Kabanata X
Sigurado akong wala akong balat sa puwet, kaya kung may dapat mang sisihin sa kamalasan namin, si Lucas 'yon. Siguro'y parehong pisngi ng puwet niya'y may balat kung kaya't sa kalagitnaan ng kagubatan ay nasiraan kami ng sasakyan. Walang ibang taong dumaraan, at mas lalong walang signal na nahahagilap.
"Gago! Nag-overheat!" Binuksan ni Lucas ang hood ng sasakyan at sinalubong siya ng kumpol ng mainit na usok.
"Alam mo ba kung pa'no yan kumpunihin?"
"Ikaw ang engineering sa'tin hoy!"
"Ni hindi nga ako marunong magmaneho."
"Weh?"
Inirapan ko siya. "Hindi lahat ng tao may kotse para matutong mag-drive."
"Fair point."
Tahimik naming pinagmasdan ang patuloy na pag-usok ng sasakyan. Kung bakit ba namang naisipan nitong kotse na piliin ang oras at lugar na 'to para magpakitang gilas ay 'di ko alam. Kung p'wede lang sigurong makipag-away sa isang bagay ay malamang ginagawa ko na ngayon.
Nakapamewang na sinusuri ni Lucas ang mga parte ng makina, sinusubukang alamin kung ano ang sira. Ayon sa kanya, maraming p'wedeng dahilan kung bakit nag-o-overheat ang sasakyan. At sa estado ng sasakyan ni Matty, parang lahat ng rason na 'yon ay nangyayari all at once.
"Sigurado akong hinihintay na ni Matty yung wrist bands," sabi ko habang tinataas taas ang cellphone para makasagap ng signal at makapagsend ng text kay Matty.
Matapos na maingat kalikutin ang hood ay napahalukipkip na lang si Lucas sa harapan nito. "Mukhang 'di na 'to kaya ng powers ko, Ken."
"Oh, e di pa'no tayo niyan?"
"I'm sure may dadaang sasakyan dito sa'tin! P'wede tayong magpatawag ng mekaniko, o 'di kaya'y makisakay."
"Iiwan natin 'to?"
"Babalikan din naman agad."
Sa pagkakasalubong ng mga kilay ni Lucas, alam kong wala na talaga kaming magagawa. Kaya sa halip na magpumilit ay tumango na lang ako't umupo sa gilid ng kalsada. Wala naman akong alam sa kotse at kung paano ito tumatakbo. Ang alam ko lang ay teorya, ngunit sa totoong bagay ay 'di ko naman alam kung ano ang mga parte nito. At mas lalong 'di sakin malinaw ang gampanin ng bawat parte.
"Shit!" Biglang umalingawngaw ang malutong na mura ni Lucas.
"Oh! Anong nangyari?"
Nagtataka ay nilapitan ko siya sa pwesto niya. Ngunit, agad naman akong napatigil sa aking paglalakad nang 'di inaasaha'y hubarin niya ang kanyang damit. Parang gamugamó sa apoy ay napatda ako sa aking kinatatayuan hanggang sa 'di maiwasan ng aking paninging lakbayin ang kanyang katawan.
"Grasa," maikling paliwanag niya. Itinaas niya ang kahuhubad lang na sando upang ipakita saakin ang itim na nakaguhit sa kanyang damit.
"Hmm, oo." Bago pa kami magkailangan ay ipinukol ko ang aking atensyon palayo sa kanya. "Grasya, este, grasa!"
Pero kahit na ang mga mata'y nasa malayo, ang gawî ng aking utak ay pabalik sa pagkakahubog ng kanyang dibdib, pababa sa kanyang tila sinadyang nililok na t'yan, hanggang sa hugis V na nagtatapos sa garter ng kanyang shorts. 'Di rin pinalampas ng isip ko ang ilang tattoo sa kanyang likuran at sa kanyang tagiliran.
"Do you like what you see?" Pabiro siyang dumipa upang mas makita ko ang kanyang katawan.
Sa ginawa niyang 'yon ay alam kong namumula na ang mukha ko sa hiya. Ramdam ko ang pagtaas ng init mula sa aking dibdib papunta saaking tenga't pisngi.
"May mga tattoo ka pala," pag-iiba ko ng usapan at pag-iiwas na hubaran pa siya lalo gamit ang aking mga tingin.
"A oo." Umikot siya upang mas makita ko ang mga guhit sa kanyang balat.
"Eroplano?"
"Oo."
"Let me guess, dahil ba gusto mo mag-travel?"
Napaupo kaming dalawa sa gilid ng daan, kung saan may damo't anino ng kakahuyan.
"Not exactly. This actually symbolizes my lolo who passed away three years ago. Kaya eroplano kasi simula pagkabata, he always believed that I'm going places. Na magiging successful ako't may maabot sa b. Isa siya sa pinakamalaking supporter ko kaya nang namaalam siya ay ito ang pinatattoo ko."
