CHAPTER 10
Chapter Ten
Courage And Braveness
I am still talking to Nicolaus on the phone when Papa called me. Kauuwi lang raw nito galing sa opisina at agad na akong pinapatawag.
Malakas ang kalampag ng puso ko habang papunta roon. I have an idea why he wanted to talk to me. Inihanda ko na ang sarili ko pero hindi ko pa rin talaga naiwasang kabahan.
"Papa..."
Natigil siya sa paggalaw sa kanyang lamesa nang pumasok ako sa loob. Ilang beses kong napansin ang pagbuntonghininga niya nang malalalim bago ko siya malapitan at mahalikan sa pisngi.
He let me sit in front of him. Tahimik lang ako at naghintay sa sasabihin niya. Hindi na ako mapakali.
"Your mother e-mailed me, Roshlin," my breath hitched at that. Tumingala ako para titigan siya.
My vacation is almost over. At natatakot ako sa mga sasabihin niya tungkol sa e-mail ni Mommy.
"And she wanted me to keep you."
My fingers continued twitching. I was so anxious of what will happen next. Hindi ako nakapagsalita, nanatili lang tikom ang bibig ko habang hinihintay siya.
"She wanted you to stay here. Dito niya gustong mag-aral ka. Do you know about this? Did she talk to you?"
Napayuko ako at bigong umiling. I don't know what to say to him. I was out of words. Ilang beses ko pang narinig ang pagbuntonghininga niya.
"Hindi ba pwede, Papa? Ayaw n'yo bang dito ako?" May lungkot sa boses kong tanong dahilan para maalarma siya.
"Of course not, anak! I love that you are here at walang kaso kung dito ka mag-aaral pero naninibago ako sa Mommy mo."
Ibinalik ko sa kanya ang mga mata. I found the courage to answer him.
"Araw-araw akong nagpapadala ng e-mail kay Mommy. She knew everything and maybe she realized that it wasn't a bad idea for me to live with you. Alam kong hindi maganda ang nangyari sa inyo noon pero Papa hindi naman masamang tao si Mommy. Baka na-realized niya ngayon na panahon na para tayo naman. That's why I left her. Gusto ko ring bigyan siya ng space para sa sarili niya. She needed that. All her life wala siyang inatupag kung hindi ako. Ngayong kaya ko naman na at willing naman kayong suportahan ako, bakit hindi natin siya pagbigyan?"
His eyes remained on me for a solid minute. Maya-maya ay Ibinalik niya iyon sa kanyang computer. Probably looking at my mother's e-mail.
"Papa..."
Napapikit siya. I gave him time to process everything.
"Hindi pa rin talaga nagbabago ang Mommy mo..." wala sa sarili niyang sambit. "She really loves to deliver unexpected messages through e-mail. Ilang beses na niya akong nasorpresa sa ganito."
I don't know if that was a good thing, but I found myself holding Papa's hand.
It was indeed my mother's only way to communicate with us. Sa kanya rin ako nasanay. My mother doesn't have any social media accounts. Nang gumawa ako, mas preferred niya pa ring sa e-mail kami nag-uusap. She hardly calls my phone, too. Kaya nakatodo ang notification ko hanggang ngayon dahil doon lang niya gustong makipagpalitan ng mensahe sa kahit na sino.
Mahabang minuto nang katahimikan ang lumipas sa pagitan namin ni Papa. He remained unsure and a bit emotional.
"Kung ayaw n'yo ay pwede naman po akong—"
"You will stay, Roshlin anak... I will talk to your mother pero walang kaso sa akin ang pananatili mo rito," hinawakan niya rin ang kamay ko. "Okay lang ba sa 'yo? Kinabukasan mo ang nakasalalay rito. Kaya kong ibigay lahat nang 'yan, pero siguraduhin mong iyon ang gusto mo, anak. Do you want to live here? With me? Without your mother?"
Marahan akong tumango, pilit na itinago ang lahat nang emosyon. I am happy to know that he was willing to give me an education. Maging ang pagpapatira sa akin rito kahit na alam kong magiging big deal iyon sa kanila ni Tita Myrcelle. Ngayon pa nga lang ay nakikita ko na ang reaksiyon ng mga babae.
"Hindi po ba ako makasisira sa inyo ni Tita Myrcelle?"
