CHAPTER 12
Chapter Twelve
Flier
I shouldn't be affected by what I saw earlier, pero nasa unang klase na ako at napapalibutan ng mga kaklaseng gustong makipagkilala ay hindi nawala sa utak ko ang halikan ni Nicolaus at ng babaeng iyon.
Hindi naman na dapat ako magtaka. Knowing Nicolaus' reputation, normal na iyon, but I was really damn affected. Maybe because I saw all his efforts when he pursued me the whole vacation.
Oo nga't ang pagkakaalam niya ay aalis rin ako at iyon rin ang dahilan kung bakit pilit ko siyang itinataboy kapag nagpapahayag siya ng pagkagusto sa akin pero kahit paano ay naramdaman ko rin ang kaseryosohan niya... or maybe that's just him? Maybe I was just a summer fling to him? Maybe he was just challenged of me pero ang totoo, wala lang 'yon sa kanya?
Ipinilig ko ang aking ulo at pilit na itinuon ang atensiyon sa mga babaeng nasa aking harapan.
I'm here not to think of anyone or anything, but my studies. Ngayong pumayag na si Papa at maayos na ang lahat ay iyon ang dapat kong pagtuonan ng pansin. Okay na rin iyong mayroong ibang babae sa buhay ni Nicolaus dahil kahit na ipagpatuloy niya ang panlalandi sa akin ay hindi pa rin naman pwede.
"Bago ka lang rito, 'no?"
Tumango ako kaagad sa babaeng naiwan sa tabi ko matapos batiin ang mga nag-hello sa kanina.
"Gano'n ba talaga ka-obvious?"
She smiled sweetly and then nodded at me. "Medyo. I'm Ivana. Don't worry, I'm new here, too."
"Nice to meet you, Ivana."
"We're block mates, ibig sabihin buong semester tayong magkasama so let's make this work, okay lang ba? Friends?"
Magiliw akong tumango. "Sure, friends."
"Great!"
We both laughed. Nagpatuloy ang pag-uusap namin. She was fun to talk to. Medyo parehas kami ng trip sa buhay, but when she pulled out the Shakey's paper bag on her back pack, na-in love na yata ako sa kanya.
"Mojos?"
I should say no, but mojos was one of my kryptonite. Mabilis nag-amoy pagkain ang buong classroom dahil sa pagkain namin. Kahit nang dumating ang aming professor ay nagpatuloy kami sa simpleng pagkain dahil hindi pa naman pormal ang klase. Bukod sa pagpapaliwanag ng syllabus ay wala naman nang masyadong ginawa. That went on with the next subjects until lunch time came.
I was amazed with the university's view. Habang tinatanaw ang malawak at berdeng field na may mga nagkalat na estudyante ay hindi mapigilan ng puso ko ang pagtutumalon dahil sa nag-uumapaw na tuwa.
This was once my mother's view. Papa told me she was smitten by my mother the first time he saw her here. Kahit na sobrang sikat daw siya noon lalo na't palaging siyang MVP ng kanilang basketball team ay hindi naman siya kilala ni Mommy.
Ang sabi niya ay wala raw kasing gustong atupagin si Mommy kung hindi ang pag-aaral, but because he was in love the first time he saw her, siya ang gumawa ng daan para makilala si Mommy. He said he did what all creepy stalkers do. He sent her flowers, chocolates and everything anonymously. And one time, nang hindi makuha sa gano'n ay itinodo na niya ang pagiging weirdo. Ang unang beses na nagkausap daw sila ay nang tabihan na niya ito sa isa sa mga bench na ngayo'y natatanaw ko.
Ivana's curiosity of my sudden happiness while running towards the benches was intense. Gayunpaman, wala siyang nagawa kung hindi ang sundan ako.
"Anong hinahanap mo?"
"My parents were both alumni's of this university. Naalala ko lang ang kwento ni Papa tungkol sa ilang bahagi ng love story nila."
"Oh, so how come na bago ka lang dito?"
"My mother left Buenavista when they separated. I was young, hindi ko na maalala."
Naramdaman ko ang pagtigil niya sa pagsunod sa akin dahil doon. Nilingon ko siya't nginitian.
