DALAGA 85❀


WALANG imposible pagdating sa pag-ibig, naniniwala ako ro'n nang maisip ko 'yon. Kaya naman hindi ko nagawang kontrahin ang sinabi ni Miggy sa'kin, na sa loob ng maraming taon kong pagkakahimbing ay natutunan niya akong mahalin.

Hindi man makakaila pero tiyak kong nagsimula 'yon sa dahil sa kunsensya niya, pakiramdam niya'y kasalanan niya kung bakit ako naaksidente. Ang sunod naman ay dahil sa awa, lahat naman 'ata'y maaawa sa kinalalagyan ko ngayon.

Lumubog na ang araw at muli kong natagpuan ang aking sarili rito sa silid. Dumagdag pa ang malamig na klima sa bigat na nararamdaman ko—na mukhang hindi na mapapawi.

Habang nakaupo at nakatanaw sa labas ng bintana ay paulit-ulit kong binabalikan sa'king isip ang naging pag-uusap namin ni Miggy. Si Miggy na handa raw bitawan ang lahat para sa'kin. Parang gusto niya lang ulitin kung anong ginawa ko noon kaya hindi ako kumbinsido. Tinanggihan ko siya.

Sa kadahilanang wala nang saysay ang balak niyang takasan ang lahat para lang umusad. At pangalawa'y hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman niya. Iisang tao lang ang tinitibok nitong puso ko, 'yung taong parang noong isang araw lang ay kapiling at kayakap ko.

"We can leave everything behind, Remi. Kung gusto mo bumalik sa Pilipinas, just tell me." Hindi ko alam kung desperado na ba si Miggy kaya hindi ko maintindihan. Pero pakiramdam ko noong mga oras na 'yon ay iyon na lang ang pagkakataong binibigay niya sa'kin at hindi niya na muling uulitin pang alukin ko.

Sa huli ay tinanggihan ko pa rin siya. Dahil nga alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawang kalimutan ang lahat at sumama sa kanya ng gano'n na lang. Matalino si Miggy, alam kong alam niyang imposible ang kagustuhan niya pero sinubukan niya pa rin.

Kung tutuusin ay pwedeng-pwede ko siyang lokohin, 'yung pumayag ako sa gusto niya, at kapag nasa Pilipinas na kami'y saka ko siya tatakbuhan.

Pero ayoko. Hindi sa gano'ng paraan. Ayoko nang tumakas katulad nang ginawa ko noon. Siguro nga isa 'tong parusa mula sa Maykapal, dahil naging makasarili ako. Kaso... Bakit naman ganito?

Bigla ko tuloy naisip ang isa pang dahilan kung bakit naging desperado si Miggy kanina, maaaring nakikita niya ang pagkakaparehas naming dalawa, na halos kontrolin ng ibang tao ang aming mga buhay. Kaya nga siguro siya umalis sa puder ng ama niya. Sinusubukan ka niya sigurong iligtas, kaya ka niya minahal, pakiramdam ni Miggy iyon ang misyon niya. Kaya ba sa loob ng isang dekada'y hindi niya ako kinalimutan?

Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Ni hindi pa nga ako kumakain ng hapunan pero dinadalaw na ako ng antok. Wala naman akong ginawa buong araw pero pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.

Sunod-sunod na tatlong katok ang narinig ko. Makaraan ng ilang sandali'y pumasok sa loob si Ms. Adel, dala-dala nito ang isang tray na naglalaman ng pagkain.

Nakangiti lang siya at nilapag sa tapat ko ang tray. Akma siyang aalis nang tawagin ko siya.

"Ms. Adel." Natigilan siya at kaagad na lumingon sa'kin. "P-Pasensya na po kung nasigawan ko kayo noong isang araw."

Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata niya, hindi niya siguro inaasahan na sasabihin ko 'yon. Kaagad siyang umiling.

"Wala kang dapat ihingi ng pasensya, Remi. I—we understand what you've been going through."

Ilang beses ko nang nakita sa iba 'yong gano'n, 'yung mga taong nagsasabing naiintindihan ka nila pero sa loob-loob mo'y alam mong walang makakaunawa ng hirap na pinagdadaanan mo. Gano'n ang nararamdaman ko ngayon.

Lumapit muli si Ms. Adel at umupo kaharap ko. "I'm sorry, alam kong hindi madali. I'm sorry kung hinding-hindi namin maiintindihan ang pighati na nararamdaman mo." Parang nabasa niya kung ano 'yung nasa isip ko.