Tumango-tango ako bilang panghalili sa kawalan ko ng salita. Sino ang mag-aakalang ang ganito kaliit na bagay ay may taglay na malalim na kahulugan? Sa kinukwento niya ngayon ay 'di ko maiwasang makaramdam ng kakaibang sense of pride. Labis kong ikinatutuwa na malaman ang bahaging ito ni Lucas, na para bang isang karangalan ang makilala siya sa ganitong paraan.
"Kaya siya nasa likod kasi paalala 'to saakin na, I have people behind me. That they got my back."
Hindi ko alam kung anong pumasok saakin at 'di ko napigilan ang sariling haplusin 'yong tattoo. Para bang nagkaroon ng sariling isip ang mga kamay ko dahil napansin ko na lang ang mga itong sinusundan ang pagkakaguhit ng eroplano sa balat ni Lucas.
"Sorry," paghihingi ko ng paumanhin. "Ang ganda kasi."
Nakangiti, ay kinuha niya ang kamay ko't inilipat sa isa niya pang tattoo sa tagiliran. Sa kanyang gabay ay sinundan muli ng aking mga daliri ang pagkakaguhit ng bawat baybaying letra. Sa bawat linya ay nararamdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng aking puso. Kung hindi lang sa kanyang pagkakahawak ay maaaring binawi ko na ang aking kamay dala ng tila pagkapaso sa init ng kanyang katawan.
"Tapang. Yan ang ibig sabihin niyan."
"Bakit tapang?" Tanong ko sa boses na 'di ko matukoy kung saan nanggaling.
"Well, dahil minsan nakakalimutan kong maging matapang." Mapait ang ngiting humarap siya saakin. "Paalala 'to na tatagan ang loob parati. A reminder to be courageous especially during difficult times, lalo na sa tuwing haharap sa kasalukuyan."
Hindi ko alam ngunit may tila kumalabit sa kwerdas ng aking puso sa sinabi niyang 'yon. Sa mga sandaling ito, hindi na lamang ang palabirong Lucas ang kaharap ko. Dahil sa mga sandaling ito, mas nakikilala ko siya sa paraang siguro'y iilan lang ang nakakaalam. Ipinapakita niya saakin ang lalim na 'di ko inakalang taglay niya. At gusto kong sisirin 'yon. Gusto kong mas kilalanin pa siya.
"Lucas, minsan ba'y naduduwag ka?"
"Lahat naman siguro tayo naduduwag, at one point or another."
Tama si Lucas. Lahat naman tayo naduduwag. Lahat tayo minsan ay kinukulang rin sa tapang.
Kung mayroon man akong natutunan sa loob ng dalawampung taon, iyon ay maraming punto sa buhay ng táong kakailanganin niya ng tapang. Lalo na dahil ang buhay ay punong puno ng kawalang kasiguraduhan. Maraming beses na ang mga pagpapasiya'y idadaan na lamang sa katatagan ng loob, dahil wala kang maabot sa kaduwagan.
"Ikaw ba, Ken? Kailan ka naduduwag?"
Napaisip ako, sinusubukang suriin ang sarili. Nasa malayo ang tingin ay sumagot ako, "All the time. Naduduwag kasi akong harapin ang kasalukuyan, lalo na dahil hindi ito ang pinangarap ko noon. Kumbaga, this is not how I envisioned my life would be."
"Talaga?"
Ibinalik ko kay Lucas ang aking mga tingin. Sinasalamin ng mapapait niyang ngiti ang parehong ngiti sa aking mga labi. Dapat siguro nito'y may kaharap kaming serbesa. Serbesa.
"Ba't ba gan'to ang usapan natin? Masyado namang maaga para maging gan'to kaseryoso."
Napakamot ng batok si Lucas, hindi inaasahan ang pagkasira ng buwelo ng aming pag-uusap. "Pambihira ka naman talaga, oo! Panira ng moment!"
Tinawanan ko na lang ang kanyang pagkadismaya. Ngunit sa loob loob ko, alam kong kani-kanina lang ay naduwag na naman ako. Sa halip kasing maging matapang sa pagharap ng sariling damdamin ay pinili kong sirain ang moment, ika nga ni Lucas. Mahirap ang hanapin ang tapang sa pagharap ng sariling mga takot.
"Alam mo kasi, ang mga gan'tong usapan dapat may alak na kasama," natatawa pa ring biro ko.
"Gan'on ba? Buti na lang pala't may dala ako. Teka!'
"Ano? May dala ka?"
"Oo! I came prepared!"
Tumalikod siya sandali at nang humarap ay nagpanggap na may hawak na bote ng alak. Inabot niya saakin ang isang serbesang gawa sa hangin at binuksan iyon. Bumubungisngis ay tinanggap ko rin 'yon at nagkunyaring umiinom.
