CHAPTER 13
Chapter Thirteen
Audition
It was already jampacked when we got inside the auditorium. Good thing Ivana convinced someone to switch numbers with me. Hindi pa rin kami magkasunod pero magkalapit na rin kaya ayos na.
I was overwhelmed by the crowd. Simula itaas hanggang sa ibaba patungo sa stage ay puno iyon ng tao.
My eyes automatically scanned for familiar faces. Kahit nakatalikod, alam ko nang ang mga Cordova ang nasa mahabang lamesa sa harapan ng stage. They were the judges for this round.
"Siguro tapos na ang klase nila kaya sila na mismo ang mag-ja-judge at mamimili. We have to really give our best now." Si Ivana habang hila-hila ako sa numero ng upuan namin.
"Akala ko kaunti lang ang mag-a-audition. Parang mas marami pa akong nakitang estudyante rito kaysa sa field."
She chuckled at that. "I'm not from here, but I was familiar with these people. For sure naman hindi lahat ng mga narito ay dancer. Ang iba niyan ay gusto lang makita ang magpipinsan. You know, magpapapansin lang."
"That exists?"
"Yeah, just look around you."
Sinundan ko siya sa upuan nang mahanap niya ang pwesto namin. The auditorium was loud pero kapag may nakasalang sa stage na interesting at magaling ay kusang nahihinto ang usapan ng lahat ng mga naroon.
"It's your first time, 'no?"
Naipilig ko ang ulo pabalik kay Ivana. "What?"
"First time mo kakong mag-audition?"
"Obvious ba ulit?"
Natawa siya bago tumango. "You look tensed. Parang gusto kong kabahan sa kabang nararamdaman mo ngayon. I could feel it and it's intense, RZ."
Napakurap-kurap ako't wala sa sariling napabaling pabalik sa ibaba kung saan naroon ang mga judges.
Ang totoo, wala pa akong piyesa para sa audition ko. And even if I have, hindi rin ako kakabahan doon. Kahit never akong nagka-dance crew o napabilang sa ganito, dancing for me was just natural, a hobby, my passion and I love doing it. Kaya naman ako kinakabahan at hindi mapakali ay dahil kay Nicolaus.
He seemed pissed. Sa kanilang magpipinsan ay siya lang ang hindi pumansin sa akin kanina. I don't know why he hold some grudges for me when his cousins were okay with me ghosting them, pero wala na akong magagawa. All I have to do now is to get closer to him... kausapin siya if pwede at magpaumanhin na rin.
Sa buhay ko kasi ngayon ay ayaw ko na nang maraming diskusyon. I don't want to argue with anyone at mas mabuti na ring walang kaaway para magaan ang puso ko. With that, mas mag-fa-function ako ng mas maayos sa aking pag-aaral.
Habang palapit nang palapit ang numero namin ay mas lalong nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba, but I was entertained when a girl did a chicken dance on the stage.
Sumambulat ang tawanan sa audience pero nanatiling tahimik ang mga judges. My heart jumped a bit when I saw someone from the crowd cheering for the girl who was on the verge of breaking down.
"G-go Zoey! Go Zoey! Go go go!" pumalakpak ito ng mas malakas dahilan para magtinginan sa kanya ang mga natitirang estudyanteng naghihintay ng kanilang mga turn.
I was giggling inside. Kahit kasi alam niyang sobrang nakakahiya na ng ginagawa niya ay hindi niya itinigil para lang bigyan ng lakas ng loob ang kaibigang nasa stage.
Ivana and I kept giggling because of her. She was adorable. Nagulat ang lahat nang makapasok ang kaibigan niyang totoo namang hindi magaling sumayaw pero okay na rin dahil sa pagtatalunan nila nang makababa ito sa stage at makabalik sa kaibigan. Seeing them so happy makes everyone at the auditorium happy.
I must admit, some auditionees were really good at dancing at iisa pa lang ang nakapasok na hindi magaling. Gaya ng sabi ni Ivana, nagpapapansin lang talaga ang iba and I totally get why.
