Chapter 9

TIDE

Huminto ang sasakyan nang nasa tapat na ito ng aming bahay. Napanguso ako. Ang bilis naman ng biyahe. Ayoko pang umuwi, eh.

"Hoy, Tide. Bumaba ka na," pagtataboy nila sa akin dahil alam nilang mapapagalitan din sila nina Mommy Reyna at Daddy Hari dahil sa pagtakas na ginawa ko.

"Ehhh! Ayoko pang umuwi!" Nakanguso kong sabi sa kanila.

"Isa!" Pagbabanta ni Godwin.

"Pustahan, dalawa 'yung susunod diyan!" Nakangiting pabebe kong sinabi dahil nagpapacute ako para hindi nila ako ipagtabuyan. Ayoko pa talagang umuwi kasi alam kong pagagalitan ako.

Napairap sila sa sinabi ko kaya napanguso na naman ako. Inirapan ko sila at inis akong bumaba sa van.

"Hate ko kayong lahat!" Nagtatampo kong sigaw sa kanila.

Tinawanan lang nila ako pero bago nila isarado 'yung pinto ng van ay malakas kong hinigit si Axion habang humahalakhak. Nadapa pa si Axion dahil sa ginawa ko kaya abot ang tawa ko nang malakas.

Gulat silang napatingin sa akin at hihigitin sana nila pabalik si Axion kaso tumakbo na ako habang hila-hila si payatot.

"Hoy, Tide!" Sigaw nila.

"Ibalik mo ang baby ko!" Lumingon ako sa kanila at nakita kong nakasimangot si Alec. Huminto ako at inilabas ko ang dila ko para inisin pa sila lalo.

Napatuon naman ang pansin ko sa napakalaking gate namin at nakita kong papabukas iyon kaya nanlaki ang mga mata ko at tumakbo na ulit. Pati sina Patterson ay biglang pinaandar 'yung van nang mapansin din nila ang papabukas na gate. Naku, delikado na, 'no. Takot lang nila sa mga magulang ko.

Nang medyo hingalin na ako ay huminto na ako sa pagtakbo.

"Kapagod!" Natatawa kong sigaw habang pinupunasan ang aking noo.

Hindi ko alam kung ano 'yung pumasok sa isip ko at hinila ko si Axion pero ayos na rin 'yun, at least ay may kasama akong lumandi sa paligid.

Napatingin ako sa katabi ko at lalo akong natawa nang makita ko ang itsura niya.

Tumawa ako habang nakaturo sa kanya.

Paano ba naman kasi. Hindi ko alam kung paano nagulo nang sobra 'yung buhok niya tapos nakanganga pa siya habang taas-baba ang dibdib. Talagang hingal na hingal siya! Parang tumakbo lang kami nang kaunti, eh. Ang hina talaga nito!

Para siyang may sakit, katulad ko.

"Ba... Bakit... mo ako h-hinila?!" Napahinto ako sa pagtawa nang sinigawan niya ako.

Aba, aba!

"Hoy! Sinisigawan mo ba ako? Saka, ano naman ngayon kung hinila kita? Ayaw mo ba?!" Sigaw ko rin pabalik sa kanya. Kainis 'to, ah. Sigawan ba naman ako. Tuhurin ko siya sa bunbunan, eh.

Napaayos siya ng tayo. "Oo, ayoko," mahinahon na niyang tugon.

Napataas ang kilay ko.

"At bakit naman, aber?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Dahil rule number 3, 'wag mahihiyang tumanggi sa bagay na ayaw mo naman talaga!" Supalpal niya sa akin na ikinagulat ko.

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Bigla akong natuwa nang kaunti sa payatot na 'to dahil sa wakas ay pinahalagahan na niya 'yung mga rules na ginawa ko. Mabuti na lang at hindi mauuwi sa wala ang effort ko. Hintay ka lang kotse na ibibigay ni Hertzler dahil paniguradong makakamit kita nang maaga!

Mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya at mas lumapit ako sa kanya saka bumulong.

