DMN 2: Flashback

Three months ago....

"Maori! Huy! Girl, bakit ka nakatulala dyan?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ng kaisa isang kaibigan ko dito sa school.

"W-wala. T-tara na." Tanging sinabi ko bago wala sa sariling tinulak tulak si Akeira para makaalis na kami dito sa hallway ng 2nd floor ng Chemistry building.

Mag-aalasais na rin kasi ng hapon kaya naman medyo madilim na at nakakatakot nang manatili pa dito sa lumang building na ito.

"Alam mo girl, kaya wala kang nagiging kaibigan eh. Ang weird weird mo. Haha! Buti na lang talaga andito akong pretty and kind mong friend." Wika ni Akeira.

Sya si Akeira Sazuke. Ang kaisa-isang bestfriend ko dito sa Markingston University.

Tama naman siya eh.

I'm a weirdo.

Minsan maingay at malakas ang kashungaan

Minsan kalog at palatawa

Pero madalas tahimik

"Yes I may be weird, pero gaga, mas maganda ako sayo." Wika ko kay Akeira bago sya inirapan at inunahan sa paglalakad.

Naramdaman ko namang sumunod pa rin ito sa akin.

"Ay? Nang-iiwan? Kaiwan iwan ba ko ha? Tell me! Am I not enough?" Ginaya pa talaga nya yung way ng pagsabi ni Liza Soberano. Tss.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya with my poker face bago sya binatukan.

"Parang mas weird ka pa kesa sakin sa totoo lang. Ba't kaya ako pa ang nilalayuan?"

Inirapan naman ako ni Akeira at sabay na kami ngayong naglalakad.

Tama kayo ng nabasa. People are avoiding me. Tinatawag nila akong baliw, may sakit sa pag iisip, bipolar, and etc.

Maybe because I easily switch moods. Masaya ako ngayon pero mamaya makikita nyo nalang ako sa sulok at tahimik. Maingay ako ngayon tapos mamaya makikita nyo na akong nanginginig sa takot.

Weird as you may imagine but the thing is, there is more weirder things that you can't see through your naked eye.

Dalawang tao lang aside from my family ang tumanggap sa kung sino at ano ako. And that is Akeira, my bestfriend and....

"Hi beb." nakangiting bati niya sa akin bago ako sinalubong ng yakap at halik sa noo.

His gentleness makes me love him even more.

Napaka-gentleman at caring ng lalaking ito. And I can say that I am very lucky to have him in my life.

"Nako ah. Ang haharot. Dun kayo maglampungan sa malayo. Yung hindi ko makikita. Tsk." Akeira again being bitter. Haha.

Pareho naman kaming natawang dalawa sa naging reaksyon ni Akeira. Lagi naman kasi syang ganyan. Akala mo walang jowa.

"Babe" O ayan na ang boyfriend nya. Si Marcus.

Yung pagsusungit nya kanina ay napalitan ng pagiging pabebe nya ngayon sa harap ng boyfriend nya. Haynako. Tell me, SINO NGAYON ANG WEIRD HA.

"Babe! I missed you" malanding sabi ni Marcus kay Akeira.

Nakakairita pala talaga pag nakakakita ka ng magjowa na naghaharutan sa harap mo. Kahit may jowa ka din. Tsk.

Hinawakan ko naman ang kaliwang kamay ni Hiro at hihilain na sana sya palayo sa dalawang ito nang magsalita nanaman si Akei.

"Alis na kayo? Sige bye. Kita nalang tayo mamaya sa The Corbin. 9pm. Ops, magcondom babaita." Babala niya sa akin na sinuklian ko naman ng pagtaas ko ng ring finger ko. Oo, masyado kasing harsh pag middle finger haha!

"And Hiro!" Aalis na sana kami ni Hiro nang marinig nanaman namin ang sigaw nito.

Lumingon kaming pareho at hinintay na magsalita si Akei.

