Chapter 18
AXION
Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang tumakas si Tide sa debut niya sa mansion nila.
Wala si Nanay sa bahay dahil nasa ibang bahay ito upang magtrabaho. Kaya naman itong sina Mason ay abot ang dalaw rito sa bahay. Kala mo mga nakawala silang lahat sa hawla.
"Alec, paabot naman nung remote," utos ni Hertzler kay Alec na busy'ng busy sa kinakain.
"Hindi ko abot," tugon ni Alec sabay subo ng stick-o.
"Anong hindi, katabi mo lang naman 'yung remote!" Sigaw ni Hertzler na ikinairap ni Alec.
"Oh, isaksak mo sa baga mo!" Sabay hagis ni Alec ng remote kay Hertzler.
Napatingin naman ako kina Patterson at Mason na nagtatakbuhan.
"Mason, habol!" Humahalakhak na sabi ni Patterson habang nagpapahabol kay Mason.
"Kapag nahuli kita, ibabalibag kitang blonde ka!" Banta ni Mason.
"Blonde ka rin kaya!" Natatawang sagot ni Patterson.
Ano kayang pinag-aawayan ng dalawang 'yun? 'Yung blonde ba nilang buhok?
"Ingat kayo riyan, baka mabasag 'yung picture frame namin!" Sigaw ko sa kanilang dalawa nang masagi nila 'yung lalagyanan ng mga picture frame.
Mabuti na lang ay hindi nalaglag ang mga frame, naku kung hindi, patay sila kay Nanay. Hindi na sila makakabalik dito sa bahay. Mabuti nang ganu'n! Para walang maingay rito.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanilang dalawa at binalingan ko naman sina Godwin at Tide. Napanguso ako nang makita ko silang dalawa.
"Hoy, Godwin! 'Wag ka ngang kumuha! Bumili ka nang sa iyo!" Nakangusong sigaw ni Tide kay Godwin na kanina pa dukot nang dukot sa kinakain niya.
"Kadamot mo naman!" Nakanguso ring sigaw ni Godwin. Sus. Akala niya naman ay bagay sa kanya 'yung nakanguso. Nagmumukha lang naman siyang aso!
Umambang dudukot muli si Godwin sa kinakain ni Tide nang isupalpal ni Tide sa kanya iyon kaya kumalat ito kay Godwin na ikinatawa ko.
"Oh, ayan na! Nakakahiya naman kasi sa 'yo. Mag-enjoy ka sa Mr. Chips ko, ha?" Sarkastikong giit ni Tide saka ito umirap.
Nakanguso namang sinubo ni Godwin 'yung mga nagkalat na Mr. Chips. Nagmumukha talaga siyang pulubi na walang makain sa buong buhay.
Tumawa ako nang marahan sa naisip ko at muli ko nang itinuon ang atensyon ko sa telebisyon. Napatingin naman ako kay Ashlon na kausap si Kayrra. Aba, ang lakas naman ng kapatid ko, may babae kaagad.
Napailing na lang ako at itinuon ko na ulit ang mata ko sa TV. Ilang minuto ang lumipas nang marinig ko ang boses ni Godwin na sinusuyo si Tide.
"Pst. Huy. Sorry na, oh."
Nilingon ko si Godwin at sinusundot pa niya si Tide sa tagiliran nito. Napairap na lang ako sa nasaksihan.
"Tol, sorry na. Kung gusto mo iluluwa ko 'yung mga Mr. Chips na kinain ko? Ano?" Napangiwi ako sa sinabi ni Godwin. Ang balasubas naman nito!
"Tide, sorry na."
"Tide, tol, ibibili kita nang bago!"
"Toooool. Yuuhuuu!"
"Tooool, soooorry naaaa," mahabang suyo ulit ni Godwin na ikinairita ko. Kanina pa siya salita nang salita!
"Kung ayaw kang kausapin ng tao, pwede bang manahimik ka na lang? Pwede ba?" Hindi ko na napigilan at nakapagreklamo na lang ako dahil sa kairitahan.
Ayaw na nga siyang kausap ni Tide, abot pa ang pilit niya! Para siyang bata.
"Ang ingay-ingay mo pa, alam mo bang may nanonood dito? Kung mag-iingay ka lang naman, bukas ang pinto, libre ang paglabas doon! Labas!" Inis kong sigaw sa kanya sabay tayo ko at nagwalk-out.
Pumunta ako sa kwarto ko at padabog kong sinara ang pinto. Nang maisara ko na ang pinto ay napatigil ako nang mabalik ang buong diwa ko.
Nanglaki ang mata ko sa napagtanto.
A
gad akong napahilamos ng kamay sa mukha at damang-dama ko ang pag-iinit ng aking mukha.
Ang O.A ko! Ang O.A ko kanina! Kung anu-ano 'yung pinagsasabi ko. Hala. Ano ba 'yung nangyayari sa sarili ko? Bakit ba ako nagkakaganito?
Pumunta ako sa kama ko at dahan-dahan akong umupo roon. Tila nagdikit na panghabang-buhay ang pwet ko sa kama. Ayaw ko ng umalis sa kamang 'to. Ayaw ko ng lumabas. Ayaw ko ng magpakita sa kanila. Nakakahiya 'yung ginawa ko kanina! Ang O.A ko, sobra!
Ano naman ngayon kung hindi siya pinapansin ni Tide? Ano naman ngayon kung kulitin niya si Tide? Ano naman ngayon kung kilitiin niya si Tide sa tagiliran? At ano naman ngayon kung mag-agawan sila ng Mr. Chips?!
