DALAGA 75❀


NANG dahil sa isang text message na natanggap ko kaninang umaga ay hindi na ako mapakali halos buong araw. Lunch break pa lang ngayon pero gustong-gusto ko nang sumapit ang uwian.

"You look troubled." Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig ko ang boses ni Riley. Napatingin tuloy ako sa kanilang dalawa at saka ko lang napagtanto na kanina pa pala sila nakatitig sa'kin.

"What's wrong, Remi? Nakatulala ka kasi habang kumakain," dagdag pa ni Anne. Bigla akong nahiya sa kanilang dalawa, hindi ko rin kasi sila kinakausap kanina pa.

"Sorry... May iniisip lang kasi ako."

"If it's a problem, if you don't mind, we could help you," sincere namang sabi ni Riley.

Umiling ako. "May natanggap lang akong balita kaya kaninang umaga pa ako hindi makapag-isip nang mabuti."

"What is it?" tanong agad ni Anne subalit napatitig lang ako sa kanya. "Umm... Sorry, we don't mean to be so intrusive," nahihiya nitong turan saka bumalik sa pagkain.

Bigla akong inatake ng kunsensya. Sa totoo lang kasi ay nagkagaanan naman na kami ng loob pero hanggang ngayon ay hindi ko pa ring makuhang makapag-share sa kanila ng ilang bagay tungkol sa personal kong buhay. Nase-sense ko rin naman na nahihiya rin silang magtanong.

Mabait naman silang dalawa, walang ibang inatupag kundi pag-aaral, at magandang impluwensya sa akin. Iyon nga lang ay sa paningin ng iba ay sila 'yung tipo na 'boring' kasama. Kaya napabuntong-hininga na lang ako at muling nagsalita.

"Actually..." Muli silang tumigil sa pagkain para makinig sa'kin. "Kaninang umaga ko lang kasi nalaman na 'yung isa kong kaibigan ay biglang mag-aabroad dahil doon na siya mag-aaral." Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot.

"Aw, that's so sudden nga," komento ni Anne. "Who's that friend? Tiga-university din ba natin?"

Tumango ako. "Umm... Ang pangalan niya ay Quentin—"

"Oh, your ex-boyfriend?" biglang bulalas ni Riley kaya napatakip ito ng bibig. "Sorry, we've heard it somewhere na naging kayo." Oh, siguro 'yon 'yong mga panahong kung ano-anong pinagkakalat ni Kennedy (na speaking of ay parang hindi ko na nakikita ni anino sa loob ng campus. Mabuti naman).

Tumango ulit ako. "Kaya ayon, medyo shocked pa rin ako kasi ang sabi pa'y baka sa ibang bansa na rin talaga sila manirahan."

"Cheer up, Remi!" Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa at muli kaming tahimik na kumain. Maya-maya'y napunta rin sa iba ang usapan nila, as usual ay tungkol na naman sa mga subjects namin. Naisip ko tuloy kung sadyang wala ba silang ibang interes sa buhay?

May isa pang bumabagabag sa'kin na hindi ko nasabi sa kanila. Ang totoo, kahapon pa ako ginugulo nito—hindi siya nagpaparamdam sa'kin, ni-text o chat o tawag, wala. Hindi ko naman makuhang ako ang maunang tumawag, hindi dapat gano'n, 'di ba? Pero kaunti na lang gusto ko na siyang tawagan.

Nasaan na ba ang kabuteng 'yon?

*****

SUMAPIT na rin ang uwian sawakas. Dali-dali akong pumunta sa may main gate kung saan namin napag-usapang magkikita. Malayo pa lang ay kumaway na kami sa isa't isa. At nang makalapit ako sa kanya'y sinalubong ako ng yakap ni Corra, siya lang naman ang taong nagbalita sa'kin tungkol kay Quentin.