"Bantayan mo yan si Maori. It happened again." Seryosong saad nya kay Hiro.

It happened again?

Is she referring to what I did earlier?

Shet naman.

Nakita ko namang mula sa pagkaseryoso, ay ngumiti na lang ulit si Hiro kay Akei "Noted. Don't worry, akong bahala sa beb ko." Ngiti nya at tumingin muli sa akin.

Shet yung mga mata nya! Huhu pwede bang tusukin?! Ughhh kinikilig ako!

Inakbayan na nya ako at inaya na papunta sa motor nya. Pagkarating sa kung saan nakapark yung motor nya ay inalis nya muna ang pagkakaakbay sa akin at kinuha ang helmet nya at inabot ito sa akin.

"Here beb. Wear this." At isusuot na sana nya sa ulo ko nang pigilan ko ito sa pamamagitan ng paghawak rin ng kamay nya.

"Teka beb, pano ka? Wala kang helmet?" Tanong ko sa kanya at sinuklian nya lang ako ng ngiti.

ughhh di ba nya alam na pag ngumingiti sya, nawewet ak-- hehehe joke lang. Ssshhh!

"Don't worry about me beb. Kahit naman wala akong helmet, as long as you're beside me, I always feel safe. Pano pa kaya pag niyakap mo nako pagkasakay natin?" At nginisian nya ako.

Argh! Ang hilig hilig nyang mang asar! But..... I love it. I love everything about him.

Ngumiti na rin ako sa harap nya bago sya ninakawan ng halik sa pisngi na medyo ikinagulat nya.

"Beb wag ganun. Wag kang nanggugulat." Sabi nya sa akin na dahilan para lumukot ang mukha ko.

"Ayaw mo ba? Sige sorry." At napayuko ako pero inangat nya ang mukha ko at hinawakan ang baba ko.

"Sinong may sabi? Isa pa nga beb. Gusto ko sa lips na." At ngumuso nguso pa sya. Takte naman nagpacute pa!

Tinulak ko nalang ang kanyang labi gamit ang kamay ko "Beb tara na nga ihatid mo nako sa bahay."

Sinuot ko na ang helmet na bigay nya bago umangkas sa motor nya. Sumakay na rin sya at sinimulang paganahin ang makina ng motor.

Nang paandarin na nya ay yumakap na ako sa kanya. Haaaay heaven! Sana ganito nalang forever! Sarap sarap huhu.

Habang bumabyahe ay may nahagip ang mga mata ko.

Shit.

Not again please.

Humigpit ang pagkakayakap ko kay Nathan at hindi ko alam kung napansin nya ito. Pero nagsimula
na akong manginig at mahigpit na hinahawakan ang tshirt niya. Nakapagpalit na kasi ito ng uniform nya kaya naka tshirt na sya.

"Beb? Are you okay? Beb..." Dahil nga sa nasa motor kami at maingay tapos dagdag mo pa na nakahelmet ako, ay hindi ko na masyadong naintindihan yung sinabi ni Hiro.

Hindi na ako sumagot dahil hindi ko na kaya ang panginginig ko.

Maya maya pa'y huminto na kami at nakita kong nasa tapat na pala kami ng bahay.

Agad bumaba si Hiro at agad inalis ang helmet ko at hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pag-aalala.

Hinawakan nya ang magkabila kong balikat bago nagsalita

"Beb tell me. What is it this time? Ano naman ang nakita mo ngayon?" Pilit nya akong tinitignan sa mata pero umiiwas ako. Ayaw kong makita nya sa mga mata ko na nagsisinungaling ako.

Ayokong sabihin ang nakita ko.

Hindi dahil sa hindi ko sya pinagkakatiwalaan

But.... natatakot ako.

I'm afraid that.... I might lose him.

Baka pag nalaman nya.... layuan na rin nya ako.

And I know that hindi ko kakayanin yun.

"N-nothing b-beb." tanging sinabi ko bago nya ako niyakap ng sobrang higpit.

