Chapter 14

AXION

Habang tumatakbo palayo sa mansion nina Tide ay biglang may humintong sasakyan sa harapan namin. Nilagay ko si Tide sa likod ko dahil baka mga guwardiya nila 'yon pero nakahinga naman kaming dalawa nang maluwag nang bumukas 'yung pinto ng van at nakita namin sa loob sina Alec, Kayrra, Mason, Patterson, Hertzler, at Godwin. 

"Ano pa ang hinihintay mo, tol? Sakay na!" Napatingin ako kay Tide na nakapasok na pala sa loob ng sasakyan. 

Pumasok na rin ako sa loob ng van at pumwesto ako sa dating pwesto ko. Sa pinakadulo.

Nang umandar at nang makalayo na kami nang tuluyan doon sa mansion nina Tide ay saka lang kami nakahinga nang tuluyan.

"Shit ka, Tide! Kapag kami sinugpo ng mga magulang mo, naku!" Ani Alec.

"Natatakot na ako, jusko!" Sabi ni Kayrra.

"Magtatago na ako pagkatapos nito!" Sabi naman ni Mason.

"Wala ng urungan 'to!" Natatawa namang giit ni Godwin.

"Problema ng isa, problema ng lahat! Paniguradong si Axion 'yung nasa kauna-unahang listahan ng mga Valencia para sugpuin! Siya 'yung nakitang huling kasama ni Tide, eh." Natahimik ang buong van dahil sa sinabi ni Patterson.

Sabay-sabay silang napatingin sa akin at puno ng kaba ang kanilang mukha. Kung sila ay kinakabahan. Paano pa ako?

"Naku, Insan, lagot ka." Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi ni Hertzler. 

Napalunok ako at tila binuhusan ako ng malamig na tubig. 

Ano na 'yung gagawin ko? Saan ako magtatago? Mayaman sina Tide kaya paniguradong marami silang tauhan para ipahanap ako! Paano kung madamay sina Nanay at Ashlon dahil sa ginawa kong pagtakas kay Tide?

"Para kayong mga libag! Napakanenega ninyo!" Sabay-sabay kaming lahat na napatingin kay Tide nang magsalita siya.

Hindi pa rin talaga ako sanay sa kulay asul niyang buhok. Bagay na bagay sa kanya. Lalo siyang gumanda.

"Tide, anong nega? Totoo rin naman 'yung mga pinagsasabi namin! Ano ba kasi 'yung dumapo sa utak mo at naisipan mong tumakas?" Kuryuso na tanong ni Alec. Tama nga naman siya. Bakit nga ba naisipan ni Tide na tumakas? Kung ako 'yung nasa kalagayan niya, mananatili ako sa mansion na 'yon. Bukod sa mayaman na sila, buo pa ang pamilya niya. Wala ka ng p-problemahin pa, 'di ba?

Sinamaan niya kami ng tingin. "Basta! 'Di n'yo na dapat pang malaman." 

Sabay-sabay naman silang nagreklamo dahil sa sinabi niya.

"Anong hindi na dapat pa naming malaman? Grabe, Tide! Ewan ko sa 'yo!" Inis na reklamo ni Hertzler.

Huminga ako nang malalim dahil nararamdaman ko na 'yung tensyonado sa pagitan ni Tide at nila. Galit na galit yata sila kay Tide.

Lumipas ang minuto at walang nagsasalita sa amin ni isa. Nabasag lang 'yung katahimikan nang pumara si Tide.

"Itabi mo riyan, Patterson," seryosong utos ni Tide at ginawa naman ni Patterson 'yung utos niya.

"Anong balak mo, Tide?" Seryosong tanong ni Kayrra.

Hindi nagpakita ng emosyon si Tide bagkus ay bumaba siya ng van at hinila rin ako pababa.

"Wala," Tipid na tugon ni Tide.

Hihilahin na sana ako paalis ni Tide kaso naramdaman ko na may humawak sa isa ko pang kamay. Bale para silang naglalaro ng tug of war. Ako lang naman 'yung nagsilbing lubid.