Nagyaya muna saglit si Corra na tumambay sa coffee shop (doon sa pinuntahan namin ni Ms. Adel kahapon) dahil uhaw na uhaw daw siya at literal na kakagaling lang niya ng school nila.

"Nagulat ka ba?" tanong niya pagkaupo sa harap ko, dala ang dalawang ice-blended drink na binili niya para sa'min. Tumango ako. "Surprise, nagulat din ako, eh."

"Huh? Hindi mo rin alam?"

"Yeah. Guess what, kaninang umaga ko lang din nalaman," humigop muna siya ng inumin, "kaya nga sasakalin ko 'yang si Q mamaya kapag nakita ko siya."

"Bakit naman nanggugulat si Q? Bakit hindi niya rin sinabi sa'yo?"

Nagkibit-balikat ang kaharap ko. "Ang hula ko riyan, napag-usapan na nila ng family niya noong Christmas break, then ayaw niya agad ipaalam agad and boom—biglang despedida party na ang balita. Parehas tayong maraming questions, Remi, hopefully maliwanagan tayo sa mga sagot ni Q mamaya."

Napatitig lang ako kay Corra, saka ko naramdaman na nalulungkot din siya sa balita kahit na hindi niya pinapakita sa'kin.

"What?" tanong niya nang biglang nailang.

"Mamimiss mo siya, ano?" sabi ko na may halong panunukso.

"Huh? Hindi, no."

Napangiti ako. "Sus, Corra, huwag ka nang in denial. Mainam kung sasabihin mo 'yan sa kanya."

"Hays, oo na," pagsuko niya.

"Oo nga pala... Matanong ko lang kung... kung nakita mo ba si Pok—Kiel?"

"Si Kiel? Hindi pa ulit kami nagkikita-kita sa bistro," sagot nito. Napatango na lang ako at lihim na nagpasalamat na hindi na nang-usig si Corra kung bakit ko hinahanap ang kabanda niyang kabute.

Pagkatapos naming tumambay saglit sa coffee shop ay akala ko pupunta na kami sa venue ng party ni Q, nagtaka ako nang sabihin ni Corra sa taxi driver na dalhin kami sa mall.

"Teka, bakit magma-mall tayo?" tanong ko sa kanya.

"We need to change our clothes." Napakunot ako. "Do you seriously think na pupunta tayo sa party na ganito lang ang suot?" turo niya pa sa suot na jeans, t-shirt at jacket.

Hindi na ako kumibo pa dahil akala ko siya lang ang gustong bumili ng bagong damit para sa party—iyon pala'y idadamay niya rin ako sa pagsa-shopping niya ng damit. Pinapipili niya rin ako ng dress na isusuot at sa kulit niya'y hindi na ako nakatanggi.

"Go, ito bagay sa'yo, super pretty, isukat mo sa fitting room." Kahit kailan talaga'y bossy pa rin talaga ang babaeng 'to. Kinuha ko sa kanya 'yung damit na navy blue dress.

"Corra, lagpas six na, late na tayo—"

"Remi, hindi tatakbo ang bahay ni Q, isukat mo na 'yan."

Sinunod ko na lang siya. Inisip ko na lang na bonding moment namin 'to dahil ngayon lang namin 'to ginawa dahil palagi siyang busy sa school sa buhay banda niya.

Nang mabili namin ang damit ay hindi pa nakuntento si Corra, nagpaayos kami parehas ng buhok sa booth dito sa loob ng department store, libre kasi. Ngayon ko lang din nakita ang super girly side ni Corra, o sadyang nagpapaganda siya para ngayong gabi.

"Pupunta ba si Leighton mamaya? Pati ako nadamay sa pagpapaganda mo," biro ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng mall.

"Yes, pupunta siya and I can't miss the opportunity to smooch with him." Tumigil ako sa paglalakad at kulang na lang ay malaglag 'yung panga ko sa sahig. Natawa si Corra sa itsura ko. "Gano'n talaga kapag mahal mo, Remi. Maiintindihan mo rin ako."