Agad namang may tumulong luha mula sa mata ko. Shet. I feel safe in his arms.

Pero hindi pa rin mawawala sa isip ko ang mga nakikita ko.

Specially what I am seeing these past few days.

it's..... a black hoodie with no person in it.

Actually hindi ko alam kung wala ba talagang tao sa loob. But base on what I'm seeing, since lagi kasi syang nasa malayo kung magpakita.

Parang itim na shadow lang ung sa bandang mukha nya. And lumulutang sya. No hands, no feet, no arms... wala lahat.

And it's freaking me out!

I don't know but I think I have this syndrome called phasmophobia or fear of ghosts. Everytime na nakakakita ako ng mga elemento ng kung anuano ay bigla na lang akong manginginig na hindi ko na makontrol.

Kung minsan naman ay natutulala nalang ako at hindi nyo na ako makakausap ng maayos.

Yeah you're right. Nakakakita ako ng mga multo, or other creepy creatures na you can't see through the naked eye. And maybe that is why most of the people think I'm a psycho/crazy/bipolar or whatever.

"Beb, i love you. I hope at least that three words would help you feel better." he sweetly said before giving me a smack on my lips then giving me again a tight hug.

Niyakap ko sya pabalik.

"Call me when you're done. Sunduin kita mamaya." Nakangiti naman akong tumango sa kanya.

"Ingat ka. I love you." Sabi ko bago nya na sinuot ang helmet nya at umalis.

-
"AaAahHhhHh oh my beybe!" rinig na rinig ang boses ni Akei kahit na nasa malayo palang kami ni Hiro at papasok palang ng The Corbin.

Pagkapasok palang namin ay amoy na amoy ko na ang naghalo halong amoy ng alak, sigarilyo, at vape. Gosh, ang wiwild ng mga tao dito!

Inikot ko pa ang mga mata ko only to see couples making out, dancing out of control, may mga iba na chill lang na nakaupo. Inakbayan na ako ni Hiro at lumapit sa lugar kung saan nandoon si Marcus. Dahil si Akei ay nandoon sa dancefloor, sumasayaw ng wala sa sarili. Mukhang wasted na talaga sya.

"Yow pre" tawag ni Hiro kay Marcus at nagfistbump ang dalawa. Iginaya ako ni Hiro na umupo kaya umupo muna ako at tumabi sya sa akin.

"Pre shot ka oh" at inabot ni Marcus kay Hiro yung shotglass. Agad naman niya itong kinuha at tinungga.

"Marcus. Si Akei, pigilan mo nga. Lasing na lasing na oh." sabi ko. The hell?! Bat nya pinababayaan yung girlfriend nya doon na parang konti nalang eh mahuhubaran na sa dancefloor!

Tinungga nya muna yung nasa shotglass nya bago ako sinagot "Kanina ko pa pinipigilan. Pero lagi nya akong binablackmail. Pota."

Blackmail?

"Na ano?" curious kong tanong.

Naglagay sya ng alak sa shot glass at inabot nya sa akin.

"Shot ka muna bago kita sagutin" nakasmirk nyang sabi. Tss fine!

Kinuha ko ang shotglass at tinungga din ito. Ahhh, sarap.

"Yeahhhhh hoo!" sigaw ni Marcus pagkainom na pagkainom ko. Si Hiro naman ay nakita kong kinuha na ang vape nya at nagsimula na ring magvape.

Actually hindi naman ako party girl, unlike Akeira. But I do drink, occassionally nga lang.

"Now tell me, anong blackmail?" balik tanong ko sa kanya.

Tinignan naman niya ako. "Kapag pinigilan ko pa daw sya, hihiwalayan na nya ako" pagkasabi nya nun ay tumungga nanaman sya. Grabe mga bituka ng mga ito! Diko kinekeri!

"Pre naman, tingin mo seryoso sya dun? Haha. Lasing lang yun pre." Saad naman ni Hiro.

