DALAGA 77❀
AWKWARD. Kung isang salita ko lang madedescribe ang sitwasyon namin ngayon, iyon nga ang tamang salita, awkward. Kung tutuusin nga'y dapat mas mangibabaw ang lungkot namin ngayon dahil ito na ang literal na huling pagkakataon na makakasama namin si Quentin bago siya tuluyang umalis ng bansa.
Nakatanggap kasi ako ng imbitasyon mula kay Q, kaya noong uwian ay sinundo ako ni Corra para sabay ulit kaming pumunta sa isang Japanese restaurant sa mall kung saan may nakareserve na private room para sa'min.
Katabi ko si Miggy, nagulat nga ako na invited din siya at muntik ko na nga palang makalimutan na dati silang magkasama sa org ni Q. Bilog ang malaking mesa, nasa kabila ko si Corra. Pinapagitnaan si Olly nina Azami at Deanna, nandito rin pala si Viggo.
Narinig kong tumikhim si Quentin kaya napatingin kaming lahat sa kanya, wala man lang kabakas-bakas ng pag-aalinlangan ang itsura niya, at as usual, halos kuminang ng ngipin sa ganda ng ngiti niya sa'min.
"First, I'd like to you, guys, for coming here," panimula nito. "I know you granted my request because I'm finally going tomorrow. Hindi ko kasi kayo masyadong nakabonding ng party. So, what's up?"
What's up? Iyon ang tanong ni Q sa'min. Bigla akong nalungkot kasi para bang pinahihiwatig nito na maaaring sa future ay hindi na ulit kami magkamustahan dahil magiging busy o abala na kami panigurado sa mga magiging buhay namin.
"We're good," matipid na sagot ni Viggo. Sinundan 'yon nang masiglang sagot ni Olly, sumagot din si Deanna. Bago pa ulit may makapagsalita sa'min ay biglang sumabat si Azami.
"Q, are you leaving us for real?" malungkot na tanong nito, halos umikot ang mga mata ni Deanna na malamang ay naiirita pa rin sa boses ni Azami.
"Yeah, I'm sorry for my sudden decision. The truth is... I called you all here because... I know there are still unresolved issues that caused drift among us. I just realized one night that I might not see you again, and it made me sad if I'll leave na hindi tayo okay."
"Q, wala naman tayong issue, we're still friends," sagot ni Deanna.
"No, Deanna, we all know what happened before, right? Don't you remember how we used to hang out together before?"
"Oh, iyan 'yong bago may dumating na asungot dito sa Baguio," sabi ba naman ni Deanna at sinulyapan ako. Oo, alam ko naman ako agad ang tinutukoy niya.
"Iyon din 'yong time na hindi pa kayo nagbebreak ni Remi," mahinang sambit ni Azami. Tiningnan ko silang dalawa. Pinagtutulungan ba nila ako?
"So? Anong point ny'o? Sinasabi n'yo ba na kasalanan ni Remi?" biglang nagsalita si Corra, handang lumapa kaya hinawakan ko siya sa braso.
"Guys, ano ba naman kayo, Azami, Deanna, stop being childish!" nagulat kami nang sabihin 'yon ni Olly. "Sorry, Q, I get it why you gather us here. Pero alam mo sadyang mahirap nang baguhin ang masamang pag-uugali ng isang tao."
"Deanna, Azami, the issues that happened to us weren't Remi's fault. What happened was meant to happen, we can't move forward if we keep dwelling on the past. Tama si Olly, I'm not forcing you to change but all I want right now is to hang out with you in peace... for the last time."
"Don't say it's the last, Q," napatingin ako kay Miggy nang magsalita ito, "who knows maybe our paths might cross again."
"Thanks for that, Miggy."
"Remi, pasensya ka na—"
"Hindi naman natin masisisi si Deanna, Olly," putol ko sa kanya. "Nirerespeto ko naman 'yung nararamdaman niya dahil may Karapatan siyang magalit." Nakipagbreak si Miggy sa kanya dahil sa'kin.
Akala ko muli akong tatarayan ni Deanna, humalukipkip kasi ito. "I'll agree to Q, past is pask. For the sake of Q's peace of mind, kumain na lang tayo ng matiwasay."
Sumang-ayon na lang kami kay Deanna, dahil eat all you can buffet ang restaurant ay kanya-kanya na kaming kumuha ng mga pagkain. Nagkasabay pa kami ni Viggo sa isang area ng pagkain.
"Okay ka lang?" tanong niya sa'kin. Ang tagal na rin simula nang huli kaming mag-usap.
Tumango ako. "Okay na ba kayo ni Azami? Ni Deanna?"
