DALAGA 90❀
HIGIT na sa umaasa ang nararamdaman ko. Pag-asa. Iyon ang namamayani sa puso ko.
Dahil sa pag-asa'y mas nagkaroon ako ng motivation na gumising bawat araw. Ipinagkait ng mundo ang maraming oras subalit tila bumabawi ito sa mga nagiging sunod-sunod na pagkakataon. Swerte? Tadhana? Siguro nga.
Basta ang alam ko, kailangan ko lang ng dalawang bagay: mahabang pasensya at passport.
Ang sabi kasi ni Deanna ay kauuwi lang ng partner niya nitong nakaraang linggo kaya sa susunod na dalawang buwan pa ulit 'to babalik sa kanya.
Isang buwan na ang lumipas at masigasig akong dumalo sa bawat klase ko araw-araw. Sinikap kong huwag ituon ang pansin sa hinaharap, pinilit kong i-enjoy ang mga klase kahit hirap na hirap ako sa ilang bagay.
Hanggang sa isang araw bigla na lang akong sinupresa ni Miggy, binalita niya na mabilis daw naproseso ng kakilala niya ang passport ko. Pero nadismaya lang ako nang hindi niya binanggit kung kailan niya ibibigay sa'kin.
Ayokong itanong dahil ayokong magduda siya o sila ni Ms. Adel na may binabalak akong tumakas pabalik ng Pilipinas. Kaya tinikom ko ang bibig ko. Hindi rin naman nila ako sinita tungkol sa pag-alis kong mag-isa noong araw ng Linggo na nakipagkita ako kila Deanna.
Mukhang totoo naman ang sinabi ni Miggy na hindi preso ang turing nila sa'kin dito. O sadyang wala silang bilib sa'kin na makakagawa ako ng paraan—dahil hindi nila alam, kakampi ko ang kapalaran.
Isang buwan na rin simula nang huli kong makausap sina Quentin at Deanna. Mukhang gano'n talaga ka-busy si Quentin at si Deanna naman ay walang pakialam para tawagan ako. Mainam na rin 'yon dahil nanatili silang lihim. Hindi ko alam ang mangyayari kapag nalaman ni Miggy na nandito rin sa Canada 'yung dati niyang kaibigan at ex-girlfriend.
Wala ring nagduda sa mga pinakita kong kilos. Ang nasa isip nila'y unti-unti kong natatanggap ang sitwasyon at dahan-dahan akong humahakbang para sa hinaharap. Sorry. Sorry kung hindi ko kayang tanggapin na magtatagal ako rito ng isang taon.
"You're doing great, Remi." Iyon ang puri sa'kin ni Miggy kahapon pagkatapos ng klase namin. Mabilis na kasi akong nakaka-pick up ng mga review lessons na tinuturo niya. Napansin niya rin siguro na attentive ako sa klase. Tama lang talaga na hindi ko siya kinukulit tungkol sa passport.
Wala si Ms. Adel ngayong araw ng Martes. May appointment daw kasi ito sa ospital, annual physical exam. Ang sabi sa'kin ng mayordoma'y pinapasabi raw ni Ms. Adel na magday off muna ako ngayong araw dahil tutal naman ay malaki raw ang naging improvement ko.
Kaya kinuha ko 'yong pagkakataon na 'yon para umalis. Nagpatawag ako ng taxi, hindi kasi available si Q sa araw na 'to dahil may iba rin siyang day job. Pagkatapos kong gumayak ay saktong dumating ang sasakyan.
Dama ko naman na kampante na 'yung mayordoma sa'kin dahil saksi rin siya sa mga naging pagbabago ko. Nagmature man ako sa paningin nila, mananatiling disi-otso ang pag-iisip ko na nagising sa katawan ng isang bente otso anyos.
Pamilyar ang driver sa address ng subdivision na tinitirhan ni Deanna kaya hindi na ako nahirapang magturo ng direkson. Nang tanungin kami sa guardhouse ay sinabi ko ang pangalan ni Deanna at tinawagan ito. Laking pasasalamat ko nang malamang nasa bahay ito at binigyan kami ng permisong tumuloy.