Nakita ko namang napatawa ng mapait si Marcus.

"Sana nga pre. Sana nga dahil lang sa kalasingan kaya nya nasabi yun."

Kita ko sa mukha ni Marcus ang sakit na nararamdaman nya ngayon. But what the hell?! May problema ang relasyon nila?!

"Anong ibig mong sabihin?" tanong kong muli sa kanya.

"Madalas na kami kung mag-away ni Akei. At laging ang pagiging selosa nya ang dahilan. Pati yung ultimo pag like ko ng posts ng ibang babae, pag aawayan namin. Like wtf, sya ang mahal ko! Wala ba syang tiwala sa akin?"

Iniwan ko nalang silang dalawa dahil sa tingin ko eh mas kailangan ako ng bestfriend ko ngayon na halos matumba na sa kakasayaw. Mas kailangan ata ni Marcus ang boy to boy talk kaya minabuti ko nang si Nathan ang kumausap sa kanya.

Knowing Hiro, I know he can handle it. Hindi sya mag-aadvice ng ikakapahamak ng tao. I trust him that much.

Nang matanaw na ako ni Akei na palapit sa kanya ay nakita kong ngumiti sya ng papikit pikit siguro dahil na rin sa kalasingan. Itinaas nya yung kamay nya at itinuro ako

"Oh beshyy y-you're here! C'mon, shamahan m-moko sh-shumayaw!" sinisinok na sya pero todo hataw pa rin sa pagsasayaw at hinila pa nya ako papunta sa gitna para sumayaw!

Not in my entire life will I dance in front of a crowd!

Agad ko naman syang binatukan." Hoy Akei umayos ka! Halika na doon sa table at itigil mo nga yang kakasayaw mo, ang laswa girl!" At pilit ko na syang hinihila palayo pero nagmamatigas pa din sya.

"Beshhhh, sh-shayaw pah-ko! di moh ba alam na talent koh toh?! Its da lab shat na na na na na!" Nang tumugtog pa yung music ay sinabayan pa nyang kumanta at mukha syang tangang gumigiling giling! Omg! HINDI KO SYA FRIEND. HINDI TALAGA!!

Dahil sa inis ko sa kanya, binitawan ko na ang kamay nya at hinanap nalang yung CR.

Gosh naiihi ako! Letcheng alak yan! hmp!

Bumalik muna ako sa table namin para magpaalam kay Hiro na mag-ccr ako, tinanong pa nya kung sasamahan pa raw ba nya ako pero sabi ko wag na. Kaya ito ako ngayon at naglalakad papunta sa tinuro nyang daan patungong CR.

Habang naglalakad ay di maiiwasan na may makakabangga sa akin na mga taong lasing! Grabe sobrang crowded! Bawal ang may asthma dito! Hindi ko mairerecommend itong bar na ito sa mga gustong magchill. Pero sa gusto ng rambol, ay sige go punta kayo here! Hahaha!

Natanaw ko na ang sign ng CR, gosh! buti naman! Ihing ihi na ako! Parang sasabog na ang p*** ko huhuhuhu.

Palapit palang ako sa Main Door ng Female CR ay may naririnig na akong nakakakilabot.

Shet! May nagmamake-out dito sa dalawang cubicle!!!

Bwisit naman oh! Nakaka-ughhhh!

Mabuti nalang at walang laman yung isang cubicle kaya dun na ako pumasok at dalidaling umihi at walang pake sa dalawang couple na nagss*x

"Ughhhh yeah baby fck!"

"Sht babe ughhhh"

"ahhh ahhh ahhh more please ahhh"

Tumataas yung balahibo ko kada maririnig ko ang mga ungol nila at napapaatras pa yung ihi ko like sht!

Binilisan ko nalang ang pag-ihi ko dahil hindi ko na kayang marinig pa ang mga ungol nila dahil shet baka marape ko si Hiro ng wala sa oras!

Nag-iinit ako! Argh!

