Kabanata XXXIII

Dumating si Matty ng bahay bandang alas onse na ng umaga. Sinakto niyang may pananghalian na para makalibre siya ng lunch, total naman daw nakikisuyo ako nang walang gas money, makikikain na lang daw siya. "That's the least that you can do," sumbat niya saakin.

Bago kami makaalis ng bahay ay nagbilin muna si mama. Seryoso ang tingin na kinausap niya kaming dalawa, pero mas si Matty kaysa ako. "Matty, iuwi mo yang anak ko bago mag-alas siete ng gabi."

"Iba talaga kapag dalaga ang anak," pabirong komento ni Matty.

Agad naman iyong sinabayan ni papa, "Kapag na-late yan Matty, sainyo ko na yan patitirahin. Asawahin mo na nang magtino."

Mapagbiro talaga si papa, pero minsan lang siya kung magsalita. Kaya madalas napagkakamalang suplado dahil sa matao ay 'di siya gaanong nag-iingay. Ang totoo nga niyan ay sa amin lang na mga kakilala niya siya kung magbiro ng gan'to.

"Naku, tito! Mukhang mahirap yon, 'di pa legal ang same sex marriage sa bansa." Pabalik na biro ni Matty. "Kung ba't naman kasi pinaiiral ng mga mambabatas ang pansarili nilang pananaw imbes na ang konstitusyon."

Bago pa humaba ang kanilang usapan ay hinila ko na siya palabas ng pinto. Nagpaalam na kami't nagsimulang maglakad papunta sa kanyang sasakyan. Mukhang bagong ligo iyon, lalo na dahil nung huli ko itong nakita ay punong-puno pa iyon ng alikabok mula sa mahabang pagmamaneho. Napahinto ako sa aking paglalakad, huminga nang malalim, at sinubukang burahin sa isip ang mga ala-alang dala ng sasakyan. Erase! Erase!

"Oh, anong problema mo?" Nagtatakang usisa ni Matty habang binubuksan ang kanyang pinto.

"Wala!" Depensib kong sagot.

Napangiti na lang. Bago pumasok ay nagkibit-balikat siya't kumanta, "Memories bring back memories bring back you."

Napa-irap na lang nga ako. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang bigla kong narinig ang aking pangalan. Pamilyar ang boses at nang lingunin ko ang pinanggalingan ay agad na kumulo ang aking dugo. At may lakas pa talaga siya ng loob na magpakita saakin.

"Aiken! Wait up!" Sigaw ni Paula, naghahabol saakin.

Panandalian kong pinag-isipan kong makikinig ba ako sa kanya, o magpapatuloy na sa paglalakad. Pero bago pa ako makapag-desisyon ay nakahabol na siyang hingal na hingal na hinawakan ako sa braso. Naghahanap ng aalalay sa kanya upang 'di matumba sa pagod mula sa pagtatakbo.

"Ano yon, Pau?" Agad kong pinagalitan ang sarili kong isip. Ano pa ba ang silbi na tawagin siya sa kanyang palayaw, e 'di ko na rin naman siya talaga kaibigan.

Hingal na hingal ay hinarap niya ako sa kanya. Si Pau ang tipo ng babaeng walang problemang banggain ang mga patuto ng isang tao. "I heard what happened."

Napaatras ako. Gusto ko sana siyang tanungin nang "ano naman sa'yo", pero mas minabuti ko na lang na manahimik at hintayin siyang magpaliwanag.

"I'm so sorry," bigla siyang natahimik. Bumagsak din ang hangin sa pagitan namin. Siguro dahil sa gulat ko ay wala akong masabi. "People talk. Small town. Pasensya ka na, at mukhang 'di nakatulong na narinig ni T'ya Amanda ang tungkol sa Sorsogon. 'Di ko naman iyon talaga sinasadya, nagkataon lang na nadaanan niya kami ni mama."

