom ko lang kaagad ang aking bibig nang makita ang nakangising mukha ni Nicolaus.

He was on his big bike smiling from ear to ear. He wasn't wearing his helmet and his hair was tied up. Kahit may ilang pulgada ang layo namin ay amoy na amoy ko ang bango ng kanyang katawan. Ipinilig ko ang ulo para hindi na siya sipatin. Inihinto niya ang motor sa gilid ko.

"Magugulatin naman para ako lang 'to. Kalma."

Naiiling ko siyang inirapan. "Binusinahan mo ako sinong hindi magugulat!"

"Oh, sorry na... puso mo akin na..."

Kinagat ko ang labi para pigilan ang muling pagngisi! Itinaas ko ang isang kilay ko.

"Mag-park ka na do'n. Male-late na ako."

"Sungit naman. Basta mamaya, ah?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Anong mamaya?"

"Lunch nga. Ayaw mo sige na kasi sama ka na?"

"You didn't read my last text?"

Kumibot ang labi niya, dahan-dahan pa ring inaabante ang motor para sabayan ako sa paglalakad.

Akmang dudukutin na niya ang kanyang telepono kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang!

"Sige na, Nicolaus! Mauna na ako, bye!"

Hindi na niya ako sinundan nang tumakbo ako patungo sa loob ng building. Marami ring estudyante kaya hindi na siya nakasunod. I bit my lip when I saw him looking at his phone. Nakipagsiksikan ako papasok sa lumang building pero tila huminto ang paggalaw ng mundo ko nang sunod na marinig ang malakas na pagsigaw ng lalaking iniwan ko.

"Roshlin Zabryna paano mo nasabing may girlfriend ako, eh hindi pa nga tayo?!"

I heard everyone gasped at that! Kusang tumigil ang mga paa ko nang magsihintuan rin ang mga estudyanteng nakapalibot sa akin! My jaw drop when I realized that they were all looking at me!

Bago pa ako nakagalaw ay narinig ko na ang pag-igikan ng mga babaeng malapit sa akin. Ang mga nasa harapan naman ay lumihis kaagad ang mga titig patungo sa aking likuran. I felt my heart pounded so much more! Ayaw ko mang isipin pero alam ko nang nasa likuran ko ang lalaki!

Bago pa ako nakagalaw ay nahila na niya sa balikat ko ang aking sling bag. I felt my cheeks flushed when the next thing I felt was his hand holding mine.

"Ihahatid na kita sa klase mo baka malandi ka pa ng iba." aniya sabay hila palayo sa mga taong pare-parehong nangingisay sa kilig dahil sa ginawa ng lalaki.

Hindi ko nagawang pigilan si Nicolaus. Ni hindi ako nakapagsalita habang hawak niya ako at ang gamit ko. I felt like a model on an exclusive runway because of what he did! Habang naglalakad kasi sa hallway ay nagsisihawian ang mga tao at ang mga titig ay hindi naalis sa aming dalawa.

Nakagat ko ulit ng mariin ang aking pang-ibabang labi nang malaglag ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. I wanted to pull my hand away, but had no strength to do it.

"Anong room nga ulit?"

"2-232..."

Pinuno ko ng hangin ang aking baga nang sulyapan niya ako. Matamis niya akong nginitian. My mind cursed when I realized how gorgeous he was especially when his hair was tied in a man bun. Kuminang ang dangling earring na krus sa kanyang kanang tainga nang mahagip ng sinag ng araw. His jaw was so defined, bagay na bagay sa kanyang mukha.

"Kinikilig ka 'no?" putol niya sa mga talipandas kong naiisip.

That made me pull my hand away, but he held it tightly! Nanlaki ang mga mata ko!

"Nagtatanong lang. Gusto ko lang siguraduhing the feeling is mutual."

"Puro ka kalokohan. Bitiwan mo na ako."

"Ayoko nga. Baka maligaw ka pa."

I pouted at him. "Alam ko na ang pasikot-sikot rito, hindi na ako maliligaw."

"Oh, eh 'di ako na lang. Hawakan mo lang ako baka maligaw ako."'

"Kapag may umaway sa akin dahil sa ginagawa mo susuntukin na talaga kita."

He laughed at that. Pinigilan kong huwag mahawa sa kanya.

"Sino ba kasing may sabing may girlfriend ako? Bakit ka ba naniniwala sa fake news?"

Wala na siyang nagawa nang makawala ako sa pagkakahawak niya. Bahagya akong lumayo sa kanya kaya nawala ang kanyang mga ngiti.

"Zab–"

"I saw you kissed someone on the first day of school. Kung hindi mo girlfriend 'yon, ano?"

Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata, tinitimbang ang mga emosyon ko, nag-iisip.

"Wala 'yon."

"Wala lang para sa 'yo pero ayaw ko ng gulo. Lumandi ka na lang ng iba Nicolaus at huwag na ako." I said before grabbing my bag on his shoulder.

Nagmadali na akong pumasok sa unang silid ng klase bago pa niya ako makulit ulit. Napailing ako nang bumungad sa akin ang laglag pangang si Ivana habang palapit ako sa kanya. Ang mga kaklase rin naman ay sa akin nakatingin at alam ko nang si Nicolaus ang dahilan no'n.

Dahil naramdaman ni Ivana na hindi ako komportableng pag-usapan ay hindi niya ako kinulit. Mabuti na lang rin at late rin ang professor sa una naming subject at halos magkasunod lang kami kaya kaagad ring nawala ang atensiyon ng lahat sa akin.

I forced myself to stop thinking about Nicolaus. Akala ko ay tuluyan na akong makakatakas pero gano'n na lang ang paglaglag ng panga ko nang makita hindi lang ito kung hindi maging ang kanyang mga pinsan sa labas ng silid matapos ang huli naming klase bago ang isang oras kong break!

Nakangisi akong siniko ni Ivana. "Gold na gold ticket talaga, ah..."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya natatawa niya na lang na itinikom ang bibig.

"Zabrynaaaaa!" mahabang sigaw ni Riggwell habang nakangisi ng malaki sa akin. Kinawayan ko siya maging sina Seidon.

Venus stopped talking to Chaz and turned to me. Siya ang naunang lumapit. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako.

"Tara kain tayo! Libre ni Achilles!"

Lumipad ang mga mata ko kay Nicolaus na tahimik lang habang nakatingin sa akin. Seidon and Achilles were at the back, nakasunod lang sa amin. Wala na kaming nagawa ni Ivana kung hindi ang sumama sa kanila hanggang sa canteen.

The boys ordered our food. Kami namang mga babae ay naghintay lang sa lamesa. Mabilis na nakapagpalagayang loob ni Ivana ang mga ito. Dapat lang rin iyon dahil opisyal na rin naman siyang miyembro ng UDB dance crew. Venus told us that Ivana has a potential of officially becoming an EDM member, too. Though kailangan ko pang sumabak sa second audition, sure na raw na pasok na ako.

"If you want you can join EDM, too."

"Uy oo nga! We've seen your moves, RZ! Sakto kailangan namin ng maraming girls sa susunod na dance competition!" si Chaz naman.

I was overwhelmed by their invitation. Masaya ako at excited rin pero sa ngayon ay hindi ako makapagdesisyon kaagad. Alam ko kasing magkakaroon ng conflict ang pagsasayaw sa pag-aaral ko. I am here only because of my studies and I don't want to take this opportunity for granted. Ang lahat ng mga extracurricular activities ko ay kailangan kong ipagpaalam kay Papa.

"Pag-iisipan ko, Vivi."

"No pressure, but I promise you, masaya 'yon! I bet you haven't tried competing yet. Sabi mo rin first time mong sumali sa ganito, 'di ba?"

Tumango ako. Vivi and others convinced me, but my answer remained the same. Sa pagbalik ng mga lalaki ay natahimik kami. Hindi naman ako masyadong gutom pero dahil sa mga mapanuring mata ni Nicolaus ay nagawa kong pagtuonan ang aking pagkain.

Nagpatuloy ang aming kwentuhan. Maya-maya ay tumayo na si Nicolaus kaya napatingala ako sa kanya.

"Andiyan na?" tanong ni Seidon.

Tumango siya at walang sabing nagpaalam. Tumahimik sandali ang lahat hanggang sa umugong ang malakas na pagtawa ni Riggwell.

"Ang tahimik naman parang walang may birthday, ah!"

Umiling si Seidon. Si Achilles naman ay agad napatitig sa akin, kumunot ang noo ko.

"Sinong may birthday?" I asked but before they could answer me, nakabalik na si Nicolaus dala ang cake at ilang mga paper bag sa kabilang kamay laman ang iba pang pagkain.

"Hindi mo alam?" nalilitong tanong ni Vivi na inilingan ko.

Tinulungan ni Riggwell si Nico sa mga bitbit. Siya ang nagbukas ng cake at inayos sa gitna ng lamesa namin. Imbes na bumalik sa pwesto ay ipinagtulakan niya na sa harapan ko na lang umupo si Nico, palit sa pwesto niya.

Tumayo si Riggwell sa upuan at agad nagseryoso.

"Ipinatawag ko kayong lahat para sa simpleng piging na ito!" bungad niya sa kabuuan ng canteen.