Nang huminto ang sasakyan sa harapan ng malaking gate ay saka ko lang napagtanto na wala akong dalang pera! Mabuti na lang ay pasensyoso ang foreigner na driver at naniwala naman siya sa paliwanag kong nakalimutan ko ang wallet ko.
Sinabi ko sa barok na ingles (dala ng sobrang kaba) na kakatukin ko muna 'yung kaibigan ko sa loob ng bahay para makahingi ng pambayad.
Nang magdoorbell ako'y sumagot sa'kin sa intercom ang isang kasambahay, kaagad kong pinatawag si Deanna at sinabi ang problema. As usual, hindi ako nakatakas sa pagtataray ni Deanna nang lumabas siya at nag-abot ng dolyar sa driver.
Pumanewang ito sa'kin. "My gosh, akala ko ba mas mayaman ka pa sa'kin? 'Tapos wala ka man lang pambayad ng cab?!"
"S-Sorry, Deanna, nawala talaga sa loob ko kasi... kasi si Quentin 'yung nagsundo sa'kin noong nakaraan."
Napabuga naman ito ng hangin. "Nai-stress ang ganda ko sa'yo. Pumasok na nga tayo!"
Nang makapasok ako sa loob ng premihiso'y halos malaglag ang panga ko sa itsura ng bahay.
"S-Sa'yo 'tong bahay na 'to?" Hindi ko maiwasang itanong. Kung ikukumpara kasi sa mansion sa manor ay 'di hamak na mas modern at mas high-tech tingan ang bahay ni Deanna. Tatlong palapag na hindi pantay-pantay ang pagkakapatong, 'tapos puro salamin kaya kitang-kita mo 'yung loob. Agaw pansin 'yung infinity pool sa magkabilang gilid. Akala mo isang malaking high-end resort.
"Perks of being a mistress. Ganda lang ang puhunan," sagot nito habang naglalakad sa unahan. Maging suot niya'y kala mo rarampa sa runway, long dress na kulay mustard.
Dinala ako ni Deanna sa living room sa second-floor kung saan matatanaw ang magandang view ng golf course at bundok sa paligid nito. May naghain din sa'min ng juice.
"So, ano namang pinunta mo rito?"
"A-ah... Wala kasi akong klase ngayong araw kaya naisipan ko sanang pumunta rito... Para kamustahin ka?"
"Talagang hindi ka sure?" nakataas ang kilay nito.
"Pasensiya na, wala naman kasi akong ibang mapupuntahan."
Nagkibit-balikat si Deanna at bumaba na rin ang kilay niya. "Oh, well, wala rin naman akong kabonding masyado rito. Swerte mo nga't nadatnan mo ko rito dahil most of the time nagsa-shopping spree lang ako." Kinuha niya 'yung baso para humigop.
"Masaya ka naman ba?" Nang tanungin ko 'yon ay halos mabuga niya 'yung juice. "Uy, okay ka lang?" umusod pa ako para himasin 'yung balikat niya.
Hinawi niya 'yung kamay ko kaya lumayo ako ulit. "Ano ka ba, talagang nananapak 'yang tanong mo, ano?"
"B-Bakit?"
"Sa tingin mo ba hindi ako masaya?"
Bago ko siya sagutin ay nilibot ko 'yung tingin ko sa paligid. Halos kumikinang at puti ang mga kagamitan, umaalingawngaw pa nga ang boses niya. "Sa laki ng bahay na 'to... Ikaw lang ba ang mag-isa rito?"
Hindi siya kaagad nakasagot at tumingin sa malayo. "I chose this life, Remi. I'll be a hypocrite if I told you that I'm happy. There are times that loneliness creeps in my bedroom every night." Muli siyang tumingin sa akin. "Pero wala pa rin akong pinagsisishan. Ginusto ko 'to that's why kaya kong tiisin ang ilang hirap."
