Chapter 19

AXION

Tinanggal ko muna ang hindi mapakaling ngiti sa labi ko bago ko pinuntahan sa sala sina Tide.

Nang makarating ako sa sala ay bumungad kaagad sa akin si Alec na tila inip na inip.

"Guys, gala naman tayong lahat sa mall!" Aniya.

Nagkatinginan naman sila at tila iisa lang ang nasa isip nilang lahat.

"G ako!" Nakangiti nilang payag.

"Yes! Mallshie mallshie na us! Mason, libre mo ako, ah!" Ani Kayrra sabay akbay kay Mason.

"'Yan tayo, eh! May pera naman pero abot ng palibre. Kapag naman ako ang nagpapalibre, hindi ko kayo mahagilap!" Sabay alis ni Mason sa pagkakaakbay ni Kayrra sa kanya.

Tumayo siya at pinagkrus pa niya ang kanyang mga braso sa dibdib at ngumuso.

"Nagdrama si kuripot!" Panunukso naman ni Patterson kay Mason.

Kaagad napatingin si Mason kay Patterson nang masama.

"Alam mong blonde ka, kanina mo pa ako bini-beast mode! Halika nga rito at papakitaan kita!" Sigaw ni Mason at tumakbo pa ito papunta kay Patterson kaya itong si Patterson ay tumakbo palayo sa kanya.

"Tumigil ka, ulul! Duwag!" Sigaw ulit ni Mason kay Patterson.

Napatingin naman kami kay Tide nang tumikhim ito at umirap. "Ang pinag-aawayan n'yo bang dalawa ay ang kulay ng buhok ninyo? Kung kanino ang mas maganda at mas bagay?" Mataray na tanong ni Tide kina Mason at Patterson na napahinto.

"Swak na swak, tol! 'Di ba hindi naman bagay sa kanya 'yung blonde niyang buhok? 'Di ba?" Si Mason.

"'Lul ka ba? Bagay kaya sa 'kin 'yung blonde kong buhok. Sa 'yo lang naman hindi!" Bawi naman ni Patterson at hinawi pa nito ang buhok na blonde.

Nakita ko namang napailing sina Godwin at Hertzler sa dalawang nagbabangayan.

"Pwede bang 'wag na kayong magbangayan kung kanino ang mas bagay dahil wala namang nabagayan sa inyong dalawa," sabi sa kanila ni Tide na ikinanguso nilang dalawa.

"Oo nga! Sus. Akala mo mga oppa." Sabay irap ni Alec.

"Ang mas mabuti pa ay manahimik na lang kayong dalawa dahil nakakabwisit at time consuming lang 'yang bangayan ninyo! Patanggal n'yo na lang buhok n'yo nang walang bangayang nangyayari sa blonde-blonde na 'yan," ani Kayrra rin sa kanilang dalawa.

"Ikaw ang nakaisip, edi ikaw ang gumawa!" Sabay na sigaw nina Mason at Patterson.

Sinamaan naman sila ng tingin ni Kayrra. Naglapit sina Mason at Patterson at nagbulungan silang dalawa.

"Tol, pinagtutulungan nila tayong dalawa. Padala na ba natin sa impyerno?" Bulong ni Mason na dinig na dinig naman.

"Oo. Tapos ay ipadala rin natin sa mga tambay sa kanto! Pabugbog natin silang lahat doon! Ang bully nila, eh!" Nakangusong tugon ni Patterson kay Mason na ikinailing naming mga nakikinig.

"Kanina magka-away 'yan, tapos ngayon ay nagbubulungan na," naiiling na sabi ni Hertzler. "Hoy, kayong dalawa! Iiwan na lang namin kayo kung magbubulungan lang naman kayo."

Bigla namang napatingin 'yung dalawa sa amin at kaagad silang tumakbo papunta sa pintuan.

"Kasama kaya ako. Ililibre ko pa kaya si Kayrra, 'di ba, tol?" Sabay akbay ni Mason kay Kayrra at tinaas-baba pa nito ang parehas niyang kilay.

"Oo, ililibre mo pa ako! Mallshie, mallshie!" Nakangiting sagot ni Kayrra at nauna pang lumabas ng bahay ang dalawa.

"Mga siraulo talaga." Narinig kong bulong ni Tide pero dama ko roon ang katuwaan niyang mapanood ang mga kaibigan niyang gano'n.

Naglabasan na sila ng bahay pero napahinto ako nang may humila sa laylayan ng damit ko.

"Kuya."

Napatalon ako sa gulat nang makita ko sa tabi ko si Ashlon na nakasimangot.

"Ginulat mo naman ako, Ashlon!" Aniko na mas lalo niyang ikinasimangot.

"Kuya, iiwan n'yo ba akong mag-isa rito? Kasi kanina n'yo pa ako hindi napapansin, eh. Akala ko nga ay hangin na lang ako sa inyo," nakasimangot niyang sabi.

Humarap ako sa kanya. "Hindi kita iiwan dito, 'no," sabi ko sa kanya. "Dahil dadagukan ako ni Nanay kapag ginawa ko 'yun," dugtong ko pa pero pabulong na lang.

~*~

Masayang tumakbo papunta sa loob ng mall sina Patterson at Mason. Magkaakbay pa ang dalawa na akala mo ay hindi nagbangayan kanina.