"Corra, kailan ka pa naging mahalay?" biro ko sa kanya at siya naman ang nanlaki ang mga mata.

"Mahalay talaga ang salita?" nagtawanan kami parehas bago siya pumara ulit ng taxi.

*****

MUKHANG tamang desisyon ang pagpunta namin ni Corra sa mall para bumili ng damit na susuotin ngayong gabi. Paano ba naman ay hindi ko inaasahan na magiging ganito kabongga 'yung despedida party, akala mo may debut. Sumalubong sa'min ang isang kasamabahay para kuhanin 'yung mga bag namin.

"Birthday ba ni Quentin?" pabulong kong tanong kay Corra habang naglalakad kami. Ang dami rin kasing tao at lahat sila'y nakasuot ng mga eleganteng damit.

"Relax, hindi niya birthday—pero parang gano'n na nga, knowing Q's mom, gusto yata nila na i-advance na rin ang celebration ni Q dito."

"Wala pa naman akong regalo."

"Huwag kang mag-alala, hindi na niya kailangan ng regalo."

Hindi ako bumibitiw sa pagkakahawak ko sa braso ni Corra, para akong batang ayaw mawala, ang dami kasing hindi pamilyar na mga tao.

Nang makarating kami sa outdoor area kung saan naroon ang swimming pool at mismong main reception ng party ay sumalubong ang dumadagundong na ingay ng musika, mayroon kasing DJ na live na nagpapatugtog. At saka ko nakita rito ang ilang pamilyar na mukha ng mga schoolmates namin maliban kay Q.

"Lahat ba sila friends ni Quentin?" tanong ko ulit kay Corra.

Nagkibit-balikat ito. "I dunno, ang alam ko he used to be a partygoer kaya hindi na ako nagtaka na ganito karami ang kakilala niya but again, knowing Tita Harley, she'll urge Q to invite many people as possible. Malamang marami rito gate crasher lang."

Pagkabanggit no'n ni Corra ay saktong nadako ang tingin ko sa grupo ng maiingay sa isang tabi at nakita ro'n si Kennedy. Napangiwi ako, mukhang tama nga si Corra.

Nagpagala-gala ang tingin ko sa paligid nang bigla akong may maalala—hindi pa nga pala ako nakakapagpaalam kay Miggy! Pero baka nandito rin siya sa party... Kahit na, magtext ka sa kanya!

Akmang kukunin ko 'yung phone ko nang maalala kong naiwan ko 'yon sa loob ng bag ko! Paglingon ko kay Corra ay saktong nakita kong nagse-cellphone siya.

"Corra, pwedeng makitext—"

"I know where Q is, puntahan natin siya." Hindi nito pinansin ang sinabi ko at hinila ako sa braso papasok ulit sa loob ng bahay.

Namalayan ko na lang na pumanhik kami sa second floor, mabuti't kabisado ni Corra ang pasikot-sikot sa loob ng bahay dahil feeling ko nakakaligaw ito sa sobrang laki. Hindi ko na rin magawang maki-text dahil sa bilis ng lakad niya, parang nagmamadali.

Tumigil kami sa harapan ng isang silid, hindi ko matandaan kung ito ba 'yung kwarto ni Q na napuntahan ko noon. Kumatok si Corra sa pinto. Habang naghihintay ay muli siyang sumulyap sa phone.

"Nandito na si Leighton," nakangiti niyang sabi. "Paano, maiwan na muna kita riyan."

"Huh? Corra, 'di ba sabi mo sasakalin mo si Quentin kapag nakita mo siya—"

"Marami pa akong time mamaya, I'll see you both later, okay?"

Napabuntong-hininga na lang ako nang iwanan ako ni Corra. Nang makaalis siya'y saktong bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang nakasisilaw na ngiti ni Quentin, kala mo'y endorser ng isang toothpaste sa commercial.

"Hey."

"Hi, Q."

