Dama de Noche

"Are you ready?" kuryusong tanong sa akin ng matalik kong kaibigan na si Rose.

Narito kami ngayon sa entrance ng gymnasium ng St. Louis High School. Ngayon ang araw kung saan lahat kami ay nagtipon-tipon matapos ang mahabang panahon.

Iginala ko ang aking tingin sa paligid. Marami nang pinagbago mula noong nagtapos kami. Mga masasayang ala-ala ang nakapalibot sa bawat sulok ng paaralang ito.

Ngunit, isang lugar ang nakapukaw sa aking atensyon: ang lumang Botanical Garden, ilang hakbang ang layo mula sa gymnasium.

Marahang hinaplos ni Rose ang aking balikat, dahilan upang bumalik ako sa reyalidad. Kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at simpatya. I gave my friend a reassuring smile.

"I'm okay," I gave one last look at the old botanical garden, reminiscing its hidden memories lost in time.

"Let's go," I smiled and together we walked into the venue.

Sa loob, maraming tao dito ang abalang nakikipag-usap sa bawat isa. Ang iba ay nagtatawanan. Iba't-ibang mga mukha ngunit pamilyar sa aking paningin. Sila ang mga taong naging parte ng aking high school life.

"Uy Alfred! Kumusta na?" nakangiting pagbati sa akin ng isang bruskong lalaki. Malaki man ang kanyang pinagbago, kilalang-kilala ko pa rin siya. Siya ang isa pang best friend ko na si Renz.

Niyakap ko siya nang mahigpit at tinapik ang kanyang balikat.

"Pare! Okay naman ako!" I greeted back.

Humiwalay kami sa pagkakayakap at 'tsaka niyakap si Rose.

"Kala ko hindi na kayo makakadalo," sabi ni Renz.

Nginitian ko muna siya bago ko sagutin.

"Of course. I wouldn't miss it for the world."

"Nandito na ba yung tropa?" tanong ni Rose.

"Oo naman! Tara! Nandoon sila sa gilid. Kanina pa kayo inaantay." Naunang naglakad si Renz na sinundan naman ni Rose na abot tainga ang ngiti dahil sa excitement na makita ang buong tropa. Marahan akong sumunod sa kanila. Mula sa aking posisyon, kitang kita ko ang mga masasayang mukha ng aming tropa. Napangiti ako, ngunit napawi rin nang may naalala ako. Tumigil ako sa paglalakad. Binabalot agad ako ng kalungkutan sa tuwing naiisip ko iyon.

Hindi ko namalayang tinatawag na pala ang atensyon ko.

Bumalik ako sa reyalidad. Bumungad naman sa akin ang concerned face ni Rose. I half-heartedly smiled at her and nodded as a sign of reassurance. She smiled as well and nodded. Sabay kaming naglakad sa aming tropa.

Napalitan ang lungkot ng saya nang makita ko muli sila, matapos ang mahabang panahon. Malaki na talaga ang pinagbago namin. Lahat kami ay naging successful sa field na tinahak namin.

"Alfred! Hiiiii!!!!!" tili ni Jen. Isa siyang Accountant sa isang kilalang accounting firm. Sa aming tropa, siya ang pinakabata sa amin.

Sinuklian ko naman ang kanyang yakap habang malawak ang aking ngiti.

"Hi Jen. Kumusta na?"

"Heto. Kaka promote pa lang sa trabaho. Isa na akong Senior Accountant," pagku-kwento niya.

"Naks congrats!"

Gumala naman ang aking tingin sa isang chinitong lalaking nasa likod ni Jen. Ito ay walang iba kundi si Shotaro. Siya ay half-Japanese, half-Filipino. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng English sa Japan.

Si Shotaro ang pinakagwapong lalaki sa batch namin, kung kaya't maraming nahulog sa kanya. Ngunit, nahulog siya sa isang babae. Tama ang hinala niyo. Walang iba kundi si Lisa, na isa ring guro sa Japan.

Sila ang couple na pinagkakaguluhan ng batch namin noon. It's no surprise na naging sila sa huli. Kakakasal lang nila tatlong buwan na ang nakakalipas. Unfortunately hindi ako nakadalo dahil sa busy work.

"Shotaro! Lisa! Kumusta kayo?" sabay abot ng kamay. Iniabot nila ito at isa isang niyakap ako.

"Okay naman kami! Medyo busy sa pagtuturo," nakangiting saad ni Shotaro.

"Sorry ahh kung hindi ako makadalo. We're so very busy at that time," sabi ko na may halong lungkot.

"It's okay Alfred! Though we appreciated your gift for us," sabi ni Lisa.

Ngnitian ko siya at niyakap.

Samantalang sina Rose at Renz, naging successful naman sila sa kanilang field. Si Rose ay isang guro sa isang pribadong paaralan dito sa Pilipinas. Si Renz naman ang Vice President for Operations na kanilang kumpanya.