"Grabe! Ang tapang naman nito!" Pagsakay ko sa biro.
"Hmm talaga ba? Patikim nga!"
Hinablot niya ang kamay ko't akmang nagkunyaring iinom. Ngunit, dahil sa 'di inaasahang lakas ng kanyang pagkakahatak ay napadagan ako sa kanya. Ang buong bigat ko'y biglang napapatong sa kanyang hubad na katawan. Ramdam na ramdam ko sa ilalim ko kung paanong tumibok ang kanyang dibdib, at kung paanong nag-iiba ang hugis ng kanyang pangangatawan.
Walang nakapagsalita agad, bagkus ay napatingin kami sa isa't-isa't nag-abang na may bumasag ng katahimikan. Subali't hindi 'yon dumating. Sa halip ay ngiting nakakaloko lang ang gumuhit sa kanyang mga labi, kasabay ng pag-gapang ng kanyang mga kamay at braso pa-ikot sa akin.
"Your body fits perfectly around my embrace," pabulong na wika ni Lucas.
Wala akong ibang nagawa kun'di ang pagmasdan ang kanyang mga labi. Kung paano ito gumalaw. Kung paano ito ngumiti. At kung paano nito kumintab sa kabasaan.
Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan siya? Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili. Siguro'y malambot ito't punong puno ng kaalaman. Imposibleng ang gan'to kagandang hugis ng labi ay ni minsa'y hindi pa nakakatikim ng halik.
Unti-unti ay mas nagiging conscious ako sa pakiramdam ng katawan niya. Hayaan na ang init. Hayaan na ang damo. At hayaan na ang kotseng nag-iinit sa likuran namin. Ramdam din kaya ni Lucas ang parehong consciousness na 'to? Na para bang sa unang pagkakataon ay mas maigting ang kamalayan kong lalaki si Lucas, at lalaki rin ako.
"Lucas," marahan kong bigkas ng kanyang pangalan. "May pangatlo ka bang paa? O, masaya ka lang talaga sa bigat ko?"
Hinigpitan niya lalo ang pagkaka-akap saakin kasabay ng ilang tawa. Akala ko'y maiilang siya, ngunit hindi. Tila ba'y mas nasiyahan pa siya't nanabik. "What are you doing to me, Ken?"
Upang pigilan ang aking ngiti ay napakagat ako sa aking labi, na ikina-engganyo naman niya.
"What am I doing to you, Lucas?"
"This," naramdaman ko ang haplos ng kanyang hininga sa likuran ng aking tenga. Kung alam niya lang kung ano rin ang ginagawa niya saakin.
"Do you want me to stop?"
Lumapit ang aming mga mukha. Ang tanging namamagitan na lamang saamin ay ang aming mga hininga't pag-aalinlangan.
"Do you want to stop?"
At tila bilang sagot ay nakarinig kaming dalawa ng pagtigil ng sasakyan saaming harapan. Karipas kaming napaupo at parehong hinihiling na 'di kami nakita sa ganoong posisyon.
"Bad time?" Natatawang tanong ni Matty.
Nagkatinginan kami ni Lucas, at kitang kita ko kung paanong nawala ang paninigas ng kanyang mga balikat. Tila ba'y nakahinga siya nang maluwag nang malamang tanging si Matty lang 'yon.
"Matty!" Masigla't nagtatakang tawag ko sa kanya. Pinagpagan ko ang sarili ko't lumapit.
"Na-receive ko yung text mo't agad akong dumiretso."
Nasend pala yung text ko kanina, hindi ko alam kung ikakatuwa ko ito, o hindi.
Naramdaman ko rin sa likuran ko ang pagtayo ni Lucas. "I'm sorry about your car. Hindi ko alam na mag-o-overheat siya, dapat pala pinagpahingahan muna namin bago kami bumalik."
"Ano ka ba! No worries, Lucas!" Natatawang sambit ni Matty. "Ganyan na talaga yan. May topak!"
At ganoon na lamang ay nalimutan na naming tatlo kung anuman ang nangyari kanina. Bumaba ang isang mekanikong dinala ni Matty, at ibinilin niya kami sa kaibigang may dala ng sasakyan.
"Mauna na muna siguro kayo. Baka gutom na rin kayo." Tinuldukan ni Matty ang sinabi ng kindat at mapanuksong tawa.
"Sigurado ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman! Dalhin niyo rin 'to!" Ibinigay niya saamin ang kahon ng wrist bands.
Tinanggap ko iyon, pero bago pa man ako makapasok sa loob ng sasakyan ay mahinang hinila ako ni Matty't bumulong. "Landi natin ah! May utang ka saking kwento!"
Na sinagot ko naman agad ng, "Mama mo, kwento!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top