Chapter 4
TIDE
Hindi ko yata makakalimutan 'yung mukha ni Axion nang ilagay ko 'yung kamay niya sa dibdib ko. Aba, dapat maging proud siya dahil siya ang kauna-unahang tao na nakahawak nito, 'no. Mukha naman kasi siyang bading at hindi namamantala ng kapwa kapag may pagkakataon kaya ko 'yon ginawa. At tama naman ako. Gulat na gulat pa nga siya at mukhang hindi makapaniwala, eh.
Ang mas lalong nakakatuwa, 'yung ano niya ay nagalit! Grabe, nakakapanakit tiyan talaga 'tong pinsan ni Hertzler. Nang dahil sa pinsan niya, nakalimutan ko 'yung mga taong sumira ng araw ko kanina sa grocery. Ayos rin siya, eh.
Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan kaya minulat ko na 'yung mata ko at tinanggal ko ang earphone sa tainga ko. Umayos ako ng upo dahil masakit na ang p'wet ko dahil sa tagal ng pagkaka-upo nito. Ang tagal ng biyahe.
Nakita kong nasa gas station kami. Nilibot ko naman ang mata ko sa loob ng van at lahat sila ay may hawak na chichirya, pwera lang kay Axion na natutulog sa tabi ko. Pinagmasdan ko siyang natutulog.
Humawak ako sa baba ko habang sinisipat 'yung katawan niya. Payat siya pero hindi naman sobra na hahantong na sa kabutuhan. Makapal 'yung kilay niya, parang ayos na ayos ng isang magaling kumilay. Inilapit ko 'yung mukha ko sa mukha niya at nakita ko na ang haba ng pilik mata niya. Aba, kinabog ang eye lashes ko.
Katamtaman ang tangos ng ilong niya at may medyo mapupulang labi siya. Napanguso ako at napatango. Sabi na nga ba may itsura talaga ang lalaking ito kahit kayumanggi ang kulay. Pinoy na pinoy 'to.
Napatigil lang ako sa ginagawa ko nang magsalita si Hertzler.
"Tide, hahalikan mo ba ang pinsan ko?" Tumingin ako sa kanya at nakaharap siya sa amin.
Ngumisi ako at umayos na ng upo nang umandar na ulit 'yung sasakyan.
"Malapit na tayo, guys!" Paalala ni Mason sa aming lahat.
"Hindi ko siya type. Ilang taon na ba 'to?" Turo ko kay Axion.
Napangisi si Hertzler sa sagot ko sa tanong niya bago siya umayos ng pagkaka-upo. Nilingon niya muli ako habang nakataas ang kilay.
"Mag na-19."
Siguro grade 12 na rin 'to sa pasukan. Grade 12 na rin ako pero 17 years old pa lang ako at magd-debut na ako sa buwang ito. Abril ngayon.
Napatingin ulit ako kay Axion at napangisi ako nang may maisip na naman akong kalokohan. Ang sarap niya kasing pagtripan. Sa halip na 'yung nantrip ang humingi ng tawad, siya pa ang nags-sorry. Lakas ng tama, eh, akala mo nakahithit ng katol.
Kinuha ko 'yung kaliwa niyang braso at inilagay ko iyon sa akin. Tumabi ako sa kanya at ginawa kong nakaakbay siya sa akin. Tumawa ako nang mahina at yinakap ko 'yung baywang niya at siniksik ko ang mukha ko sa kili-kili niya.
Mabango ang kili-kili niya, ah. Nakakaadik 'yung amoy.
Lumipas ang minuto at nanatili kaming ganoon ang pwesto hanggang sa huminto na ang sasakyan at sinabi ni Mason na nandito na kami.
Napalingon silang lahat sa amin ni Axion na may gulat sa mukha.
"Anong eksena 'yan?" Natatawang tanong ni Kayrra.
"Tide, akin si Axion!" Pagmamaktol ni Alec.
Tumingin sa akin si Hertzler at napailing siya habang nakangiti. Hinila na ni Hertzler si Alec palabas ng van kahit pa nagwawala na ito. Lahat naman sila ay nginitian ko lang na ikina-iling lang nila.
Nilapit ko 'yung bibig ko sa tainga ni Axion at bumulong.
"Tol, nandito na tayo. Baka gusto mo na akong pakawalan?"
