Chapter 2

AXION

Hindi ko alam kung tama ba 'yung desisyong pagsama ko sa tropa ni Insan. Para silang mga naka-high. Tapos 'yung dalawa pang babaeng nakakapit sa braso ko na parang tuko.

Nag-aalala na ako kina Nanay. Baka kasi mamaya ay kailanganin niya ako tapos wala ako roon para tulungan siya. Dapat ngayon ay nasa bahay ako at mag-aadvance reading sa mga subject ko sa pasukan para hindi ako masyadong mahirapan. Sa pasukan ay last senior high ko na. Mas kailangan ko nang pagbutihan sa pag-aaral. At kapag grumaduate ako, mas kakailanganin ko ang pera kaya kailangan ko rin agad maghanap ng trabaho.

Ang hirap maging dukha. Nakakahiya pa sa tropa ni Insan dahil mukhang mararangya sila. Lalo na 'yung Tide. Kilala ang pamilya nila sa bansa pero hindi ko aakalain na ganito ang ugali niya. Thug life raw sabi ni Insan. Talagang hindi ako nababagay rito. Isa akong lupa at lahat sila ay langit.

Tinignan ko ang dalawang babaeng katabi ko. Sinubukan kong alisin ang pagkakapit nila sa braso ko pero hindi nila hinayang maalis 'yon.

"Hmm. Axion?" Bulong nu'ng Alec sa akin. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"Crush kita," nakangiti niyang sabi na ikinasamid ko.

"T-Talaga?" Ilang kong paninigurado sa kanya.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya. First time ko yata maka-encounter ng tao na may gusto sa akin.

"Yup. Totoo 'yon," nakangiti niyang tugon. "Ako ba, crush mo rin?" Bigla ulit akong nasamid sa tanong niya.

Seryoso ba 'to?

Hindi ako makapagsalita dahil wala akong masabi. Mabuti na lang at sumingit si Insan.

"Hoy, Alec. Tigil-tigilan mo nga ang pinsan ko. Virgin at inosente 'yan." Napanguso si Alec dahil sa sinabi ni Insan.

"A-Ahh... ano, h-hindi, ayos lang 'yon." Napangiwi ako dahil hindi ko alam 'yung sasabihin ko. Ayokong maturn-off si Alec dahil baka mamaya ay patalsikin niya ako rito sa van. Wala pa naman akong pera pauwi sa bahay.

"Kitams, Hertzler? Ayos lang daw sa kanya kaya h'wag kang makialam dito!" Nakataas kilay na sabi niya kay Insan at kinapit niya na ulit 'yung braso niya sa braso ko.

Napabuntong hininga si Insan at nagulat kaming tatlo nang higitin ni Insan 'yung braso ko sa braso nina Alec at Kayrra. Naalimpungatan pa si Kayrra'ng natutulog lang naman.

"Ano bang problema mo?" Maarteng tanong ni Kayrra.

"Axion, dito ka. Magpapalit tayo ng pwesto. Baka kasi mamaya ay magahasa ka ng isa riyan." At gaya nga ng sinabi ni Insan ay nagpalit kami ng pwesto.

Panay naman ang angal ni Alec.

"Ang KJ nitong si Hertzler! Hindi ko gagahasain 'yan dito, 'no. Kapag nasa kwarto na kami saka ko 'yun gagawin sa kanya." Sumulyap siya sa akin. "'Di ba, Axion?" Kumindat pa siya kaya napalunok ako.

Napatigil naman si Alec nang itulak ni Tide 'yung mukha niya palayo sa mukha ko.

"Subukan mong manahimik paminsan-minsan," walang amosyong reklamo ni Tide kaya napatikom ang bibig niya.

"Ikaw kasi, eh!" Paninisi ni Alec kay Hertzler pero pabulong lang.

"Anong ako?" Nagsimula na silang magbangayan. Kung hindi pa sila binatukan ni Kayrra ay hindi pa sila matitigil.

"Hindi na ako magtataka kung kayong dalawa ang magkakatuluyan," panunukso ni Mason.

"Kadiri ka, Mason!" Maarteng sigaw ni Alec at binakal niya ng chichirya si Mason. Nagtawanan naman kami dahil tinamaan si Mason sa mukha. Sapul, eh!

Napalingon ako sa katabi kong tahimik lang na nakapikit. Hindi ko alam kung natutulog ba siya o nagmumuni-muni lang. Napaayos ako ng upo nang dumilat siya at tumingin sa akin.

Hanep, Axion! Titig pa sige, ayan tuloy ay nahuli ka!