Napabuntonghininga si Viggo at bahagyang ngumiti. "Napakakomplikado ng mga babae, kapag kinuasap mo sila akala mo okay na kayo pero may natitira pa rin palang sama ng loob sa kanila. Ang gulo." Naiiling niya pang sabi, natawa kami parehas. "Wala na kami ni Azami, hindi rin naman na kami nag-uusap ni Deanna. Siguro okay na?"
Parang hindi naman siya mahihirapang makahanap ulit ng bago, sa isip-isip ko. Tinitigan niya ako na para bang alam niya kung anong naisip ko. Mukhang masyado atang judgmental 'yung itsura ko.
"Alam ko 'yang iniisip mo, Remsky. Mas ipa-priority ko muna 'yung pag-aaral ko kasi wala na akong scholarship sa Panorama." Hindi ko alam kung bakit siya nagpapaliwanag pero nacurious ako.
"Bakit naman?"
"Gano'n talaga ang life. Kaya baka lumipat ako ng ibang school, hopefully maging varsity scholar ulit."
"Good luck." Wala na akong ibang maisip kaya 'yon na lang ang nasabi ko. Ngumiti na lang sa'kin si Viggo at nauna akong umalis sa area.
Sa kabutihang palad ay hindi na nagkaroon ng iringan pa nang kumain kami. Para ngang walang nangyari at casual na nagkwentuhan at nagtanungan ang lahat ('yong mga simpleng topic lang gaya ng movies, series, mga prof sa university, issues sa societies, atbp.)
"May we all succeed in our careers and life. I wish that you'll always find a good company to be with. Let's strive to forgive and forget the bad past and keep the great memories in our hearts. Cheers, my friends!" iyon ang mensahe ni Quentin bago mag-toast.
Nakita ko naman na natuwa si Q dahil tila ba nagkatotoo na 'yung wish na maging at peace na rin kami sa isa't isa kahit na hindi ko rin sigurado kung may galit pa rin ba sa'kin si Deanna dahil kay Miggy. Nakita ko nga silang dalawa kanina sa may dessert area na nag-uusap.
Sa parking lot ay nagkanya-kanya kaming paalam. Isang mahigpit na yakap at regalo ang binigay ko kay Quentin, pagkatapos ay sabay silang pumasok ni Corra sa kotse. Papasakay palang ako sa sasakyan ni Miggy nang biglang lumapit si Azami sa'kin.
"R-Remi, can we talk? Saglit lang."
"Go ahead, I'll wait here," dinig kong sabi ni Miggy kaya sumunod na lang ako kay Azami.
"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.
"I'm sorry." Medyo hindi ako makapaniwala kahit na expected ko na 'yon. Bahagya siyang napayuko. "I know I've been immature before." Tinitigan ko lang siya, hindi ko pa alam kung anong sasabihin sa kanya. "I know it might be possible for us to be close friends again, I just want to wish you well."
"Thank you, Azami. Ikaw din." Tumango si Azami. Siguro naalala rin niya 'yung naging mensahe ko sa kanya noong nagdebut siya. Tumalikod na siya at humakbang palayo pero pinagmasdan ko pa rin siya, ano kayang nangyari sa kanya'y bigla siyang nagkaroon ng mature realizations?
Nadagdagan tuloy 'yung lungkot na nararamdaman ko, parang isang closure sa amin ang nangyari kanina kahit na hindi pa rin nagkaayos nang malinaw ang mga nagka-issue. Marami nang nangyari sa maiksing panahon na naging hudyat ng napakaraming pagbabago. Nakakalungkot man ang kinahitnan namin pero lihim kong pinalangin na tama si Miggy, na sana hindi pa iyon 'yung huli naming pagkikita.
*****
MALAYO pa lang kami sa bahay ay naramdaman ko na agad ang kaba. Habang nasa biyahe kami'y pilit kong inaalala ang mga lumang alaala tungkol sa mommy ni Miggy na mayroon ako. Sa totoo lang ay wala akong masyadong matandaan tungkol kay Tita Griselda. Kung alam lang ng katabi kong seryosong nagmamaneho na hindi ko na matandaan kung anong itsura ng mommy niya.
Para kasing isang malaking hiwaga noon ang mommy ni Miggy, siguro marahil nagmula rin sa mayamang pamilya ay hindi nito nakasanayang lumabas at makihalubilo sa mga ordinaryong tao. Kapag nakakapasok kami noon sa malaking bahay nila Miggy ay ni anino nito ay hindi namin nakikita.
Kaya hindi ko rin masabi kung anong klaseng tao ang mommy niya, wala akong gaanong memorya nito. Wala rin naman akong naririnig na kwento kila Mamang at sa mga kapitbahay namin.
Hindi pa rin humuhupa ang kaba. Dumagdag pa sa kaba ko 'yung pananahimik ni Miggy (na hindi ko alam kung kailan ko kasasanayan), hindi niya ako kinakausap kanina pa, wala rin naman akong ideya kung anong problema niya. Hindi kaya kinakabahan din siya sa pagdating ng mommy niya? Baka hindi sila close?