"It's okay, Ivana. Matagal na panahon na 'yon. It's not a big deal anymore. My father has his own family now."
She sprinted to keep up on me. "So you're living with them now? Where's your mom?"
Napalunok ako't hindi kaagad nakasagot. Muli ko siyang hinarap.
"She's in Macau. I was young when she took me away from my father. Mahabang kwento. Oh! Here it is!"
Nawala ang atensiyon ko kay Ivana at agad napaluhod sa bench nang makita ang sinasabi ni Papa na inukit niyang initials nila sa bench kung saan siya sinagot ni Mommy.
Pinagpag ko ang mga alikabok na kumapit doon. I slowly run my fingers through it lalo na sa puso na si Mommy naman ang nag-ukit.
"That's romantic as fuck. When kaya?"
Sabay kaming natawa. Doon na kami kumain ng tanghalian ni Ivana. She told me something about her. She was from a town hours away from here. Aniya ay gusto raw ng mga magulang niyang dito siya mag-aral dahil sa dekalidad na edukasyon kaya kahit na pwede namang sa kanila ay pumayag na rin siya. She said she wanted to try and be independent, too. May kaya ang pamilya niya kaya suportado siya pero balak niya pa ring maghanap ng trabaho para mas masanay sa buhay. That inspired me to do the same.
"Tingin mo kakayanin 'yon after class?"
"Oo naman! I know someone from this place. Kaibigan ng kapatid ko. She owned a restobar named Wish You Were Beer. Malakas iyon lalo na tuwing gabi at pwede ko siyang kausaping bigyan tayo ng part time kung gusto mo."
I almost said yes to that. Working was one of the things I was so eager to do. Kahit na may pera naman ako ay gusto ko pa ring pagdaanan iyon lalo na't ayaw kong dumepende sa suporta ni Papa. I need to earn on my own. Hindi pwedeng aasa lang ako sa hingi, but then I don't know how.
I have full units this semester. Pwede naman sa gabi kaso nga lang ay may curfew naman ako. I told Ivana that I'll think about it. Siya naman ay sure na sure na dahil gusto niya rin talagang panindigan ang layang ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang.
Naging maayos ang mga sumunod na araw ko sa unibersidad. People are actually friendly and nice to me. I'm glad no one recognizes me yet. Wala akong nakilala mula sa party ko. Maybe because most of them were studying at SCL like my step sisters. Mabuti na lang rin talaga dahil ayaw kong mag-iba ang tingin nila sa akin. Money could be intimidating sometimes and I don't want that. Besides, ang Papa lang naman ang mayaman at sikat, hindi ako.
Mabilis kong hinila si Ivana isang araw nang matanaw ko ang magpipinsang pasalubong sa aming direksiyon!
Simula nang hindi ko na kausapin ni isa sa mga Cordova ay nawalan na rin kami ng komunikasyon. They are still not aware that I'm now studying in the same university as them.
"What the heck! Bakit?"
"M-may nakalimutan pala ako sa classroom! Samahan mo na ako hindi pa naman tayo male-late!"
"But, Rosh–"
Hindi na niya naituloy ang mga sasabihin nang kaladkarin ko na siya pabalik sa lumang building. Iyon nga lang, nahirapan kami nang mapadaan sa mga booths na nagre-recruit sa iba't-ibang club.
Ivana was curious. Halos hintuan niya ang lahat kahit na ilang beses ko siyang hinila pero natalo niya ako nang matapat kami sa bulletin board na kumuha sa kanyang atensiyon.
"Omg Roshlin! Omg!"
I cursed when she pulled me into the crowd to get a flier! Mas lalo akong kinabahan dahil bukod sa alam kong maaabutan na kami ng mga Cordova ay nakita ko na rin ang hawak ni Ivana.
"Elite Dynasty Movement!" Ivana almost screamed with so much happiness!
Yakap niya ang flier. Bago ko pa siya mahigit muli ay lumakas na ang hiyawan!
Napapikit ako nang mariin. Agad kong binitiwan si Ivana dahil alam kong hahatakin niya rin ako palapit sa kinababaliwang grupo ng lahat. Kahit labag sa loob ko ay iniwan ko na siya doon bago pa ako makita ng mga Cordova.