Ngayon lang rin lubusang nag-si-sink in sa utak ko kung gaano kasikat ang mga Cordova at ang kanilang dance crew. Everyone adores them because they are really good at what they do. Deserved nila ang kasikatan.
"Good luck, Ivana!" I cheered when it was her turn to audition.
Just like the girl who cheered for her friend, todo bigay rin ang cheer ko kay Ivana pero dahil totoong magaling ang kaibigan ko ay halos lahat ng mga estudyante roon ay dinamayan ako.
I already expected her to get in, but I still jumped when Riggwell gave her her pass.
"Oh my God, Roshlin! This is a gold ticket!" Halos isigaw niya iyon sa aking tainga.
She deserves it. Hindi madali ang freestyle na ginawa niya at malinis ang kanyang galaw kaya dapat lang ang gold pass para rito.
Ibig sabihin, she will not go through another audition. Basta makuha niya lang ang yes ng limang magpipinsan ay diretso nang slot iyon.
Once you got a golden ticket, you automatically become a UDB dance crew member while others will have to go through series of auditions pa to fight for a spot. Once kasi na isa sa mga judges ang mag say no, wala kang gold ticket.
Ivana waited for my turn. She kept cheering me up, pero nang palapit ay doon ko na nadama ang kaba lalo pa nang magtama ang mga mata namin ni Nicolaus matapos niyang pumihit sa kanyang likuran para kumuha ng bottled water.
He stopped moving for a couple of second when our eyes locked. Pinigilan kong mapalunok. I was about to smile at him when he ripped his gaze off of me again. Bumagsak ang balikat ko, bahagyang nanlumo sa pagsusungit niya.
Hindi na bale, I will make your mouth drop later Nicolaus. I whispered to myself.
Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa aking bibig nang tawagin na ng isang miyembro ng EDM ang numero ko. Ivana pat my shoulders as if I was going to a boxing ring.
"You got this, Rosh! Make me proud!" She cheered for me.
Tumayo ako at naglakad palapit sa stage. Doon na ako napalunok nang nagsiupuan ng tuwid ang magpipinsan matapos kong sumampa doon.
"Wait, isn't she the girl from the parkour?" A boy asked while using the microphone.
Pinagdiin ko ang aking mga labi at kahit na naiilang kay Nicolaus ay buong tapang ko silang hinarap. Tumango ako.
Riggwell grab his mic. "You don't have to do this, Zabryna."
Achilles, Seidon, Vivi and others agreed to that, but they became speechless when they all turn to Nicolaus who was playing with his pen while looking at me with a poker face.
"I want to audition." Sabi ko na lang.
Riggwell leaned on Nico, but the latter did not even budge. Nanatili lang ang walang emosyon niyang titig sa akin. Sa huli, dahil hindi unanimous ang desisyon ay pinagbigyan nila ako.
I told them to play a random music. Iginalaw ko ang mga kamay, huminga ng malalim at isinantabi na muna ang kaba lalo na't gusto kong patunayan kay Nicolaus na gusto ko talaga ang gagawin... that I wanted to clear things between us, too.
Hinanda ko ang sarili nang umalingawngaw na ang kantang alors on danse. I was familiar with the song and I actually like the beat so I just let my body follow the rhythm.
Sa unang galaw pa lang ng mga kamay ko ay nangisi na si Seidon at Achilles. Vivi began nodding her head when I started following the beat.
I let my body move swiftly and dominate the stage. Sa bawat ikot ng balakang at mabilis na galaw ng katawan ay nangingisi ako. Hinayaan ko ang sariling namnamin ang musika. I danced my heart out through the song. Sa chorus ay umingay ang buong auditorium para i-cheer ako. I bit my lip and winked at Ivana when I heard her loud voice cheering for my name down the stage.
Nagpatuloy ako sa mabilis at malinis na pag-indak sa stage. I restricted myself from looking at Nicolaus, pero hindi ko na napigilan nang matapat ako sa kanya.