Unti-unti siyang napadilat at nang nagtama ang mata namin ay napabalikwas siya sa kinauupuan niya at ako naman ay abot ang tawa dahil sa nakakatawa niyang itsura.
"Laughtrip ka talaga, tol!" Sabay hampas ko sa kanya at lumabas na ako ng van, bitbit-bitbit ang bag ko.
Bago ko isara ang van ay narinig ko siyang napasinghap at mukhang nabaliw na yata. Ang sarap niya talagang pagtripan!
Nilibot ko 'yung paningin ko sa paligid. Wala pa naman kami sa bukid pero may iilan na akong punong nakikita.
Inaya nila ako papunta sa bulwagan ng eskinita.
"Alam n'yo naman na siguro kung nasaan tayo, 'di ba?" Nakangiting tanong sa amin ni Mason at tumango kami.
Narito kami ngayon sa General Tinio, Nueva Ecija.
Pamilyar na kami rito dahil dati ay lagi kaming nandito sa probinsya nila. Siya lang kasi sa aming magbabarkada ang may bahay sa probinsya at lahat na kami ay puro nasa syudad na.
Lumabas ng van si Axion at iniiwasan na naman niya ang mata ko kaya hindi ko maiwasang matawa. Tumabi ako sa kanya sa paglalakad at abot ang distansya naman niya.
Habang naglalakad ay may bumabati sa amin na kakilala. 'Yung iba ay pinsan ni Mason, kapitbahay o 'di kaya ay kaibigan.
"Tide, sexy pa rin natin, ah!" Pambobola ng isang lalaking pinsan ni Mason.
"Syempre, hindi kagaya mong baboy." Sabay halakhak ko at napatawa rin sila.
"Idol talaga, eh!" Sigaw ni Joshua na pinsan din ni Mason.
Dumaan kami sa isang bahay na may tindahan at nagmano kami sa Lola ni Mason.
"Kaawaan kayo ng Diyos," wika ni Lola Azon habang nagmamano kami.
Nagpaalam na kami sa kanya at sinabing magpapahinga muna kami kina Mason dahil napagod kami sa biyahe.
Ala una y medya na nang makarating kami sa apartment nina Mason. Katapat lang ito ng bahay nila at dalawang apartment lang ang pinapa-upahan nila. Sakto namang walang naka-upa sa apartment ngayon kaya roon muna kami mananatili habang nandito pa kami sa probinsya nila.
"Ayos lang ba kayo rito?" Tanong ng Tatay ni Mason. Wala rito sa probinsya 'yung Nanay niya dahil nagtatrabaho ito sa Manila.
"Opo, ayos na ayos po. Salamat, Tito," nakangiting sagot ni Kayrra. Tinanguan kami ng Tatay ni Mason at lumabas na ito sa apartment.
Kumuha si Mason ng kutson sa bahay nila at dinala niya 'yon dito sa apartment. Nang madala naman niya ay agad ko itong hinigit sa kanya at dinapaan ko kaagad. Dumapa ako sa kutson at ipinahinga na ang katawang kanina pa nangangawit.
"Hoy, patabi nga!" Sigaw ni Patterson at tinutulak ako papunta sa kabilang bahagi ng kutson.
Pagkahiga niya, agad ko siyang binunsulan na ikinagulat niya.
"Doon kayo sa sala mahihiga, dito kaming mga babae sa kwarto," sabi ko sa kanya.
"Walang babae-babae rito, tol," tugon naman niya sa akin.
Aba, loko 'to, ah.
Inambaan ko ulit siya ng suntok at mabilis naman siyang napatayo.
"Eto na nga, oh! Aalis na! Napaka-gangster mo talaga," sigaw niya sabay layas sa kwarto.
"Hindi ako gangster. Cool lang!" Sagot ko at dumapa na ulit ako sa kutson.
Sa wakas ay nakahiga rin ako nang maayos. Napakasakit na kasi talaga ng p'wet ko. Bakit kasi ayaw pa palagyan ni Patterson ng kama 'yung van nila.
Pumasok sa loob ng kwarto sina Kayrra at Alec at tumabi sila sa akin sa kutson.
"Ngalay ang katawan ko!" Reklamo ni Alec nang makahiga na siya.