Napatingin naman ako kay Ashlon nang hawakan niya ang isang kamay ko.

"Kuya, hawakan mo po ako, ah. Baka mawala po ako, marami pa naman pong tao," seryoso niyang sabi.

Oo nga pala, ngayon nga lang pala makakapasok sa mall ang kapatid kong 'to. Sa hirap ba naman ng buhay namin ay maigagala pa ba ni Nanay si Ashlon sa mga ganitong lugar?

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Ngumiti ako at tumango. "Oo naman, hindi kita bibitiwan," tugon ko na ikinangiti niya.

Pumasok na kami sa loob ng mall at kasabayan lang namin sina Tide. Nang makapasok kami sa loob ng mall ay nakita ko ang pagngiti nang malapad ni Ashlon. Alam kong tuwang-tuwa siya ngayon. Alam kong gusto niyang tumakbo nang tumakbo dahil sa tuwa pero hindi niya magawa dahil natatakot siyang mawala. Saka may karamihan pa ang mga tao rito sa mall kaya mas lalo siyang natakot.

Hinila ko nang bahagya ang kamay ni Ashlon kaya napatingin siya sa akin.

"Ashlon, hindi ka mawawala basta hindi ka maglilikot at hindi ka lalayo sa akin," nakangiti kong bulong sa kanya.

Kita ko pa ang pagkatakot sa mukha niya pero unti-unti rin itong nawala. Ngumiti siya at tumango na mas lalo kong ikinangiti.

Pag-angat ko ng tingin ay nahagip ko ang matang nakatitig ni Tide kaya bigla akong nabingi sa tibok ng puso ko. Nakakagulat!

"First time ni Ashlon?" Tanong niya at tumango ako.

Tumango rin siya at tila naunawaan kung bakit dikit na dikit sa akin si Ashlon. Umupo siya sa harap ni nito at nginitian ang kapatid ko.

"Tol, sama ka sa akin. Marami tayong pupuntahan," nakangiting aya ni Tide kay Ashlon.

"Saan po?" Tanong naman ni Ashlon.

"Basta," maikli at nakangiting tugon ni Tide.

Inilahad niya ang isa niyang kamay sa harap ni Ashlon at dahan-dahan naman itong inabot ni Ashlon at sa isang iglap lang, hindi na sa akin nakadikit si Ashlon, kay Tide na.

"Ayan! Iwan natin 'yang Kuya mong payatot!" Nakangiting sabi ni Tide na ikinailing ko.

"Sige po!" Pagpayag naman ni Ashlon na ikinanguso ko.

Handa yata talaga akong iwan ni Ashlon. Aba, ako ang Kuya niya tapos handa siyang iwanan ako? Mas pinili pa niya ang iba kaysa sa akin!

Lumapit naman sina Hertzler at Godwin kay Tide nang hindi ito nakasunod sa kanila.

"Tol, saan ang gawi mo?" Tanong ni Hertzler kay Tide na hawak-hawak si Ashlon.

"Kahit saan, basta iiba lang kami ng pupuntahan. Puntahan n'yo na lang 'yung mga gusto ninyong puntahan. Mag window shopping kayo kung gusto n'yo. Basta pagpatak ng alas singko, kita-kita tayo sa Jollibee."

"Sino mga kasama mo?" Tanong naman ni Godwin.

"Si Ashlon," sagot ni Tide sabay tingin kay Ashlon.

"At ako!" Biglaang singit ko kaya napatingin silang apat sa akin.

"Kina Alec ka na lang sumamaㅡ" hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Tide at sumingit na kaagad ako.

"Hindi, sa inyo ako sasama," mariin kong sabi na ikinataas ng mga kilay nila.

"Bakit? Kapatid kaya ako ni Ashlon kaya dapat kasama ako!" Sabi ko ulit.

"Okay." Umirap pa sa akin ni Tide.

"Defensive talaga," natatawang bulong ni Hertzler kaya sinamaan ko siya ng tingin na nagpatawa sa kanya lalo.

Nagsimula ng maglakad sina Tide at Ashlon. Naglakad din ako pasunod sa kanilang dalawa pero napahinto ako nang hinawakan ni Godwin ang braso ko.

"Akin si Tide," mariin niyang bulong at tumakbo siya pasunod kay Tide.

Napataas ang kilay ko sa ibinulong niya. Anong problema nun? Ano naman ngayon kung sa kanya si Tide? Anong pakialam ko roon?

Napailing na lang ako at napaangat naman ako ng tingin kay Hertzler nang tapikin niya ako sa likod at bigla na lang din siyang tumakbo paalis.

Napakunot ang noo ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Ano ring problema nu'n?

Napailing ulit ako pero kaagad akong napahinto nang may mapagtanto. Napatingin ako sa kanan ko. Wala akong nakitang kasama ko. Napatingin ako sa kaliwa ko at ganoon din, wala rin akong kasama. Napaikot ako ng mata sa buong paligid at napagtanto kong naiwan akong mag-isa!

Kaagad akong tumakbo sa dinaan kanina ni Tide at inis kong binugbog ang sarili ko sa utak ko.

Paano na lang kung makachansing si Godwin kay Tide? Pero sandali nga, paano naman ako napunta sa chansing-chansing ni Godwin kay Tide? Anong paki ko roon?

Ay nakakaloko na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top