DALAGA 63❀


NASURVIVE ko rin ang morning classes ko. Lahat kasi ng mga professor namin kanina ay mainit ang ulo o parang wala sa mood dulot ata ng nangyaring traffic noong umaga. Kapag naalala ko 'yung nangyari ay napailing na lang ako.

"Uy, Remi, wanna grab lunch with us?" nagulat ako nang bigla akong yayain ng kaklase kong si Anne.

Ngumiti ako at tumango. Sino ba naman ako para tumanggi, hindi ba? Mukhang napansin nila na madalas ay mag-isa lang akong kumakain.

Magkakasabay kaming tatlo na pumunta ng cafeteria, narinig ko 'yung pinag-uusapan nila na tungkol lang sa subjects namin, mga grade conscious man ay maagan naman silang kausap. Naalala ko tuloy si Ely, kamusta na kaya siya?

Palapit na kami sa entrance ng cafeteria nang biglang may humawak sa kamay ko. Natigilan din ang mga kasama ko nang marinig ang reaksyon ko.

"V-Viggo?"

"Uhm... Your boyfriend?" dinig kong sabi ni Anne. "It's okay, next time ka na lang sumabay sa'min."

"Hindi ko siya boyfriend," sabi ko at ngumiti lang silang dalawa, pagkatapos ay kumaway sila at saka umalis.

Binitawan naman na ako ni Viggo nang maiwanan kaming dalawa. Hindi siya kaagad nagsalita kaya napagmasdan ko siya, malayong-malayo sa Viggo na nakilala ko noon na palaging nakahawi paitaas ang buhok, mahaba na ngayon ang buhok ni Viggo at halos lumubog ang pisngi niya na dati ay pwedeng-pwede kurutin

"Pwede ba tayong mag-usap?" malumanay niyang tanong. Saka ko lang din napansin na may dala siyang bola, pawisan, nakasuot ng panlaro. Napatingin ako sa kanan at nakita 'yung iba pang athletes na tumatakbo. Hula ko'y natiyempyuhan niya akong makita ngayon.

"Sige." Walang pasabing hinila niya ako papunta sa gym na malapit lang sa cafeteria. Huminto kami sa tabi ng court. "Ano 'yon, Viggo?" Kumunot ang noo ko dahil parang nakukutuban kong hindi maganda ang ipapabatid niya.

Naalala ko bigla ang nakita kong eksena noong umaga matapos ang birthday ni Azami. Malakas ang kutob ko na tungkol ro'n ang sasabihin niya.

Napabuga ng hangin si Viggo at saka nilapag sa sahig ang hawak na bola. Noong una'y hindi siya makatingin ng diretso sa'kin kaya hindi na ako nakatiis pa at inunahan ko na siyang magsalita.

"Tungkol ba 'to sa nakita ko?" Tumango si Viggo, humalukipkip naman ako.

"Remsky... Wala akong ibang mapagsabihan," mahinang sabi niya, nagsalubong ang kilay niya paitaas.

"Sasabihin mo ba na huwag kongs sabihin kay Azami?" hindi ko maiwasang mainis dahil ang tagal na panahon din nilang magkasama pagkatapos gano'n?

Itinaas ni Viggo ang kamay at saka napasapo sa noo. "Alam ko na iyon ang iniisip mo pero isang malaking misunderstanding lang 'yung nangyari. Walang nangyari sa'min ni Deanna, okay?" napakunot ako lalo.

Alam ko na inosente pa ako at mangmang sa maraming bagay pero hindi na 'ko gano'n kabata para hindi isipin na walang malisyang nangyari. Malisyoso na kung mag-isip pero isa lang naman ang tanong sa isip ko, bakit sila magkasama sa iisang kwarto?

"Lasing na lasing ako no'ng party, Remi," kwento ni Viggo. "Ang huli kong natatandaan pumasok ako sa kwarto tapos nahiga ako sa kama. Tapos ayon na... Nagising na lang ako kinaumagahan... Gulat na gulat ako nang makita ko si Deanna sa tabi ko."

"Paano siya napunta sa kwarto mo? Ano 'yon, magic?" naniningkit kong tanong. Namutla lalo ang mukha ni Viggo.

"I swear, Remi, walang nangyari," pilit niya. Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga, sa lagay kasi ni Viggo ngayon ay kulang na lang lumuhod siya para maniwala ako.

"Okay, okay, huwag kang mag-alala dahil hindi ako magsasalita," sabi ko para lang huminto na siya sa pamimilit niya. At huminto nga siya kaya iiwanan ko na sana siya.