Agad nagtama ang aming mga mata. I saw the side of his lips rose a bit, but when I did not stop staring at him, kusa niyang tinanggal iyon. Ipinagdikit niya pa ang mga kilay na tila sinasabing hindi siya kuntento sa galaw ko.
I knew he was impressed and was only playing hard to get. Mas pinag-igi ko na lang ang indak sa gitna ng stage. Napatayo na sila Riggwell. The crowd went wild as the last beat drops just in time for my split.
Hinihingal kong inahon ang sarili nang umugong ang malakas na palakpakan at sigawan.
"Damn! May nanalo na! Uwian na guys! Close na kami!" Natatawang announce ng kaibigan ni Vivi sa mikropono.
Nagtawanan ang lahat. Umibis si Riggwell sa lamesa para lapitan ako sa stage. Nakangisi ang mukha niya't bilib na bilib sa ginawa ko.
"Tangina ang galing talaga lods!" He tap my shoulder, napangiti ako.
"Thank you."
He turned to face his cousins. "Ano? Gold ko na 'to?"
Nagsitanguan ang lahat maliban kay Nicolaus. Kinuha ko kay Riggwell ang inabot niyang bottled water, pero hindi ko agad nabuksan nang lahat ay mapalingon ulit kay Nicolaus. Tamad niyang kinuha ang kanyang mikropono.
"I need more. There's nothing unique to her performance. Let's not give her the gold ticket."
"What?!" Vivi shouted in complete disappointment!
Kahit ako ay nalaglag ang panga sa narinig. He grab his vape and shrug his shoulders. Achilles went to him. Napalapit na rin si Seidon para pag-usapan ang desisyon. Their microphones were off and they were whispering kaya wala akong narinig. Base sa ekspresyon ni Nicolaus ay talagang ayaw niyang ibigay sa akin ang gold ticket! Malinaw iyon!
"Fuck me..." Riggwell whispered beside me.
"W-what?"
Lutang niya akong binalingan, tila hindi na rin alam kung ano ang nasabi. Nang ma-realized ay agad niyang itinaas ang mga kamay.
"Oh! No! That's not what I mean!" Napapakamot sa ulo siyang umatras palayo sa akin. "Ibig kong sabihin pasensiya ka na, mukhang malaki 'yong tampo sa 'yo. Yari ka."
Ininom ko ang tubig at hinayaan silang mag-usap-usap ulit. Nang tumagal ang diskusyon ay bumaba na rin si Riggwell sa stage at iniwan ako. Mas lalo yatang hindi nagkasundo ang magpipinsan pero sa huli ay isang desisyon pa rin ang nabuo.
"We're not giving you a gold ticket, Zab..." Riggs glanced at Nicolaus.
Nanatili pa rin ang poker face ng lalaki sa akin. Kahit na gusto kong mainis sa kanya ay hinayaan ko na lang. His feelings are valid. Fair naman akong tao kaya okay lang.
"But you're going to the next round."
I feel the disappointment of the crowd. Kung hindi lang siguro ang mga Cordova ang nasa harapan ay nag-boo na silang lahat.
Vivi walk towards me. Sinalubong niya ako sa baba ng stage. She gave me a silver pass. I thanked and hug her.
"You'll get in the next round I promise you, so please go back?"
Pinagdiin ko ang aking mga labi sa paglayo niya.
"I'm so sorry about him. Kakausapin ko pag-uwi."
"No, it's okay. Okay lang ako."
"You don't need a second audition, Rosh—"
"That's what he wants, right? Siya lang ang may ayaw?"
Malungkot siyang tumango. "But please come back. We need you. Hindi lang sa UDB kung hindi pati sa EDM. We need more members at unang kita ko pa lang sa 'yo sa parkour alam ko nang sa amin ka. Please don't mind Nico. Kukutusan ko 'yan pag-uwi."
Our conversation made my heart lighter. Tumango ako at muli siyang niyakap. We both walk towards their table. I shook hands with some of them hanggang sa mapunta ako kay Seidon at Achilles.
