Chapter 24
AXION
Lumabas ako ng kwarto dahil nabagot na ako roon. Ilang oras na rin kasi akong nakatambay roon. Ayoko talagang lumabas dahil mababadtrip lang ako lalo kapag nakita ko sina Godwin at Tide na magkasama.
Hanggang ngayon kasi ay nakabalot pa rin sa akin ang selos. Nakakainis kasi si Nanay. Por que hindi niya lang alam na may gusto ako kay Tide!
Natigil naman sina Tide at Godwin sa pag-uusap nang makita nila ako.
"Tol! Akala ko ay habang buhay ka na sa kwarto mo," nakangiting nakakaloko na sinabi ni Godwin.
Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang ako sa pagpunta sa kusina.
"'Luh, snobber!" Dinig kong sigaw ni Godwin na nasa sala.
Binuksan ko ang ref namin at kinuha ko roon ang pitsel. Nagsalin ako ng tubig sa basong hawak ko.
Pagkatapos kong uminom ay naglakad na ako pabalik sa kwarto. Pero kaagad akong napahinto nang mapansin kong wala si Ashlon sa paligid.
Hinarap ko si Tide na nakatingin sa akin. "Nasaan si Ashlon?" Tanong ko.
"Sinama ni Tita," maikli niyang tugon habang nakangiti.
Tumango ako at papasok na sana sa kwarto nang magtanong si Tide.
"Gusto mo bang sumama?" Tanong niya.
"Saan?"
Tumayo naman si Tide at nilapitan ako. Nang makalapit na siya sa akin ay inakbayan niya ako.
"Pupunta kasi kami ni Godwin sa lugar ng mga cool," sabi niya habang nakaakbay pa rin sa akin.
"Naku, Axion, 'wag kang sasama! Hindi kami roon pupunta! Sa club kami pupunta, magd-date kaming dalawa," singit ni Godwin at kumindat pa kay Tide.
Napangiwi si Tide at inirapan si Godwin.
"Ulul. Date, sa tanghali? Tanghaling tapat, magc-club? Muntanga 'yun, tol!" Nakangiwing singhal ni Tide kay Godwin.
"'Sus! Unique kaya tayo!"
"Unique lang, walang tayo!" Sabay tawa ni Tide na ikinalukot ng mukha ni Godwin.
Napangiti ako nang palihim.
Walang kayo, kami magkakaroon.
"Soon! Magiging tayo rin. Soon!" Sabay labas ni Godwin sa bahay pagkatapos niyang magsalita.
Ayan na naman 'yang soon na 'yan.
Napailing si Tide at bumaling na siya sa akin.
"Bihis na, dali!" Nakangiti niyang sinabi habang tinutulak ako papasok sa aking kwarto.
~*~
Bumaba na kami ng jeep at kaagad na hinawakan ni Tide ang kamay ko. Hinila niya ako papasok sa building kung saan nandoon ang mga mananayaw na kanina pa humahataw.
"Sandali lang! Hintay mga tol!" Sigaw ni Godwin na nahuhuli sa pagtakbo.
Napangiti ulit ako. Gusto ko sana siyang dilaan kaso baka malaman niya ang sikreto ko.
Nakapasok na kami sa building at namataan namin sa entablado sina Hertzler na nagb-break dance.
Nanlaki ang mata ko nang umikot siya sa ere at nakatayong lumagapak sa sahig. Nakahalukipkip pa ang kanyang mga braso.
Naghiyawan ang mga tao lalo na nang umatras ang mga kalaban nila. Napangiti sina Hertzler.
May pumalit na panibago sa mga kalaban nina Hertzler na umatras.
Nagsimula ulit silang maghatawan. Mga walang nagpapatalo. Lahat pa magagaling sa pagsayaw.
Masaya akong nanonood sa mga sumasayaw dahil hindi puro seryoso ang nagaganap sa entablado. Hindi labanan o kalaban ang turing nila sa isa't-isa. Puro sila mga utol na sumasayaw at humahataw dahil ito ang pasyon nila. Makikita mo naman sa bawat indak nila na ito talaga ang gusto nila, ang pagsayaw.
Napatingin ako kay Tide na tahimik sa gilid ko. Tipid siyang nakangiti habang nanonood. Lumambot ang puso ko nang makita ko ang ngiti niyang hindi umaabot sa mata.
Parang ang lungkot niya.
Tumingin ako sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa railings. Napayuko siya at mayamaya lang ay narinig ko siyang humihikbi.
Nanlaki ang mata ko at kaagad ko siyang dinaluhan.