"Hindi mo pwedeng isama si Axion," seryosong sabi ni Hertzler na siyang nakahawak sa isa kong kamay.

"Bakit hindi?"

"Ang sabi ko sa 'yo noon, tulungan 'to sa mga hindi niya kaya, hindi ko sinabing ilagay mo siya sa mga bagay na kumplikado, Tide." Nagpalitan sila ni Tide ng seryosong tingin.

Hinila bahagya ni Tide ang kamay ko at ganoon din 'yung ginawa ni Hertzler.

"Bitiwan mo siya, Hertzler."

"Ikaw ang bumitiw, Tide."

Napapalunok na lang ako dahil sa kaba sa dalawang 'to. Ayokong madamay. Nakakatakot silang dalawa. Hala, paano na 'to!

Nagpalitan silang dalawa ng matalim na tingin na mas lalo kong ikinakaba.

"Tol, kapag hindi ko sinama si Axion, paano ko malalaman kung saan 'yung bahay nila?" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Tide.

"Bakit, anong plano mo?" Tanong ni Hertzler.

"Alam nina Mommy at Daddy kung saan ang bahay ninyo, 'di ba?" Tanong ni Tide at nagtanguan naman sila. "Kina Axion muna ako magpapalipas ng araw. Hindi naman siguro nila alam kung saan 'yung kina Axion, 'di ba?"

Hindi. Hindi. Hindi! Hindi siya pwede sa bahay namin dahil baka kung ano 'yung isipin ni Nanay kapag dinala ko siya sa amin. Baka atakihin 'yon sa puso dahil baka mapagkamalan niyang girlfriend ko si Tide! Naku, 'di ko ipagpapalit si Kim Domingo, no!

"Kung sabagay tama ka, tol." Kung nakaupo lang ako, baka kanina pa ako nahulog sa upuan dahil sa sagot ni Insan.

'Wag mong sabihin na...

"Sige, doon ka muna pero, tol, ilang araw ka lang doon, ah? Baka kasi mahanap nila Tita 'yung bahay nina Axion, baka madamay Nanay at kapatid niyan. Okay?" 

Gusto ko sanang sumigaw ng "hindiiiiiiiii!" Kaso ayokong mabangasan ni Tide kapag pumalag ako. Pero hindi talaga pwede, eh!

"Sige, Tide, paano ba 'yan? Happy 18th Birthday na lang? Babush!" Nakangiting paalam nila sabay sarado sa pinto ng van.

Mas lalo akong nawalan ng pag-asa nang mawala na sa paningin ko 'yung sasakyan. Paano na 'yan. Hindi ko pwedeng i-uwi ang bruhildang 'to!

Napatayo ako nang maayos nang maramdaman ko ang hininga ni Tide sa kaliwang tainga ko.

"Paano ba 'yan... Uuwi na tayo sa bahay natin, payatot..." Bulong niya at bigla akong kinilabutan.

Anong "bahay natin" ang pinagsasabi ng babaeng 'to!

Huminga ako nang malalim at naglakad na ako patungo sa apartment namin.

"Hoy, saan ka pupunta!" Sigaw niya nang makalayo ako nang kaunti sa kanya.

"Edi saan pa? Malamang sa bahay!" Sagot ko nang hindi ko siya nililingon.

Napahinto naman ako sa paglalakad nang tapukin niya ako nang malakas.

"Aray!"

"Nang iiwan, amputa!" Sigaw niya sa akin at kinurot pa ako sa tagiliran ko.

"Aray! Nakakadalawa ka na, Tide, ah!"

Tumingin siya sa akin at dinilaan ako. "Anong gusto mo? Tatlo, apat, lima, anim, pitoㅡ" Pinutol ko naman 'yung sasabihin niya.

"Magbibilang ka lang, eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Aba't sinisigawan mo na akong payatot ka!" Sigaw niya rin at sinamaan pa ako ng tingin.

"Bakit may rules ba tayo na bawal kang sigawan?" Napatigil naman siya sa sinabi ko.

"Wala... Pero 'di ba ay mahiyain ka? Anyare ngayon?" Sabay akbay niya sa akin na ikinatigil ko.

