DALAGA 83❀


PANGARAP.

Saka ko lang napagtanto kung ano nga ba ang pangarap ko? Kasi noon ang nasa isip ko, isang simpleng pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, 'yung makaahon sa hirap kahit papaano—para kina Mamang. Nang malaman ko ang mga pangarap ni Poknat ay hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ba talaga 'yung pangarap na para naman sa sarili ko?

Maraming tao, ang iba nga ay nagpapataasan, ang maraming pangarap na gustong marating. Sa sitwasyon ko'y tila naglaho ang mga pangarap ko—o baka wala naman talaga akong pangarap? Ang sabi nila'y kapag hindi ka natutong mangarap ay wala kang mararating sa buhay.

Siguro nga ay kabilang ako ro'n sa mga taong hindi man kasing taas ng mga bituin ang pangarap, 'yong simple lang, 'yong basta mapapasaya nito ang puso mo.

Kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon nagkaroon ako ng sariling pangarap. Nakita ko bigla ang sarili ko sa hinaharap na maging masaya lamang kapiling ang taong napili kong mahalin—magkasama kaming bubuo ng pamilya, magkakasama sa hirap at ginhawa.

Natandaan ko bigla na iyon ang mga naglalaro sa isip ko noong mga oras na 'yon. 'Yong isang gabi kung saan bago maglaho ang lahat sa isang iglap.

Kakakuha lang sahod, unang araw ng Agosto, kaarawan ni Poknat. Sa loob ng siyamnapu't dalawang araw naming pagsasama ay natuto ako ng maraming bagay. Nagamay ko na ang palengke, marunong na akong makipagtawaran sa mga tindera, bumili ako ng maraming sahog noong araw na 'yon. Natuto rin akong magluto na para sa panlasa ni Poknat ay sobrang sarap kahit na minsan namamali ako ng timpla.

Pagkauwi ko sa apartment namin noon ay kaagad akong naghanda at nagluto ng hapunan. Pancit, Kare kare, at ang paborito niyang lumpiang shanghai. Bumili rin ako ng cake kanina at nakahanda na rin ang kandila. At kahit na alam kong ayaw niya ng regalo pero binilhan ko siya ng silver na kwintas na may palawit na krus.

Subalit naghintay ako hanggang ala siete ng gabi. Ang akala ko'y nakalimutan ni Poknat ang mismong araw ng birthday niya kaya nagsimula akong mag-alala.

Naghintay ako hanggang sa sumapit nap asado alas otso ng gabi ang oras. TInakpan ko na 'yung mga handa dahil baka dapuan pa ng mga langaw. Akma ko na sana siyang tatawagan nang biglang bumukas ang pinto at niluwa siya nito, hingal na hingal. Ni hindi man lang niya hinubad ang suot na sapatos.

"Poknat?" Napatayo ako bigla nang lumapit siya sa'kin.

"Ming, pramis mamaya ipapaliwanag ko lahat, walang labis walang kulang, sa ngayon kailangan na muna nating umalis dito."

"A-Anong nangyayari?" Bigla niya akong hinawakan magkabilang balikat. Kitang-kita ko ang pawisang niyang mukha, ang kilay niyang halos magsalubong paitaas—isang pangamba ang nakita ko sa kanynag mga mata.

"Magtiwala ka lang muna sa'kin, okay? Kailangan na lang muna nating makatakas dito ngayon." Pagkasabi niya no'n ay mabilis niya akong niyakap nang mahigpit.

Naguguluhan ako noong mga sandaling 'yon. Pero ang tanging naalala ko lang noong umaga ng araw na 'yon ay sinabi niyang may job interview siya sa isang opisina, tinawagan daw siya nito at pinapupunta siya ng hapon. Pero wala pa rin akong naintidihan.

Wala akong ibang nagawa noong mga sandaling 'yon kundi magtiwala kay Poknat.

Sinunod ko siya at dali-dali kaming kumilos, ang sabi niya'y kaunting gamit lang ang dalhin namin kaya halos kakaunting damit lang ang nadampot ko. Masakit man sa kalooban ko na iwanan ang mga pagkaing hinanda ko para sa kanya pero mas nangibabaw ang takot ko para sa kinatatakutan ni Poknat.

Sumakay kami sa motor niya at pinatakbo niya nang sobrang bilis, kung papunta saan ay hindi ko alam. May kutob na ako noon na may humahabol sa'min kaya naman bago ako makalingon pa—naging blangko ang lahat.

"You had a terrible accident ten years ago." Nagbalik ang kamalayan ko sa kasalukuyan at nakita si Ms. Adel na nagsimulang magpaliwanag. "Nabangga ng truck ang motor na sinasakyan n'yo noong gabing 'yon."

Halos pigilin ko ang hininga ko nang marinig 'yon. N-Nabangga? A-Aksidente?

"You were hospitalized—"

"S-Si Poknat?"

"He survived, Remi." Nakahinga ako nang maluwag pero hindi pa rin nawala ang bigat sa dibdib ko. "But you... You went comatose... for so long."