"You don't have to worry about that. Ako na ang bahala doon. Gusto kong pag-isipan mong mabuti dahil malaking desisyon ang gagawin mo. If you really want to stay here then you might as well think about what you're going to pursue. May mga unibersidad dito na pwede mong pasukan depende sa kursong gusto mo. Sabihan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na. Gusto kong pag-isipan mong mabuti. Hindi dahil magkaaway kayo ng Mommy mo ay iiwan mo na siya. She sacrificed a lot for you anak and you know that so think about it. Give it a day or two then we will talk again."
I agreed with my father. I wanted to give myself some time to take it all in, but I was bombarded by questions the next day.
Nakahalukipkip ang kamay ni Essa sa harapan ko nang maiwan kaming tatlo sa patio matapos kumain ng tanghalian.
"Is it true that you will stay here for good? Anong nangyari sa bakasyon lang?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong, mukhang alam na kaagad nila ang lahat nang napag-usapan namin ni Papa kagabi.
Walang pasakalye akong tumango.
"At saan ka naman mag-aaral? Anong course ang kukunin mo?"
I haven't thought about that yet. Hindi ko alam kung saan ako dapat mag-aral. Ayaw ko rin sana talagang kausapin ang dalawa dahil alam ko na kung saan papunta ang lahat pero hindi ko na naawat ang sariling sumagot dahil sa panibagong tanong ni Fyrcelle sa akin.
"Ayaw na ba sa 'yo ng nanay mo kaya itinapon ka na talaga dito?"
"That's not true."
Her eyebrow shot up dramatically. "Or baka naman nalaman na ng nanay mo na sobrang yaman ni Daddy kaya gusto niyang dumito ka?"
Their words were too sharp, but what I didn't like was the way they involved my mother into this.
"Ano ngayon kung mayaman si Papa? Bakit kailangan mong banggitin ang nanay ko?"
They both chuckle at that. Mas lalo akong nairita.
"Alam mo na. Baka akala ng nanay mo may mamanahin ka sa Daddy namin kapag dumito ka nang matagal?" Si Essa na nananatili ang panunuya sa tono.
"Baka nangangarap pa ang nanay mo na maambunan ng pera galing kay Daddy?"
Pakiramdam ko'y may nagpintig sa utak ko kaya marahas akong napatayo!
"How dare you!"
May panunuya nila akong pinantayan. "Bakit ka galit? Totoo ba? Guilty ka?"
"Huwag mong idamay ang Mommy ko rito! I'm warning you!"
"And what, huh? What will you gonna do about it?" Matinis na humalakhak si Fyrcelle na nagtatagumpay dahil parang bigla na akong sasabog sa galit!
"Ano? What will you gonna do, huh? Iiyak ka ba? Magsusumbong ka kay Daddy na hindi totoong gusto ng pera ng nanay mo kaya ka itinapon dito?"
Mabilis kong nakuha ang baso kong puno ng tubig at agad na isinaboy sa mukha niya! Mabilis rin silang napuno sa ginawa ko at agad akong pinagtulungan!
Sunod ko na lang nakita ang sarili kong nasa ibabaw ng lamesa habang hawak ang mga buhok ng dalawa na patuloy sa pagsigaw at pagmumura sa akin!
The bitches doesn't know how to fight! Puro salita lang ang kayang gawin kaya ni hindi nakaganti sa akin maliban sa kalmot ng fake nails ni Essa sa leeg ko.
It was a total chaos. Kahit na para akong nabibingi at namamanhid sa galit ay hindi natigil ang pagdating nang sigawan sa aking tainga.
I became unstoppable. Hindi ako madaling magalit pero kapag si Mommy ang pinag-usapan ay handa akong makipagpatayan para sa kanya. Kahit sino o kahit ano pa ay babanggain ko maipagtanggol lang siya.
The bodyguards pulled us apart. Hindi natigil sa pagsigaw ang mga babae lalo na nang lumabas pabalik sa patio si Tita Myrcelle na halatang nabulabog sa kaguluhan!
"Mommy that fucking bitch started everything! Palengkera! Ganyan siguro pinalaki ng nanay niyang cheap!" Essa shouted while pointing her fingers at me.
