CHAPTER 18
CHAPTER 18
HINDI inaasahan ni Yehlen na magiging bisita niya ulit si Dr. Salva sa clinic niya nang araw na iyon. Sinabihan niya ang kanyang sekretarya na papasukin na lang sa check-up room ang bisita para doon na lang sila mag-usap.
"I would like to invite you tonight in my house," agad nitong sabi. "Today is my birthday, remember? Nagpahanda ako ng pagkain para sa ating dalawa."
"Oh, I'm so sorry, Antonio, nakalimutan ko." Sising-sisi si Yehlen na hindi niya naalala ang kaarawan ng dating nobyo. "Okay, para makabawi ako sa'yo, sasama ako sa bahay mo. Pero, dumaan muna tayo sa mall so I can buy a gift for you. I will not take a no for an answer." Nginitian niya ang lalaki.
"No problem then. Anong oras matatapos ang clinic hours mo?" tanong ni Antonio.
"Puwede na tayong umalis ngayon. Anyway, it's almost five o'clock." Tumayo si Yehlen at hinubad ang suot niyang doctor's coat.
"Actually, puwede naman tayong sa labas na lang kumain at mag-celebrate, but I want it to be more private and personal. So, I decided na doon na lang sa bahay ko, para makapunta ka na rin doon," sabi niya.
"Let's go?"
"Sure..."
Halos magkasabay silang lumabas ng check-up room. Nagbilin na lang si Yehlen sa secretary niya.
"We're going. Ikaw na ang bahala rito. Please lock the door when you leave."
"Sige po, Doktora. Ingat po kayo," sagot ng sekretarya.
Lumabas na ang dalawa at nagtungo sa parking area.
"Mag-convoy na lang ako sa'yo," sabi ni Yehlen.
"No problem," nakangiting sagot naman ni Antonio.
Dumaan sila sa mall. Bumili si Yehlen ng Audemars Piguet Royal Oak Tourbillon wrist watch na regalo niya kay Antonio.
"Ang mahal nito," sabi ng doktor. "Hindi ka na dapat bumili nito. Hindi ko naman kailangan ng regalo."
"Maraming birthday mo ang lumipas na hindi kita nabigyan ng regalo. Please take this. Magagamit mo naman ito araw-araw," wika ni Yehlen.
"Thank you so much. Being with you today on my birthday is already a great gift for me. Iyon lang talaga ang goal ko this year for my birthday--- ang makasama ka. At sana, taon-taon simula ngayon ay ikaw na lagi ang kasama ko sa bawat birthday ko," madamdaming sabi ni Antonio.
Parang gustong maiyak ni Yehlen. Ramdam niya ang sinseridad sa bawat salitang binibigkas ni Antonio. Ito pa rin ang lalaking sobrang minahal niya noon. At gusto pa rin sana niyang mahalin ngayon. Hindi ba't matagal na niyang inaasam na muling makita si Antonio. Heto na, nangyari na. Tapos na ang kanyang paghihintay dahil bumalik na ito sa kanya.
Pero paano si Carlos?
Ginamit pa niya si Greg para sirain ang relasyon nina Carlos at Lerma. Nabuntis pa ng ibang lalaki si Lerma dahil sa kagagawan niya. Ngayon niya naiisip na naging halimaw pala siya para lang matupad ang kagustuhan niyang makuha ang lalaking kahawig ni Antonio. Naging masama siyang tao.
Pasado alas-siyete na ng gabi nang makarating sila sa bahay ni Antonio. Humanga si Yehlen nang pumasok sila sa sala. Maliwanag ang buong kabahayan at maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Naabutan nila sa sala ang dalawang babaeng nag-asikaso para maging maayos ang inihandang selebrasyon ni Antonio kasama si Yehlen.
"Puwede na kayong umuwi. Kami na ang bahala rito," sabi ni Antonio sa dalawang babae. "Dalhin n'yo na ang mga sobrang pagkain na nasa kusina."
"Maraming salamat po..." sagot ng isang babae, at saka sila umalis.
Pauwi na ng bahay si Carlos nang maisipan niyang sorpresahin si Yehlen. Pupuntahan niya ito sa bahay nang hindi muna siya nagsasabi rito. Gusto lang niyang makitang magulat ito kapag nakita siyang nasa labas ng pinto ng bahay nito. Actually, late na nga ang uwi niya ngayon dahil sa overtime sa trabaho. Dati, alas-siyete ng gabi ay nasa bahay na siya. Ngayon, alas-otso na ay nasa kalye pa rin siya at nakikipaggitgitan sa trapik.
"Napakaespesyal naman ng birthday mo. Ang daming pagkain, tapos ako lang ang bisita," pansin ni Yehlen.
"I really took time to make it special because you are very special to me," matapat na sabi ni Antonio. "Let's eat. Marami tayong uubusing pagkain ngayong gabi."
Natawa si Yehlen. "Kahit abutin pa tayo ng umaga ay hindi natin mauubos ang lahat ng pagkaing nasa mesa."
Inalalayan pa ni Antonio si Yehlen sa pag-upo. Pagkatapos ay umupo na rin siya sa tapat nito.
"Kumain kang mabuti,'wag kang mahihiya," paalala ni Antonio sa babae.
Hindi malaman ni Yehlen kkung alin ang kakainin. Dalawa lang sila pero napakaraming pagkain ang nasa harap niya. Pinili niya ang baked garlic parmesan wings bilang appetizer. Pagkatapos ay kumuha rin siya ng steak and cheese quesadilla para sa main dish.
Binigyan muna nilang dalawa ang kanilang mga sarili ng sapat na oras para ma-enjoy nila ang pagkain. Nang matapos ay uminom sila ng wine para ituloy ang selebrasyon. Masayang-masaya si Yehlen, lalo na si Antonio dahil natupad niya ang goal niya ngayong taon na makasama sa kanyang kaarawan ang babaeng mahal niya.
"Yehlen..."
"Ha?" gulat niyang sabi. "Bakit, Antonio?"
"Handa na akong making, kung may gusto kang sabihin tungkol sa'yo, sa mga nangyari sa'yo noong hindi pa ako bumabalik, at tungkol doon sa babaeng nagpunta sa clinic mo," seryosong sabi niya.
Saglit na natigilan si Yehlen. Mukhang kailangan na niyang harapin ang lahat ng resulta ng mga nagawa niyang kabaliwan. Wala rin naman siyang pagpipilian kundi ang sabihin kay Antonio ang lahat. Kaya bakit hindi pa niya sabihin ngayon?
"Naghihintay ako, Yehlen. I'm willing to listen. I'm just here to listen and will not judge you," paniniguro pa ng lalaki.
"Yes, maybe this is the right time for you to know everything..."
Tumango si Antonio.
"Matagal akong naghintay sa'yo at umasang isang araw ay darating ka para tuparin ang pangako natin sa isa't isa noong nag-aaral pa tayo. Sineryoso kong masyado ang pangakong iyon, na pagkatapos ng med school ay ibabalik natin sa dati ang ating relasyon. Kaya naman sobra akong nalungkot noong pagka-graduate natin ay wala na akong nabalitaan sa'yo. Ang huling balita ko ay noong nagpunta ka nga raw sa US. Pero umasa pa rin ako na babalik ka. Puwedeng matagalan, pero alam kong babalik ka," puno ng pag-asang sabi ni Yehlen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top