Chapter 16
AXION
Habang kumakain sa hapag ng umagahan ay patingin-tingin ako kay Tide na nakangisi. Napaiwas ako ng tingin at napapikit nang mariin.
Naalala ko na naman kasi 'yung ginawa niya sa akin kaninang umaga! Nagising na lang ako, nakayakap siya sa akin at inaamoy-amoy pa ang kili-kili ko. Nakakailang kaya 'yung ginawa niya!
Tapos nakashorts pa siya at sando, edi mas nakakailang! Pero ngayon naman ay hindi na shorts ni Ashlon 'yung suot niya. Shorts ko na.
"Ramulo, aalis na ako, ah? Bantayan mong maiigi si Ashlon. Saka 'yung bisita mo, pagsilbihan mo, ha?" Bilin ni Nanay. Humalik muna siya kay Ashlon bago umalis ng bahay. Pupunta na kasi siya sa trabaho niya. Ang trabaho lang niya ay ang pagiging katulong sa ibang bahay.
"Hoy, Ramulo!" Narinig kong tawag ni Tide pero hindi ko siya pinansin bagkus ay pumunta ako kay Ashlon at binuhat ko siya at inilagay sa sofa sa sala. Binuksan ko 'yung T.V at inilagay ko sa channel na cartoon network.
"Ramulo!" Sigaw niya na naman pero hindi ko ulit siya pinansin.
Iniligpit ko ang mga pinggan na nasa lamesa at inilagay ko iyon sa lababo para hugasan.
Nagsimula akong maghugas ng pinggan. Habang naghuhugas ng mga pinggan ay nahulog ang sinasabon kong baso nang may tumamang bagay sa ulo ko.
"Dati mahiyain, ngayon snobber na! Ang bilis mo namang magbago, tol." Lumingon ako kay Tide at sinamaan siya ng tingin.
"Hindi mo ba nakikitang naghuhugas ako ng mga pinggan, ha?"
"Luh, hindi na siya snobber, sarcastic na siya, oh. Para sa kaalaman mo, Ramulo, may mga mata ako kaya malamang ay nakikita ko," nakahalukipkip niyang sabi at inirapan pa ako.
"'Wag mo nga akong tawaging Ramulo," inis kong reklamo sa kanya. Tinalikuran ko na siya at nagsimula ulit maghugas ng pinggan.
"Bakit? Ang cute nga ng pangalan mong Ramulo, eh," natatawa niyang sabi kaya napairap ako.
Hindi ko na ulit siya pinansin hanggang sa matapos ako sa paghuhugas. Nagpunas ako sa basahan na nakasabit sa ref namin at pinuntahan ko na sa sala si Ashlon pero laking gulat ko nang makita kong nagtatawanan sila ni Tide.
"Tol, totoo? Wala pang nagiging girlfriend 'yang kuya mong payatot?" Tumatawang tanong ni Tide na ikinakunot ng noo ko.
Ano bang pinagtatawanan nila? Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Opo! Alam mo po ba, kaya po wala pa siyang girlfriend dahil never po siyang tumingin sa iba!" Ngiting-ngiti namang tugon ni Ashlon.
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at tinaasan ko ng kilay ang dalawang pinapanood. Kung titignan kong mabuti si Ashlon, ang kanyang mga mata ay parang nagniningning habang nakatingin kay Tide na tumatawa. Gusto niya ba si Tide?
"Bakit naman?"
"Kasi po ay kay Kim Domingo lang daw po siya! Alam mo po ba, kinwento niya sa akin kung gaano niya kagusto si Kim Domingo!" Nanlaki ang mata ko at napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi ni Ashlon.
Sandali! Kinikwento niya ba kay Tide 'yung tungkol kay Kim Domingo?
Napatingin ako kay Tide na malaki ang ngisi.
"Aba! Malaki ang dyoga nu'n, ah! Siguro kaya gusto 'yon ng Kuya mo ay dahil malaki 'yung dyoga, 'no?"
"Siguro po... Kasi po may nakita po akong mga poster ni Kim Domingo saㅡ" mabilis kong pinuntahan si Ashlon at tinakpan ko 'yung bibig niya.
"A-Ashlon!"
Napatingin naman sa akin si Tide at ngising-ngisi pa siya.
"Bakit mo pinigilan 'yang kapatid mo sa pagsasalita? Alam mo bang kabastusan 'yan?" Nakangising ani Tide.
Hindi ko siya pinansin. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig ni Ashlon at pinandilatan ko siya ng mata.
"Bakit mo pinapakialaman 'yung mga gamit ko?!" Inis ko sa kanyang tanong.