Wala pa rin akong masabi. Sa mga sandaling ito ay batid ko ang pagbaba ng bintana ng sasakyan, at ang pagtitig ni Matty saamin. "'Di mo naman kasalanan yun, Pau," sinabi ko na lang. Kahit papano ay gumaan ang dibdib ko na marinig siyang nagpapaliwanag. Sinong mag-aakalang kailangan kong marinig ang paghihingi ng tawad ni Paula.

"I just wish I didn't cause that drama. Don sa beach."

"Hayaan mo na yon, Pau."

"No, really! I'm sorry." Bumunot siya sa kanyang bulsa. Ilang segundo ang tinagal noon habang hinahanap niya kung anuman ang nais niyang ipakita. "I hope you don't mind me giving you this," inabot niya ang isang kwadradong papel. Maliit iyon at matigas. At 'di ko na kailangang inspeksyunin iyon dahil alam ko na agad na isa iyong calling card. "I hope that you won't take offense, pero this is a free psychiatric consultation, and it might help."

Nung una ay 'di ko muna iyon kinuha. Pinagmasdan ko muna iyon, na para bang mapapaso ako kapag hinawakan ko iyon. Pero naalala kong sariling katigasan ng ulo ang nagdala saakin sa gan'tong posisyon. Nag-aalangan pa rin ay kinuha ko iyong papel.

"Thank you," wika ko.

"She's helped me with my addiction to alcohol din," nahihiya niyang pag-amin.

Nang marinig iyon ay agad na nanlambot ang loob ko sa kanya. Sinong mag-aakala? Wala nga talaga sigurong mukhang pinipili ang alcoholism. Wala sa sarili ay inabot ko ang kanyang kamay at pinisil iyon. Sabay kaming napangiti sa isa't-isa.  "Salamat, Pau."

"Sige na, at mukhang kanina pa nakatingin saatin si Matty." Ngumuso siya sa direksyon ng sasakyan, at kumaway.

'Di na hinintay ang aking pagpapaalam ay naglakad siya papalayo. Pinagmamasdan ang kanyang likod, ay napabuntong hininga na lang ako. Kapag gan'tong sobrang dami akong nararamdaman ay nararamdaman ko ang kagustuhang uminom. Pero kahit papano'y napipigilan ko ang aking sarili, at ngayon ay natutukoy ko nang hindi iyon tama.

"Ano yon?" Agad na tanong sa akin ni Matty sa pagpasok ko ng sasakyan.

"Ang tsismoso mo talaga kahit kailan, Matty."

Umirap siya. "Malay ko ba, sa tagal nang 'di kayo nagpapansinan, ngayon lang ata ulit yon. Kaya I need to know what is happening."

Umandar ang aming sinasakyan at napatingin ako sa malayo. Hawak hawak ko pa rin ang calling card ng psychiatrist, dinadama ang gaspang ng papel nito. Aakalain mong sa oras na may mag-alay ng tulong ay agad mo iyong susunggaban, pero heto ako't napapaisip kung kakayanin ko ba itong panibagong hakbang. Tila ba mas naging seryoso ang problemang aking kinakaharap, pero kasabay nito ay alam kong ito ang dapat na gawin. Ang humingi ng tulong sa nakakaalam.

"Free psychiatric consultation," sagot ko kay Matty nang pinapakita ang papel sa kanya.

Saglit na tumingin sa calling card si Matty, pero agad naman niyang ibinalik sa kalsada ang tingin. "That's good, right?"

"Yes, I think so."

"Bakit naman may 'think' pa."

Nag-isip ako. "Kasi ... well, kasi, healing is long and arduous. At sobrang uncomfortable. Kakayanin ko ba?"

Hindi agad nagsalita si Matty. Mahaba-habang katahimikan ang yumakap saaming dalawa. "Would you rather stay this way?"

At tila 'di na kailangan pang bigyang boses ang sagot, alam naming dalawa na iisa kami ng iniisip. Nagpatuloy ang pagmamaneho ni Matty nang 'di na binalikan ang ganitong usapan. Bagkus ay pinag-usapan na lang namin ang sumisibol na relasyon nila ni Charlie, at paminsan-minsan ay nag-bibiruan tungkol sa mga kaklase namin noong elementarya. Matapos ang dalawang oras na pagbabyahe ay nakita na namin ang rooftop na noong una'y pinagtatambayan ko lang.