"Sabi na nga ba, eh," bulong niya.

Napausog ako palayo sa kanya nang humarap siya sa akin at tinignan ako. May dumi ba ako sa mukha? Nakakailang naman 'yung tingin niya. Para akong binabaon sa husga.

"Ilang taon ka na?" Maangas niyang tanong sa akin.

Napalunok ako dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan!

"A-Ahh..." Napakamot ako sa ulo dahil sa pagka-utal ko.

Hindi talaga ako sanay makipag-usap sa ibang tao. Introvert ako, eh. Shy type pero hindi ako 'yung taong shy type na shy type, kapag siguro nakilala ko sila nang lubusan o kapag pakiramdam ko ay komportable akong kasama sila, baka roon ko maipakita ang ibang kaugalian ko. Katulad ng kasungitan. Sabi kasi ni Ashlon na kapatid ko ay may pagkamasungit daw ako.

Napa-irap siya at nang magsasalita na ulit ako ay mabilis niyang nilagay 'yung kamay niya sa bibig ko.

"H'wag ka ng magsalita." Sabay tanggal niya ng kamay niya sa bibig ko bago siya umayos ng upo at nagtipa sa kanyang cell phone na mukhang mamahalin.

Napatulala ako dahil sa ginawa niya sa 'kin. Napahawak ako sa bibig ko at dama ko pa roon ang kamay niya. Bigla siyang lumingon sa akin kaya mabilis kong tinanggal 'yung kamay ko sa bibig ko at umiwas ako ng tingin sa kanya.

Nagmura siya at mukhang inis ulit na nagtipa sa cell phone niya.

TIDE

Anong klaseng lalaki ba 'to? Parang bakla kung makaasta.

To: Hertzler

Hoy! Puta tong pinsan mo. Hirap kausapin. Nababakla ata sakin.

Nang magsend na 'yung text ko, napatingin naman si Hertzler sa phone niya at napatingin sa akin. Umirap ako sa kanya na ikinatawa niya.

From: Hertzler

Hahahaha! Pagtyagaan mo nalang, tol. Promise talaga, kapag nataas mo confidence niyan, ibibigay ko sayo yung kotse ko.

Kung hindi lang talaga may kapalit ay baka kanina pa ako umatras. Kaurat kasi 'tong si Axion. Akala mo ay hindi lalaki. May pautal-utal pang nalalaman.

To: Hertzler

K.

Narinig kong tumawa si Hertzler sa reply ko. Tumingin siya sa akin at tumawa ulit.

"Ang haba ng reply mo. Muntikan ko nang 'di maabot!" Natatawa niyang giit sa 'kin na inirapan ko lang.

Katamad kayang magtipa.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit. Patulog na sana ako nang maramdaman kong huminto 'yung van kaya napadilat ako.

"Lunch muna, guys!" Sigaw ni Patterson at lumabas siya ng van.

Naglabasan na rin ang iba. Ako ay nag-inat muna bago lumabas. Napatingin ako sa katabi kong tulog. Napa-irap muli ako dahil nakangangang matulog 'tong si Axion.

Napangiti naman ako nang nakakaloko nang may maisip akong paraan para magising 'to.

Inilapit ko 'yung bibig ko sa tainga niya at humugot muna ako ng hininga bago sumigaw.

"May sunooooog!!!" Talagang nilakasan ko 'yung pagsigaw ko sa kanya pero laking gulat ko nang mas malakas pa sa sigaw ko 'yung tili niya.

Grabe, confirmed!

Napahalakhak ako nang malakas nang mabilis siyang napatayo kaya nauntog siya sa kisame ng van. Halos manakit 'yung tiyan ko sa kakatawa dahil sa reaksyon at pagtili niya.

"Hanep! Laptrip ka, tol!" Ayaw humupa ng tawa ko kaya tawa lang ako nang tawa.

Grabe kasi talaga 'yung mukha niya. Hindi maipinta tapos nang mauntog siya, lalo pang pumangit 'yung itsura niya!

Napatingin siya sa akin at mabilis na nawala 'yung tawa ko dahil sa pagkataranta niya at sunud-sunod siyang humingi ng tawad na ikinataka ko.

Hala? Anong pumasok sa kokote nito at bakit humihingi ng sorry?

"S-Sorry. Sorry. Pasensya na, T-Tide. Pasensya naㅡ" Pinutol ko 'yung sasabihin niya at malakas ko siyang sinapok.

"Anong utak ang mayro'n ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Umirap muna ako sa kanya bago ako lumabas ng van.

