Kabanata XIX

Tuluyan na ngang lumubog ang araw at ang kanina lang na maliwanag na langit ay punong puno na ng bituin ngayon. Nagpatuloy kami ni Lucas sa paglalakad kahit na parehong basang basa na ng tubig dagat. Huminto lang kami sa paglalakad ng maabot na namin ang isang pwestong sigurado kaming hindi na aabutin ng karamihan.

Kasabay ng pagdilim ng kalangitan ay ang pananahimik din naming dalawa. Ang kaninang tawanan at halakhalakan ay napalitan ng hampas ng mga alon sa dalampasigan, at ng mahinang tugtugan mula sa malayo. Wala muna saaming umimik hanggang sa napagkasunduan naming magpahinga muna saglit bago bumalik.

Sa aming pagpapahinga ay napagdesisyunan naming umupo muna sa buhangin. Ang mga butil nito ay nagsisidikitan sa aming basang balat at mga damit.

"Ken," panimula ni Lucas. Ang kamay ay nasa likuran ko. "If you don't mind me asking, nung una tayong nagkita, don sa rooftop, what were you doing?"

"Bukod sa umiinom?" Nakangiti kong tanong.

"Yes, bukod sa umiinom."

"Stargazing." Simple't maikli kong sagot.

"Oh? Wow! Siguro expert ka when it comes to stars and constellations."

Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Ang tingin ko'y nasa 'di matukoy na linyang tagpuan ng langit at karagatan. "Hindi, no. Ni hindi ko nga matukoy kung alin ba talaga d'yan ang big dipper. O, kahit 'yong small dipper." Inalis ko ang pagkakasandal ng ulo ko't tumuro sa kalangitan. "Ang alam ko lang, basta may mukhang rosaryo na isa."

Tumawa si Lucas sa sinabi ko. Ang tunog ng kanyang halakhak ay agad na sumabay sa ihip ng hangin. Para siguro mas makita ang mga bituin, humiga siya sa dalampasigan at nagsimulang ituro ang ilan sa mga constellations na alam niya. Tumabi na rin ako sa kanya, ang kanyang braso'y nagsilbing unan ko. Sinusundan ko ang kanyang daliri habang sinusubukan niyang iguhit ang hugis ng bawat hugis ng pinagsasamang bituin na alam niya. 'Di ko man makuha ang mga tinutukoy niya, sapat na ang interes niya sa gan'tong usapan para mamangha ako sa kanya.

Ang gwapo talaga ni Lucas, yan ang tumatakbo sa isip ko. Siguro'y colonial mentality ito, pero ang kanluranin niyang mukha ang isa sa mga dahilan kung bakit madali sa kanyang mabighani. Pero ngayong tinuturo niya saakin ang mga alam niyang hugis ng bituin, para bang mas nahuhulog ako sa kanya. Mas nagugustuhan ko siya't mas nais kong mas makilala siya.

Gamit ang aking mga tingin, sinundan ko rin ang paggalaw ng kanyang mga labi. Sa kabuoan ng kanyang mukha, ang labi niya siguro ang 'di ko maiwasang titigan. Hindi tungkol sa mga bituin ang gusto kong malaman. Ang gusto kong totoong alamin ay ang taglay na mga kaalaman ng kanyang mga labi. Gusto kong turuan ako nito kung saan dapat pumunta ang isang halik, at kung saan dapat huminto.

"Mukhang 'di ka naman interesado sa constellations," humarap siya saakin.

Sa unang pagkakataon ay nangahas akong huwag lumayo. Hinayaan kong dumampi ang aming mga ilong, at hinayaan kong hamunin ang aming distansya. Hindi ko rin ibinaling ang aking mga tingin, bagkus ay pinanatili ko iyon sa kanyang mukha. Alam kaya ni Lucas kung ano ang nais kong ipahiwatig? Alam kaya niya ang panibagong pangangailangang nabubuo sa aking katawan?

Humugis ang isang ngiti sa kanyang mga labi, at wala akong ibang magawa kundi ang suklian din ito ng kakaibang ngiti.

"Ang sexy mo pala magturo tungkol sa mga stars," pabiro kong sambit, subali't halos lumabas itong isang hininga lang mula sa aking dibdib.

"Mukhang hindi ka naman nakinig," nakangiti niya ring sabi.

Gan'to ba talaga kapag nagkakagusto sa isang tao? Puro ngiti lang ang namumutawi sa mukha.

"P'wede mo bang ulitin?"

Mas lumawak pa ang kanyang ngiti. Sa halip na iturong muli ang guhit ng mga konstelasyon ay umikot ang kanyang katawan paharap saakin. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at pinagmasdan ko iyong mamasa at unti-unting makawala sa kanyang ngipin. Hindi ko alam kung may marikit na paraan upang ilabas ang aking nararamdaman, pero kung mayroon man, naunahan na ako ng palamura kong parte.

Mas lumapit ang aming mga mukha. Para bang sinusubukan muna ni Lucas ang tubig, inaalam kung dapat ba niyang ipagpatuloy ang binabalak. Upang sagutin ang kanyang tanong ay ako na ang nagsara ng aming agwat.