Naubos na 'ata 'yung luha ko nang maramdaman kong mas bumigat 'yung sakit sa dibdib ko. Ayoko na... Ayoko nang malugmok nang malugmok.

Napayuko ako bahagya. "Sigurado kung isusulat mo para sa telebisyon ang nangyari sa buhay ko'y magiging soap opera writer ka, Ms. Adel."

Nag-angat ako ng tingin nang mapangiti siya pero hindi pa rin nawala ang matinding awa sa mga mata. "Tiyak kong magiging magandang palabas 'yon. Pero alam mo, Remi, hindi ko magagawang isulat ang buhay mo."

Tumayo bigla si Ms. Adel at pumunta sa isang kahoy na drawer malapit sa kama, sa gitna'y binuksan niya 'yon at kinuha ang isang kahon. Muli siyang lumapit sa'kin at nilapag sa mesa ang kahon. Binuksan niya ang kahon at pinakita sa'kin ang pamilyar na papel.

"Nagawa mong balikan at isulat ang mga importanteng pangyayari ng buhay mo—lahat ng 'to ay mga alalaang bumuo sa kung sino ka ngayon."

"Sampung taon ang nawala sa buhay ko, Ms. Adel."

"Sa buhay natin maraming mga pagkakataon na pakiramdam natin ay hindi natin kontrolado, pero hindi natin alam na may isang manunulat na mas nakakaalam ng lahat na para sa ikabubuti natin. At ang manunulat na 'yon ang siyang gabay nating lahat."

"Sinasabi n'yo po ba na kagustuhan ng Diyos na mangyari sa'kin 'to? Na ma-coma ako ng sampung taon? Na magbago ang mukha ko?"

Hindi sumagot si Ms. Adel pero may resolusyon ang titig niya, na tama ang sinabi ko, na nangyari 'to dahil ito dapat ang mangyari ayon sa kagustuhan ng Manunulat ng buhay nating lahat.

"Pero nilikha Niya tayo hindi lang para maging patay na isda na sumusunod sa agos, Remi," sabi niya at muling nanlambot ang tingin sa'kin. "God gave us a gift of choice. What happened yesterday was gone, you can't go back to change the past.Now, it's up to you what you want to write the future chapters of your life."

Napatitig na lang ako sa blangkong papel na nilapag ni Ms. Adel sa mesa.


*****


SA kauna-unahang pagkakataon ay nagawa kong makatulog nang mahimbing noong nakaraang gabi. Nagising ako kinaumagahan na walang bigat sa dibdib. Himala? Pakunswelo ba 'to sa'kin?

Matapos kong mapag-isip-isip kagabi 'yung mga sinabi ni Ms. Adel, nakakita ako ng kaunting liwanag, ng pag-asa. Nakatulugan ko ngang hawak-hawak 'yung blangkong papel. Nang magising ako'y tinupi ko 'yon at nilagay sa bulsa ng damit ko.

Mas naging maliwanag at makulay ang paligid nang bumaba ako para mag-agahan. Sumalubong sa'kin ang magagandang ngiti at pagbati ng mga kasambahay. Nang dumating nga si Ms. Adel at nang makita ko'y hindi rin niya maiwasang mapangiti.

Hindi ko sinasabing okay na okay na ako, pero masasabi kong mas okay ako ngayon kaysa kahapon kahit na sabihing 0.99% lang ang naging improvement.

Hinatid ako ni Ms. Adel sa silid kung saan naghihintay si Miggy, parang take two lang ng eksena namin kahapon. Ang kaibahan nga lang ay nawala na 'yung emosyong nakita ko sa mukha niya kahapon, nagpunta siya rito para gawin ang trabaho niya. Kasama si Ms. Adel ay naupo kaming tatlo.

"I'm here to explain the duties you need to fulfill before you can get the inheritance from your grandmother and before you can go back to the Philippines."

Nang marinig ko 'yon lalo na 'yung huli ay muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko. Kung gano'n ay makakabalik pa rin naman pala ako—

"The duties are mostly activities, part of your physical, mental, and emotional rehabilitation that you must do for one year."

Isang taon? Gusto kong umalma pero bigla akong hinawakan ni Ms. Adel sa kamay, naramdaman niya siguro ang pagkagulat ko.

"Hindi ba't masyadong matagal 'yon? Sampung taon na nga ang naaksaya ko, 'tapos magtatagal pa ako rito ng isang taon?" nagprotesta pa rin ako.

Inayos ni Miggy ang salamin niya, akala mo ay parang walang nangyari kahapon at parang wala siyang mga sinabing kung ano-ano sa asta niya. "Actually, Doña Alba wanted two years for your rehabilitation but Doc Adel suggested na kakayanin naman ng isang taon."