"Sarap sa pakiramdam na makahiga sa malambot na kama!" Nakangiting sabi ni Kayrra.
"Hihiga na lang kayo, abot pa ang daldal ninyo. Ginagamit ba ang bibig sa paghiga? 'Di ba ay hindi naman?" Sarkastiko kong awat sa kanila kaya napatikom sila ng bibig.
Nang dahil siguro sa pagod ay kaya agad akong nakatulog. Dalawang oras ang naging tulog ko at naalimpungatan lang ako nang makarinig ako ng tunog ng kubyertos.
Umupo ako sa pagkakahiga at nag-inat. Nag-ayos muna ako ng buhok bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko sila sa sala na naka-upo habang kumakain kaya napanguso ako.
"Bakit hindi n'yo ako inaya?" Tanong ko sa kanila at sabay-sabay silang napatingin sa akin.
"Ayaw ka lang namin gisingin. O'siya, halika na rito at sumalo sa amin." Sabay ngiti ni Mason habang tinuturo niya 'yung tabi ni Axion na bakante.
Umupo ako roon at sinimulan ko ng kumuha ng pagkain dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom.
"Ayaw raw gisingin. Ang sabihin n'yo lang ay gusto n'yo talagang solohin 'yung pagkain. Napakamakasarili ninyo, mga tol," sabi ko at sumubo.
Dahil sa gutom ko ay nasunud-sunod ko ang pagsubo kaya ang resulta ay nabulunan ako. Ubo ako nang ubo pero 'yung katabi kong si Axion ay ayaw pa ako abutan ng tubig. Abot pa ang iwas sa akin. Napailing ako at inis siyang hinampas.
"T-Tubig!" Sigaw ko sa kanya kaya nataranta siyang inabutan ako ng tubig.
"S-Sorry!" Pagpapa-umanhin na naman niya kaya napairap ako nang mahimasmasan na.
Tinignan ko siya nang matalim kaya napatawa sina Hertzler.
"Insan, kung ayaw mong mabaon sa lupa nang maaga, 'wag mong binabad trip si Tide. 'Wag kang shy type. Hindi ka babae para maging mahinhin!" Sabay akbay ni Hertzler sa payatot niyang pinsan.
"Tama si Hertzler, tol! Ang tunay na lalaki ay hindi mahinhin. Dinaig mo pa kasi si Maria Clara sa kahinhinan mo," sabi ni Kayrra kay Axion habang nakataas pa ang kutsara.
"At ang tunay na lalaki ay matikas ang katawan! Baby Axion, bakit ba ang payatot mo? Hindi ka ba nagg-gym?" Nakangising tanong ni Alec.
Napatingin ako kay Axion na namumula ang tainga. Ang kyut niya kapag namumula, sa totoo lang. Mukha siyang nagpipigil ng tae.
"H-Hindi, eh. Kailangan pa ba 'yun?" Kumamot siya sa kanyang batok.
Napasamid naman sina Mason at Patterson sa tugon ni Axion.
"Aba, tol, oo naman, kailangan ang pagg-gym! Gusto ng mga kababaihan ang may abs at macho, 'no!" Sigaw sa kanya ni Patterson.
"Eh, bakit si Liza Soberano, ayaw ng abs?" Tanong ni Axion.
"Iba naman 'yan, 'tol, eh. Basta kailangan ng lalaki ang abs kung gusto makakuha ng babaeng sexy. Alam mo na, ayaw ng mga sexy 'yung mga walang laman kasi hindi 'yon kapani-pakinabang," paliwanag ni Mason.
Napakamot naman sa ulo si Axion habang nakanguso. Napailing ako at huminto sa pagkain at inakbayan ko siya.
"Tol, nasa sa'yo naman kung ayaw mo magpa-abs, eh. Kaso kung wala kang abs, kay Liza Soberano ka tumakbo dahil paniguradong siya ang makakatanggap sa'yo. 'Yun eh kung tatanggapin ka nga niya. Kung hindi ka naman tinanggap, magbigti ka na lang." Taas-babang kilay na sabi ko sa kanya bago ko tinanggal 'yung braso ko sa balikat niya at nagpatuloy na ako sa pagkain.
"Hays! Nas-stress si Insan kaya tigil muna, guys," natatawang awat ni Hertzler at pinalo niya ang likod ni Axion.