"Kabisado mo na?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Nang tignan ko siya ay nakita kong namula ang tainga niya kaya natawa ako nang mahina. Malakas yata ang kamandag ko sa payatot na 'to.

Kinindatan ko siya at hinila na ulit siya papunta sa lugar kung saan masusunod ang rule number 4: Be a man, not a boy.

Tumigil na kami sa pagtakbo nang marating na namin ang gym na lagi kong pinupuntahan dati.

Para maging tunay na lalaki ay kailangan mo ring ibuild-up ang katawan mo dahil ang gusto kong lalaki ay macho. 'Yung abs na kumikintab dahil sa mga pawis na tumutulo roon. 'Yung mga bicebs na ang tigas! Ganoon ka-yummy!

Nakita kong namutla si Axion nang makapasok kami sa loob ng gym kaya natawa na naman ako. Ano ba, lagi na lang ako pinapatawa ng payatot na 'to!

Nginisian ko siya at naramdaman kong hinila niya ang kamay ko paatras kaya tumawa na naman ako. Hinila ko siya papunta sa instructor na naging tropa ko na rin.

"Tol," tawag ko sa instructor dahil nakatalikod ito sa amin.

Unti-unti siyang humarap at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"Tide! Saan ka ba nanggaling? Alam mo bang hinanap ka rito ng Kuya mo? Oo, siya ang naghahanap sa 'yo dahil alam mo namang mahal na mahal ka no'n! Grabe, alam mo bang kinwelyuhan pa ako dahil akala niya ay hindi ako nagsasabi ng totoo? Aba, sa laki ng katawan kong 'to ay nai-angat pa niya ako! Grabe talaga, ang lakas ng Kuya mo!" Mahaba niyang salubong sa akin kaya napangiwi ako at tinakpan ko ang magkabilang tainga ko.

Sinamaan ko siya ng tingin saka ko siya inirapan.

"Wala akong pakialam," maikli kong tugon sa mahaba niyang salubong. Wala rin naman kasi akong naintindihan, eh.

Tinignan ko si Axion na katabi ko at nakita kong nakanganga siya habang nakatingin sa katawan ni Vㅡsi instructor na katropa ko. Palayaw lang niya ang V dahil sa v-line niya sa ibabang bahagi. Nakakaagaw pansin kasi ang v-line niya kaya iyun ang pinalayaw sa kanya rito sa gym.

"Si Instructor V, Axion, ang tutulong sa 'yo para sa pagg-gym. Magaling 'yan kaya h'wag kang mag-alala. Siya naman si Axion, ang payatot kong tropa na kailangan mong tulungan," aniko.

Ngumisi ako. Lumapit ako kay V at bumulong, "Palakihin mo 'yung betlog, masyadong maliit, eh." Sabay tawa naming dalawa ni V.

"Sige ba, sisiw lang 'to," bulong din ni V at kinindatan niya ako.

"T-Tide, ayoko rito. U-Uwi na ako!" Namumutlang bulong sa akin ni Axion at kumapit pa siya sa braso ko.

Tumawa na naman ako at inilayo ko siya sa akin. Hinarap ko siya at sinuntok ko ang tiyan niya nang mahina.

"Tol, kailangan mo 'tong gawin," tugon ko sa kanya at iniwan ko na siya kay Instructor V.

Ayaw pa niyang pumayag pero dahil masyadong malaki ng katawan ni V ay nabuhat siya nito na parang sako. Nakakatawang makita si Axion na ganito. Takot na takot!

Lumabas ako ng gym at pumunta ako sa katabing studio nito na paborito ko ring puntahan dahil naroon ang passion ko.

Tumulala muna ako sa pinto ng dance studio dahil bigla akong kinabahan. Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit ako nang mariin. Bigla ko na namang naalala nung nahimatay ako noon dahil sa puso ko. At ang sakit sa puso ko ang nagpatigil sa akin sa pagsayaw.

Maglalakad na sana ako paalis sa harapan ng studio nang marinig ko ang tunog ng mga sapatos sa loob nito. Biglang naakit na naman ang katawan ko. Napakuyom ako ng kamao at lakas loob na binuksan ang pinto ng studio.