Umiling ako. Hindi, hindi ko na kakayaning maghintay pa nang matagal. Natigilan ako bigla.

"Kung gagawin ko ba 'yung gusto ni Doña Alba... Makakabalik ako ng Pilipinas at magagawa ang mga gusto ko?"

"Well, practically you're an adult now. You're almost thirty."

"Attorney, that's rude," puna ni Ms. Adel.

Napakunot ako. Hindi pa rin pala nagbabago si Miggy, katulad na katulad pa rin siya noong nakasama ko siya sa Baguio. Unpredictable. Cold. Moody. Gusto kong isumbat 'yung mga pinagsasasabi niya sa'kin kahapon, gusto kong isumbong kay Ms. Adel na niyaya niya akong sumama sa kanya. Pero hindi ko ginawa—dahil ayokong magmukhang isip bata kahit na na-stuck sa eighteen ang utak ko.

"Isang taon ba kamo bago ko makuha 'yong iniwan ng kayamaman ni Doña Alba?" Tumango siya. "Kung gano'n, isang taon pa ang hihintayin ko bago ko masabing ako na ang nagpapasahod sa'yo, Attorney Altamirez." Halos mapanganga si Ms. Adel nang sabihin ko 'yon.

Walang ano-ano'y biglang napangiti si Miggy. Bipolar! Moody! Ano bang problema niya?

"You're implying that you're now willing to accept the one-year rehabilitation program for you," sabi niya ba naman na kinabigla ko. Abogado ka na nga talaga, Miggy, magaling ka nang magpaikot ng mga salita. Pero ako, hindi mo mapapaikot.

Isang taon? Wala akong balak na maghintay ng gano'n katagal. Pero sa ngayon wala akong ibang magagawa kundi sumunod sa kung anong gusto ng taong kadugo ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala.

Humugot ako nang isang malalim na hininga. Ayokong magmukhang katawa-tawa, walang alam, at isip bata sa harapan niya kaya tumango ako.

"Very well, we'll begin our class today. If you can leave us now, Doc Adel. Maraming lesson na dapat habulin si Remison."

"Ah... Eh... Sure," parang napipilitang sabi ni Ms. Adel at saka kami iniwanan.

"Anong class?" kunot-noo kong tanong.

Imbis na sumagot ay tumayo si Miggy at pumunta 'di kalayuan para hilahin ang isang black board.

"According to the will, every day, you'll have different classes for music, arts, physical, gardening, and spiritual in order for you to heal every aspect of your being. Today, we'll begin our academic review, and I'll be your personal tutor."

Mabuti na lang ay napigilan kong mapanganga nang marinig 'yon. Seryoso talaga siya at wala akong kamukat-mukat sa kung anong pinasok ko.

"Seryoso ba talaga na kailangan kong mag-aral? Ito talaga ang naisip ni Doña Alba? Kailangan ko siyang makausap—"

"Doc Adel didn't tell you?" hindi ako umimik. "Your grandmother passed away one year ago because of a deadly virus."

"Virus?"

Napabuntong-hininga si Miggy at saka tinanggal ang salamin. "Isa 'to sa dahilan kung bakit kailangan mo ulit mag-aral ng isang taon. You don't know how the world changed so much while you were asleep. It became harsher than before, Remi. And if you don't prepare your body, mind, and spirit—you will be broken if you suddenly return."

Nalaglag na nga ang panga ko sa sahig. Sa mga sinabi niya'y pakiramdam ko tuloy ay napaka-ignorante kong tao. Humakbang ako ng isa palapit sa kanya.

"Alam mo... Hindi kita maintindihan, parang kahapon lang ay may nalalaman ka pang kung anong kalokohan—tapos ngayon ito naman ang mga pinagsasasabi mo—" Namalayan ko na lang na nakasandal ako sa pisara habang ang mga braso niya'y nasa magkabila ko. Halos isang dangkal lang 'yung layo ng mukha namin sa isa't isa.

"I'm serious when I told you that. I was just hoping that you're fool enough to run away with me." Hindi ako nagdalawang isip na sampalin siya pero hindi siya natinag, hindi pa rin niya ako pinakawalan. Tumaas ang gilid ng labi ni Miggy. "It turns out that I was the real fool—really fool waiting for you. But I'm not giving up yet, one year—you'll be really mine."

Pagkasabi niya no'y ay basta na lang niyang nilapat ang bibig niya sa akin. 


-xxx-

THANK YOU FOR READING! :) 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top