Pumasok ako sa loob ng isang fast food at nakita ko sina Patterson sa dulo. Kumaway siya sa akin kaya nakita ko siya. Lumapit ako sa kanila pero kay Hertzler ako tumabi.

"Tol, may tama ba sa utak 'yung pinsan mo?" Tanong ko agad sa kanya nang maka-upo ako.

Sina Alec at Kayrra 'yung um-order ng pagkain naming lahat at 'yung natira ay nakapwesto na sa lamesa, pwera lang sa baliw na bading na pinsan ni Hertzler.

Napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Hindi baliw ang pinsan ko, Tide." Napa-irap ako dahil sa sagot niya.

Yeah, hindi siya baliw, sobrang baliw lang.

"Hindi baliw? Grabe! Kung nandoon ka lang kanina, baka mapagkamalan mo ring baliw 'yang pinsan mo!" At bakla!

Tinanong niya sa 'kin kung ano ba 'yung nangyari kaya ayun, kinwento ko sa kanya. Hindi naman namin alam na nakikikinig pala sina Patterson at Mason.

"Hertzler, napakashy type ng pinsan mo," iiling-iling na sabi ni Patterson.

Tumango ako roon. "Jusko, sinabi mo pa!"

Sumingit naman si Mason. "Kailangan nga talaga natin gawing rainbow 'yung buhay ni Axion."

Naikwento na rin namin ni Hertzler 'yung plano para magkakulay naman 'yung itim at puti na buhay ni Axion.

"Kaya sa inyo ako humihingi ng tulong dahil sigurado akong kaya n'yong gawin 'yon!" Siguradung-siguradong sabi ni Hertzler.

Napatingin naman kami sa pinto ng fast food nang bumukas ito at pumasok sa loob si Axion. Itinaas ni Hertzler ang kamay niya kaya napatingin sa gawi namin si Axion.

Napa-irap muli ako nang dahan-dahang naglakad si Axion. "Nandiyan na ang boy version ni Maria Clara," sarkastiko kong sabi kaya nagtawanan sila.

Kasabay na dumating ni Axion ay sina Alec at Kayrra'ng may dalang tray. Tinulungan naman sila ni Axion.

Dumating na sila sa lamesa kaya nagsimula na kaming kumain.

"Daan tayo mamaya sa grocery. Bili tayo ng mga pagkain para may makain tayo sa biyahe," bigla kong sabi sa kanila. Tumango naman sila roon.

Napansin ko naman na kanina pa ang paulit-ulit na pagtingin sa akin ni Axion. Pinagdiin ko ang baba at taas na labi ko dahil sa irita. Nang muling tumingin sa 'kin si Axion ay sinita ko na siya.

"Anong problema mo? Kanina ka pa tingin nang tingin, ah!" Sigaw ko sa kanya. Hinawakan ako ni Hertzler sa braso at sinabihang kumalma.

"S-Sorry!" Pagpapa-umanhin niya at nagbow pa ang loko. Inis kong dinampot 'yung buto sa plato ko at binakal ko 'yun sa kanya na ikinagulat nilang lahat.

"Sorry ka nang sorry diyan! Para kang tanga!" Irita kong sigaw sa kanya.

"Ang super highblood mo ngayon, Tide," natatawang singit ni Kayrra.

Pinigilan naman ako nina Hertzler sa pagsugod kay Axion. Kanina pa ako nagtitimpi sa Axion na 'to, eh. Kulang na lang ay maging babae sa sobrang hinhin. Umakto naman siyang lalaki!

Ayoko pa naman sa lahat ay 'yung mahinhing tao. Kaya nga sina Patterson ang kinaibigan ko dahil 'yung mga ugali nila ang tipo ko. 'Yung pangrakrakan! Mga walang inuurungan.

Natapos na kaming kumain kaya pumanhik na kami sa van. Minabuti nilang ilayo sa akin si Axion dahil baka raw mabugbog ko nang wala sa oras 'yung tao. Aba, talagang mabubugbog ko 'yung Axion na 'yan kapag hindi siya tumino. Kung kailanganing daanin sa dahas para hindi na shy type si Axion ay gagawin ko. Alang-alang sa kotse!

Matagal ko ng gusto ang magkakotse pero ayaw nina Mommy Reyna at Daddy Hari na ibili ako kasi baka raw maaksidente ako. Alam ko naman ang salitang 'mag-ingat' kaya bakit pa sila nag-aalala?

Bumaba na ulit kaming van dahil nasa isang mall na kami. Mamimili kami ng mga kakailanganin namin para sa biyahe.