Hanggang sa hindi ko na natiis. Pasimple akong tumikhim. "Miggy?" tawag ko sa kanya. "Sorry kung itatanong ko 'to, ha. Noong mga bata pa kasi tayo... Parang hindi ko masyadong matandaan ang mommy mo."
"Pumunta siya noong burol ni Detdet, hindi mo ba naalala?" Sa dami ng pwedeng banggitin ay iyon talaga ang napili niya. Saka pumasok sa isip ko, oo, naalala ko 'yon, nakita ko ang parents niya na nakiramay noon.
"Nasa bahay na kaya siya?"
"I received her text earlier, kakadating niya lang kanina," sagot nito sa'kin, nakatutok pa rin ang mga mata sa daan.
Hindi na ulit ako nagsalita at nagpalamon na lang sa mga iniisip ko. Ilang sandali pa'y namalayan ko na lang na huminto na ang sasakyan, naunang bumaba si Miggy kaya bumaba na rin ako.
Hinanda ko 'yung sarili ko bago pumasok sa loob ng bahay, sumalubong sa'min ang masayang mukha ni Manang Kang.
"Senyorito! Nandito na kayo!" bati nito sa amin, hindi maitago ang galak.
"Where's mom?" tanong ni Miggy.
Para akong bisita na parang first time makapunta sa bahay ng isang kaklase, nahihiya akong pumasok sa loob, maliliit ang hakbang ko na para bang takot makabasag ng vase.
"Miggy, is that you, my dear?" boses 'yon ng babae na nasa dining area. Naglakad papunta ro'n si Miggy, tiningnan ako ni Manang at kulang na lang ay utusan niya akong sumunod doon. Kusa namang gumalaw ang paa ko. "I missed you!"
"Mom, we just missed each other for a few days."
"That's long enough!"
Nadatnan ko sa kumedor ang isang babae, kung hindi ko lang alam na mommy siya ni Miggy ay iisipin kong artista siya sa TV, 'yung mga tipikal na bidang nanay sa mga teleserye na nagmomodel din ng mga lotion products. Ang damit nito'y mukhang mamahalin (parang may shooting ang pinuntahan) na sinamahan pa ng mga kumikinang na burloloy.
Natigilan ang mommy ni Miggy nang mapansin ang presensiya ko, matipid itong ngumiti sa'kin. Napansin ko rin ang mesa na puno ng mga masasarap na pagkain, hindi 'yon 'yung mga usual na putahe ni Manang kaya inassume ko na agad na niluto 'yon ng mommy niya.
"Remison? My, look how much you've grown," sabi nito sa'kin. Pinasadahan ako ng isang buong tingin kaya medyo naconscious ako. Dapat pala nag-ayos ako bago bumaba kanina.
"H-Hello po, Tita Griselda." Pagkalapit ko sa kanya'y hinalikan ako nito sa pisngi.
"Galing kayo sa school, right? Tamang-tama dahil naghanda kami ni Manang ng dinner, let's eat."
Napatingin ako kay Miggy na walang salitang umupo. Hindi ba niya nasabi sa mommy niya na galing kami sa kainan? Kunsabagay, hindi ko rin matatanggihan ang pagkain lalo pa kung mommy mo ang nagluto.
Umupo na rin ako. Sana pala'y hindi marami ang kinain ko kanina. Kahit na halos pumutok na ang sikmura ko'y pipilitin ko pa ring kumain.
Habang kumakain ay napansin ko ang pagiging madaldal ni Miggy, panay ang kwento niya sa mommy niya tungkol sa kung ano-ano. May social life din pala sa college nila 'tong si Miggy, may mga interes din pala siya. Mama's boy ba siya? Panay kwento rin naman si Tita Griselda sa'min, tungkol sa mga bansang pinuntahan nito, sa negosyo, at iba pang makabuluhang bagay.
Hindi naman ako na-out of place, ang interesting ngang makinig sa mga pinag-uusapan nila. Humupa na rin 'yung kaba ko na ma-meet ang mommy ni Miggy matapos ang napakaraming taon. Pinagmamasdan ko nga si Tita Griselda, parang napaka-elegante niyang tao, intimidating at matalino katulad ni Miggy.
Laking pasasalamat ko nga dahil hindi ako nito inusig katulad ng mga iniimagine ko kanina. Nang matapos kumain ay pinapanhik na nila ako para makapagpahinga.
"Wait, Remi," biglang tawag sa'kin ni Tita Griselda. "Can we talk later?" Ito na nga 'yung hinihintay ko. Bumalik 'yung kaba. Tumango lang ako bago umalis sa dining area.
Pagkapanhik ko sa kwarto ko'y kaagad akong nag-ayos (kahit na kagabi pa ako nakapagligpit nang mabuti), naglinis na rin ako ng katawan at nagpalit ng pantulog. Habang hinihintay ang mommy ni Miggy ay biglang may sumagi sa isip ko.