Natapos na kaming kumain at nagpahinga muna kami. Pagkatapos naming magpahinga ay nagkasundo kaming rumenta ng bike at gumala.
Habang naglalakad papunta sa rentahan ng bike ay tumabi ako kay Axion na ikinatalon niya dahil sa gulat.
Sa bawat pagtabi ko lang sa kanya ay nagugulat na kaagad siya. Nahihiya yata siya sa bawat kibot na binibigay niya. Ang lambot kasi.
Talagang napapa-isip ako, eh. Kung lalaki siya, bakit ganu'n 'yung kilos niya? Hindi panglalaki.
Napalingon ako sa kabilang bahagi ng kalsada nang may mapansin akong mga tambay.
Alas tres ng hapon, may mga tambay kaagad?
Hindi ko sila pinansin pero naalibadbaran ako sa kanila nang lumipat sila sa paligid namin at halatang sinusundan nila kami.
"May magandang babae, oh," sabi ng isa sa kanila at nagtawanan sila.
Napairap ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nakarinig ulit ako ng tawanan at nang may humawak sa braso ko ay mabilis akong umikot kasabay ng pagsipa ko pero napatigil sa ere ang paa ko nang mapansing si Axion pala ang humawak sa braso ko. Akala ko kasi ay 'yung mga tambay.
"Bakit ba?" Inis kong tanong.
"A-Ano kasi..." Napakamot siya sa kanyang batok at tinuro sina Mason na mukhang makikipag-away sa mga tambay kanina.
Napataas ang kilay ko at naglakad ako papunta sa kanila. Sumunod naman sa akin si Axion.
"Ano bang problema ninyo?" Iritang tanong ni Hertzler at nakita kong nanginginig na ang mga kamao niya.
Lumapit ako kay Mason. "Anong problema rito?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at bumuntong-hininga.
"Itong mga lalaki kasi ay hinipuan si Alec sa hita." Nagpantig ang tainga ko sa sinabi ni Mason.
"Tapos bigla na lang inakbayan ng isa sa kanila si Kayrra," dugtong ni Patterson.
Napaigting ang panga ko sa nalaman. Nakita ko sa gilid sina Alec at Kayrra na tila sasabog na rin sa galit.
Gulo yata ang hanap ng mga tambay na 'to.
Maglalakad na sana ako papunta sa harapan ni Hertzler nang hawakan ni Mason ang braso ko.
"Tide, kalma lang. Hayaan na lang muna natin. Wala namang nasaktan," pigil sa akin ni Mason. Tinignan ko siya nang seryoso at unti-unting gumuhit sa labi ko ang ngisi.
"Mason, pinipigilan mo ba ako?" Nakangisi kong tanong sa kanya.
Napatigil siya at agad niyang natanggal 'yung kapit niya sa braso ko.
"Alam mo namang ayokong may nababastos sa atin, eh." Ngumiti ako sa kanya at agad ko rin iyon tinanggal nang humarap na ako sa mga tambay.
"Hoy, kayo," walang ekspresyong tawag ko sa kanila.
Seryoso ako sa mga mata nila pero sa loob-loob ko ay tumatawa ako. Hanep! Lolokohin ko lang naman sila pero kung mauwi sa away, aba game naman ako. Hindi ako umuurong sa laban, 'no.
"Heto pala ang sexy, eh. Haba ng biyas, oh! Mukhang yummy," sabi ng isa sa kanila at nagtawanan na naman sila.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila na nagpagulat sa kanila.
"Sexy naman talaga ako. Hindi n'yo kagaya na muntikan ng maging tingting sa kapayatan," nakangisi kong sabi sa kanila.
Nalukot ang mukha nila dahil sa sinabi ko kaya nagpakawala ako ng tawa.
"Aba, miss, baka gusto mong may mangyari ngayon?" Ani ng isa sa kanila na may nakakalokong ngiti.
"Game ako riyan. Binastos ninyo ang kaibigan ko, ngayon ay makikita n'yo ang hinahanap ninyo." Mas nilawakan ko pa ang pagngisi ko.
Naglakad ulit ako palapit sa lalaking nasa unahan nila. Mas lumapit pa ako sa kanya at tumingkad ako para maabot ko ang tainga niya saka ako bumulong.
"Tol, gulo ba ang hanap ninyo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top