Nakashorts ako, nakaputing v-neck at nakasneakers.

Sa aming magbabarkada, ako ang may pinakamahilig na magsuot ng shorts. Hindi ako pokpok, hindi lahat ng nagsho-short ay pokpok na kaagad. Talagang nasanay lang ako pero pagdating naman sa itaas na pansuot ay t-shirts ang mga hilig ko. Hindi naman ako sanay magsuot ng sando o mga spaghetti strap.

Habang namimili ay hindi ko maiwasang mairita sa mga taong tumitingin sa akin at paniguradong hinuhusgahan ako dahil sa suot ko. Ito ang hirap sa mga tao, eh. Hindi pa nila alam ang pagkatao mo pero todo husga na sila. Ginawa nilang hobby ang pagiging judgmental. Kung husgahan naman ang hanap nila, inform lang nila ako at game na game naman ako riyan dahil isa rin naman ako sa mga mapanghusga na tao, mas malala pa kaysa sa kanila.

Tinignan ko sila at tinaasan ng kilay kaya napa-iwas sila ng tingin. Mga duwag naman pala.

Natapos na akong mamili at hinihintay ko na lang sa counter 'yung dalawa kong kasama. Halos mapunit naman ang labi ko kakangiti dahil nakita ko si Mason na umangkas sa isang cart at si Patterson ang tagatulak. Mga isip bata. Sana lang ay 'wag silang mahuli.

May mga nakapila sa likod ko na kanina pa naiinip at naiirita dahil hindi pa ako nagbabayad. Bakit ako agad magbabayad kung may hinihintay pa ako?

Saka wala naman akong pakialam sa kanila. Maghintay sila magdamag.

"Miss, kanina ka pa riyan. Magbayad ka naman na, oh! Baka naman ay wala kang pambayad at nag-aabang ka lang ng tiyempo para maitakas 'yang pinamili mo?" Nagpantig naman ang tainga ko sa sinabi ng babaeng nakapila. Sumang-ayon 'yung iba sa kanya at mga nagtawanan pa.

Humarap ako sa kanila at nginitian ko sila nang pagkatamis-tamis. Langgamin sana kayo, mga lintek.

"Ano naman ngayon kung wala akong pambayad? Gusto n'yo bang manlimos ako sa inyo?" Mataray kong tanong sa kanila.

Nakita kong napatigil sa paglalakad sina Mason at Patterson nang mamataan nilang nakikipagsagutan ako. Humalukipkip silang dalawa at mukhang nagagalak sa sunod kong sasabihin.

"Kung manlilimos ako ng pera, siguro kayo ay manlilimos sa akin ng utak. Katangahan n'yo ay 'wag n'yong pairalin dito!" Dugtong ko pa. Napangiwi sila dahil sa lumabas sa bibig ko. May iba pang irita na.

"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Miss," sabi ng babaeng nagsalita kanina.

"Bakit? Totoo naman, ah? Dahil kung hindi sana kayo isa't kalahating tanga ay baka kanina pa kayo naka-uwi. Kita n'yo 'yung mga counter na 'yan?" Sabay turo ko sa mga counter na walang nakapila. "Baka kanina pa sila nakakilos sa trabaho nila kung doon sana kayo pumila. Oh, 'di ba, mga tanga kayo? Hintay kayo nang hintay rito, eh ang dami namang available na counter diyan!" Iiling-iling na giit ko.

Namula silang lahat, hindi ko alam kung sa galit ba o sa hiya pero napataas ang kilay ko sa lakas ng loob ng isa sa kanila.

"Miss, hinay-hinay ka lang. Baka hindi mo alam kung sino ang mga sinasabihan mong tanga," ani ng babaeng seksi at kita ang dyoga. Hindi ko talaga kilala 'yung mga taong porn star.

Ngumisi ako sa kanya at sa lahat. "Wala akong pakialam kung sino man kayo o ikaw. Kahit anak pa kayo ng Presidente ay wala akong pakialam. Mga miss, misis, at mister, gusto ko lang sabihin na wala akong sinasanto kaya lumayu-layo kayo at baka majombag ko pa kayo. Okay?" Tumalikod na ako sa kanila at binitbit ko ang mga supot. Dumukot ako sa wallet ko ng pera at inilagay 'yon sa counter.

"Sa kanila na ang sukli, naaawa ako, eh," nakangisi kong utos at umalis na roon. Ayoko nang tignan 'yung mga mata at panga nilang nalaglag dahil sa mga papel na binigay ko sa kahera.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top