Dama ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa hiyang baka mabuko ako ni Tide. Paniguradong tutuksuhin niya ako kapag may nalaman siya sa mga sikreto ko!
"Ha? Kasi, Kuya, nu'ng nasa kwarto mo ako at nasa kama, nahulog 'yung candy ko sa lapag. Dinampot ko 'yung candy at nakita ko saㅡ"
"'Wag mo ng sabihin kung nasaan!" Singhal ko ulit at paniguradong pulang-pula na 'yong pagmumukha ko.
Napalunok ako nang maalala ko 'yung mga poster ni Kim Domingo sa ilalim ng kama ko.
"Nahiya ka pang mabuko! Kahit hindi sabihin ng kapatid mo kung nasaan, alam ko na kaagad! Eto ba 'yun?" Sabay taas niya ng poster ni Kim Domingo.
Nanlaki ang mata ko at nag-init lalo ang mukha ko nang mapagtanto ko kung gaano kahalay tignan ang nasa poster.
"Hala... Ang laki, Kuya!" Gulat na sigaw ni Ashlon na ikinagulat ko rin.
Mabilis kong tinakpan ang mata ni Ashlon gamit ang isa kong kamay. At ang libre ko pang isang kamay ay ginamit ko para hablutin 'yung poster.
"S-Saan mo 'to nakuha?!" Sigaw ko sa kanya nang matiklop ko ang poster.
Tinanggal ko na sa pagkakatakip 'yung kamay ko sa mata ni Ashlon.
"Doon sa ilalim ng kama. Ang dami nga, eh," tugon ni Tide na may malaking ngiti sa labi.
Napasapo na lang ako ng noo. Huminga ako nang malalim at tumingin ako kay Ashlon.
"Ashlon, pumunta ka sa kwarto mo. Mag-aral kang magdrawing doon. Dali," utos ko sa kanya na ikinanguso niya.
"Ayoko, Kuya. Naglalaro kami ni Ate Tide, eh," nakanguso niyang pagtanggi.
Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at tinulak ko siya papunta sa kwarto nila ni Nanay.
"Hindi. Mag-aaral ka, Ashlon," mariin kong sabi.
"Ehhh!"
"Payatot, 'wag mo namang sirain 'yung moment namin ng kapatid mo!" Singit ni Tide at hinawakan niya si Ashlon sa braso at hinila palayo sa akin.
"Mas nakakatuwa siyang kausapin kaysa sa 'yo, kaya magmukmok ka sa kwarto mo at 'wag mo kaming ginagambala." Sabay hila niya kay Ashlon papunta muli sa sofa at naupo silang dalwa roon. Ako naman ay naiwang mag-isa.
Ngumiti ako nang mapakla at nagmake face pa ako.
"Mas nakakatuwa siyang kausapin kaysa sa 'yo, kaya magmukmok ka sa kwarto mo at 'wag mo kaming ginagambala," panggagaya ko sa sinabi niya pero pabulong lang.
Umirap ako. "Edi sige!" Pinal kong sabi at lumingon ako sa kanilang dalawa na nagtatawanan.
Child abuse. Tsk!
Umirap ulit ako at pumunta sa kwarto ko at malakas ko pang sinara ang pinto no'n.
Hinagis ko sa kama ang poster na hawak ko. Dumapa ako sa lapag at hinila ko palabas sa ilalim ng kama 'yung kahon na puno ng mukha ni Kim Domingo.
Tinitigan ko ang mga poster at hindi ko magawang pigilan ang pagngiti ko. Ang ganda niya kaya. Gustong-gusto ko siya. Kaso parang ang SPG kapag nakikita 'to ni Ashlon.
Bumagsak ang balikat ko at binalik ko na ang mga poster sa kahon at itinago ko ulit iyon sa ilalim ng kama. Tumayo ako at nag-inat.
Napataas naman ang kilay ko nang marinig ko ulit 'yung tawanan nina Tide at Ashlon.
Edi sila na ang masaya. Ako na ang malungkot dito.
Pabagsak akong humiga sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong matulog pero paano ako makakatulog kung dinig na dinig ko ang tawanan ng dalawa sa sala? Nakakainis. Mga abala sila sa taong gustong matulog.
Kumuha ako ng isang unan at itinakip ko iyon sa buong ulo ko, nagbabaka sakali na hindi ko na marinig 'yung tawanan nilang dalawa.
Mayamaya lang ay hindi ko na narinig 'yung tawanan nila. Nangunot ang noo ko at napanguso.
Ano na kaya 'yung pinag-uusapan nilang dalawa? Bakit hindi ko na marinig 'yung boses nila? Tinanggal ko 'yung unan sa ulo ko at umupo ako sa kama.