Niyakap ako ni Manang Cancia nang akmang susugurin ko na naman ang dalawa. Kuya Faun, my bodyguard held me firmly, too.
"Tama na, Roshlin... Tama na..." si Manang Cancia na alalang-alala para sa akin.
Nagpatuloy sa pagsusumbong ang dalawang demonyo. Toni, the maid who was serving us when the fight ignited attest and sided with the girls. Sinabi nitong ako nga ang nagsimula ng away.
Sa puntong iyon ay galit na lang ang nananalaytay sa buo kong pagkatao. I've never felt this mad my entire life. Talagang ngayon lang at ang galit na iyon ay hindi napalitan nang takot kahit pa nang si Tita Myrcelle na ang humawak sa akin.
Nanggagalaiti niyang hinawakan ang panga ko dahilan para mabuwal ang dalawang nakahawak sa akin.
"How dare you touch my daughters?!" Sigaw niya sa aking mukha.
My teeth gritted at that, but I didn't flinched at her words. If I was only that bad, talagang pati siya ay babastusin ko. Hell, I wouldn't hesitate to hurt her, too, but that would only validate her daughter's words against my mother so I calmed myself down.
Mabuti na lang talaga at hindi ako pinalaki ni Mommy nang gano'n. Ayaw ko siyang ipahiya sa nakatatanda sa akin. Nakipagtitigan ako sa nag-aapoy na mata ni Tita Myrcelle.
"Madam, huwag n'yo namang saktan ang bata—"
"Manahimik ka, Cancia! Umalis ka sa harapan ko dahil baka kapag hindi ako nakapagpigil ay tanggalin ko kayong lahat ng muchacha sa trabaho!"
Pumiglas ako sa pagkakahawak niya dahil alam kong hindi imposibleng madamay nga ang mga ito sa galit dahil sa akin. Umamba siya ng sampal pero hindi ko ipinakita ang pag-iwas.
Mas lalo siyang nagngitngit sa ipinakita kong tapang. Imbes na ituloy ay dinuro-duro niya na lang ako sa noo!
"Wala kang karapatang saktan ang mga anak ko lalo na sa pamamahay ko!" He said before he pushed me. Mabuti na lang at nasalo ako ni Kuya Faun kaya hindi ako nalaglag sa sahig.
"Consider this as a warning, Roshlin. Pumapayag akong patirahin ka rito dahil lang sa ama mo pero kung ganito ang ipapakita mo sa akin ay mabuti pang magbalot-balot ka na at bumalik sa pinanggalingan mo!"
Hinayaan kong sigawan niya ako. Hinayaan kong husgahan niya ako kahit na hindi niya pa alam ang buong nangyari dahil alam ko namang kahit na ang mga anak niya ang mali ay hinding-hindi niya ako kakampihan.
Ang mga Ate ang tumulong sa akin para mailayo sa mga impakto sa buhay ko. Kahit na maliit na kalmot lang ay ginamot nila iyon.
"Roshlin, bakit naman kasi pinatulan mo pa ang mga demonyita mong step sisters? Alam mo namang mapapasama ka lang hindi ba?"
"Nati, tama lang 'yon! Kulang pa nga sa sabunot eh! Aba, hindi tama na bastusin nila si Roshlin at idamay pa ang Mommy niya sa usapan! Mga walang modo talaga! Manang-mana sa pinagmanahan!"
"Kayong dalawa, tama na iyan." Putol ni Nanay Cancia sa mga ito nang makapasok sa silid ko.
Tinapos ni Ate Flor ang pagtatali sa aking buhok bago sundin ang kanyang Tiya. Nang makalabas ang dalawa ay maingat na naupo sa tabi ko sa kama ang matanda.
"Roshlin, anong nararamdaman mo? Maayos ka na ba?"
Tumango ako at payak na ngumiti. "Pasensiya na po sa gulo, Manang."
"Hindi ko sinasabing hindi ka dapat lumaban, pero hija, ayaw ko namang masaktan ka. Alam mo namang mainit sa 'yo ang dugo ng mga iyon at alam nating wala talaga silang masasabing maganda sa 'yo lalo na't ikaw ang totoong anak ni Senyor Rucio pero ang mga ganito ay sana'y matutunan mong palampasin. Umiwas ka sa mga bagay na ikasasakit mo."