"Come in," yaya niya sa'kin at pinapasok ako sa loob ng silid. Akala ko bedroom ang silid pero hindi pala, para 'tong entertainment room dahil may malaking TV, billiard board, at iba pa. Sound proof din ang silid dahil hindi maririnig dito 'yung ingay ng party sa labas. "Where's my cousin?"

"Ayun, umalis kasi nandiyan daw si Leighton," sagot ko.

Napailing siya. "I don't think her guy is coming. She's probably crying right now, ayaw siguro akong makaharap," natatawa niyang sabi at napangiti ako dahil mukhang tama nga ang hula niya. "Don't worry, surely she'll nag at me later."

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya nang paupuin niya ako.

"Drinks? Snacks? You can get what you want here." Turo niya sa direksyon kung saan nakalagay 'yung mga dispenser ng mga pagkain na parang sa sinehan mo lang makikita. Mabuti't napigilan kong mapanganga, iba talaga kapag mayaman. "Believe it or not pero ina-anxiety attack ako kaya hindi muna ako lumalabas para harapin 'yung mga tao."

"Bakit naman?" naupo siya kaharap ko.

"I'm sorry if hindi ko kaagad kayo nasabihan," sabi niya, naglaho ang ngiti at bahagyang napayuko. "I know it's too sudden but I think it's the best opportunity for me to pursue film school abroad."

"Q..." Hindi ko rin alam kung anong sasabihin kaya saglit akong napaisip. "Hindi mo naman kailangang magsorry, kung para 'yon sa pagtupad ng pangarap mo handa ka naman naming suportahan."

"I'm actually scared because... pupunta ako ro'n at it will be back to zero, back to nothing, walang mga kaibigan... But... You're right, if it's for my dream I have to endure it." Muling nanumbalik ang sigla at ngiti niya. "Actually pinapunta ko kayo ni Corra rito para sa inyo lang makipagbonding pero siguro kailangan din naming magpinsan ng moment."

"Talagang close kayo, ano?"

"Yeah. I'm going to miss my bossy and boyish cousin. Of course, I'm going to miss you too."

Bigla akong inatake ng lungkot, saka lang nagsi-sink in sa utak ko na ito na 'yung huling sandali na makakasama ko siya dahil aalis na siya, pupunta na siya sa malayo at hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya.

"I'll miss you too, Q."

"Hey, don't cry," tumayo siya at saka tumabi sa akin, "nandiyan ang social media, we can still always talk to each other." Tumango ako kahit na alam kong magiging malabo na 'yon, kapag naging busy na kasi kami sa kanya-kanya naming buhay ay unti-unti ring mawawala ang komunikasyon. Mukhang alam din ni Quentin 'yon. "Thank you, Remi, for being the best girl friend that I had."

"Thank you rin sa lahat, Q." Weird. Pakiramdam ko nangyari na 'yung ganitong eksena noon. Déjà vu ang tawag nila sa ganito. Mukhang gano'n din ang nasa isip niya dahil nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa nang walang sinasabi.

Katulad nga nang sinasabi nila, no more words to explain, basta alam na namin ni Quentin kung ano 'yon. Minsan nga pumapasok sa isip ko kung... paano kung siya na lang talaga?

Pero hindi, eh.

Minsan mahirap din diktahan kung ano 'yung gugustuhin ng puso natin.

Bigla tuloy nag-echo sa isip ko 'yung sinabi ni Ms. Adel kahapon... "What about your heart? What does it tell you?"

"Remi," bigla niya akong tinawag kaya nanumbalik ako sa kasalukuyan. "May isa lang akong gusto... para sa'yo."

"A-Ano 'yon?"

"I want you to be happy." Napatitig lang ulit ako sa kanya. "I seriously wanted you to be happy." Bigla akong nangamba dahil sumeryoso ang itsura niya. Bigla niyang hinawakan 'yung kamay ko. "I seriously meant it, you're a special friend to me, that's why I can't stand to see you to be married someday to someone you don't really love."