Sa isang sabik na sabik na sandali ay tuluyan ko na ngang binagtas ang natitirang espasyo sa pagitan namin. Ang mga labi nami'y nag-isa hanggang sa nagsimula iyong gumalaw. Sinusundan ang kanyang ritmo ay iginalaw ko rin ang aking mga labi, ang bawat paglapat ay mas idinidiin namin ang aming mga mukha. At nang akala ko'y wala nang ilalalim pa ay naramdaman ko ang dila niya sa aking bibig. Hindi ko inaasahan ay kinagat niya rin ang aking ibabang labi pero agad niya ring hinalikan agad. Ang mahapding sensasyon ay agad na napalitan ng kakaibang pakiramdam.

Sa isang swabeng galaw ay natagpuan ko na lang sarili ko sa ibabaw niya, ang hubog ng kanyang katawan ay damang dama ko sa ilalim ng aking bigat. Ang braso niya'y pumulupot sa akin hanggang sa mas dumidiin na ang aming mga katawan. Mas nararamdaman ko rin ang pareho naming pangangailangan.

Naghiwalay lang kami mula sa aming halik nang pareho kaming naghahabol na ng hininga. Sa tagal naming magkadikit, halos mahilo ako nang hindi na iisa ang aming mga katawan.

"Ibang klaseng stars pala gusto mong makita," banat ni Lucas habang nakaupo ako sa kanyang hita.

Tumatawa ay tinampal ko ang kanyang dibdib. Paano ko ba sa kanya sasabihing matagal na panahon ko na nais malaman kung anong pakiramdam ng kanyang mga labi? At ngayong naranasan ko na, gusto kong ulit-ulitin hanggang sa wala na kaming ibang ginagawa kundi ang maghalikan.

Nang akala ko'y tapos na ay naramdaman kong gumapang ang mga palad ni Lucas papunta sa aking hita. Umakyat ito sa aking likuran hanggang sa ang pwersa nito'y lumipat upang agapan akong hindi mahulog sa paggalaw ng kanyang katawan. Swabe't halos 'di mo napansin ay nakaupo na rin si Lucas pero nanatili pa rin akong nakapatong sa kanya.

Nakatingin pa rin siya saakin, at pareho kaming malawak ang ngiti. Walang pagsisising dumating, at mukhang wala na rin sa kanya kung may makakita saamin sa mga sandaling ito. At hindi ko alam kung dapat ko ba iyon ikagalak o ikatakot?

"Bakit ngayon lang natin 'to ginawa?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Napahalakhak naman siya. At imbes na sagot, lumapit muli ang kanyang mukha saakin. Nang akala ko'y isang mapusok na halik na naman ang aking kakaharapin (hindi ako nagrereklamo), ay malalambot at mararahang labi ang lumapat sa aking mukha. Hinalikan niya ako sa noo, sa ilong, sa magkabilaang pisngi, at maging sa baba. Nagsimula ring maglakbay ang kanyang mga labi sa aking leeg pababa sa aking dibdib at bumalik sa aking mga labi.

Sinubukan ko sanang mas idiin pa ang aming halik pero pinigilan niya iyon gamit ang isang ngiti. Nang maintindihan ko na ang nais niyang galaw ay bumalik ang kanyang mga halik. Ang kanyang kamay ay nagsimula ring kilalanin ang bawat kurba ng aking katawan. Ang init ng palad niya'y pumasok sa aking polo at dinama ang aking likuran pababa sa itaas ng aking pwetan.

At ganon din ang ginawa ko sa kanya. Dinama ko ang kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan. Gusto ko sanang mas ibaba pa iyon subalit alam kong hindi pa ito ang panahon. Kahit na nararamdaman ko na ang parehong pangangailangan namin, alam kong hindi pa iyon ngayon.

Naghiwalay muli ang aming mga mukha. Namamaga na ang kanyang labi, at maaaring pati rin saakin.

"Can I claim you?" Mapang-akit na tanong ni Lucas saakin.

"Hindi pa ba ako sa'yo?" Tanong ko pabalik.

Hindi ko naintindihan ang kanyang tanong kaya nang ilapat niya ang kanyang labi sa aking dibdib ay halos mabaliw ako sa kakaibang pakiramdam. Sa parteng kaya itago sa polo ay kinagat niya ang aking balat at sinimulan sumisipsip. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa hanggang sa namula na ang parteng iyon ng aking balat.

"Unfair naman, dapat ako rin," patawa-tawa kong sambit.

At hinayaan niya akong diskubrehin ng aking bibig ang kanyang katawan. Tinikman ko ang kanyang balat mula sa kanyang leeg hanggang sa kanyang dibdib. Muli kaming bumalik sa aming pwesto kanina at ginawa ko ang kanyang ginawa sa natatago ring parte ng kanyang katawan.

Kontentado sa aking obra ay tinignan ko ang pamumula ng parteng iyon ng kanyang dibdib. Nakangiti ay tumingin ako sa kanya at doon ko lang napansing kanina pa pala siya nakatitig saakin.

"God, Aiken," pabulong niyang wika. "God, you're beautiful."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top