Chapter 31

TIDE

Ilang metro na lang ang layo ko sa bahay nina Axion. Tumigil ako sa pagtakbo dahil sa hingal na nararamdaman. Agad naman akong napamura nang makita ang dalawang itim na kotse sa harap ng bahay nina Axion.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpatuloy ako sa pagtakbo. Huminto ako panandalian at sinamaan ng tingin ang dalawang kotse.

"Nasaan si Tide?!" Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napatingin sa loob ng bahay.

"Hindi k-ko p-po alam!" Takot na takot na tugon ni Axion sa galit na galit na Kuya Miko ko.

Nang makita ko sa mga mata ni Axion ang takot at pangamba, tila nanlambot ang buong katawan ko. Bigla akong naawa.

Nadamay ka pa, tol... Pasensya na.

"Sabing nasaan si Tide! Sasabihin mo ba o sasampahan kita ng kaso na kidnapping?!"

Dahil sa sinabi ni Kuya, mas lalong nangamba si Axion. Hindi na siya mapakali at nanginginig na ang kanyang mga kamay.

Kinuyom ko ang aking kamao at inis na sinisi ang sarili. Huminga ako nang malalim at nilapitan si Kuya.

Magsasalita pa sana si Kuya nang matigil siya dahil hinawakan ko ang kanyang kaliwang balikat. Nanlaki ang kanyang mata nang makita ako, pero makalaon ay bigla itong nagbago. Lumamig ang kanyang itsura at hinarap ako. Ilang segundo rin kaming magkaharap at kaba lang ang purong nararamdaman ko.

Sobra na akong natatakot sa lamig na mukha ng Kuya ko! Iba si Kuya magalit!

Nag-igting panga ito at naglakad upang lampasan ako.

"Umuwi na tayo," maikling sinabi ni Kuya bago ako tuluyang nilampasan.

Pumasok naman sa loob ng bahay ang limang bodyguards at nilapitan ako.

"Miss, aalis na raw tayo sabi ng Kuya mo," bulong ng isa sa kanila..

Hindi ako tumugon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtitig kay Axion. Malungkot ang itsura nito at puno ng pangamba. Tila hindi pa siya mapakali. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Itatakas ba ulit ako o hahayaan na lang?

Nalipat ang mata ko kay Ashlon na nasa likod ng mga binti ni Axion. Nagtatago ito at mahigpit ang kapit sa binti ng kanyang Kuya.

Umiwas ng tingin sa akin si Ashlon.

Napadako ulit ang tingin ko kay Axion nang marinig ko ang galit na sigaw ni Kuya Miko sa labas ng bahay.

"Tide Valencia, aalis na tayo!"

Hinawakan ng isang guwardiya ang balikat ko at pilit niya akong pinapalakad.

Ibinaba ko ang aking paningin sa sahig at kinagat ko ang ibabang labi at sinunod ko na ang gusto ng Kuya ko.

Habang naglalakad gamit ang nanginginig kong tuhod, ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin mawala-wala. Malakas ang kalabog nito at sobrang bilis, at dahil sa pamamaraan ng pagtibok nito, lumilikha ito ng pagsakit sa aking dibdib. Unti-unti rin akong hinuhugutan ng hininga.

Nakasalubong ko naman sa pintuan ang nanay ni Axion na si Tita Arabelle. Kunot ang noo ito at puno ng pagtataka ang mukha. Magsasalita sana siya kaso hinigit na ako ng mga guwardiya.

King ina, stress, layuan mo naman ako.

Bago ako makasakay sa kotse ni Kuya ay nakita ko hindi kalayuan si Godwin na malungkot ang mukha. Ngumiti ako nang pilit sa kanya. Bumuntong hininga ito at napayuko.

Sumakay na ako sa kotse ni Kuya at malakas na sinarado ng guwardiya ang pinto nito. Parang galit ang lokong 'yun, ah.