Habang abalang magkumustahan, nagsimulang nagsalita ang emcee, hudyat na magsisimula na ang programa.

Napuno naman ng kasiyahan at tawanan ang nasabing programa. Isa-isang inalala ang mga pangyayari noong kabataan namin. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin maalis sa aking pakiramdam ang lungkot.

Bandang 9:30 nang gabi natapos ang programa, ngunit hindi dito nagtatapos ang kasiyahan. Nagpatuloy ang party hanggang hatinggabi.

Ilang minuto bago ang hatinggabi, nagtipon-tipon kaming magbabarkada sa labas ng gym. Bawat isa sa amin ay may dalang bulaklak.

'"Are you guys ready?" malungkot na tanong ni Lisa.

Tumingin sila sa akin para hintayin ang aking hudyat. Masakit man sa aking looban ay kailangan kong harapin ito. Marahan lkong tumango at nagsimulang tahakin ang daan patungo sa lumang botanical garden.

Dalawampung taon na ang nakakalipas matapos ang malagim na trahedya.

********************

20 years ago.

Noong gabing iyon, dalawampung taon na ang nakakaraan, nasa greenhouse ako ng Botanical Garden. Kahit gabi na ay abala pa rin ako sa pag-aayos ng mga pananim. Hanggang sa may bumulaga sa akin.

"BULAGA!"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong paso.

"AY NAKU PO!" bulalas ko.

Tinignan ko si Marco nang masama at akmang hahampasin ko ng hawak kong paso. Agad namang siyang umiwas at tumawa.

"Uyy chill!" pabirong sabi niya.

Nakabusangot kong binalikan ang aking ginawa. Tumawa siya nang mahina at niyakap ako.

"Awww. Wag ka nang magtampo sa akin," maanong sabi niya. "Sorry na love."

Sinubukan kong bigyan siya ng masamang tingin, ngunit nabigo ako. Sa kalaunan, hindi ko napigilan ang aking kilig. Humarap ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Matitiis ba kita?" malambing kong sabi.

Kumalas ako sa pagkakayakap at binigyan ko siya ng isang panandaliang halik sa mapupula niyang labi. Nginitian ko siya at bumalik sa aking ginagawa.

"Ano 'yang ginagawa mo love?" tanong nito. Tumabi siya at pinagmasdan ang aking ginagawa.

"I'm just grafting this plant," sabi ko habang abala sa pagputol ng isang branch.

Kuryusong niyang pinagmasdan ang tamin na aking pinutol.

"Anong tanim yan?" tanong nito.

Pinakita ko sa kanya ang scion na hawak ko.

"Ito ay ang night-blooming jasmine o yu g tinatawag nilang dama de noche," sabi ko.

Habang sinisimulan ko ang pag-graft, nagsalita muli ako.

"Spanish word ang dama de noche, na ibig sabihin ay 'Lady of the Night'. Usually itong namumulaklak sa gabi. Kapag namulaklak ito, nagbibigay ito nang magandang amoy," paghihiwatig ko sa kanya.

Tumango naman siya bilang tanda na nakuha niya ang aking mga sinabi.

"Tamang tama ang punta mo dito. Nagsimula na silang mamulaklak."

Agad naman naming nasagap ang amoy. When in bloom, the flowers release a scent of sweet perfume.

"Alam mo bang tinatawag nila itong bulaklak ng mga patay?" tanong ko sa kanya.

"Talaga?"

"Yup! Noong bata kami, sa tuwing umuuwi kami sa probinsya, lagi naming naamoy ito. Ang kwento ng grandparents namin, sa tuwing namumulaklak at naamoy ang scent nito, bumibisita daw ang kaluluwa ng mga yumaong mahal natin sa buhay,

"Kaya everytime na naaamoy ko ang dama de noche, it gives me a reminder na palaging nadyan ang mahal natin sa buhay. Kaya paborito ko itong bulaklak," pagkukwento ko.

Napanguso at tumango siya bago nagsalita.

"Ganyan din kwento ng grandparents ko. Nakakamangha din pala ang bulaklak na ito," sabi nito.

Tinuloy ko ang aking ginagawa habang tutok siya sa ginagawa ko. Nang matapos, inilagay ko muna ito sa tabi at humarap sa kanya.

"Love, tapos na po," sabi ko.

Ngunit pagharap ko ay naka-idlip na pala ito. Ngumiti ako at marahang ginising ang natutulog kong nobyo.

"Love?"

Minulat niya ang kanyang mga mata at nag stretch.

Cute.

"Sorry love," antok na sabi nito. "Tapos ka na ba?"

I shook my head.

"Hindi pa love. May aayusin pa muna ako. Pero kain muna tayo, nagugutom na ako," sabi ko.

Sabay kaming tumayo at lumabas sa greenhouse.