"Quentin?"

"Please, don't marry Miggy," direkta niyang sabi at saka biglang tumayo. Muli siyang ngumiti. "I want you to stay here, okay?"

"H-Huh? Saan ka pupunta?"

"I'll find and talk to my cousin, diyan ka lang," utos niya at saka pumunta sa pintuan. "We'll meet you again later."

Nang makalabas si Quentin ay literal kong sinunod ang sinabi niya, ni hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Naiwan akong naguguluhan sa mga huling sinabi niya. Gusto niyang maging masaya ako, huwag ko raw pakasalan si Miggy...

Habang pinoproseso ko pa rin ang mga nangyari, walang ano-ano'y biglang namatay 'yung ilaw ng silid. Muntikan na akong nagpanic kung hindi ko lang narinig 'yung tunog ng strums ng gitara. Kasunod nito'y biglang bumukas ang dim lights.

"Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan..."

Sa isang maliit na entablado katabi ang malaking flat screen TV, nakatutok sa kanya ang spotlight. Halos lumundag ang puso ko nang makita ko siyang may hawak ng gitara, nakaharap sa mikropono at umaawit ng isang pamilyar na kanta.

"Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan..."

Kusang gumalaw ang katawan ko, tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa harapan niya. Hindi naputol ang pagtitig namin sa isa't isa hanggang sa hindi ko namalayan ang pag-angat ng magkabilang gilid ng aking labi.

"Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko..."

Pagdating ng chorus ay mas lumawak ang ngiti niya habang kumakanta, 'yung mga mata niya na parang sasakupin ang buong mundo mo.

"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo"

Bakit? Gusto kong itanong sa sarili ko. Bakit ngayon ko lang napagtanto kung gaano kaganda 'yung boses niya? Bakit ngayon ko lang naisip na napakaswerte ko dahil ako lang ang inaalayan niya ng ganitong awit.

"Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba..."

Nang matapos ang unang chorus ng kanta ay unti-unting humina ang musika, o marahil hindi ko lamang 'yon naririnig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Walang iba..."

Hindi ko alam kung sino ang naunang lumapit sa'min, siya ba o ako. Pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon dahil ang mahalaga muli kaming magkasama. Kahapon ko pa siya hinahanap pero pakiramdam ko ang tagal ng oras mula nang hindi ko siya nakita.

"Balita ko namimiss mo raw ako?"

"Anong gimik 'to? Saan ka galing?"

"Hindi 'to gimik. Harana ang tawag dito kung hindi mo alam."

"Bakit? Anong meron?" kunwa'y hindi ko alam.

"Nakalimutan ko na kung ilang beses mo akong tinaboy at binabasted. Parang fetus palang ata tayo binabasted mo na ako." Hindi ko maiwasang matawa sa korni niyang joke.

"Ang OA nito sa fetus. Bakit parang nanunumbat ka?"

"Hindi ako nanunumbat, sa katunayan, gusto ko lang ipabatid sa'yo na kahit ilang beses mo akong itaboy, nandito pa rin ako, hindi ka bibita—" tinakpan ko ng daliri ko 'yung bibig niya.

"Ang dami mong sinasabi, ano?" Ngumisi siya bigla at hinawakan ang kamay ko, bago siya mas lumapit at halikan ako sa labi.

Halos mabingi ako sa lakas ng pagkalampag ng dibdib ko subalit kaagad din siyang lumayo para tingnan ako. 

"Ang ibig sabihin ba nito..."

"Oo, Poknat, hindi na kita itataboy pa." At bago pa siya makasagot ay tumingkayad ako para ituloy ang pinutol niya. 


-xxx-


\

Maraming salamat sa mga sponsor ng memes! Kina mervin, agillo marie, tein, at gillian mara! :)


See you next chap!

THANKS FOR READING! (≧◡≦) ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top