Ang lahat tuloy ay natigil sa pagkain at napaharap sa pwesto namin. Dinampot niya ang bote ng kanyang soda at itinaas sa ere.

"Gusto ko lang batiin ng maligayang kaarawan si Nicolaus Aegon Cordova! Bro, congratulations nabuhay ka't nakaabot ngayong taon sa birthday mo! Try mo ulit next year para makakain ulit kami. Cheers to more years! You're my favorite cousin today kaya mabuhay ka hangga't gusto mo!"

Napapitlag ako sa malakas na pagkalampagan ng lamesa ng lahat pero hindi ko nagawang makisali dahil sa pagtitig kay Nicolaus.

It's his birthday today, bakit hindi niya sinabi sa akin? Parang gusto ko tuloy makonsensiya dahil kahit na nagpapakatotoo lang ako kanina ay alam kong kahit paano ay nasira ko ang mood niya.

He forced a smile. Umingay ang cafeteria sa pagbati ng lahat sa kanya. Everyone participated when we sing him happy birthday.

"Wish! Wish!" everyone on our table chanted in unison.

Pinilit ko na ring ngumiti para sa kanya pero muling napalitan ang matamis kong ngiti nang kaba nang imbes na pumikit at humiling ito ay awtomatikong lumihis ang titig niya sa akin pagkatapos ay wala nang sabing hinipan ang kandila.

"Yown! Putang ina sure na akong sa inggit talaga ako mamamatay!" hiyaw ni Riggwell na nagpahalakhak sa lahat.

Dama ko ang ilang beses na pagsiko sa akin ni Ivana. Tuwang-tuwa rin sa mga nangyayari. Agad akong napayuko nang hindi naputol ang titig ni Nicolaus sa akin kahit pa patuloy ang mga pagbati sa kanya.

Nakahinga lang ulit ako ng maayos nang bumalik si Riggwell sa pagkakaupo at nagpatuloy na kaming lahat sa pagkain. Nicolaus bought more food. Bukod sa cake ay mayroon pang mga chicken at pizza pero napatuon ang mga mata ko sa mojos na agad niyang inilayo kay Riggwell.

Bago pa makapagreklamo ang pinsan ay inusog na niya iyon sa harapan ko.

"This is yours."

"Thank you pero pwede namang i-share–"

"Para sa 'yo lang 'yan." giit niya.

Imbes na makipagtalo ay tumango na lang ako at ngumiti. Ayaw nang bigyan siya ng bad vibes ngayong kaarawan niya.

"Happy birthday, Nico."

He nodded, bahagyang sumigla sa sinabi ko.

"Thank you."

"Hindi mo naman sinabi sa 'king birthday mo ngayon."

"Bakit kapag sinabi ko ba ki-kiss mo 'ko?"

Nagpapasalamat akong busy ang lahat sa kani-kanilang usapan at hindi na napagtuonan ng pansin ang mga sinabi ni Nicolaus dahil kung hindi ay katakot-takot na pang-aasar na naman ang mangyayari!

Sinimangutan ko siya. Nang matawa siya ay doon ko na nasigurong ayos na ulit kami.

"Joke lang! Pero pwede rin naman. Tumatanggap naman ako ng kiss lalo na 'yong sa 'yo."

I scoffed at that. "Sa ibang babaeng kiss na lang. Mukhang sagana ka naman."

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Imbes na magpatuloy ay kumuha na lang ako ng mojo's at isinubo habang si Nicolaus naman ay muling natigilan, iniisip ang mga sinabi ko. Nakailang mojo's na ako bago siya nakapagsalitang muli.

"You saw me kissed someone, didn't you?"

Nagkibit ako ng balikat. I don't even want to remember every details of that kiss. Mukhang naalala niya naman na ang tinutukoy ko or baka sa dami ay hindi na siya nakapili kung sino doon.

Hindi na nakasagot si Nicolaus nang mapunta ang atensiyon sa kanya ng mga pinsan. Hindi na rin ako nagsalita at nakipagkwentuhan na lang rin sa mga bagong kaibigan.

I thanked everyone after we were all done eating. Nagpaalam na kami ni Ivana dahil may klase pa kami pero hindi ko inasahan ang pagtayo rin ni Nicolaus. He glanced at Ivana, sa sandaling titigang iyon ay agad nakuha ng kaibigan ko ang gustong sabihin ng lalaki kaya nagmamadali akong iniwan.

Umibis si Nico at agad dinampot ang bag ko bago ko pa iyon makuha sa lamesa.

"Usap muna tayo." aniya sabay hawak muli sa aking kamay at hila palayo sa lahat.

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

P.S

Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top