"C-Coma?"

"They thought you'll never wake up again not until you opened your eyes three weeks ago... Nang magising ka'y hindi ka kaagad makapagsalita, wala kang naging reaksyon, wala kang sinabi. A speech therapist helped you to talk again but you don't seem to remember your memories. Nang makapaglakad ka ulit after physical therapy, I began to help you to remember your past."

Habang sinasabi ni Ms. Adel 'yon ay awtomatikong pumasok sa utak ko 'yung mga eksenang binanggit niya. Naalala ko rin 'yung mga araw na magkasama kami sa silid na 'yon, binigyan niya ako ng papel at panulat at inengganyong alalahanin ang nakaraan ko.

Na-frustrate ako noon dahil ni hindi ko kilala ang sarili ko. Pero hindi sumuko si Ms. Adel. Bawat araw ay pinupuntahan niya ako para tulungan. Hanggang sa tumugtog siya sa piano, nang marinig ko ang musika na nililikha nito ay mabilis akong dinala ng mga alaala ko mula sa simula.

Naalala ko ang taong nagsilang sa akin...

Sabi nila ang nanay ko raw
ang pinakamaganda sa buong bayan,
Kaya siya ang napiling Reyna Elena
sa Santacruzan

Hanggang sa nagtuloy-tuloy ang pagsusulat ko, bawat araw din ay nanumbalik ang boses ko—salamat sa therapy. Para akong nanumbalik sa pagkabata, at bawat parami nang parami ang mga pahina'y kasabay kong muling lumalaki si Remison...

At dumating na nga sa puntong ito.

Nang marating ko ang dulo ng pahina.

"It's been ten years, Remi."

Hindi ko matanggap.

Nanginig ang buong pagkatao ko habang nagsi-sink sa isip ko ang mapait at masaklap na katotohanang 'yon.

"N-Nasaan si Poknat? N-Nasaan ang Mamang ko? N-Nasaan si Auntie? G-Gusto ko silang makita." Muling tumulo ang luha sa aking pisngi nang maalala sila.

"I'm afraid you can't see them right now—"

"B-Bakit hindi?! Hindi ba dapa't malaman nila agad na nagising na 'ko?!" Umusog palapit si Ms. Adel pero kaagad akong umalis sa kama.

"Remi... I'm afraid na wala akong balita sa kanila sa Pilipinas..."

"A-Anong sa Pilipinas?" habang lumalapit siya sa'kin ay patuloy akong lumalayo sa kanya.

"We're in Canada..."

"C-Canada? B-Bakit ako nandito? S-Sino bang naglagay sa'kin dito?"

"Your grandmother—I mean your paternal grandmother, Doña Alba, she's the one who took you here. I worked to her hospital that's why I volunteered to be assigned here."

Pagkasabi niya no'n ay mabilis na pumasok sa isip ko ang nalaman kong katotohanan noon... Na hindi ko tunay na kadugo sina Mamang at Auntie dahil kinidnap ni Mamang at Papang ang nanay ko mula sa isang mayamang angkan.

Sunod-sunod akong umiling habang patuloy pa rin ang paghakbang ko palapit sa pintuan.

"G-Gusto ko nang umuwi sa'min. Kailangan kong makita si Poknat. Naghihintay sila sa'kin, pati si Mamang at Auntie—"Natigilan ako nang biglang sumigaw ang kunsensya ko. Ikaw ang nang-iwan sa pamilya mo, Remison! Tinalikuran mo sila!

Muling bumuhos ang mga luha.

"N-Nagsisinungaling ka, Ms. Adel, hindi totoo 'to. Kailangan ko nang umuwi sa'min."

"Remi, it's the truth. I know it's hard for you to accept, but please... you have to take everything slowly because—"

"S-Slowly?" Halos hindi na ako makahinga sa paninikip ng dibdib ko. "S-Sampung taon... Sampung taon akong..."

"Remi!" Mabilis akong nakalabas ng kwarto at tumakbo sa ibaba, pumunta ako sa isang bahagi ng bahay na 'to na hindi ko pa naapakan. Narinig ko ang paghabol ng mga kasambahay sa'kin pero mas mabilis akong nakatakbo at pumasok sa isang silid. Kaagad akong nagkulong sa banyo.

Sa loob ay dahan-dahan akong lumapit sa lababo kung saan ay may malabong salamin. Nang makalapit ako ro'n ay nanginginig kong binura ang pagkakalabo ng salamin at unti-unti kong nakita ang sarili ko sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magising ako sa lugar na 'to.

Hindi ko mapigilang mapasinghap at mapatakip ng bibig nang makita ang itsura ko.

S-Sino 'to?

Nanginginig pa rin ay hinawakan ko ang mukha ko saka bigla na namang pumasok ang isang alaala. Narinig ko noon minsan ang pagkukwentuhan ng mga kasambahay na naglilinis sa bakuran.