Nadatnan ko sa loob ng studio ang dati kong kasayawan na humahataw. May nakita akong mukha na baguhan pero karamihan ay ang mga luma na rito.

Lahat ng mga luma ay napahinto sa pagsasayaw at napatingin sila sa akin. Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa gulat nang makita muli ako.

Mula nang lumala ang sakit ko sa puso at nang mahimatay ako, hindi na muli ako tumapak sa studio na 'to dahil tuwing nandito ako ay natatakot akong mahimatay muli pero dahil cool ako ngayon, tumapak na ako.

"Tide!!!" Sigaw nila habang tumatakbo papunta sa akin. Niyakap nila ako at nakarinig pa ako ng umiiyak kaya napangiwi ako.

"Sinong madrama ang umiiyak diyan? Kadiri kayo!" Tumatawa kong tukso sa kanila.

Ngumuso sila sa akin at pinalo pa ako.

"Kainis ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong ni Ate Plert. Isa siyang Senior dito sa studio.

"Kasi hindi kahapon?" Tugon ko na ikinatawa nila.

"Bwisit ka talaga, Tide! Super miss ka na namin! Miss na miss na miss ka na namin!" Sabi ni Ate Shanelle. Isa siya sa pinakamagaling sumayaw rito.

"Sorry, hindi ko kayo namiss." Sabay irap ko sa kanila kaya sabay-sabay silang napangiti na ikinangiti ko rin.

"Namiss ko kayo, mga kababayan." at namiss ko rin ang pagsasayaw.

Nagkumustahan kaming lahat at ipinakilala nila sa akin ang mga bago. Nakakatuwa dahil kahit ang babata pa ng mga baguhan ay buung-buo na ang pagmamahal nila sa pagsasayaw. At mas lalong nakakatuwa dahil may 7 years old na batang lalaki ang gustung-gusto matutong sumayaw.

Kaunti na lang ang naiwan sa studio ngayon dahil nag-alisan muna ang iba dahil manananghalian daw sila.

"Tide, subukan mong sumayaw ulit." Napatingin ako kay Kuya Defcdee sa biglaang singit niya.

Nakaupo kami sa sahig at nakabilog kami nina Kuya Defcdee, Ate Shanelle, Ate Plert, at Kuya Paulo. Sila ang sobrang kalapit ko rito sa studio at lahat sila ay magagaling sumayaw.

"Hindi ko alam," maikli kong tugon sabay tingin sa sarili kong repleksyon sa malaking salamin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nila.

"Kumusta ang puso mo?" Tanong ni Kuya Paulo.

Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ito.

"Maayos naman na." Yata?

Maayos naman na ang puso ko at ang paghinga ko pero tumigil pa rin ako sa pagsasayaw. Wala lang. Passion ko pero iniwasan ko ng gawin ulit dahil baka mapaano na naman ang puso ko pero ngayong nasa loob ako ng studio na 'to, parang biglang nabuhay muli ang puso ko. Lalo na nang may tumugtog na musika. Napapikit ako at naramdaman ko na lang ang paggalaw ng mga paa ko.

Dito ako natatawa, eh. Kapag may musika, parang may sanib ang paa ko dahil sa kusang paggalaw nito. Sinubukan ko itong pigilan dati pero nagpapatuloy pa rin ito sa paggalaw.

Sa gitna ng musika ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng studio. Alam kong sila ang may pakana ng pagpapatugtog ng musika at ang pag-alis nila. Alam kong planado lahat 'yan. Talagang gusto nilang bumalik ako.

Habang nakapikit ay tumayo ako at pinakiramdaman ko ang puso ko.

Umayos ka, heart.

Ang tugtog na tumutugtog ay Shape Of You by Ed Sheeran.

Naalala ko ang pinapanood kong Shape Of You na si Lia Kim ang cheorographer. Mahal ko si Lia Kim. Siya ang idolo ko sa 1M dahil talagang napapahanga niya ako.

Dahan-dahan akong gumalaw hanggang sa humataw na ako. Sinayaw ko ang Shape Of You ni Lia Kim.