Namalayan ko na lang na nakikinig ako sa kwento niya. Nalaman ko na after niyang maka-graduate ng college ay nagtrabaho siya abroad. Hindi niya kasi gustong magtrabaho sa company ng parents niya dahil nag-aaway-away ang mga nakatatanda niyang kapatid kung sino ang magmamana nito. Kaya nagsarili si Deanna. At sa Singapore naging boss niya ang kinakasama niya ngayon.
Hindi pa nakuntento si Deanna dahil ikinuwento niya rin 'yung buhay ng mga naging kaibigan namin noon.
"I don't follow them on social media but it's fun to stalk them sometimes," sabi pa niya habang pinapakita sa'ki ang Instagram profile ng mga 'yon. "Look, itong si Azami? That bitch never followed me on IG but I don't care. Alam mo ba ang funny niyan kasi ang hilig niya sa mga hunk na boylet, kaso every two months binubura niya 'yung pictures—it means walang tumatagal sa kanya!" Tumawa pa ito.
Base rin sa pictures na pinapakita niya'y isa ng flight attendant si Azami ngayon. Natutuwa naman ako na mukhang masaya siya at nag-eenjoy sa buhay.
"Ano namang say mo kay Chef Olly! All out and proud! Kapag nga nagcha-chat kami'y palagi niya akong iniinggit ng bakla sa mga Italianong nakaka-fling niya!" Sunod niyang pinakita ang profile ni Olly. Isa na pala siyang chef sa isang five-star hotel sa Italy. Ang laki rin ng pisikal nitong pagbabago pero hindi pa rin nag-iba ang pagiging pusong babae nito.
"And tingnan mo 'tong pinag-agawan n'yo noon ni Azami na si Viggo—" mabilis niyang napuntahan ang profile nito at nakita ko ang picture ni Viggo na nakasuot ng puti at may nakasabit na stethoscope sa leeg. "Isa na ngayong doktor! Mas yummy siya ngayon in fairness. At huwag ka, influencer na rin ang kumag!"
"Teka, hindi naman namin siya pinag-agawan ni Azami noon," pagtatama ko sa kanya. "At saka ano 'yung influencer?"
"It means sikat siya online! Look, oh, ang dami niyang likers!" nakita ko nga na pumapalo ng fifty-thousand 'yung likes ng isa niyang picture. "Gumagawa kasi siya ng videos sa YouTube, at nakikisabay sa mga trending dance songs."
"Hindi halatang updated ka sa mga buhay nila, ha."
"Hindi, no. Bored lang ako, at alam mo na, gusto ko lang sumagap ng tsismis lalo na sa failed love life niyang ni Azami." Bigla siyang tumayo. "Wait, my darling is calling!"
Umalis si Deanna pero wala pang sampung minuto nang bumalik siya, parang kitikiting nangingisay at niyugyog pa ako.
"Remi, my god! You won't believe this news! Na-cancel ang business meeting ng darling ko kaya makakauwi na siya this Sunday!"
"T-This Sunday?"
"Oo! He promised me na susunduin niya ako rito tapos dadalhin niya ako sa Bali, Indonesia para mag-vacation!"
Nang mapansin niyang natulala ako'y tinanong niya kung anong problema. At sinabi ko nga sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibigay ni Miggy 'yung passport ko.
"Girl," umupo siya at sumeryoso bigla. "Kung gusto mong makauwi agad, makinig ka sa mga sasabihin ko na dapat mong gawin."
*****
"MUKHANG napapadalas po ang alis n'yo, senyorita." Puna ng mayordoma nang ihatid ako nito sa pinutan para abangan ang sundo ko. Araw ng Sabado, may importante akong lakad ngayong hapon.
"Manang, baka po bukas na ako makauwi," nang sabihin ko 'yon ay hindi na maitago ni Manang ang pagkagulat.