"B-Bakit, Tide?" Nag-aalala kong tanong.
Umiling siya pero nagpatuloy lang ako sa pagtatanong sa kanya kung bakit siya umiiyak.
Nakakagulat naman kasi. Bigla-bigla na lang siyang umiiyak. Ayaw pa niyang sabihin kung bakit. Kinakabahan tuloy ako.
Pinunasan niya 'yung mga mata niya habang nakayuko pa rin. Pagkatapos no'n ay inangat na niya ang mukha niya at inayos niya ang asul niyang buhok.
Tumingin siya sa akin.
"Ang galing kasi nilang sumayaw. Nakakaiyak," sabi niya habang may luha pa ring tumutulo sa kanyang mata. Hindi naman ako roon kuntento kaya tinignan ko lang siya nang maigi.
Sino ba naman kasi ang makukuntento sa dahilan niya? Mas magaling siya sa mga 'yun, kaya bakit iniiyakan niya kung magagaling 'yung mga sumasayaw sa harapan? Siya kaya ang prinsensa ng entablado!
Mas lamang siya sa mga nandito!
"'Wag ka ngang tumingin sa akin nang ganyan! Tears of joy 'to dahil ang gagaling sumayaw ng mga utol ko!" Aniya sabay tingin kina Hertzler na nasa entablado. "Go, mga tol kong pangit!" Nakangiti niyang sigaw. Ngayon ay umabot na hanggang mata ang ngiting iyon.
Napatingin sa kanya sina Hertzler at masama ang tingin nila kay Tide. Dahil doon ay napahalakhak si Tide.
Hindi ko alam kung ano ang ibibigay kong reaksyon.
"Ngayon... Magsasaya ako. Tatawa ako hanggang sa makakaya ko bago ako mahiga at magpahinga. Ito ang pinal kong desisyon bago sumapit ang araw ko."
Nanindig ang balahibo ko sa binulong ni Tide habang nakatingin kina Alec na masayang tumatawa habang sumasayaw.
Tumingin siya sa akin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"Sama ka ulit?" Tanong niya habang nakangiti.
Kahit hindi ko alam kung saan, tumango ako sa kanya at nagsimula na naman kaming tumakbo. Iniwan namin doon si Godwin na walang kamalay-malay. Bahala siya sa buhay niya.
~*~
Napako ang paa ko nang matapat kami sa dating gym na pinuntahan namin ni Tide noon. Naalala ko si Instructor V!
Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Tide na nagpatawa sa kanya.
"H'wag kang mag-alala, tol, hindi na kita dadalhin diyan. Payat ka man o baboy, ayos lang sa akin, basta ba susundin mo ang iba nating rules," aniya kaya naalala ko na naman ang mga rules namin.
"At 'wag ka ring mag-alala, saulo ko pa ang mga rules natin."
"Dapat lang!" Sabi niya.
Nilisan na namin ang gym at napunta naman kami sa katabi nitong dance studio. Nakatitig dito si Tide kaya napataas ang kilay ko. Nanatili siyang tahimik kaya nanatili lang din akong tahimik.
"Bakit tahimik ka?" Pambabasag niya sa katahimikan naming dalawa.
"Bakit tahimik ka rin?" Pagtatanong ko rin.
"Ito naman! Tinatanong ko siya, sinasagot ako nang patanong din!" Natatawa niyang singhal kaya natawa rin ako.
Pinasok namin ang dance studio at naabutan namin doon ang mga batang nagw-workshop. Mga nasa edad na kinse o katorse ang mga nandoon.
Napatingin naman sa amin ang apat na senior. Nakita ko sa I.D nila na senior sila kaya nalaman kong senior sila rito.
"Tide!" Sigaw nila sa pangalan ni Tide kaya napahinto sa pagsasayaw ang mga bata.
Sabay-sabay nilang sinalubong si Tide ng yakap.
“Kuya Defcdee, nakikiliti ako sa balbas mo! Balbasero kasi! Mag-ahit ka nga!” Natatawang sigaw ni Tide.
“Arte naman talaga nito, oh!” Natatawa ring sinabi ng isang lalaki na may balbas. Hindi naman makapal at mahaba ang balbas niya.
“Hay naku, Tide! Talaga bang inaabot ka ng isang buwan o isang taon bago ulit dumalaw rito? Nakakaloka ka, ah!” Reklamo ng isang babaeng maikli ang buhok na umaabot hanggang balikat. May full bangs pa ito na bumagay naman dahil sa kaputian nitong kulay. Para siyang koreana.
