Chapter 21
AXION
Humiwalay ako sa kanilang tatlo. Halos sa kanilang lahat ay humiwalay ako.
Bakit kaya ganoon ang ngiti ni Tide kapag kasama niya si Godwin? May... ano ba sa kanilang dalawa?
May gusto ba siya kay Godwin? O mahal na niya? O baka naman ay sila na at hindi lang nila sa amin sinasabi? Pero hindi niya pwedeng gustuhin si Godwin dahil siguradong-sigurado akong iba ang pakay sa kanya ng lalakeng 'yon. Iba ang nais ng manyak na 'yon!
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa paligid. Mag-isa akong nakaupo sa isang pahingahan dito sa garden ng mall. Kapag tumitingin ako sa paligid, napapanguso na lang ako. Kapag tumingin ka sa kanan, may magkakaibigang nagtatawanan. Kapag tumingin ka sa kaliwa, may magjowang naghaharutan. Sa harap at sa likod, kung sinu-sino na nagtatawanan lang din naman.
Samantalang ako rito, mag-isa lang, walang kasama.
Pinatong ko ang magkabila kong kamay sa magkabila kong hita. Napayuko ako nang maalala ko ang mukha niya. Kailangan mong pigilan, Axion. Hindi kayo bagay. Hinding-hindi at hindi magiging.
Bakit ba kasi ganito? Ang hirap pigilan, sa totoo lang. Hindi talaga dapat magpatuloy 'to. Tumingala ako at bumuga nang mabigat na hangin.
Bahala na.
Mayamaya lang habang ninanamnam ang tawanan at usapan ng mga tao sa paligid ay umalingawngaw sa tainga ng lahat ang nakakarinding sigawan.
"Pakyu, kabayo, tang ina mo sagad, hanggang bayag ng Tatay mo!" Napataas ang kilay ko sa sinigaw ng isang babaeng nakabistidang itim.
Napatingin ako sa dalawang babae na nagsasagutan, katabi ng isang babae ay ang isang lalaki. 'Yun yata 'yung pinagtatalunan nilang dalawa.
"Manahimik ka nga! Puro ka sigaw, pwede naman 'tong pag-usapan nang matino, ah? Bakit kailangan pang sumigaw? Attention seeker?" Sagot naman ng isang babaeng nakat-shirt na puti at pants.
May punto siya. Bakit pa isinisigaw kung kaya namang pag-usapan nang matino? Mga babae nga naman kasi ngayon ay mga bungangera.
"Wala akong pakialam! May pa-I love you-I love you ka pa sa boyfriend ko, sinabi na ngang hindi ka niya gusto! Ang bobo mo! Ang tanga-tanga mo! May boyfriend ka na ngang iba, nilalandi mo pa ang boyfriend ko! Malandi ka!" Galit na sinigaw ng babaeng nakabistida.
"Ang pangit kasi ng boyfriend mo ngayon kaya 'etong gwapo kong boyfriend ang nilalandi mo! Malandi ka talaga!" Dugtong ni Ateng nakabistida.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ng babaeng nakaputing damit.
"Hindi nga kasi ako ang nagtext nu'n! Saka pwede ba, 'wag na 'wag mong dinadamay ang bf ko rito. Tayo ang may problema, kaya ako ang kaharapin at bungangaan mo!" Tugon ni Ateng nakaputing damit.
"Saka wala sa panlabas na itsura ang pag-ibig, sungalngal mo 'yan sa nangingitim mong gilagid!" Natawa naman ang mga nanonood sa dinugtong ni Ateng nakaputing damit.
Namula naman 'yung babaeng bistida, dahil na rin siguro sa kahihiyan.
Magsasalita na sana si Ateng nakabistida nang pigilan siya ni Ateng nakaputing damit.
"Hops! Hindi pa ako tapos," pagpigil nito.
"Alam mo, future teacher ka pa naman pero 'yang bunganga mo ang dudumi ng mga lumalabas. Tang ina? Pakyu? Bobo? Tanga? Malandi? At dinamay mo pa ang bayag ng Tatay ko! Kawawa naman 'yung mga tuturuan mo kung ganyan ang tabas ng dila mo! Kawawa ang eskwelahang papasukan mo dahil sa mga sinasabi mo!" Mahabang sinabi ng babaeng nakaputing damit na ikinatahimik ng babaeng nakabistida.
"Saka alam mo, tigilan na natin 'to. Pinapagwapo mo lang lalo 'yang boyfriend mo," anito ulit.
Huminga muna ito nang malamin at humarap sa lalaking kasama ng babaeng nakabistida.
"Hoy, ex, ayos na? Masaya ka na? Nabungangaan ako ng gf mo, okay ka na? Natang ina ako ng gf mo, masaya ka na? Napakyu ako ng gf mo, makakatulog ka na? Akala mo siguro ay kinagwapo mo 'yan, eh mas gwapo pa nga sa 'yo 'yung guard na nanonood lang sa atin at hindi tayo binabawal!" Pahuling banat ng babaeng nakaputing damit bago lisanin ang lugar na iyon.