"P-Po? Saan po kayo pupunta?"
"Manang, matanda na ho ako." Muntik na akong pumiyok do'n. "At saka po pala," hinawakan ko 'yung kamay niya, "huwag n'yo po sana sabihin 'to kay Doc Adel... Kasi hindi niya alam na..."
"Opo! Hindi ko po sasabihin na magkasama kayo ni Attorney!" Halatang pigil na pigil ang kilig nito. Kulang na lang ay tumakbo siya sa kusina at i-broadcast sa lahat ang nabalitaan niya.
Sabay kaming napatingin sa bumusina, andiyan na 'yung sasakyan ni Miggy.
"Sige po, Manang."
"Enjoy po sa date!"
Una kaming nagpunta ni Miggy sa aquarium park para mamasyal. Hindi niya nga ako tinanong kung anong naisipan ko kung bakit ko siya niyayang lumabas ngayong hapon. Pagkatapos no'n ay niyaya ko pa siya na ipasyal ako sa malapit na park.
Habang namamasyal kami'y panay kwento niya, karamihan ay tungkol sa kasalukuyang balita sa mundo. Kahit papaano naman pala'y nakarecover na ang buong mundo sa nangyaring pandemya, kung alam ko lang daw kung gaano kalaganap ang takot at gulo noon.
Dinala ako ni Miggy sa isang restaurant para magdinner. Tanaw na tanaw namin 'yung sikat na opera house at napansin niya akong nakatitig doon.
"I'll take you there soon," sabi nito. Saka ko lang din napansin na magdamag siyang nakangiti (hindi man todo smile, at least hindi 'yong suplado at seryosong palagi niyang itsura noon).
"I'm looking forward to that." Napatitig siya sa'kin nang sagutin ko 'yon. "Bakit?"
"Ah, nothing." Binalik niya 'yung tingin sa menu. Pagkatapos ay kinuha ng waiter 'yung order namin, namili ako ng akin at hindi umasa sa desisyon niya.
Kung titingnan kami sa malayo ay aakalain mong normal kaming magkasintahan. Nang makita ko rin 'yung replekson ng sarili ko salamin ay nanibago rin ako bigla. Ibang Remison ang nakikita ko.
"You're really doing better these days, Remi," dinig kong sabi niya at napatingin naman ako kay Miggy na may bakas ng hiwaga sa mukha. "Doc Adel also told me that you improved a lot."
Ngumiti ako nang matipid. "Narealize ko lang kasi 'yung mga tinuro ni Mr. Najwan. May choice tayo palagi sa buhay natin, kung pipiliin ba nating maging masaya ngayon o hindi," dahilan ko. "Ganito man ang nangyari sa'kin, may karapatan pa rin naman siguro akong mamili... na maging masaya."
"You're happy?" biglang tanong niya.
"Kung pagiging masaya ba 'yong pagtuon ng atensyon sa bawat sandali, siguro, oo." Muntikan na akong mautal pero mabuti na lang mabilis akong nakapag-isip.
Mas lumawak ang ngiti ni Miggy, parang may gusto siyang sabihin pero pinigilan lang ang sarili. Ilang sandali pa'y dumating na 'yung pagkain namin at matiwasay kaming nakakain ng hapunan.
Nang matapos ay naglalakad kami sa labas papunta sa parking lot nang hawakan ko siya sa braso. Kanina pa lumubog ang araw.
"What's wrong?" tanong niya.
"A-Ayoko pa sana umuwi."
"What? May gusto ka pa bang puntahan?" Tumango ako. At bago pa siya ulit makapagtanong ay inunahan ko na siya.
"Pwede ba akong pumunta sa... bahay mo?" Tumitig lang siya sa'kin at hindi man lang kumurap. Ine-expect ko na itatanong niya kung bakit pero hindi siya sumagot.
"At kapag hindi niya tinanong kung bakit gusto mong pumunta sa bahay niya..." Biglang umalingawngaw 'yung boses ni Deanna. "Ibig sabihin no'n..."
