DALAGA 89❀


NABALITAAN ko kanina habang nag-aalmusal ako na hindi raw makakapunta ngayon si Mr. Najwan dahil may urgent daw itong lakad ngayong araw ng Linggo. Nakita ko 'yon na magandang pagkakataon, para bang isang sign. Kaya naman nang maiwan ako sa kusina ay kaagad kong tinawagan si Quentin.

Kaagad namang sinabi ni Quentin na susunduin niya ako. Mabuti na lang din ay nakuha ko 'yung address nitong manor sa dokumentong pinapirmahan noon sa'kin ni Miggy. Pagkatapos ay mabilis akong gumayak at naghintay.

Paglabas ko ng silid ay bumaba ako at saktong nadatnan ang mayordoma na may kausap sa hawak nitong walkie-talkie.

"What driver? Ma'am Remison didn't tell me that she called a cab."

"Manang, nandiyan na po ba 'yung sundo ko?" kaagad kong sabat. Ibinaba nito saglit ang hawak nang humarap sa'kin.

"Nagpatawag po ba kayo ng taxi?" nagtataka nitong tanong. "Saan po kayo pupunta?"

"Mag-sashopping lang po," sagot ko pero halatang hindi ito kumbinsido. Hindi naman ako nawalan ng loob, pinakita kong confident ako sa desisyon ko. "Gusto ko kasing pasyalan ulit 'yung mall na pinuntahan namin ni Attorney Miggy." Sinadya ko ring magsuot ngayon ng bestida na nakita ko sa closet, sleeveless 'yon at kulay rosas. Sa itsura kong 'to ay mapagkakamalan na makikipag-date ako.

Nang marinig niya 'yung pangalan ni Miggy ay nakampante na 'yung ekspresyon ng mukha niya. Sinabi ko kasi kay Quentin na sabihin sa guard na nagtawag ako ng taxi. Ang totoo'y sinusubukan ko lang kung talagang totoo ang sinabi noon ni Ms. Adel at Miggy na hindi ako preso sa lugar na 'to.

"Okay, she told me already. Let the car in," sabi ng mayordoma sa radyo. Tumingin sa'kin ito at ngumiti. "Magkikita po siguro kayo ni Attorney. Enjoy po kayo, senyorita." Ngumiti na lang din para mas lalo siyang mapaniwala sa hinala niya.

Bakit ba lahat ng tao rito iniisip na may namamagitan sa'min ni Miggy?

Nang makalabas ako'y saka lang ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko rin sukat akalain na aayon sa plano ko ang nangyari. Swerte? Siguro nga.

Saktong huminto sa harapan ng mansion ang isang itim na sasakyan. Bumukas ng pinto at lumabas doon si Quentin, nakasuot ng shades, denim jacket, ripped jeans, at puting sapatos. Simple lang pero malakas ang dating, hindi pa rin nawawala 'yung pagiging maporma niya.

"Wow, you looked stunning," bati nito saka mabilis na bumeso.

"Thank you." Nag-init ang pisngi ko. Ngayon ko na lang kasi narinig na may pumuri sa'kin ng gano'n. Inalalayan niya ako sa makababa sa hagdan at pinagbuksan pa ako ng pinto. Gentleman as always.

Nang makasakay kami sa loob ng kotse niya'y kaagad kong nakita ang isang ID na naka-display sa harapan. Nakita niyang nakatitig ako ro'n.

"Yup, I'm a part-time cab driver," sabi nito na nakangiti sabay binuhay ang makina ng kotse at pinaandar 'yon. "Pangdagdag ding money for my expenses." Hindi ko alam kung ano 'yung mga naging paghihirap niya pero sa kabila no'n ay hindi niya ipinakita 'yon. "I'm surprised that you're living in this area—like, come on, this is an estate for rich people. You have some explanation to do."

"Alam ba ni Deanna na pupunta tayo ngayon?" tanong ko imbis na sagutin siya.

"Remi, you're killing me with curiosity," sabi nito. "Nope, I don't want to freak her out."

Naningkit 'yung mga mata ko. "Hindi ba siya mas magpi-freak out kapag bigla na lang tayong sumulpot sa harapan niya?"

"Remi, you had no idea how secretive Deanna is, daig pa niya ang ninang na nagtatago sa mga inaanak. Kapag nalaman niya na pupuntahan natin siya, paniguradong aalis 'yon at hindi tayo haharapin. That's why it's better to catch the bitch." Medyo natawa ako sa huli niyang sinabi pero hindi ko maiwasang ma-curious.