Inalon ko ang aking puwitan. Pinaalon ko ang aking mga braso at ginawa ko ang lahat ng natutunan ko sa sayaw na iyon.

Tumagaktak ang pawis sa aking noo nang matapos na ang tugtog. Huminto na ako sa pagsayaw at nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang makita ko ang mga juniors at seniors ng Dreamers Crew, in short ay D'Crew. Nakangiti sila sa akin at ang O.A kong mga katropa rito ay naluluha pa. O.A naman nila. Sumayaw lang ako, eh.

Bago ako umalis ng studio ay tumungo muna ako sa CR at nagpalit ako ng damit. Naghilamos ako at tumitig sa repleksyon ko sa salamin.

Masarap sa pakiramdam.

Nakasayaw na ulit ako. Nakakatuwa. Napangiti ako at napasayaw pa ako sa loob ng CR. Mabuti na lang at walang tao, baka masira pa ang cool look ko kapag may nakakita sa akin.

Lumabas na ako sa CR at nagpaalam ako sa kanilang lahat.

Pumunta muna ako sa pinakamalapit na convenience store at bumili ako ng inumin para sa akin at para kay Axion. Muntikan ko na ngang makalimutan 'yung payatot na 'yun, eh. Kumusta kaya siya? Hanggang ngayon kaya ay nagwawala pa siya?

Papasok pa lang sana ako sa loob ng store nang mahagip kaagad ng mata ko ang likod ng lalaking kinatatakutan ko sa lahat.

Ang Kuya ko.

Nanlaki ang aking mata lalo na nang mapatingin siya sa gawi ko. Dahan-dahan akong tumalikod at nang marinig ko ang boses niyang tinatawag ang pangalan ko ay kumaripas kaagad ako ng takbo.

Pumasok ako sa loob ng gym at hinanap ko kaagad si Axion.

"Axion, magpakita ka!" Naiinis kong bulong habang nililibot ng tingin ang gym.

Kinakabahan na ako. Paano kung kuhanin ako ni Kuya? Pero uuwi naman ako mamaya sa amin kaya bakit pa ako nag-aalala? Pero kasi!

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nang makita ko si Axion ay tinakbo ko ang pwesto nila.

"Axion, tara na!" Sabay higit ko sa kanya. Kahit nagtataka ay kinuha naman niya ang bag niya at tumakbo na nga kaming dalawa.

"Bakit ba nagmamadali ka na naman?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin, lalo na nang makita ko ang matatalim na tingin ng Kuya ko na nakatingin sa akin.

Patay.

Lumunok ako at hindi na ako kumilos. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Axion at humarap ako sa kanya.

"P-Payatot, umuwi k-ka na. 'Di na kita masasabayan sa pag-uwi dahil... kasi..." Napapikit ako at tinulak ko na lang siya palayo sa akin. Ayokong makita siya ng Kuya ko na kasama ko dahil paniguradong isasama niya si Axion sa bahay at tatadtarin ng mga tanong.

"Bakit? Anong nangyari?" Nagtataka niyang tanong.

"Basta! Alis na! Uwi na! Bilis!" Sigaw ko sa kanya at nang magsasalita pa siya ay pinandilatan ko na siya ng mata.

Napakunot ang noo niya at lumayo na sa akin. Kasabay ng pagtalikod niya sa akin ay ang naramdaman kong kamay na humawak sa balikat ko.

Patay na talaga ako.

"Tide," matigas niyang tawag sa pangalan ko kaya napalunok ako.

Aba, kahit ganito ako kasigang babae ay may kinakatakutan din ako, 'no. At iyon ay ang Kuya ko.

Nang dahil sa kaba ay pinagpawisan ako ng butil-butil sa aking noo.

"Umuwi na tayo," matigas at maawtoridad niya ulit na wika at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko kaya tuluyan na akong nanlumo at nanlambot.

"O-Opo, K-K-Kuya," utal-utal kong tugon at tila hihimatayin ako sa takot sa kanya.

Kuya... bata pa po ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top