Hinihingal ako nang makarating sa second floor habang sapo ang dibdib! Oo nga't wala naman akong nagawang kasalanan at wala akong dapat pagtaguan pero nahihiya ako sa hindi ko pagsagot sa kanila. For sure, kapag nakita nila ako ay hindi maiiwasan ang tampo dahil masaya naman ang naging samahan namin nitong bakasyon at ako lang talaga ang umiwas.
I texted Ivana na magkita na lang kami sa next class namin. Nang makabawi ay sa kabila na lang ako dumaan para hindi ko na mabalikan pa ang kaguluhan sa ibaba. I've never been in the old building. Lahat kasi ng klase ko nitong mga nakaraan ay nasa bago.
Somehow, my heart felt at peace just by walking down the old hall. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin si Mommy at Papa. Hindi ko man alam ang buong kwento kung paano ang naging relasyon nila noon sa loob ng campus, but for sure their relationship made everyone envy.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa dumami na ang mga estudyante sa hall. I was minding my own business when my feet put to halt after I saw a familiar man looking right back at me.
Laglag ang panga niya habang nakatitig sa akin. Sumakto kasing humawi ang mga tao at saktong nagtapat kami. Some of the fliers he was holding fell on the floor.
"Z-Zabryna?" hindi makapaniwalang bulalas ni Riggwell na tila nananaginip habang walang kurap ang titig sa akin.
Nagmamadali niyang inihagis ang lahat ng mga fliers sa hallway nang masigurong ako nga ang nasa harapan.
"Ikaw nga!" mas malakas niyang hiyaw!
Ang ilang mga taong nasa lamesa at nagbabantay sa labas ng auditorium ay walang nagawa kung hindi ang mapailing habang pinupulot ang mga nagkalat na fliers sa sahig.
Mas lumakas ang pagtahip ng puso ko nang agad niyang tapikin ang aking ulo, sinisiguro pa ring ako nga ang nasa harapan!
"Gago lods, ikaw nga!" he said, chuckling this time!
Nangislap kaagad ang mga mata niya sa tuwa. I was relieved by his reaction. Kanina lang kasi ay iniisip kong galit sila dahil sa pang-go-ghost ko pero ngayong masaya naman si Riggwell na makita ako ay hindi ko na rin napigilang mahawa.
"Sorry Riggs... S-sorry hindi ko na kayo kinausap–"
"Wait! Sandali! Huwag kang magmadali!" putol niya sabay sipat sa kabuuan ko. "Dito ka nag-aaral?!"
Marahan akong tumango. Mas lumiwanag ang mukha niya sa tuwa. Magpapatuloy na sana ako sa paghingi ng depensa sa ginawa ko sa kanilang lahat pero hindi na ako nakapagpatuloy nang agad niyang pulutin ang isang flier na hindi pa nadadampot ng kasama.
"We're having an audition today. You don't have to apologize, mag-audition ka lang ako pa mag-so-sorry sa 'yo."
"Riggs–"
"Pero pwede rin namang hindi na. Everyone knew how good you are so I don't think you need to audition–"
"Ikaw pa lang ang nakakaalam na narito ako at nahihiya akong harapin ang mga pinsan mo so I don't think I can do it." putol ko na sa kanya.
Bahagyang nawala ang ngisi sa kanyang mga labi. "Hindi naman matampuhin 'yong mga 'yon. I'm sure you have reasons. Okay lang 'yon, Zab. Huwag mo nang intindihin. Ang isipin mo na lang ngayon ay itong audition. Please, you have to join us."
Napatitig ako sa flier na ibinigay niya. Dama ko ang panghihinayang habang binabasa ang lahat ng mga nakasulat. Unang linya pa lang kasi ay parang gusto ko nang umiyak dahil iyon lang rin naman ang gusto ko.
I really love dancing and doing what I love with the Cordova's and their crew was one of the best thing for me right now. Iyon nga lang, hindi pa ako handa na makaharap sila ulit... Lalo na si Nicolaus. I don't know what to say to him. I didn't even know if I can face him again after ghosting him.
Riggwell let me read everything on the paper, but my heart told me I wasn't ready. Hindi sa pagsayaw at pagsunod sa gusto ko kung hindi ang makitang muli si Nicolaus. Iyon ang mas inalala ko. I was about to tell him that, but it was too late.