"Bakit? May pinagtataguan ba si Deanna?"

Sumulyap siya sa'kin at ngumiti. "You tell first kung bakit ka nakatira ro'n. Do you find a rich husband or something?"

"Q, promise... Sasabihin ko mamaya. Kung hihingi ako ng tulong kay Deanna, kailangan din niyang maintindihan 'yung sitwasyon ko."

"Fine, fine. I'm sorry, sobrang curious lang ako."

"Ako rin naman."

Buong biyahe ay panay kwento si Quentin sa mga nangyari sa kanya at sa career niya. Kahit na struggling actor siya sa industriya ay hindi niya sinukuan ang pangarap niya. Bumalik sa Pilipinas ang mommy niya at kahit papaano'y nakakapagbigay siya ng pera kahit na ayaw nito. Supportive daw kasi ang mommy niya sa passion niya.

Binalita rin ni Quentin na nagpunta si Ate Gabi sa Korea at doon na nakapag-asawa. Sa social media raw ay madalas pa rin naman niya itong makausap pati si Corra. Marami mang naging pagbabago sa buhay niya'y wala siyang pinagsisihan sa mga naging desisyon niya. Mukha namang masaya siya ngayon at masaya rin ako para sa kanya.

Hindi niya alam na kinalulugod ko na hindi nagbago 'yung trato niya sa'kin kahit maraming taon na ang lumipas. Pakiramdam ko nga ay hindi sampung taon ang lumipas kapag kausap ko siya.

Sa dami ng mga kwento ni Quentin ay namalayan ko na lang na narating namin ang isang subdivision. Nabanggit nga rin niya na para itong Forbes Park, mamahalin at exclusive na lugar para sa mga mayayaman. Napaisip tuloy ako kung ano kaya ang narating ni Deanna?

Kausap ni Quentin 'yung guard. Hindi kasi basta-basta raw makakapasok sa loob kung walang kakilala at permiso ng mismong may-ari ng bahay. Narinig ko 'yung sinabi ni Q na kaibigan siya ni Deanna.

"That's too bad." Dinig kong sabi ni Quentin pagkatapos kausapin ang guard. "Deanna's not home."

Bigla akong nanlumo. Sayang 'yung araw na 'to kung hindi namin siya makakausap. Hindi ko na alam kung kailan ulit ako makakakuha ng ganitong chance.

"Pero huwg kang mag-alala, I know where she might be right now." Kaagad ding naglaho 'yung panlulumo ko.

Kaagad pinaandar ni Quentin 'yung sasakyan. Wala pang kalahating oras nang marating namin ang isang maliit na village. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang puting gusali, para 'yong bahay pero kaagad ko ring nakita 'yung signage, isang church.

Pagbaba namin ay saktong naglalabasan 'yung mga tao, mukhang tapos na 'yung service nila. Sumunod lang ako kay Quentin dahil tumayo lang siya sa gilid ng puno habang nakatingin sa entrance. Hinanap din ng paningin ko si Deanna.

"There she is," dinig kong sabi niya. Nauna siyang humakbang at sumunod naman ako. "Hello, Deanna!" Hinarang bigla ni Quentin 'yung isang babae na nakasuot ng puting bestida at malaking floppy hat. Halos mapatalon si Deanna sa gulat.

"My goodness, Q! Don't scare me like that!" hinampas pa ng hawak nitong purse si Q. "Why the hell are you here?"

"Hell? Seriously, Deanna, kakatapos lang ng worship n'yo. I can't believe na umattend ka pa rin dito. Let me guess kung anong pinagdadasal mo—"

"Shut up, Q. If you're here to lend you again some money, pwes manigas ka dahil kay aga-aga sinisira mo ang araw ko."

Nakatayo lang ako sa gilid na parang poste habang nakikinig sa usapan nila. Pinagmasdan ko si Deanna mula ulo hanggang paa, base nga sa suot niya'y halatang asensado na siya sa buhay, idagdag pa na nakatira siya sa mamahaling subdivision.

"Girl, wake up, hindi ka niya pakakasalan—ouch! Okay, I'm just telling the truth. Anyway, I just missed pissing you." Tumawa si Quentin pero nanatiling nakataas ang kilay ni Deanna. "I also came here because..." Lumingon sa'kin si Q at kaagad namang tumingin sa'kin si Deanna.