Naupo ng ayos si Nicolaus nang siya na ang kakamayan ko pero imbes na gawin iyon ay itinukod ko lang ang mga kamay sa kanyang harapan. I smile genuinely at him, dahilan para mapalunok siya.
"I ghosted you and I was at fault kaya ka nagagalit ngayon kaya sorry. Hindi naman talaga ako narito para sa audition. I came here to apologize to you. I had my reasons, Nico. I apologize if I hurt you, but you don't have to do that. Sabihin mo na lang ngayon kung ayaw mo akong sumali sa dance crew para hindi na ako mag-aksaya ng oras sa pangalawang audition. I told you, I'm not really here for that."
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsiko ni Seidon sa kanya pero nanatili itong tikom ang bibig.
Nilawakan ko na lang ang aking ngiti para hindi na masyado pang mapahiya pagkatapos ay inalis na ang sarili sa harapan niya at binalikan na lang si Ivana na naghihintay na sa akin.
She was shocked when she face me again. Hindi makapaniwala sa nakitang pagiging close ko sa tinitiliang magpipinsan. Sa paglabas nga namin ng auditorium ay iyon ang bukambibig niya.
I told her where I met them. Mas lalong namilog ang mga mata niya sa pagkamangha. She said it was rare for the Cordova's to hang out with someone they barely knew, but after seeing my moves, hindi na rin siya nagtaka.
EDM had the best dancers in Buenavista. Laman sila ng mga kompetisyon sa lugar maging sa buong lalawigan kaya naman palaging bukas ang oportunidad para sa mga magagaling na mananayaw para sa kanilang grupo.
Dati pa man daw ay maugong na ang pangalan ng mga ito kahit sa lugar nila Ivana. She said she was a fan. Sinusundan niya ang bawat kompetisyon ng grupo at minsan na rin siyang nangarap na mapabilang rito kaya naman tuwang-tuwa ng maalala ang kanyang golden ticket.
Imbes na umuwi ay nag-celebrate kami ni Ivana sa coffee shop kung saan siya nagpa-part time. Nagpaalam naman ako kay Papa at pinayagan rin naman ako kaya nagkaroon ako ng oras na makakwentuhan pa siya.
I learned a lot hindi lang tungkol sa pamilya ni Ivana kung hindi maging sa ilan ring pasikot-sikot sa Buenavista. She basically told me the do's and don'ts of the place especially in the university.
I had fun hanging out with her. Madilim na nang makauwi ako. Dahil busog pa ay hindi na ako nakasama sa dinner. Papa was coming home late kaya mas lalo akong nawalan ng energy na kumain kasalo ang pamilya niya.
Pagkatapos mag shower ay doon ko lang nabigyan ng pansin ang telepono ko. I was shock to see my phone blows up from random messages. Ilang mga mensahe galing sa mga unsaved numbers ang natanggap ko.
Napangiti ako ng mabasa ang text ni Vivi.
Unknown Number:
Sorry, I know your phone was blowing up rn. Gusto kang i-congratulate at pilitin pa na bumalik sa second audition ng iba kaya kinuha ang number mo sa form. I hope you don't mind. We really want you, Roshlin. Please come back.
Iyon nga ang mga nabasa ko sa mga sumunod na mensahe pero hindi ko sigurado kung babalik pa nga ba talaga ako.
After the encounter I had with Nico, parang ayaw ko na lang rin dahil ramdam kong ayaw niya rin naman sa akin. I thanked everyone who congratulated me. In-skip ko lang si Vivi dahil hindi ko sure kung ano ang sasabihin sa kanya
I studied and read some books after that. Nang matapos at matutulog na ay muli kong binalikan ang telepono ko.
I already saved the numbers who texted me earlier kaya nangunot ang noo ko sa panibagong unsaved number na nag-text sa akin. Lito kong binuksan ang mensahe.
Unknown Number:
It wasn't nice of me to say no because you were so damn good earlier and you deserved the gold ticket, but you were also right. I am pissed and with that, I'm sorry. Balik ka na, hindi na ako galit. Nico 'to.
~~~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
P.S
Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top