“Ate Plert, gano’n talaga kapag dyosa!” Nakangiting malapad na tugon ni Tide.
“Sus. Kailan ka pa naging dyosa?” Si Plert.
“Uhm… ngayon lang?”
“Buti ako, dyosa araw-araw!” Singit naman ng isang babae na mahaba ang buhok at nakapusod ito.
“Nagfeeling na naman ‘tong si Senior Shanelle!” Tukso ng lalaking makapal ang kilay.
“Ako nga’y ‘wag mong binibwisit, Senior Paulo! Sinisira mo na naman ang araw ko!” Singhal ng Shanelle kay Paulo.
“Gusto mo ba ay pati ang buwan mo’y sirain ko, Senior Shanelle?” Tukso ulit ni Paulo habang taas-baba pa ang kilay.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Shanelle.
“Wala akong buwan!” Sigaw ni Shanelle.
“Meron kaya. ‘Yung buwan-buwan ng mga babae. Duh!” Tugon ni Paulo na may accent pa ng pambakla. Hindi naman siya mukhang bakla kaya hindi ko masabi kung bakla nga ba siya o hindi.
“King ina, Kuya Paulo, sabihin mo na lang kasi na regla!” Singit ni Tide sa kanilang dalawa.
Kaagad namang dumapo ang kamay ni Paulo sa bibig ni Tide.
“Anong sinabi ko sa ’yo noon?” tanong ng Paulo habang nakatingin kay Tide nang seryoso.
“Uhm... Magmura ako at sasampalin mo nang todo ang bibig ko?” Hindi pa siguradong sagot ni Tide.
“Napunto mo, babaita ka,” nakangiting sinabi ni Paulo. Umirap naman sa kanya si Tide.
Nagkamustahan muna silang apat at nang tumagal ay pinaalis na nila ang mga nagt-training o nagw-workshop.
“Attention, dreamers! Bukas na lang natin ipagpatuloy ang workshop. Dumalaw kasi ang prinsesa ng entablado. Kita na lang tayo bukas, dreamers! Dance well!” Anunsyo ni Plert sa lahat.
Nag-uwian na ang mga dreamers at nang matira na lang sina Shanelle, Plert, Paulo, Defcdee, ako at si Tide ay nagkaayaan silang maupo sa sahig.
“Nga pala, guys, si Axion, kaibigan ko,” pagpapakilala sa akin ni Tide sa mga seniors.
Ngumiti ako sa mga ito at nagngitian din naman sila sa akin.
“Ako si Shanelle!” Nakangiting pagpapakilala ni Shanelle.
“Ako naman si Plert Atienza.”
“Defcdee Monasterial.”
“At ako si Paulo De Guzman.”
Nakangiti nilang pagpapakilala sa akin.
Pagkatapos nilang magpakilala ay nag-usap-usap na silang lima. May pagkakataon na naghahalakhakan pa sila. Hanggang sa humantong sa seryosong usapan.
“Alam niya?” Bulong ni Plert sabay tingin sa ’kin.
“Hindi,” maikling tugon ni Tide habang nakatingin sa repleksyon niya sa salaming nakadikit sa isang dingding na nasa harapan namin.
“Bakit naman? Akala ko ba ay kaibigan mo siya?” Tanong ni Shanelle.
TIDE
“Bakit naman? Akala ko ba ay kaibigan mo siya?” Tanong ni Ate Shanelle sa akin.
Hindi naman por que kaibigan ay kailangan ng malaman ang lahat tungkol sa akin. Mahirap na, baka plastik pala at ipagkalat pa. Pero alam ko namang hindi ganoon si Axion. Kilala ko na ang payatot na ‘to, eh.
Bumuntong hininga ako at lumingon ako kay Axion na nanonood sa amin. Nang makita niyang lumingon ako ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin.
“Hindi naman niya kailangang malaman,” aniko.
“Pero…” hindi maituloy ni Kuya Paulo ang sasabihin niya. Siguro ay nag-aalinlangan siya.
“Saka ayokong malaman niya. Mahirap na…” sabi ko bago tumayo.
Napatingin silang lahat sa akin nang lumapit ako sa malaking speaker na nasa kaliwang dingding.
Dinampot ko ang connector at kinonnect ko ang cell phone ko roon. Pinatugtog ko ang isa sa mga paborito kong tugtog na pansayaw. Ang tugtog na sinasayaw naming dalawa na magkasama… noon...
Nilapitan ko si Axion at hinila ko siya patayo.
“B-Bakit?” Nagtataka niyang tanong.
“Shut up and dance with me...” bulong ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top