Kumain kami sa bukas na cafe na malapit sa campus. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga academic matters namin.

Nang matapos kami, naglalakad na kami pabalik sa botanical garden nang may naaninag kaming usok na nagmumula sa isa sa mga greenhouse: greenhouse na kung saan nakatago ang mga dama de noche.

"Yung dama de noche!" tumakbo ako papalapit, in hopes of retrieving the plants inside. Ngunit pinigilan ako ng aking nobyo.

"Love! Huwag! Delikado!"

"Pero love! Yung mga dama de noche! Kailangan kong sagipin!"

Tumingin ang aking nobyo sa nasusunog na greenhouse, na ngayo'y kumakalat na sa ibang parte ng botanical garden.

"Ako na lang kukuha ng mga yun! Humanap ka ng tulong para mapigilan ang pagkalat ng apoy," sabi nito.

Bago pa man ako maka-react ay tumakbo na siya papasok.

Without wasting a minute, tumakbo ako para humingi ng tulong.

"TULONG! TULONG! NASUSUNOG ANG BOTANICAL GARDEN!" sigaw ko.

May mga estudyante at ilang guard ang nakarinig sa aking saklolo. Agad naman silang sumunod sa botanical garden. Ngunit, bago pa man makarating, biglang sumabong ang greenhouse.

Napatigil ako at pinanood ang nasusunog na botanical garden, habang nasa loob pa ang aking nobyo.

In my mind, alam kong buhay pa siya. Nagbabakasakaling nakalabas na siya bago pa sumabog ang greenhouse. Ngunit alam ng puso ko na imposible iyon mangyari. Na wala na ang aking nobyo.

"MARCOOOOO!!!!!" sigaw ko.

Akmang tatakbo sana ako nang pigilan ako nina Alfred at Shotaro. Nagpupumiglas ako hanggang sa kalauna'y napaluhod ako at binalot ng matinding sakit.

Sunod na dumating sina Rose at Lisa. Wala na silang magawa kundi sumigaw at umiyak.

********************

20 years later.

Bakas pa rin ang sakit ng nakaraan, dalawampung taon na ang nakakalipas. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng kahapon.

The moment I stepped inside the old greenhouse, the memories flashed in my mind. Unti-unting namumuo ang mga luha sa akong mga mata. Hanggang sa hindi ko nakayanan ang matinding pighati. Tuluyan akong naupo sa sobrang sakit.

Naramdaman kong may humaplos sa aking likuran. Nilingon ko kung sino ito.

Si Rose.

Magmula noong magkakilala kami ni Marco hanggang sa huli, nariyan siya para damayan ako. Saksi na siya sa lahat ng hirap at ginhawang hinarap namin ni Marco.

Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit. Walang isang nagsalita sa amin. Hinayaan nila akong humagulhol hanggang sa mahimasmasan ako.

Nang mahimasmasan, kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap ang lumang greenhouse.

Tinignan ko ang pulang rosas na hawak at 'tsaka ko ito nilapag.

"Happy 20th Death Anniversary, my love," malungkot na sabi ko.

Isa-isang nilapag ng aming kaibigan ang dala nilang mga bulaklak. Nanatili kami doon ng ilang oras hanggang sa napag-desisyonan naming umuwi na.

Nagpa-iwan ako nang ilang minuto.

"Sige na guys. I'll follow. I just need a moment," sabi ko.

Tinanguan nila ako at isa-isa silang nauna. Tinapik ni Alfred ang aking balikat at sumunod sa grupo.

Humarap muli ako sa greenhouse. Hinayaan kong manaig ang katahimikan bago ako magsalita.

"Thank you love, for everything. Masakit sa akin na tanggaping wala ka na talaga sa piling ko."

Muling namuo ang luha sa aking mga mata.

"Ever since that day, nagbago na ang lahat sa akin. Pero ang pagmamahal ko sa'yo na nananatili pa rin sa aking puso.

"I missed those moments na lagi tayong magkasama sa lahat ng bagay. Those moments na lagi tayong nag-aaway, pero sa huli naglakabati.

"Laging ikaw ang laman ng puso't isipan ko.
Kahit magbago man ang panahon, hindi pa rin nagbabago ang feelings ko para sayo.

"I hope you're in a happy place love. Ipinagdarasal ko sa Panginoon, na sana magkita tayong muli.

"So this is not goobye, it's simply till we meet again love."

Pinahid ko ang aking mga luha at nagsimulang maglakad nang maamoy ko ang isang pamilyar na amoy: ang Dama de Noche.

Inikot ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang bulaklak nito, katabi ang mga bulaklak na inialay namin.

As the petals bloom, the scent gets stronger. Napaluha ako sa sobrang galak.

I know deep down, he is around me somewhere, watching over me.

I smiled.

"Hello love."

THE END.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top