Wala pa rin akong marinig na boses nila. Hindi na ba sila nag-uusap? Bakit naman kaya?
Tumayo ako at idinikit ko ang tainga ko sa pinto ng kwarto ko pero kahit gano'n na 'yung ginawa ko, wala pa rin akong marinig.
Ano na ba 'yung ginagawa ng dalawa? Baka naman hinimatay na sila dahil kanina pa sila tawanan nang tawanan? Pero teka nga lang. Bakit ko ba gustong marinig 'yung boses at usapan nilang dalawa, eh kanina lang ay iritang-irita ako sa tawanan nila? Ano bang nangyayari sa sarili ko? Hindi ko na maintindihan. Kainis.
Nang wala talaga akong marinig na boses sa sala ay tuluyan na akong lumabas ng kwarto ko. Bumungad naman sa akin ang walang laman na sala. Walang anino ni Tide at wala ring anino ni Ashlon.
Kunot noo kong nilapitan 'yung pwesto nila kanina. Nakita ko naman sa lamesita ang isang bond paper at may drawing na stick-man. May sungay 'yung stick-man at may buntot. Hala, demonyo ba 'to?
Nakunot naman ang noo ko nang may makita akong pangalan sa ibabaw ng ulo ng stick-man.
Axion liit suso.
Nanlaki ang mata ko at napakrus ang mga braso ko sa dibdib ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso ko sa dibdib at sinilip ko sa loob ng sando ko 'yung dibdib ko. Maliit naman talaga 'yung dibdib naming mga lalaki, ah? 'Yung kay Kim Domingo lang naman 'yung malaki!
Nang mapagtanto ko na itong drawing nila 'yung kanina pa nila pinagtatawanan ay inis kong kinuha 'yung papel at nilokot ko iyon.
"Kung anu-ano 'yung pinagtuturo ni Tide kay Ashlon. Tsk," bulong ko at hinagis ko sa sofa 'yung papel.
Napatingin naman ako sa labas ng bintana namin nang may marinig akong tawanan at nakita ko roon sina Insan.
Agad-agad akong lumabas ng bahay at agad naman silang napatingin sa akin.
"Nandiyan na pala si Ramulo!" Nakangising sigaw ni Godwin.
Nanlaki ang mata ko at nag-init ang buong pagmumukha. Paano nila nalaman?
Napatingin ako kay Tide na tumatawa.
"May kasabihang share your blessings!" Tumatawang sabi ni Tide.
Napapikit ako at napasapo ng noo. Mas tinakpan ko pa ang mukha ko nang magtawanan sila.
"Promise! Kahit noong bata pa kami ni Insan, hindi ko alam na may Ramulo pala siya sa pangalan," tumatawang kwento ni Hertzler.
"Hays. Fine. Tatantanan ko na si Axion. Baho ng pangalan, eh!" Sabi naman ni Alec na nakanguso.
Napatingin naman ako kay Kayrra na nakadress nang tumawa rin ito.
"Nahiya tuloy si tol!" Natatawang sigaw ni Patterson sabay lapit sa akin. Nang makalapit naman siya ay inakbayan niya ako.
"Sama ka sa amin?" Tanong niya habang taas-baba ang kilay.
Lumunok muna ako bago nagtanong. "Saan?"
Tinignan ko si Ashlon na kausap si Tide. Mukhang atat na atat si Ashlon.
"Basketball tayo," aniya sabay kindat sa akin.
Hindi pa ako nakakasagot sa kanya ay agad na siyang sumigaw.
"Sasama raw si Ramulo!" Sigaw niya sa lahat at humiwalay na sa akin. Ilang sandali lang ay napatakip na naman ako ng mukha.
Tinanggal ko ang pagkakatakip ng mukha ko at sinigawan ko si Patterson.
"Sandali lang! Hindi pa naman ako pumapayag, ah?" Tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at ngumisi.
"Alam ko namang gusto mo rin." Sabay kindat niya pa ulit.
"Paunahan sa court! Mahuli may tae sa pwet!" Sigaw ni Mason at mabilis na tumakbo papunta sa maliit na court dito sa subdivision.
Lahat sila ay nagtakbuhan papunta roon. Ako naman ay iwan na iwan. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi. Hindi naman talaga ako pumayag na sasama ako. Wala pa nga akong sinasabi, ni buka ng bibig ko ay hindi ko pa nagagawa. Tapos ay mahuli may tae raw sa p'wet? Mga bata pa ba sila para magpa-uto pa sa mga gano'n? Kakaiba talaga 'tong mga 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top