DMN: PROLOGUE (Trailer on the Media)
Nakarinig ako ng malakas na ungol ng isang babae na tila ramdam na ramdam nito ang sakit.
Unti unti kaming lumapit ng kasama ko sa pinagmulan ng ungol. Nanginginig man ay nilabanan namin ang takot at kaba na nararamdaman namin hanggang sa makarating na kami dito.
Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano balatan ng buhay ng nakatalikod na lalaki ang kawawa at ngayo'y wala nang buhay na babae. Rinig na rinig ko pa kung paano sumisipol at humuhuni ang lalaki habang enjoy na enjoy sa pagbabalat nya ng patay na dalaga.
Akmang sisigaw na sana ang kasama ko nang mapigilan ko ito sa pamamagitan ng pagtakip sa kanyang bibig gamit ang aking mga palad.
"Wag kang sisigaw, Akeira. " bulong ko sa kanya habang pareho kaming nanginginig sa takot.
"Alis na tayo dito Maori. Hindi ko na kaya ang kacreepyhan nya" pagmamakaawa nya sa akin habang namumuo na ang luha sa mga mata nya.
Hinawakan ko naman ang mga kamay nya bago tumango. Sumulyap akong muli sa kinaroroonan ng lalaki na di pa rin tumitigil sa pagsipol at kabrutalan
"Demonyo" huling sabi ko bago inalis ang tingin ko sa lalaki.
Paalis na kami ni Akeira ng bigla kaming nakaramdam ng sobrang panginginig ng katawan at halos lumabas na ata ang puso ko sa sobrang kaba. Nagkatinginan kami ni Akeira ng maramdaman naming pareho ang lamig na nanggagaling sa likod namin.
"Where do you think you're going, ladies?" Ramdam sagad hanggang buto ang takot sa loob loob ko. Unti unti kaming lumingon sa likod namin para makita ang isang... wait ba't ang gwapo?
Nang makaharap kami sa lalaki ay ramdam mo na ang kakaibang aura nito. Hinding hindi mo magagawang tumingin sa mukha nya ng matagal. Hindi dahil sa gwapo sya kundi dahil mamamatay ka pag tinitigan mo sya! Shit! Is this our end na ba?! Huhu.
"Creepy? Demon? Haha" sarkastikong bigkas nya bago tumawa nang nakakatindig balahibo.
Itinaas ng lalaki ang aking mukha upang magkatitigan kami. S-sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa! Ang seryoso at nakakatakot nyang aura ay napalitan ng nakakakilabot na pagngisi na mas lalo kong ikinatakot.
"I'm worse than that. Keep that...here." Sabay tulak ng noo ko gamit ang kanyang hintuturong basang basa ng dugo.
Nanigas ang buo kong katawan at hindi ako makaalis sa pwesto ko na nakatayo habang ang lalaki ay nakapamulsa at ang isang kamay ay nilalaro ang kutsilyo habang sumisipol palayo sa amin.
Mabuti na lang at nakabalik ako sa huwisyo ko at sumigaw ng "S-sandale!"
What the fvck Maori! Bakit mo sya tinawag?!
Agad naman itong tumigil sa paglalakad at sa pagsisipol. Nanatili lang itong nakatalikod sa akin. Jusko naman! Wag ka nang lumingon huhu
"H-hindi mo ba kami p-papatayin?" Shit! Ang tanga talaga! Sige tanong tanong pa Maori! Paalis na nga sya tapos tinawag mo pa! Kung di ka ba naman tanga huhuhu
Dahan dahan naman itong lumingon sa akin at tinignan ako ng may pagngisi. 2 seconds nasa harap ko na agad sya. The heck?! Pano nya nagawa yun?!
Dahil nga sa maliit ako, or sabihin na nating matangkad lang talaga sya! Tinapat nya ang mukha nya sa mukha ko bago nagsalita. Sinabi ko na bang humahagugol na ako ngayon sa sobrang takot?
"Shhh lady. Save your tears. Tsaka ka na umiyak pag nakaabot ka sa takdang araw." Naguguluhan akong tumingin sa kanya
"T-takdang araw?"
Mas lalong lumawak ang ngisi nito.
"The day you'll perish your beautiful death."
Pagkasabi nya nun ay nawala sya ng parang bula. At tumingin ako sa buong paligid at mag-isa na lang ako. Wala si Akeira. Wala rin yung babae.
Damian,
My life
My death
Be alive
Be killed
Whatever I choose
One thing's for sure
I can't escape, Damian.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top