Napayuko ako't nalaglag ang titig nang hawakan niya ang aking kamay. I felt like crying, but I don't want to waste my tears. Maayos ako. Magiging maayos lang ako.
Nagpatuloy sa mga pangaral si Manang Cancia hanggang sa tawagan na ako ni Daddy. Gabi na nang malaman niya ang lahat nang nangyari.
I expected him to scold me because I know Tita Myrcelle would surely make me look bad, but Papa remained calm on the other line.
He asked me what happened. Sinabi ko ang lahat ng totoo and surprisingly, he understood.
"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, Roshlin. Alam kong magiging mahirap sa 'yo lalo ang pakisamahan ang mga kapatid mo at ang Tita Myrcelle mo pero hayaan mo't kakausapin ko rin sila. Sa susunod ay sa akin mo na lang sabihin ang lahat para wala nang gulo. Ayaw kong nagkakasakitan kayo dahil iisang pamilya na tayo ngayon. Anak, please don't do it again."
I heave a sigh and nodded as if he was in front of me. Naintindihan ko naman and I admit that I act impulsively at ayaw ko na ring mangyari ulit iyon so I promised him that I'll try.
"Are you disappointed of me? Naiisip mo rin bang gano'n ako pinalaki ni Mommy?" Tanong ko dahil dama ko ang lungkot sa boses niya.
I was surprised to hear him laugh a little. "You remind me of your mother so much, Roshlin... You got her courage and braveness. She was just like you when we were in college. Palagi iyong nasasangkot sa gulo, but one thing is for sure. Your mother was a fair woman. Kung ano ang mga kilos niya ay dahil lamang iyon sa mga pinaniniwalaan niyang tama at mabuti. Naiintindihan ko at hindi lang ikaw ang may mali sa nangyari kanina. I will talk to them when I get back. I'm sorry I wasn't there."
I appreciate my father for talking to me. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko lalo na sa sinabi niya tungkol kay Mommy. Fair enough, pag-uwi niya nga ay ipinatawag niya ang dalawa sa kanyang opisina.
Hindi na ako nakialam pero dahil hirap pa rin akong makatulog sa dami nang nangyari ay nagawa kong replayan si Nicolaus. Kanina pa siya nagti-text pero ngayon ko lang nahawakan ulit ang telepono ko.
Ako:
Are you still up?
Muli ay lumakas ang kalabog ng aking dibdib nang makita ang kanyang pagtawag.
"Ano? Napuruhan mo ba? Nasaktan ba ang bebe ko?" Bungad na tanong niya sa akin matapos kong sagutin ang kanyang tawag!
"Hay, Nicolaus..." tanging naisagot ko.
Kuya Faun probably told him. Kaya siguro kanina pa text nang text sa akin dahil nag-aalala.
"Ano nga? Okay ka lang ba? Susugod na ba ako diyan, ha?"
"Away babae 'yon."
"Oh, eh ano? Kaya kong sapakin lahat 'yan para sa 'yo! Ano sila gold?!"
"Kumalma ka. Buhay pa naman ako."
He 'tsked' on the other line. Ilang mabibigat na paghinga ang narinig ko pero sinunod naman ako kaya mas naging mahinahon ang boses niya sa muling pagsasalita.
"Okay ka lang ba?"
"I'm okay."
He heave another heavy sigh. "Sabihin mo kapag hindi, itatanan kaagad kita."
"Nicolaus!"
Napahagikhik siya sa naging reaksiyon ko kaya parehas na lang naming tinawanan ang nangyari.
"Akala mo ba nagbibiro ako? Kahit sirain mo pa buhay ko Zabryna, G 'to."
"Nakalimutan mo bang uminom ng gamot mo, ha? Ang lakas na naman ng tama mo, eh!"
"Malakas naman palagi pagdating sa 'yo."
He did not stop making me smile. Eventually, his words made my heart light again. Marami kaming napag-usapan. Nalihis ang utak ko't nalayo kahit paano sa masalimuot na nangyari hanggang sa matapos kami.
I researched about all the universities the next morning. Bago gumabi ay nakapagdesisyon na kaagad ako kung saan ako mag-aaral and Papa eventually agreed to it.
"Unibersidad de Buenavista, good choice, Roshlin."
~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top