"Matagal na akong curious, teh. Bakit walang salamin sa bahay na 'to?"

"Sshh... Huwag kang maingay. Matagal nang ipinagutos ni doktora na tanggalin muna ang mga salamin. Para raw hindi mabigla 'yung pasyente niya kasi walang kamalay-malay na naoperahan ang mukha."

"Ay, kawawa naman. Dahil din ba 'yon sa aksidente no'ng batang 'yon?"

"Oo, napuruhan kasi ang ulo—mabuti nga't nakasurvive pa siya—isang malaking milagro—at mas malaking milagro na after ten years nagising pa rin siya."

"Mabuti na lang mayaman ang lola niya, kasi walang kulang sa pag-aalaga sa kanya rito, ano?"

"Oo, ibang klase ang pag-aalaga ni doktora, in demand daw 'yan sa Pinas dahil magaling manggamot—pero siguro mas malaki ang sahod dito sa Canada kaya pumayag sa offer ng amo niyang si Doña Alba."

"Pero alam mo... Kung ako siguro 'yon baka mas gustuhin ko na lang na hindi pa nagising—"

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Tama na ang tsikahan!"

Para akong naging bato sa kinatatayuan ko. Aksidente. Comatose. Sampung taon. Ibang mukha.

Wala pa bang mas lalala sa kalagayan ko? Oh, Diyos ko... Bakit po?

Nang sambitin ko 'yon sa isip ko'y nanlambot ang mga tuhod ko't napasalampak na lang ako sa sahig.

"Remi!" biglang bumukas ang pinto at kaagad akong dinaluhan ni Ms. Adel.

Bakit? Bakit nagising pa 'ko?

*****

BAKIT nagising pa ako?

Iyon ulit ang naisip ko nang magising ako kinaumagahan. Kung paano ko pa nagawang makatulog ulit—hindi ko alam. Siguro dahil napagod ako kakaiyak mandamag hanggang sa makatulugan ko na lang. Damang-dama ko na 'yung pamamaga ng mga mata ko.

May kumatok sa pinto pero nanatili lang akong nakatingin sa bintana. Kay ganda ng sikat ng araw, kitang-kita ko 'yong mga puno at kalikasan dito. Napakaganda. Pero napakasakit pa rin ng kalooban ko.

"Good morning, Remi." Tinig 'yon ni Ms. Adel. "Dinalhan kita ng breakfast." Hindi ko pa rin siya pinansin. Nakita ng gilid ng mata ko na lumapit siya habang dala ang tray at nilagay sa mesa 'di kalayuan. "Kumain ka na muna."

"Wala po akong gana."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "You need to eat para lumakas ka. And... Someone's here to see you." Nang sabihin niya 'yon ay napatingi nako sa kanya.

"Sino?"

Bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya. "Eat first, then I'll escort you downstairs. He's waiting." Parang may nabuhay sa loob ko. Nagkaroon ako ng pag-asa—kahit na katiting lang. "After you eat, dress well. I'll be back when you're done."

Pagkaalis ni Ms. Adel ay mabilis akong bumangon at kumain. Pagkatapos ay dali-dali akong nag-ayos ng sarili kahit na may kirot pa rin sa akin kapag sumasagi sa isip ko na nagbago ang itsura ko.

Lumabas ako at naabutan kong naghihintay si Ms. Adel, ngumiti siya sa'kin, walang sinabi, at naunang naglakad. Sinundan ko siya at nakarating kami sa tapat ng silid kung saan palagi kaming nag-uusap noong mga panahong pinapasulat niya ako tungkol sa nakaraan ko.

"Your family's lawyer is waiting for you." Nang sabihin 'yon ni Ms. Adel ay halos gumuho ang mundo ko. Ang akala ko pa naman ay si Poknat ang naghihintay sa'kin—ang sakit—ang sakit-sakit umasa. Bago pa ako makaalis ay nahawakan niya agad ako sa braso. "Please, Remi, he's been waiting for you to wake up too."

Nang marinig ko 'yon ay hindi na ako nagpumiglas pa. Binitawan ako ni Ms. Adel at saka niya binuksan ang pinto. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob, may lalaking nakatayo sa may bintana at nang maramdaman nito ang presensiya ko'y bigla itong lumingon.

Noong una'y seryoso ito subalit nang makita niya ako ay unti-unting napalitan ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla akong napako sa kinatatayuan ko'y habang ang lalaki'y tila nag-aalinlangang lumapit sa'kin—kinakabahan.

"I'll leave the two of you, Attorney Altamirez." Boses 'yon ni Ms. Adel, sinara ang pinto nang makaalis.

"R-Remi..." Nang marinig ko ang boses ng abogado'y saka ako natauhan. Kitang-kita ko ang luhang kumawala rin sa kanyang kanang mata.Ang sunod ko na lang na namalayan ay nakakulong na pala ako sa matipuno niyang mga bisig.

"M-Miggy?" 


-xxx-



THANK YOU FOR READING!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top