'Yung lalaki at babaeng nakabistida naman ay naiwan doon, nakatulala at tahimik. Pati mismo 'yung guard ay natulala at natahimik. Nadamay siya, eh.
Napailing na lang ako.
Kung magiging teacher ko 'yung babaeng nakabistida, baka mas piliin ko pa ang mataray at striktong teacher. Kaysa naman sa katulad niyang nananabi ng bobo, tanga, tang ina, pakyu, at nandadamay pa ng may bayag nang may bayag.
Napahinto ako sa pag-iling nang may magsalita sa harapan ko.
"Ano, ayos na? Tapos ka nang manood ng palabas? Pwede ka na bang sumama sa akin?" Napaangat ako ng tingin kay Tide na nakahalukipkip sa harapan ko.
Ang taray-taray ng mata niya pero hindi nakatas sa mata ko ang lihim na pagngiti niya.
"Kanina ka pa riyan?" Tanong ko sabay kamot sa aking batok.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi naman siya umatras kaya nagkalapit kaming dalawa.
"Hindi naman. Mga isang oras din akong nakatayo rito, pinapanood ka."
"Grabe naman 'yung isang oras!" Natatawa kong sabi sa kanya na ikinangiti na niya talaga.
Napatigil ako sa pagtawa nang matitig ako sa ngiti niya.
"Aliw na aliw ka kanina, 'no?" Aniya na ikinangiti ko nang palihim.
Bakit ba ako nangingiti? Sabi ng pigilan!
"Hindi naman, kaunti lang," aniko sabay taas ng kilay.
"Nga pala, nasaan na 'yung kikitain mo? Nakaalis na ba siya? Maganda ba siya? Sexy? Maputi ba at matalino? Malaki rin ba ang dyoga?" Sunud-sunod niyang tanong at dama ko ang pagka-irita roon.
Umiwas ako sa kanya ng tingin at pinigilan ko ang pagngiti ko.
"Ano? Malaki nga ang dyoga, 'no? Kaya ka siguro nangingiting payatot ka! May dyoga rin naman ako, ah! Naramdaman mo pa nga noon, 'di ba?" Bigla naman akong nasamid sa sinabi niya.
Kaagad kong tinakpan ang bibig niya. Ang dumi rin kasi ng bunganga nito!
"Manahimik ka nga, Tide. Nakakahiya!" Natatawa kong bulong sa kanya.
Naramdaman ko naman ang pagngiti ng labi niya sa palad kong nakatakip doon. Tinapik niya ang kamay ko kaya tinanggal ko na ito.
"'DI BA, NAHAWAKAN MO NA ANG DYOGA KO?" Malakas niyang sinabi kaya nanlaki ang mata ko at natawa na lang bigla, pati siya ay natawa sa malakas na sinabi niya.
Nang uulitin niya ulit 'yung ginawa niya ay kaagad ko na siyang hinigit at tinakpan ko ulit 'yung bibig niya.
"Tide, manahimik ka nga!" Natatawa kong bulong sa kanya.
Tumingin siya sa akin na parang inosenteng-inosente.
"Hindi mo ako madadala riyan, Tide," aniko sabay kibit ng balikat na ikinabagsak naman ng kanyang balikat.
Napataas ang kilay ko nang itaas niya ang kanang kamay niya. Para siyang nanunumpa.
"Mananahimik ka na? Totoo?" Tanong ko at tumango naman siya.
Dahil madali naman akong kausap ay tinanggal ko na ang pagkakatakip ng kamay ko pero kaagad naman siyang sumigaw na ikinasapo ng aking noo. Ang kulit!
"MAHILIG SA DYOGA SI AXION RAMULO VALDEZ! ADD NIYO PO 'YAN SA FACEBOOK. DP TO DP DAW PO KAYO!" Malakas na sigaw ni Tide habang natatawa sabay takbo niya palayo sa akin.
Hindi ako nakaramdam ng sobrang pagkahiya sa isinigaw ni Tide. Pakiramdam ko ay sanay na sanay na ako sa mga ganu'ng linyahan niya.
Natawa na lang din ako at napailing.
Patay tayo riyan, ang hirap pigilan. Kasalanan mo 'to, tol.
~*~
Habang kumakain ako ng sundae ay napatingin ako sa cell phone ko nang manginig ito.
Lumitaw ang pangalan ni Tide.
From: Tide
Laro tayo. Tapakan ng paa. Bawal ang sisigaw, ang sumigaw pipingutin.
Napakunot ang noo ko pero kaagad itong napawi nang may naramdaman akong tumapak sa paa ko sa ilalim ng lamesa.
Namilog ang mata ko at pinigilan kong sumigaw. Sa sobrang gulat ko ay napahawak pa ako nang mahigpit sa katabi kong si Hertzler na ikinagulat nila.
"Tol, anong problema mo? Natatae ka ba?" Tanong ni Mason.
Hindi ko siya pinansin dahil abala pa ako sa pagpapakalma ng sarili ko.
"Natae na yata 'tong si Axion. Ew!" Nandidiring sabi ni Alec.