'Di pa nga nakaka-apak sa sahig ng apartment ay dama ko na ang kaba. Agaran ang pag-bulusok ng mga katanungan at pagdadalawang isip. Paano kung naandyan si Lucas? At paano kung magkita kami? Sa ilang araw na iniiwasan ko ang kanyang texts at tawag, anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? Kung dedmahin ko na lang kaya siya? Pero kakayanin ko ba iyon?

"Ready ka na ba?" Tanong ni Matty, siguro ay dama ang aking pagdadalawang isip.

"Naandito na tayo, ano pa nga ba," kunyareng pagkikibit balikat ko, pero ang totoo'y punong puno ako ng kaba.

Huminto kami sa harap ng apartment at sabay na pumasok. Kulang na lang ay maglakad ako sa aking mga daliri sa paa para lang walang magawang ingay. Kung maaari ayoko sanang makita si Lucas, para naman iwas konprontasyon na rin. Iwas gulo. Nang maabot namin ang pinto, ay napahinga ako nang malalim. Pero sa kabilang dako ay nakaramdam pa rin ako ng pagkadismaya. Ang tagal nang 'di ko nakikita si Lucas, at kahit na ayaw ko sana siyang makausap, may maliit na parte saakin na gusto siyang masulyapan man lang.

"Akala ko ba ayaw mo makita?" Napansin siguro ni Matty ang pag-iikot ko ng aking mga tingin.

"Anong pinagsasabi mo?" Pagmamaang-maangan kong wika.

"Ang sabihin mo, miss mo na."

Napayuko ako, tinutuon ang buong atensyon sa pagbubukas ng pinto. "Sino?"

"Ay huwaw! Sino ka dyan? Amnesia girl?"

Nang mabuksan ang pinto ay agad akong pumasok upang makaiwas sa kanyang mga tanong. Pero bago pa ako tuluyang makapasok ay pinigilan na ang boses ng isang lalaking 'di ko akalaing maririnig ko pa. Pareho pa rin iyong malalim, pero ang pinagkaiba lang ngayon ay puno iyon ng emosyong 'di ko lubos matukoy.

Napatda ako sa aking kinatatayuan, pati si Matty ay 'di malaman ang gagawin.

"Aiken! Humarap ka sakin!" Galit ang kanyang boses.

Pagsasarhan ko na sana siya ng pinto pero agad niya iyong pinigilan. Pinagmasdan lang kami ni Matty habang naglalaban ang aming mga titig.

Ang makita ang kanyang mukha, kahit na galit iyon, ay pumupukaw ng ilang 'di maintindihang damdamin saakin. Para iyong mga asido sa tyan na umaangat hanggang lalamunan. Gusto ko siyang yakapin, pero gusto ko rin siyang pagdabugan. Sa tuwing maaalala ko ang masasaya naming araw ay agad iyong napapalitan ng mukha ni Janine, ang sakit sa kanyang mga mata. Ang pighating makitang may iba ang kanyang nobyo. At maalala ko na ang galit na naramdaman ko rin. Iyong maloko, at gamitin nang walang kaalam-alam. Pero gusto ko pa ring hagkan niya ako. Nais ko pa ring maramdaman ang lakas ng kanyang braso, gusto kong maramdaman ulit iyong seguridad na pinaramdam niya saakin noon.

"Why are you not returning my calls?" May pagdedemanda sa kanyang boses.

"Lucas, alam natin pareho kung bakit."

"Oh? Talaga? Go on, then. Tell me."

Nakaharang pa rin siya sa pinto, at sa gan'tong pwesto ay mas ramdam ko na ang tingin ni Matty sa amin. Bigla akong nahiya, kaya sa halip na sagutin si Lucas ay si Matty ang aking kinausap. "Matty, this won't take long," pagpapaalam ko. At bilang sagot ay nakatanggap ako ng tango.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top