Pagkalabas ko ng cubicle ay napasigaw ako ng sobrang lakas dahil sa sobrang gulat.

I'm expecting na matitigil yung pagss*x nila pero tuloy tuloy pa rin sila sa ginagawa nila na parang walang narinig.

What the actual f*ck! Nasa harapan ko lang naman ngayon ang matagal nang nagpapakita sa akin na mumu. Wahhh!! Nasa harapan ko ngayon yung mumu na hoodie!!

Nanigas ang buo kong katawan ng lalo pa itong lumapit sa akin. Habang papalapit siya ay biglang namatay ang ilaw sa CR.

Nawala na rin yung ingay nung nagss*x.

Wait.

Anong nangyayari?!

After 15 seconds ay nagkaroon na ulit ng liwanag..... pero laking gulat ako sa aking nakikita ngayon.

W-where am I?!

B-bakit puro apoy ang paligid?!

B-bakit parang nasa loob ako ng isang kuweba?!

Wait... Kuweba tapos napapaligiran ako ng apoy?! Nababaliw na ba ako?! Posible ba yun?!

Wahhhh!

Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon at tagaktak ang pawis ko dahil sa init na nanggagaling sa apoy. Pero ang buong kalamnan ko ay nanginginig sa lamig! Sht pano ako napunta dito?!

Parang mas gusto ko nalang yata mawitness at mapakinggan yung nagss*x kesa sa mapunta dito eh! Huhu

Beb where you?! Aaaaahhh!!

Ilang saglit pa ay nakita ko nalang na may humawak sa kamay ko and when I faced her, I saw Akeira.

Teka, nandito rin sya?!

"Akei? !" Medyo pasigaw kong sabi.

"M-maori, n-nasaan tayo? N-natatakot a-ako" mas lalong humigpit ang hawak nya sa mga kamay ko at ramdam ko rin ang panginginig nya.

Samantalang ako naman ay medyo nakahinga ng maluwag dahil at least may kasama ako ngayon. Pero natatakot pa rin ako!

"H-hindi k-ko rin alam Akei. P-pero don't worry. Makakaalis din tayo dito."

Nagsimula na kaming libutin ang buong lugar at maniwala kayo't sa hindi, puro apoy at parang lava na nanggagaling sa volcano ang nasa paligid namin ngayon.

At ang isa sa palaisipan sakin ngayon ay PAANO KAMI NABUBUHAY DITO AT BAKIT HINDI KAMI NASUSUNOG. WHAT THE FCK IS HAPPENING?!

Maya maya pa'y nakarinig na kami ng ungol na nanggagaling sa isang babae.

Teka, b-babae?

May tao pa dito bukod sa aming dalawa??

Dahan dahan pa kaming naglakad ng matanaw ko ang likod ng isang lalaki

na parang.....

wait....

T*NG*NA?!

Is he really scraping her skin?!

WHAT THE HELL?!

MAMAMATAY NA AKO SA NAKIKITA KO!!

Oh gosh!

Send help! Huhu.

Beb, please dumating ka and save us.

Napatingin ako sa sahig at bigla akong nanginig muli sa takot ng mabasa ko ang nakabuong salita gawa sa larva

"You're next, Maori Hanako."

Wtf?!

Next saan?!

Bigla na lamang akong may naramdaman na malakas na hangin na humampas sa katawan ko at narinig ko ang isang salitang hindi ko maintindihan pero grabe ang kilabot na epekto sa akin.

"Damian"

pabulong kong narinig. Na tila yung hangin ang nagsalita ng mga katagang yan.

Ano ang ibig sabihin ng Damian?

Salita ba yan? or mura? or tao?

Kung ano man yun, isa lang ang sigurado ko.

Delikado ang mga katagang yan.

---

Pronunciation:

Maori Hanako - [Maw-ri Hana-ko]

Akeira Sazuke (Akei) - [Aki-ra Sa-zu-ke]/[Aki]

PS. Damian on the media 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top