"What? You brought your new fling here?"

"No, Deanna. You seriously don't recognize who she is?"

Tinanggal ni Deanna 'yung suot na shades at tiningnan din ako mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit sa mukha ko. Ilang segundo ang lumipas bago unti-unting nanlaki ang mga mata niya—maging ako'y nagulat din dahil saka ko lang napansin na may nagbago rin sa mukha niya.

"Remison?! Ikaw ba 'yan?!" bulalas nito sabay takip ng bibig, pagkatapos ay bigla itong natawa. Nagkatinginan kami ni Quentin. "OMG, nagparetoke ka rin? Apir, girl!" tinangka pa nitong makipag-high five pero hindi ko 'yon pinatulan.

"Deanna, ano ka ba naman, iyon talaga ang napansin mo? Hindi ka man lang ba nashock that she's also here in Canada?"

"Well, na-sad talaga ako ng genuine nang mabalitaan ko 'yung accident mo. But years later nakalimutan ko na rin, eh. Anyway, it's nice na buhay ka pa," flat na pagkakasabi ni Deanna.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung dapat ba akong matuwa na nakuha niya pa rin akong mamukhaan o kung maiinis ba ako kasi ni hindi man lang nagbago 'yung magaspang niyang ugali. Remi... Nagtiwala ka kay Q, at sinabi niya na si Deanna ang makakatulong sa'yo.

"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa, Deanna, nagpunta kami rito dahil kailangan ko ng tulong mo," direkta kong sabi.

"Huh? What help?"

"Kailangan ko ng tulong mo para makauwi ako ng Pilipinas," dagdag ko pa.

"Huh?" halos malaglag ulit 'yung panga niya sa sahig. "Okay, so much for a reunion ha, halos lahat na lang kayo pera ang habol sa'kin!"

"No, Deanna, hindi pera ang kailangan niya sa'yo, baka nga mas mayaman pa si Remi kaysa sa'yo," sabat ni Q na kinataas ng kilay ni Deanna.

"No way. Poor lang kayo, 'di ba? Paano ka naging mayaman? Unless na lang tumama ka sa lotto or nakapag-asawa ka ng—" Tumigil ito sa pagsasalita nang mapagtanto kung nasaan kami. "Alam n'yo, dito pa talaga tayo sa harapan ng church nag-chismisan!"

Kaya naman nagpunta kami sa malapit na coffee shop para roon ituloy ang usapan. Mainam nga't malapit lang 'yon dito. Noong una pa nga ay ayaw sumakay ni Deanna sa kotse ni Quentin pero wala na rin itong nagawa.

"I'm sorry, ha, pero wala akong time para tumulong—" pagkaupo pa lang namin ay iyon na agad 'yung sinabi ni Deanna. Nang biglang nagsalita si Quentin.

"Deanna is a mistress of a Singaporean tycoon."

"Q, 'yung bibig mo!" gigil na sabi ni Deanna habang nanlaki lang ang mga mata ko.

"That man bought a mansion in order to hide her here. And that guy owned a freaking private jet that can fly anywhere—"

"Shut up, Quentin, you don't need to tell her about my personal—"

"Oh, Deanna, we all know it, your former friends knew it! Someone leaked an article about your affair. Kaya nga pinili mong pumayag sa gusto ng lalaki mo na itapon ka rito sa Canada, 'di ba? I'm saving time because Remi needs to go home as soon as possible at ikaw lang ang makakatulong sa kanya."

Biglang hinampas ni Deanna 'yung mesa. "Alam mo, hindi mo kailangang ipamukha sa'kin na kabit ako, okay? At isa pa, bakit ko naman tutulungan 'yang taong 'yan? Anong akala n'yo sa'kin? Expressway?!"

Akmang sasagot si Quentin nang hawakan ko siya. "Guys, please, huwag kayong magtalo," pakiusap ko sa kanila. "I'm sorry, Deanna. I'm sorry kung bigla na lang akong sumulpot ng ganito sa harapan mo. Pero kailangan ko talaga ng tulong mo... Kailangan kong makauwi sa'min dahil kung hindi..."

Natigilan ako at napaisip kung paano ko makukumbinsi si Deanna na tulungan ako. Naramdaman ko ang pagtitig nila sa'kin at mukhang nakutuban kung anong nasa isip ko. Napahinga ako nang malalim.