Ano bang problema ko roon at bakit ba ako nakisawsaw pa sa kanilang dalawa?!
Nagulo ko ang buhok ko nang wala sa oras. Paano na 'yan? Nahihiya akong lumabas! Hindi ko alam 'yung gagawin ko!
Pero... malay mo ay hindi naman nila nahalata 'yung pagka-O.A ko kanina, 'di ba? Malay mo ay wala lang naman sa kanila 'yun, 'di ba?
Nanatili muna ako sa kwarto nang ilang minuto at huminga muna ako nang malalim bago lumabas.
Nang makalabas ako ay napatigil sila sa pag-uusap. Parang may dumaang anghel sa harapan nila kung makapanahimik silang lahat. Maski si Ashlon ay tikom ang bibig.
Umiwas ako ng tingin sa kanila at dali-dali kong tinungo ang kusina. Kinuha ko ang pitsel sa refrigerator at nagsalin ako ng tubig sa baso at kaagad ko itong ininom. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Ang init-init!
Ibinalik ko ang pitsel sa ref at pinunasan ko 'yung noo ko gamit ang likod ng palad ko.
"Insan." Napatalon naman ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa gilid ko.
Napaayos ako ng tayo at muli kong pinunasan 'yung noo ko. Bakit ba parang tensyunadong-tensyunado ako?
"Oh, kalma lang, tol!" Natatawang sabi ni Hertzler.
Lumunok ako at nagpakawala ako nang pekeng tawa. "Kalma na ako." Sabay ngiti ko pero halata namang pilit lang.
Umiiling siyang lumapit sa akin. Bago pa ako makalayo ay nahawakan na niya ako kaagad sa balikat at sapilitan niya akong inakbayan. Mahigpit pa ang pagkakaakbay niya sa akin para hindi ako makawala.
"Insan, tapatin mo nga ako," seryoso niyang sabi na ikinakaba ko bigla. "May gusto ka ba kay Godwin?"
Nanlaki ang mata ko sa itinanong niya. Kung pangalan ni Tide ang binanggit niya, baka pwede pa! Pero kay Godwin? Anak ng butiki!
Mabilis kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. "Wala akong gusto kay Godwin! Ni kailan man ay hindi ko gugustuhin 'yun, 'no. Insan, 'wag mo naman akong gawing bakla!" Aniko na ikinatawa niya.
"Hinay lang, masyado kang tensyonado. Pinapatawa lang naman kita!" Tumatawa niyang sagot.
Umiling ako sa kanya at humawak pa ako sa dibdib. Akala ko ay hihimatayin ako sa tinanong niya.
"Ano ba kasi 'yung TOTOONG itatanong mo, Insan?" Nilagyan ko pa talaga nang diin 'yung 'totoo', para naman sabihin na niya 'yung totoong sadya niya sa akin.
Tumawa muna muli siya bago ako inakbayan ulit. "Eto, totoo na talaga 'to." Sabay seryoso niya kaya sumeryoso rin ako. "May gusto ka ba kay Tide?"
Pagkatanong niya ay ang biglaang pagkasamid ko naman. Kahit wala akong iniinom, nasamid pa rin ako sa tanong niya.
Nakakabigla naman kasi 'yung tanong niya!
"Kay Tide, magkakagusto ako? Sus! Lalaki pa nga sa akin 'yun, eh! Kita mo 'yung muscles no'n? Mas malaki pa sa akin! Kita mo rinㅡ" bigla naman niyang pinutol 'yung sasabihin ko.
"Tol, tinatanong kita kung gusto mo siya, hindi ko dineretso na gusto mo nga siya! Masyado kang defensive!" Hindi ko pinansin 'yung sinabi niya at nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Insan, alam mo ba kung ano 'yung trabaho ni Nanay? Yaya siya sa kabilang bahay lang! Tas alam mo bang 8 years old pa lang si Ashlon at ako ay 18 pa lang? Syempre alam mo na 'yun, magpinsan tayo, eh!"
"Tolㅡ" magsasalita pa lang siya ay tinakpan ko na kaagad ang bibig niya.
"Hep! 'Wag kang sumisingit, bastos ka, ah! Hindi ka ba tinuruan na kapag may nagsasalita, hindi dapat sinisingitan, ha, Insan!" Sigaw ko sa kanya na ikinatahimik niya.
Nakita kong napailing-iling siya at may ibinubulong pa pero hindi ko marinig dahil nga salita ako nang salita.
Umamba siyang aalis pero kaagad ko siyang hinawakan sa braso kaya napahinto siya.
"Sandali lang, Insan! May kwento pa ako sa 'yo! Alam mo bang si Jose Rizal ay nakatalikod nang binaril siya? Saka alam mo bang sa Rizal Park makikita ang rebulto niya? At alam mo bang nasa Pilipinas tayo?" Pahabol ko pa.
Irita niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya at matalim akong tinignan.
"King ina, Insan, manahimik ka! Pakiusap lang!" Malakas niyang sigaw sa akin kaya napatikom ang bibig ko. Biglaan din ang pag-urong ng dila ko.
"Peroㅡ" naputol kaagad 'yung sasabihin ko nang pandilatan niya ako ng mata.
"Mananahimik ka bang puta ka o babarilin din kita sa likod?!"
Nanlaki ang mata ko sa isinigaw niya. Mabilis akong umiling nang umiling at umaksyon ako na zinip ko ang bibig ko kaya kaagad na siyang naglakad palayo.
Nang makalayo na siya sa akin ay ang siyang pagngiti ko naman nang malapad.
Mission Completed!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top