Hindi nagtanong si Miggy kung bakit. Bagkus ay ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko bago kami muling maglakad papuntang sasakyan.
Kalahating oras ang naging biyahe namin nang pumasok ang kotse niya sa isang building. Mukhang sa condo siya nakatira dahil pagbaba namin ng parking lot ay pumasok kami sa elevator. Huminto 'yon sa seventh floor at pumasok kami sa isang unit.
Typical bachelor's pad, malinis ,maaliwalas, malaki ang bintana at tanaw ang buong siyudad. Binuksan ni Miggy ang ilaw at inayayaan niya akong pumunta sa living room. Lumapit ako sa may bintana para tanawin lalo 'yung view.
Nasa may kitchen area si Miggy at naghahanda ng maiinom kahit tumanggi ako. Habang nakatanaw ay biglang may pumasok sa isip ko. Sa ganitong edad... ano na bang ginagawa ng isang babaeng katulad ko kasama ang isang lalaki?
Dahan-dahan akong lumingon kay Miggy at nakitang tinanggal na 'yung coat niya. Tinanggal ko na rin 'yung suot kong coat kaya nalantad muli ang balikat at braso ko. Bakit ba ako pumayag sa gusto ni Deanna na isuot 'to? Hindi ko maiwasang mailang dahil bahagyang nakalantad 'yung dibdib ko.
Napatingin ako kay Miggy na nasa may sofa at binuksan ang TV. Ano kayang nasa isip niya? Iniisip ba niya na...
"Remi, remember, presence of mind! Kapag aanga-anga ka, walang mangyayari sa'yo!" Bigla na namang sumingit sa utak ko 'yung boses ni Deanna.
Kailangan ko 'tong gawin para makauwi ako ng Pilipinas. Tiyak kong nandito sa pamamahay niya 'yung passport ko, pero bago ko 'yon makuha ng hindi niya nahuhuli—may kailangan akong gawin.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo sa tabi niya. Inalok ako ni Miggy ng mga tsitsiryang dinala niya habang namimili siya ng pelikula. Parehas kaming nakasandal sa sofa habang nanonood sa malaking TV.
Lumipas ang ilang sandali, kahit na halos nakadikit na 'yung braso ko sa kanya'y walang nangyari. Nakatuon 'yung mga mata niya sa palabas.
"Remison, kailangang may mangyari!" muli ko na naman narinig 'yung boses ni Deanna. Napapikit ako saglit. Kailangan ko ba talagang gawin 'to?
Alang-alang sa pag-uwi ko sa Pilipinas sa lalong madaling panahon... Kailangan ko 'tong gawin.
"Miggy." Pagkatingin niya sa'kin ay kaagad akong dumukwang.
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niyang nang halikan ko siya sa labi. Sa pagkakabigla naming parehas ay lumayo ako, pero mabilis ang kamay niya na sumalo sa likuran ko. Nakakuha siya ng oportunidad na para bang ako lang talaga ang hinihintay. Gamit ang isang kamay ay marahan niyang inalalayan ang ulo ko pabalik sa pwesto namin kanina.
Hindi ko na napigilang mapapikit nang maramdaman ang paggabay ng labi niya na para bang pinasusunod ito. Bolta-boltaheng kuryente ang tila dumaloy sa buong katawan ko nang maramdaman ang dila niya. Dahan-dahan para akong lumulubog, inihiga niya ako sa malambot na upuan habang nagsimulang maglakbay ang kamay niya sa gilid... paibaba... Hanggang sa nadapuli niya ang zipper ng bestida, lumuwag ang itaas at masuyo niyang hinagod pababa sa isang balikat.
Habang nakapikit at nararamdaman ang samu't saring emosyon at sensasyon ng aking katawan, iisang tao lang ang laman ng isip ko—at hindi si Miggy 'yon.
-xxx-
THANK YOU AGAIN FOR READING! ✪ ω ✪
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top