"Ano ba naman 'yan, tol! Kumakain tayo tapos tumae ka rito? Ilugar mo naman 'yan, tol!" Malakas na sinabi ni Patterson.
"'Wag sa ganitong kainan! Kung hindi mo na talagang kayang pigilan, dapat kumaripas ka na ng takbo. Hindi 'yung dito ka pa nagsabog! Kadiri 'tong si tol!" Malakas ding sinabi ni Godwin.
Lumunok muna ako bago nagsalita.
"Sige, ipagsigawan n'yo pa! Pero hindi ako natae, leche!" Sabi ko na ikinatawa ni Tide nang malakas.
Tumawa nang tumawa si Tide nang malakas kaya sa sobrang pagkainis ko dahil ipinahiya niya ako ay malakas ko ring tinapakan ang paa niya.
Namilog din ang mata niya sa gulat at napatigil pa siya sa pagtawa.
"Oh, Tide, parehas kay Axion, natae ka na rin?" Natatawang tanong ni Kayrra.
Umiling nang umiling si Tide na ikinatawa ko rin. Pero napatigil ako sa pagtawa nang tapakan ulit ni Tide ang paa ko.
Nagtiis ako ng sakit para hindi makasigaw.
Anak ng butiki! Napakasakit ng pagtapak niya! Kung pwede lang sumigaw nang sumigaw ay ginawa ko na!
Napapikit ako nang mariin.
"Shet, mga tol. Friendship goals yata 'tong ginagawang pagtae ng dalawa! Tara, sali tayo!" Tumatawang sinabi ni Hertzler na tinawanan din nila.
Anak talaga ng butiki. Bakit ba pinagsisigawan pa nila 'yung 'pagtae'? Hindi ba sila nahihiya? At kailan pa naging friendship goals ang pagtae sa loob ng Jollibee?!
Makalipas ang ilang minutong pagtatawanan nila ay isa-isa silang napahinto at namimilog din ang kanilang mga mata.
"Iyan ang dahilan kung bakit ganyan ang itsura naming dalawa! Dama n'yo rin, 'no? Mukha rin kayong natae!" Humahalakhak na sabi ni Tide.
Sabay-sabay silang napatingin nang masama kay Tide.
"Ang sakit, tol!"
"Putspa, hindi ko naman ginustong maramdaman!"
"Paa yata ni Hulk 'yung tumapak sa paa ko!"
Sabay-sabay nilang reklamo na may kasama pang mura kaya tinakpan ko ang tainga ni Ashlon na katabi ko lang. Yakap-yakap pa niya 'yung Thomas niya.
Natapos na kaming kumain sa Jollibee at sa tingin ko ay ban na kami roon dahil sa kaingayan na ginawa ng mga kasama ko kanina.
Ang babaliw talaga nilang lahat. Wala talaga silang pakialam kung pagtinginan sila. Basta sila ay magtatawanan at mag-aasaran.
Hawak-hawak ng kanan kong kamay ang isang kamay ni Ashlon. Sa kaliwang kamay ko naman ay 'yung mga pinamiling damit sa kanya ni Tide. Nagulat nga ako kanina. Saan siya nakakuha ng pera? Bakit niya ibinili ng mga damit at gamit 'yung kapatid ko? At bakit wala siyang ibinili sa akin, ako naman 'yung nagpatuloy sa kanya sa bahay at hindi si Ashlon, ah?
Habang naglalakad palabas ng mall ay nakatitig lang ako sa likod ni Tide at Godwin na magkasabay na naglalakad. Magkadikit silang dalawa at kaunti na lang ay mukhang aakbayan na ni Godwin si Tide.
Hindi pwede.
Napatigil naman ako sa paglalakad nang bigla silang magkagulo. Para silang nagtatago at gustong makatakas.
Lalapit na sana ako kay Tide para magtanong kaso kaagad akong napatigil nang may yumakap sa akin. Namilog ang mga mata ko lalo na nang bumulong siya sa akin.
"Tol, nandiyan na si Kuya. Itakas mo ako..." Natataranta niyang bulong habang mahigpit ang kapit sa damit ko.
Mas lalong nanindig ang balahibo ko nang may narinig akong baritonong boses sa hindi kalayuan sa pwesto namin.
"Tide Valencia, sasama ka sa akin," matigas nitong sabi na mas lalong ikinalambot ng tuhod ko.
Mas lalong humigpit ang kapit sa akin ni Tide at damang-dama ko ang bilis ng hininga niyang dumadampi sa balat ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na dahan-dahang binuhat ni Hertzler si Ashlon. Lumunok muna ako bago binitiwan ang kamay ni Ashlon.
Nagkatinginan kaming lahat at kitang-kita ko ang kaba nila.
"Tae, tae, tae," bulong ni Tide.
Pumikit ako at huminga nang malalim. Bago ako dumilat, bumilang muna ako nang tatlo bago kumaripas ng takbo.
"Tae, tol! Dalian ninyo!" Natatarantang sigaw nina Patterson.
"Ayan na si kamatayan!" Naiiyak na sigaw ni Kayrra habang tumatakbo rin nang mabilis.
Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Tide at mas binilisan pa namin ang pagtakbo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top