Chapter 3

AXION

"Alec, kanina pa naaasiwa sa'yo si Insan! Lumayu-layo ka nga!" Pagbabawal ni Hertzler kay Alec na nakayakap sa baywang ko.

Kanina pa niya ako kinukulit kung crush ko raw ba siya. Wala naman akong masagot dahil nahihiya akong sabihin na hindi. Oo, maganda siya kahit medyo maitim pero hindi ako tinamaan sa kanya. Nahihiya lang talaga ako sa kanya dahil first time ko nga lang maka-encounter ng tao na may gusto sa'kin. Kahit na hindi ko alam kung seryoso ba siya roon o hindi.

Ngumiti ako nang pilit at sinabing ayos lang. Nahihiya kasi akong tumanggi.

"Hindi, Insan, ayos lang." Napakamot ako sa batok ko at bigla namang inamoy ni Alec 'yung kili-kili ko na ikinagulat ko.

"Ang bango, Baby," nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Napamura si Insan sa ginawa ni Alec at mas lalo kong ikinagulat ay nang hilahin niya si Alec sa buhok palayo sa akin.

"Aray, Hertzler! Parang hindi masakit, 'no?" Sarkastikong sigaw sa kanya ni Alec.

Napangiwi ako at hindi ko alam 'yung gagawin ko sa kanilang dalawa, lalung-lalo na kay Alec.

Napapitlag naman kaming lahat nang malakas na bumukas ang van at pumasok doon ang nakakunot noong si Tide.

"Tabi nga riyan!" Sigaw niya sa akin at nilihis niya ako nang marahas kaya nawalan ako ng balanse.

Kasunod naman niya sina Mason at Patterson na tumatawa. Si Kayrra ay kasunod din nila na katatapos lang yata manigarilyo. Bisyo yata nila ang paninigarilyo. Medyo nakakailang nga lang makita si Kayrra na humihithit sa sigarilyo dahil nakadress ito.

"Akala ko kung ano na 'yung gagawin mo sa mga nakapila, eh! Mabuti na lang ay hindi mo binugahan ng apoy!" Tumatawang sabi ni Mason nang makapasok siya sa van.

Humarap siya sa amin at hinagis niya 'yung mga pinamili nila. Pumasok din sa van si Patterson na malawak ang ngiti. Lumingon siya kay Tide at tinawanan ito.

"Iba ka talaga, Tide. Idol!" Sabay tawa nila ni Mason. Napatigil lang sila sa pagtawa nang murahin sila ni Tide.

"Manahimik nga kayo!" Malakas niyang sigaw. Napatahimik naman ang dalawa pero halatang pinipigilan pa ang pagtawa.

"Hoy, Insan, kay Tide ka muna tumabi. Baka kasi kung ano pa ang gawin sa'yo ni Alec, eh." Napalunok ako dahil sa sinabi ni Hertzler.

"K-Kay Tide...?" Paninigurado ko at tumango naman siya. Tinulak na niya ako papunta kay Tide.

Ako, kay Tide tatabi? Hala! Para akong nilagay sa impyerno. Badtrip siya at ayokong mapagbuntungan niya, 'no! Hindi ko naman kasi magawang tumanggi. Napabuntong hininga na lang ako at tumabi na ako kay Tide.

Iniiwasan ko ang mata niyang nakatingin sa akin. Hanggang ngayon pa rin kasi ay nahihiya ako dahil sa nangyari kanina. Nahihiya ako no'ng tumili ako dahil sa gulat at dahil sa pagkataranta ko ay nauntog ako sa kisame ng van. Nakakahiya kaya! Tapos pinagtawanan niya ako nang sobra. Kaya ayun, humingi ako sa kanya ng sorry. Hindi ko alam kung bakit ako humingi ng sorry pero pakiramdam ko ay kailangan kong humingi. Ah, basta! Nakakahiya 'yung pagtili ko. Baka mamaya niyan, iniisip niya na bakla ako. Hindi, 'no! Diretso ako!

Nilagay ko ang magkabila kong kamay sa magkabila kong hita at tumingin ako sa labas ng bintana nang umandar na ang van. May dalawang oras pa kami sa pagbiyahe para marating ang Nueva Ecija.

Lumipas ang minuto at nagulat ako nang kinalabit ni Tide ang kaliwang tainga ko pero hindi ko siya nilingon. Ayoko siyang lingunin, nahihiya ako. Kinalabit niya ulit 'yung tainga ko pero kinamot ko lang ito. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napailing siya at kinalabit niya ulit ako sa tainga. Napalunok ako at biglang kinabahan dahil medyo lumakas 'yung pagkalabit niya.