Napaayos naman ako sa pagkaka-upo nang tumikhim pagalit si Kuya. Nasa driver's seat siya at samantalang ako ay nasa passenger's seat.

Pinaandar na ni Kuya ang makina ng kanyang kotse at damang-dama ko ang galit niya sa pagmamaneho. Napahigpit ang kapit ko sa upuan dahil sa bilis niya magpatakbo. Gusto ko sanang sabihin na medyo bagalan niya dahil mas nadadagdagan ang takot sa dibdib ko kaso baka singhalan niya lang ako kaya minabuti kong manahimik na lang. Baka tumalsik pa ang laway niya sa mukha ko.

Pasimple kong kinapa ang aking cell phone sa bulsa ko pero laking gulat ko nang hindi ko ito makapa. Agad naman akong napamura sa aking isipan nang maalalang iniwan ko ito sa kwarto ni Axion.

Pumikit ako nang mariin at pilit na pinakakalma ang sarili.

Mabilis kaming nakarating sa bahay at nang huminto ang kotse ay kaagad na lumabas si Kuya at malakas din ang pagkakasara nito sa pinto. Napalunok ako at lumabas na rin.

Pagkatapak ko pa lamang sa hagdanan ng aming bahay ay nanlamig na kaagad ang aking katawan. Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba ang ibubungad sa akin ng mga magulang ko. Sasampalin ba nila ako kagaya ng mga napapanood ko o sisigawan nang sisigawan?

Kahit may pagkasira-ulo ako, kahit minsan ay takot din naman ako sa mga magulang ko. Lalo na kapag nalaman nilang mas lumalala ang sakit ko, baka ilibing nila ako nang buhay dahil sa galit.

Nangunot ang aking noo nang mapansin ko ang naglalakihang mga bagahe sa sala. Lumabas galing sa isang pinto sina Mommy at Daddy at parehas pang walang emosyon ang kanilang mukha.

Batman, Superman, Spiderman, Iron-Man, Ant-Man, Wonderwoman, Darna... Kayo na ang bahala sa akin!

"Mommy... Daddy..." bulong ko pero hindi nila ako pinansing dalawa.

Napatingin naman ako sa ikalawang palapag nang makarinig ako nang malakas na pagsara ng pinto. Bumaba sa hagdan si Kuya na bihis na bihis at may dala-dala ring maleta.

"Pakilagay na ang mga bagahe sa sasakyan," mariin na utos ni Daddy sa tatlong lalaki. Sinunod naman siya ng mga ito.

Unti-unting nabuo ang ideya sa utak ko. Kahit wala silang sinasabi, alam ko na ang balak nilang mangyari at hindi ko ito hahayaang mangyari. Hindi pa ako handa! Hindi pa ako handang iwan sina Axion! Ayoko pa silang iwan. Hindi ko pa kaya silang pabayaan na lang basta-basta. Gusto ko... gusto kong magsaya muna... kasama sila!

Nilapitan ko ang isang lalaki at kinuha ko sa kanya ang maleta ko na ikinataas ng kilay nina Mommy.

"Manong, akin na ang bagahe ko. Hindi ako sasama kina Mommy."

"P-Peroㅡ"

"Manong, bitiwan mo ang bagahe ko," mariin kong utos. Hindi naman alam ng lalaki kung bibitiwan nga ba niya o hindi.

"Manong, pakidala ang bagahe niya sa kotse." Napapikit ako dahil sa ini-utos ni Daddy.

Humarap ako kay Daddy. "Pero Daddy!"

"Tide, sasama ka sa 'min!" Singhal ni Daddy.

"Pero hindi n'yo ito kaagad sinabi sa akin! Biglaan, Daddy!" Pagdadahilan ko at mukhang hindi nakuha si Daddy.

"Matagal na naming sinabi ito sa 'yo, Tide! At sa tingin mo, paano mo malalaman na ngayon ka aalis kung umalis ka nang walang paalam? Sa tingin mo, paano mo malalaman kung naglayas ka?!"