"Hindi naman talaga ako mahiyain pero kung gusto mo naman na bumalik ako sa shy type, edi..." Sabay taas-baba ko pa sa kilay ko.

Nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya pagkatapos ay ngumuso siya. "Naku, iyan ang huwag mo nang gagawin. H'wag ka ng mahiya. 'Wag ng shy type." 

"Ano dapat?" Pa-inosente ko pang tanong. 

Tinignan niya ako nang nakakaloko kaya napalunok ako. Mas inilapit niya sa akin 'yung mukha niya saka siya bumulong.

"Dapat dirty type." Sabay hagikhik pa niya na mas ikinamula lalo ng mukha ko.

"T-Tide!" Gulat kong sigaw. 

Inalis niya 'yung pagkakaakbay sa akin at tumawa siya nang tumawa.

"Para kang kamatis sa pula, tol!" Tumatawa niyang sigaw sa akin kaya napalihis ako ng tingin.

Ano ba naman kasi 'yung sinabi niya! Dirty type? Mababaliw yata ako kay Tide!

Napailing-iling na lang ako at hinawakan ko si Tide sa buhok niya nang tatakbo na sana siya.

"Aray! Bakit mo 'to hinila? Alam mo bang alagang-alaga ko 'yung buhok ko na 'to tapos hihilahin mo lang? Walanghiya ka!" Sabay amba niya ng sampal kaya agad kong hinawakan 'yung kamay niya.

"Paano kita hindi hihilahin kung sa ibang lugar ka pupunta? Saka 'wag ka nang magdrama. Hindi sa 'yo bagay," aniko.

"Hala, totoo? Hindi sa akin bagay?" Tanong niya at tumango ako.

"Sabi ni Godwin ay bagay raw sa akin. Loko 'yun, ah!" Napangiti ako nang mapakla nang marinig ko 'yung pangalan nu'ng Godwin na 'yun. Bwisit naman.

"'Wag ka kasing nagpapaniwala sa mokong 'yon," sabi ko at hinila ko na ulit siya.

"Ano nga pala 'yung itsura ng bahay niyo? Malaki ba? Maluwang? Alam mo kasi, hindi ako nakakahinga kapag sobrang liit ng bahay. Lalo na kung napapalibutan ng mga mababait. Alam mo na, buhay gaga ang alam ko at hindi buhay bait." Sabay kibit niya ng balikat. 

Baliktad na baliktad naman 'yung lahat ng sinabi niya sa bahay namin. Paano kaya kung sabihin ko na maliit, masikip, at puro mababait 'yung nasa bahay namin, tutuloy pa rin kaya siya sa amin? Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

"Hindi namamansin. Famous ka? Famous ka?" Sabay kurot na naman niya sa tagiliran ko.

Bigla siyang tumigil kaya tumigil din ako. Yumuko siya at kinuha niya yata 'yung sapatos niya.

"Ang sakit na ng paa ko. Malapit na ba tayo?" Tanong niya sabay bitbit sa heels niyang... nanlaki ang mata ko nang makita ko ang heels niya.

"T-Teka. Ilang inches 'yan?!" Gulat kong tanong habang nakaturo sa heels niyang pwede na yatang ipangsaksak sa leeg ng tao dahil sa haba.

"O.A mo naman! Parang 5 inches lang, eh." Sabay irap pa niya sa akin.

"5 inches tapos ni-lang mo lang?" Hindi ko makapaniwalang tanong. 

Kasi naman! Hindi kaya ay matisod siya roon? 5 inches 'yun, eh!

"Tsk. Oh, bitbitin mo." Sabay abot niya sa akin pero hindi ko tinanggap. 

"Hindi mo ako taga bitbit." Tumalikod ako sa kanya at nagsimula na ulit akong maglakad.

"Aba't! Saksak ko 'to sa 'yo, sige!" Pananakot niya. 

Huminto ako sa paglalakad at humarap muli ako sa kanya.  

"Makiusap ka muna." Ngumisi ako.

Gusto ko ulit marinig 'yung pakiusap niya. Ang cute niya kasi. 