Hindi ko pa natetext si Poknat! Napakagat-labi ako nang tingnan ko 'yung phone ko't nakita ang pitong message galing sa kanya. Ang huling text ko kasi sa kanya'y sinabi ko na nag-invite si Q ng huling get together.
Nagta-type pa lang ako ng reply nang biglang may kumatok sa pinto. Narinig ko 'yung boses ng mommy ni Miggy.
"Remi? Can I come in?" Mabilis akong pumunta sa pintuan. Pagkabukas ko ng pinto ay nakangiti siyang tumuloy sa loob ng kwarto ko, inalok ko siyang umupo ro'n sa solo sofa, at umupo naman ako sa reclining chair ko. "Pasensiya ka na, hija, I know you're tired. Saglit lang naman ako."
"Wala pong problema," nahihiya kong sabi. Itinabi ko na 'yung phone ko at hindi na muna nireplyan si Poknat. "Ano po ba 'yon?"
"I want to know your schedule, nasabi na sa'yo ni Miggy na I'll be the one to arrange your debut in May, right?"
Tumango ako ng may pag-aalinlangan. "Nasabi na nga po ni Miggy. Pero..." Bahagyang nawala ang ngiti nito. "Hindi po ba masyado pang maaga?"
Napangiti muli si Tita Griselda. "My dear, normal lang na pinaghahandaan ng matagal ang ganitong importanteng okasyon. It's your eighteenth birthday. Noong debut nga ni Mika noon, six months before her birthday ay nagsimula na kaming magplano. Don't worry about anything, Miguel trusted me with this. I'll make sure it's going to be a fabulous birthday for my future daughter-in-law."
Malamig ang klima rito sa Baguio pero pakiramdam ko ay mas dumoble ang lamig sa katawan ko nang marinig ko ang huli niyang sinabi. Future daughter-in-law...
Wala akong ibang nasambit at tinitigan ko lamang siya, muling kabaligtaran ng expectation ko na... Na hindi niya sasang-ayunan ang kasal namin ng anak niya. Muling umusbong ang tanong. Bakit? Bakit ako? Tiyak na mas marami pa silang makikita na mas mainam kaysa sa akin... Mga mayayaman din katulad nina Azami, Corra, at Deanna...
Bakit ako, Tita Griselda? Bakit ako, Tito Miguel?
Tumayo ang mommy ni Miggy. "It's getting late, tomorrow after your class, pag-uwi mo rito mo na lang ibigay sa'kin ang schedule mo para sa agenda natin, of course it's your birthday, dapat ay kasama kita sa pagpili ng venue at ng iba pang mga kailangan."
Hindi pa rin ako nakakibo hanggang sa hinatid ko siya sa may pintuan. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at pumihit paharap sa'kin.
"I heard from Miggy that you broke up with your boyfriend for your engagement. I'd like to thank you for that decision." Hindi ko naitago ang gulat nang marinig ko 'yon. "And I also heard that Miggy broke up with her girlfriend as well. Actually, Miguel and I didn't know na may girlfriend pala si Miggy."
Miggy... Bakit niya sinabi 'yon sa mommy niya?
Mukhang hinihintay ni Tita Griselda ang sagot ko kaya pinilit kong magsalita. "A-Ah... Opo."
"I won't ask what kind of girlfriend she had; it doesn't matter anyway." Hinawakan niya 'yung pisngi kong parang nagyeyelo sa lamig. "Good night, Remison."
Akala ko matatapos na ang pagipigil ko ng hininga nang makatapak siya sa labas ng kwarto ko. Sa huling pagkakataon ay muli siyang lumingon.
"You're not seeing anyone other than my son?" Sa kaba ko'y hindi ko napigilang umiling, mas lumawak ang ngiti niya. "That's great to know. See you tomorrow, my dear."
Nang isara ko ang pinto ay napasandal ako roon. Napasapo ako sa noo. Nagsinungaling ka sa mommy ni Miggy!
Muli kong binalikan ang phone ko at tumambad ang messages namin ni Poknat. Hindi ko alam kung anong irereply ko.
Pakiramdam ko'y tinraydor ko si Poknat.
-xxx-
A/N: O-em, nameet na ang "future" mother-in-law! Anong feel nyo kay Tita Griselda? Hala ka Remison, pacomplicated nang pacomplicated ang life. Ibalik na lang kaya kita sa sinapupunan ng mama mo? char HAHA
The memes in this chapter are sponsored by: @myranile @_curse09 @Mervynaa @Itzurkofuku THANK YOU, GUYS, FOR MAKING MY DAY ALWAYS!!! Aliw lang :D
See you next chap!
THANKS FOR READING! (≧◡≦) ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top