Muli akong napapikit nang mariin.

"Dahil sa inyo kaya ako naglayas!"

"Hindi dahil sa amin, Tide! Ikaw! Ikaw ang dahilan!" Galit na sagot naman ni Mommy.

"Hindi lang ikaw... Pati 'yang pagsasayaw mo! Nang dahil sa walang kwentang sayaw na 'yan, nakuha mong maglayas! Nang dahil diyan sa pagsasayaw mo, nakuha mong mas palalain 'yang sakit mo!"

"Walang kinalaman ang pagsasayaw ko rito! Nang dahil sa inyo kaya ako nagkakaganito!"

Mas tumalim ang tingin ni Daddy sa akin.

"Ipaliwanag mo! Sige!" Sigaw niya.

Kinagat ko nang mariin ang aking labi para pigilang tumulo ang luha ko dahil bigla kong naalala ang Kuya Hans ko.

"Nang dahil sa inyo, nakuha kong maglayas. Nang dahil sa gusto ninyong mangyari, nakuha ring maglayas noon ni Kuya Hans..." bigla silang natigilan nang mabanggit ko ang pangalan ni Kuya.

"Tide, nananahimik na ang tao," mariing sinabi ni Kuya Miko.

"Hindi pa, Kuya Miko! Bakit? Kasi gabi-gabi, sa bawat pagtulog ko, dinadalaw niya ako! Tuwing sumasayaw ako, nagpapakita at nagpaparamdam siya sa akin dahil gustung-gusto niyang ipahiwatig sa akin na gawin ko ang gusto ko! Na sumayaw ako kahit ayaw ninyo!"

"Bakit ba hindi n'yo ako magawang suportahan sa pagsasayaw? Milyon-milyon ba ang halaga ng suporta na 'yan kaya hindi ninyo maibigay-bigay?!" Tuluyan na akong umiyak.

Ang ayoko sa lahat ay makita akong umiiyak ng ibang tao. Pakiramdam ko ay iniisip nila na napakahina kong tao dahil iyak ako nang iyak. Ayokong isipin nila iyon dahil kahit papaano, strong akong tao, pero 'wag lang sa mga ganitong sitwasyon.

"Pagsasayaw ang pangarap ko. Gusto kong mapanood ako ng lahat na sumasayaw. Gusto kong ipakita sa buong mundo kung paano sumayaw ang isang katulad ko. Bakit ba ayaw ninyong matupad 'yon? Bakit ba ayaw n'yo roon?" Halos pabulong ko na lang na nasabi dahil sa kahirapan sa paghinga.

"Dahil diyan." Tinuro ni Daddy ang dibdib kong taas-baba.

Napaupo ako sa sahig at pikit na hinahabol ang aking hininga.

"Dahil diyan sa de puta mong sakit! Dahil diyan kaya ayaw kitang payagang sumayaw! Kaya ka niyang dalhin sa kamatayan, Tide!" Sigaw ni Daddy.

Mahigpit akong napakapit sa aking dibdib nang mas lalo itong sumikip dahil sa aking pag-iyak. Napaawang na ang aking bibig. Bigla naman silang nataranta at kaagad akong nilapitan.

"Tide, a-ayos ka la-lang?" Utal na tanong ni Mommy.

Putspa. Ayoko talagang tinatanong ako kung okay lang ba ako. Malamang hindi, dahil minsan nagsisinungaling ang tao kahit na hindi naman talaga sila okay.

"Sagutin mo ako, Tide!"

"Kapag hindi na kita sinasagot, pwede bang h'wag mo na akong pakialaman?" Hinawi ko ang kamay nila at pinilit kong tumayo.

"Dilaan n'yo singit ng isa't-isa saka ko kayo hahayaang malaman ang tunay na nararamdaman ko," mariin kong sinabi sa kanila at tumakbo ako papasok sa aking kwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top