Sinamaan niya ako ng tingin at binato niya sa akin 'yung heels.

"Utot mo sagad! Napasabi mo na ako kanina tapos ipapaulit mo pa? Ulol ka ba?" Naglakad na siya.

Tumawa na lang ako at tinalikuran siya.

"Hindi riyan. Dito ang daan," sabi ko at naglakad ako sa tamang daan.

Narinig ko siyang napamura kaya natawa na naman ako.

"Sabi ko nga, diyan 'yung daan. Tsk! Nagmamasid lang naman ako rito," pagsisinungaling niya na ikinangiti ko. "Ganda pala ro'n. Balikan ko nga 'yon next time," dugtong pa niya sa kanyang kasinungalingan.

Pagtingin ko naman sa tabi ko ay nakita ko na siyang kasabay ko kaya mas napangiti ako.

"Gusto ko 'yung buhok mo." Bigla na lang bumulaslas iyon sa bibig ko kaya nagulat ako.

Siya rin ay nagulat at nakangisi siyang lumingon sa akin.

"Bakit, gusto mo rin ba? Sabi ko na nga ba ay bakla ka, eh!" Tumatawa niyang giit.

"Hindi nga ako bakla!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"'Di daw. Sus!" 

"Hindi naman talaga," bulong ko.

"Sige nga, patunayan mo, oh!" Hamon niya sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya. Nakita ko naman na nakatingin din siya sa akin habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso sa dibdib.

Paano ko nga ba patutunayan sa kanya? Mukhang hindi naman niya ako paniniwalaan.

Napatingin ako sa paa niya pero hindi ko ito makita dahil sa haba ng gown niya. Sabi niya kanina, masakit na 'yung paa niya kaya hinubad niya 'yung heels niya. At paniguradong nakapaa siya ngayon. Paniguradong iritang-irita na siya sa damit niya. Lalo na at tube gown pa 'yon.

Huminga ako nang malalim at pumunta ako sa harapan niya. Nakatalikod ako sa kanya at lumuhod ako.

"Hoy? Ano 'yan?" Taka niyang tanong.

Humigpit ang kapit ko sa heels niya. Hindi ko alam kung bakit ko 'to gagawin. Basta naramdaman ko na lang na naaawa ako sa lagay niya ngayon. Kung may tao lang sa paligid ngayon, baka kanina pa siya pinagtitinginan dahil nga sa nakagown siya.

"Piggy back rideㅡ" Napatigil agad ako sa pagsasalita nang dambahin niya na kaagad ako.

"Aba, gusto ko 'yan! Ngawit na ako, eh! Yaaaah!" Sabay kurot niya sa pwet ko kaya napatayo ako sa gulat.

"Oh, shit!" Mura ko dahil sa gulat na ikinagulat din naman niya.

Bigla niyang nilagay 'yung mukha niya sa kanan kong mukha kaya napalihis ako papakaliwa. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko!

"Tol, nagmura ka!" Gulat pero masaya niyang sigaw kaya nabingi naman 'yung kanan kong tainga.

"'Wag ka namang sumigaw! S-Saka ilayo mo nga 'yung m-mukha mo sa'kin!" Sigaw ko pabalik.

Napangisi naman siya sa sinabi ko at mas inilapit pa niya lalo 'yung mukha niya sa mukha ko saka siya bumulong.

"Bakit... nabubuhay ba si totoy? Si totoy betlog?" Nanlaki ang mata ko at gulat akong napatingin sa kanya na ikinatigil ko dahil nga sobrang lapit ng mukha naming dalawa.

"H-H-Hoy... A-Anong sinasabi mo..." Napalunok ako at naramdaman ko ang pag-init ng pagmumukha ko.

Bigla naman siyang napahalakhak nang malakas kaya umiwas na ako sa kanya ng tingin. Bwisit na babaeng 'to! Trip na trip ako!

Habang tumatawa siya ay pinalupot niya 'yung mga braso niya sa leeg ko at nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi.

"Cute ng alaga ko!" Malakas niyang sigaw kaya napailing na lang ako.

Baliw talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top