Tumingala ako at ininda siya pero sa pagtingala ko ay nagulat ako nang hindi na kalabit ang naramdaman ko, kung hindi sapok na sa noo kaya halos mapahiga ako dahil sa lakas no'n.

"Hanep na payatot 'to! Hindi mo ba nararamdaman 'yung kalabit ko? Ano, feeling manhid lang? Tangina mo, ah," pagmumura niya sa akin kaya napalunok ulit ako saka ko siya hinarap.

"B-B-Bakit ba k-kasi?" Napapikit ako nang mautal na naman ako. Nakakahiya!

Napaawang ang bibig niya at tila hindi makapaniwala sa pagka-utal ko na naman.

"Diretsuhin mo nga ako. Bakla ka ba o bading?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ha? May pagpipilian ba ako ro'n?" Taka kong tanong sa kanya.

Iisa lang naman kasi ang bakla o bading. Umirap siya sa akin at sinigawan ako.

"Malamang meron! Ano ako, tanga? Gusto mo bang mabugbog?" Maangas niyang tanong kaya napakapit ako sa damit ni Hertzler na nasa harapan ko.

Insan, 'wag mo na akong itabi kay Tide! Pakiusap. Nakakatakot siya! Tulong!

Tumawa naman si Hertzler dahil sa ginawa ko at unti-unti niyang tinanggal 'yung kamay ko sa damit niya. Lahat pala sila ay nakalingon sa akin at nakangisi. Parang pinapahiwatig na, 'go, Axion, kaya mo 'yan!'

Tumingin na muli ako kay Tide at sumagot, "h-hindi ako bading o bakla. L-Lalaki ako."

"Oh, eh bakit ka nauutal?" Nakataas kilay niyang tanong. Napaayos ako ng upo bago ko siya sagutin.

"W-Wala lang. Eh, ikaw? Babae ka ba?" Halos i-umpog ko na 'yung ulo ko sa van dahil sa tanong ko. Tumawa naman 'yung iba dahil sa tanong ko kaya mas lalo kong gustong i-umpog nang sobrang lakas 'yung ulo ko.

Kung sila ay natawa, si Tide naman ay mas lalong nakakatakot ang itsura! Patay tayo riyan!

"Hertzler, tanga ba 'tong payatot mong pinsan? Malamang babae ako! May boobs nga ako, eh! Heto oh, damhin mo!" Sigaw niya sa akin at nagulat ako nang kunin niya ang dalawa kong kamay at inilapat iyon sa dibdib niya.

Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko nang maramdaman ko 'yung ano niya... 'yung... boobs.

Napahagalpak naman sa tawa silang lahat pwera lang kay Tide na nakataas ang kilay sa akin.

"Ngayon mo sa akin itanong kung babae ba ako, Axion," seryoso niyang utos.

Nalaglag ang panga ko dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Seryoso ba siya? May babae bang naglalagay ng kamay ng iba sa dibdib niya para lang mapatunayang babae nga siya?

Isa lang talaga ang masasabi ko. Iba talaga ang babaeng ito. Ibang-iba.

Dahil sa pagkabigla ko ay hindi ko agad nasagot 'yung tanong niya at mas lalong hindi ko agad napansin na hindi na pala siya nakahawak sa kamay ko at naiwan ang kamay ko na nakalapat sa dibdib niya.

"Axion, na-enjoy mo yata," panunukso ni Kayrra.

"Baby, mas malaki 'yung akin diyan!" Sigaw ni Alec at tinakpan naman ni Insan ang bibig niya.

"Manahimik ka nga," utos ni Insan sa kanya.

Bumaba ang tingin ko mula sa mukha ni Tide hanggang sa dibdib niya kung saan nakalagay ang kamay ko. Napatingin ulit ako sa mukha niya at nakita kong nakangisi siya sa akin kaya mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa dibdib niya.

Napapikit ako at huminga ako nang malalim. Hanggang ngayon ay kahit hindi na nakalagay ang kamay ko sa dibdib niya, ramdam ko pa rin ang boobs niya sa kamay ko. Medyo malaki.

Narinig ko naman siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.

"Naks, confirmed. Hindi ka nga bakla, tol," natatawang sabi ni Tide at umakbay siya sa akin.

Napaayos ako ng upo dahil sa ginawa niya at laking gulat ko na lang nang ilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong.

"Naalimpungatan yata si totoy," bulong niya sabay hampas nang mahina sa hita ko at tinanggal na niya ang pagkakaakbay sa akin at umayos na siya ng upo.

Nanlaki ang mata ko nang makuha ko ang sinabi niya. Unti-unting bumaba ang mata ko sa pagitan ng hita ko.

Naalimpungatan nga si totoy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top