"Nicolaus!" malakas niyang sigaw na mas lalong nagpasimento sa aking katawan.
Shit! I almost forgot about them!
He waved at someone behind me. Mas lalong nagwala ang puso ko nang maisip na si Nicolaus na nga iyon.
"Look who I found!"
Hindi pa man ako nakakapihit paharap ay parang mahihimatay na ako sa kaba. Tinabihan ako ni Riggwell. Napapikit ako nang mariin. Mabagal kong pinihit ang katawan paharap sa kausap niya. Hindi ko napigilang mapasinghap nang sakto iyon sa paghinto ni Nicolaus sa harapan ko.
Nahihiya ko siyang tiningala. Nakatali ang kanyang buhok. There were strands of hair on his forehead. Bahagyang nakasalubong ang kanyang makakapal na kilay at ang mga mata ay matamang nakatitig lang sa akin.
Sa aking pagkurap ay napalunok siya. There were probably a lot of questions running through his mind. I was so sure of it, but before we could say anything to each other, muli nang nagsalita si Riggwell.
"Ayieehh! Love at one hundred sight! Abunjing bunjing!"
"Roshlin!" Vivi's hug ripped me off of Nicolaus' gaze.
Kahit paano ay naibsan ang takot ko na muli silang makaharap dahil parang tuwang-tuwa naman si Vivi sa akin. She let me feel the longing she felt when I ghost them. Achilles and Seidon greeted me, too. Hinintay kong batiin rin ako ni Nicolaus, pero isang tango lang ang iginawad niya sa akin bago walang sabi akong lagpasan. He went inside the auditorium without saying any word.
Ang malakas na tawa ni Riggwell ang sunod na umalingawngaw sa hallway.
"Tangina ang lakas magtampoñeta ni Kulas! Parang hindi bukambibig si Zab at Shakey's buong bakasyon, ah!"
Natatawang napailing na lang si Seidon at Achilles. Pinagdiin ko ang aking mga labi, hindi na alam ang gagawin o sasabihin pa sa kanila dahil sa pag-wa-walk out ni Nico.
"Pasok na muna kami." Si Archi sabay sunod na rin kay Seidon na tinanguan ako.
"Pasok na rin ako, Zab. May iko-comfort lang sa loob." Si Riggwell.
"Don't mind them!" hinila ako ni Vivi papunta sa lamesa. "Totoo ba? Dito ka talaga nag-aaral? What course?"
I told Vivi everything kahit na ang utak ko ay naiwan kay Nicolaus na hindi na talaga lumabas matapos ang ilang minuto para man lang batiin ako.
I don't know why, but I felt guilty. Kahit nang maghiwalay kami ni Vivi ay hindi nawala ang pagka-guilty sa puso ko. I felt the need to apologize for ghosting them. Kahit na may girlfriend na siya ay kailangan ko pa ring magpaliwanag bakit ko 'yon ginawa.
Lutang kong inangat at muling binasa ang flier na ibinigay ni Riggs sa akin kanina. Ivana kept talking about it. Natigil lang nang maghiwalay kami ng upuan. She wanted to audition. Doon ko lang nalaman na dancer rin pala ito at sobrang excited nang matapos ang klase dahil aasikasuhin niya na raw iyon kaagad. She said she already has a number at sakto raw iyon sa pagtatapos ng klase namin.
Ang dance crew ang umukopa sa utak ko. Hindi dahil gusto ko rin talagang sumali kung hindi dahil iyon lang ang nakikita kong paraan para makausap ulit si Nicolaus. Bago matapos ang klase namin ay nakapagdesisyon na kaagad ako.
"Mauna na ako. May sundo ka naman, 'di ba?"
I heave a sigh. Inayos niya ang bag sa kanyang balikat saka ako kinunutan ng noo.
I pursed my lips and then shake my head. "I'm not going home, Ivana."
"Ha?"
"Tingin mo makakahabol pa ako sa audition ng EDM ngayon? Okay lang bang samahan kita? O kaya—"
Ivana didn't let me finish my sentence. Agad na niya akong hinawakan at patakbong hinila patungo sa lumang building!
~~~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top