"Ang totoo niyan... Sampung taon akong na-coma."

"T-Ten years?" si Q. "I-I thought... Nagising ka noon pa then nag-migrate ka rin dito?" nauutal na sabi ni Quentin at umiling ako.

"Are you kidding me? Ibig sabihin noong naaksidente ka, after ten years saka ka lang nagising?" Tumango naman ako sa sinabi ni Deanna. Natameme kaming tatlo ng ilang segundo.

"Remi, I'm sorry... I didn't know na gano'n katagal—" Nakita ko 'yung itsura ni Quentin, namumula 'yung mga mata niya. Biglang kumirot 'yung dibdib ko. Si Deanna naman ay naglaho ang katarayan sa mukha. Gano'n ba talaga kaawa-awa 'yung sitwasyon ko?

"Nagising na lang ako na nasa malayong lugar, nagising ako na wala 'yung mga taong mahal ko sa tabi ko, nagising na lang ako na may iba ng pangalan, itsura... Nagising na lang ako isang araw at ang laki na ng pinagbago ng mundo," nakayuko kong sabi saka muling tumingin sa kanila. "Alam ko wala kayong utang na loob sa'kin para tulungan ako. Siguro nga entitled ako masyado kung gagamitin ko 'yung sitwasyon ko para tulungan nyo, masakit man sa'kin na kaawaan pero wala akong ibang magagawa."

"What happened to your family? What do you mean you changed your name and face?" tanong ni Deanna.

"Wala akong balita sa kanila, nagising na lang ako at may isang abogado na nagsabi sa'kin na 'yung totoo kong lola ay pinamanahan ako napakaraming ari-arian. Isang araw hindi na ako si Remison Berbena, wala akong kamukat-mukat na naiba ang itsura ko dahil sa aksidente."

Katahimikan ulit. Hindi ko nga rin alam kung may patutunguhan ba 'tong usapan dahil wala akong mabanggit na dahilan kung bakit dapat akong tulungan ni Deanna. Totoong wala siyang utang na loob sa'kin, kulang na lang ay magmakaawa ako sa kanya.

"Kaya, please... Deanna... Nakikiusap ako sa'yo," hinawakan ko 'yung mga kamay niya, "wala man akong maibibigay na kapalit... Tatanawin kong malaking utang na loob habambuhay kung sakaling tutulungan mo ako."

Nag-iwas ng tingin si Deanna at bumaba ang boses. "You're still luck, you know."

"Huh?" parehas kaming napamaang ni Quentin.

"Maswerte ka kasi ten years kang nakatakas sa realidad," sabi nito saka muling tumingin sa'kin. "Maraming nangyari sa sampung taon, Remison. While you're sleeping, we're all suffering in adulthood. You're lucky not to get through all that."

"Deanna..." si Q.

"I admit, my life didn't turn out to be great, pero ginusto ko 'to. All of those shit I've been through for ten years, I'm happy that I experienced to be alive, to cry, to fall in love." Hindi ko maunawaan kung anong gusto niyang ipunto pero nakaramadam ako ng habag sa kanya. "It's not fair for you. It's not fair that God let that happen to you."

Napalunok ako. Bakit biglang nag-init 'yung dalawang sulok ng mga mata ko?

"I've been asking Him why don't I deserve to become a legal wife, I've been praying—even if it's crazy for a sinner like me. Now, may mas malala pa pala kaysa sa sitwasyon ko?"

Hindi ako sumagot, hindi rin nagsalita si Quentin. Tumulo 'yung luha ko nang makita kong ngumiti si Deanna at saka naramdaman ang pagpisil niya sa kamay ko.

"So, I decided... I'm going to help you, for whatever reasons kung bakit gustong-gusto mong umuwi sa Pilipinas."

"B-Bakit?" sa pagkalutang ko'y nagawa ko pang itanong 'yon. Hindi lang ako makapaniwala sa naririnig ko.

"Anong bakit? Sampung taon kang walang malay! Deserve mong maging demanding sa mundo, girl!" Pagkasabi niya no'n ay hindi namin mapigilang magtawanan. Tumayo ako at sinunggaban siya ng yakap.

"Thank you, Deanna..."

"Well, that's what friends are for." 


-xxx-

THANK YOU FOR READING (~ ̄▽ ̄)~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top