"Teka lang," sabi niya nang harangan ako. "M-may gusto pa sana akong sabihin."

"Ano 'yon?"

Muling humugot nang malalim na hininga si Viggo, parang kumukuha ng lakas ng loob. Mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya kanina na wala siyang ibang mapagsabihan ng kung ano mang dinadala niya.

"Sa tingin ko set up 'yon."

Muling kumunot ang noo ko. "Set up? 'Yung sa inyo ni Deanna?" Dahan-dahan siyang tumango. "Viggo, sino namang gagawa no'n?"

"Si Azami."

Halos malaglag sa sahig ang panga ko nang marinig 'yon. Dahan-dahan akong umiling at humakbang paatras sa kanya.

"Hindi ko maintindihan..." Natigilan ako saglit. "Viggo, anong nangyari?"

Bahagya siyang napayuko. "Gusto na niyang makipagbreak sa'kin noong gabing 'yon. Pero ayoko."

Napamaang ako sa sinabi niya. Si Azami? Gustong makipagbreak kay Viggo?

"Pinagtalunan namin 'yon pero mukhang seryoso na talaga si Azami... Kaya nagpakalasing ako. Tapos ayon..."

Tinaas ko 'yung kamay ko para patigilin siya saglit. "Sinasabi mo ba na... Sinet up ka ni Azami dahil gusto niyang makipagbreak sa'yo? Para—"

"Para meron siyang ipamukha sa'kin na rason—na hindi ko naman ginawa."

Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko pero hindi ko malaman kung anong unang sasabihin sa kanya. Halos kabaligtaran lahat ng mga naisip ko ang nalaman ko mula sa kanya.

"Bakit sa'kin mo 'to sinasabi?" sa dinami-rami nang naisip ko ay iyon ang naitanong ko.

"Dahil nakita mo kami," sagot niya.

Oo nga naman, tama siya. Ang simple ng tanong ko at ni hindi ko man lang 'yon naisip. Kumbaga ako ang star witness sa sitwasyon nila. Tandang-tanda ko pa 'yung itsurang nagulantang ni Deanna nang lumabas siya nang kwarto na 'yon, at pati na rin ang labis na pagkatuliro sa mukha ni Viggo. Ako nga lang talaga ang makakapagsabi na inosente sila parehas.

At ngayong ipinaliwanag na sa'kin ng 'biktima' ang nangyari, ibig sabihin ba nito naipit na ako sa sitwasyon nila? Gusto bang iparating ni Viggo na dapat ko siyang ipagtanggol kay Azami?

Bago pa ulit makapagsalita ang isa sa amin ay napapitlag kami parehas sa dumating.

"Lizardo, andiyan ka lang pala. We need to talk," sabi ng isang matangkad na lalaki.

"Yes, coach," sagot doon ni Viggo at muli siyang tumingin sa'kin. "Ayoko man sanang sabihin 'to pero... kung sakaling kailangan ko ng tulong mo, sana pumayag ka."

Hindi na niya ako hinintay sumagot at diretso siyang naglakad papunta sa coach nila. Ako naman ay tulalang naglakad papuntang cafeteria.

At kung tinatamaan ka nga naman ng kakaibang swerte ay may nakasalubong ako na sa tingin ko'y hindi ko muna dapat makita ngayon pero heto na siya sa harapan ko. Pipila palang sana ako nang bigla siyang sumulpot.

"OMG, hi, kambal!" bulalas ni Azami nang makita ako at niyakap niya ako na parang ang tagal naming hindi nagkita.

Binitawan din naman niya ako agad, at napansin kong wala siyang ibang kasama kundi siya lang.

"Mukhang masaya ka ata... Kambal..." hindi ko mapigilang sabihin.

"Ah, naku no, it's just a natural glow," nakangiting sabi niya. Sa inaakto ni Azami ay parang hindi tuloy kapani-paniwala ang sinabi ni Viggo. Remi, naipit ka na talaga.

"Uhm... Nasaan nga pala si Quentin?" tanong ko. "At saka sina Olly at Deanna?" Tiningnan kong maigi 'yung mga mata niya.

"Hindi ba break na kayo ni Q? Why are you still finding him?" tanong niya sa'kin. Hindi ko nagustuhan 'yung tono niya pero hindi ko na lang 'yon dinamdam.

'"Azami, friends pa rin kami ni Quentin kahit break na kami," sagot ko. Hindi niya sinagot 'yung huli kong sinabi ko.

"Hmm... Okay. Nag-aalangan akong i-invite ka kasi I don't know if you're into partying sa mga bar, but since sabi mo friends pa rin kayo ni Q, punta ka sa party ko mamaya sa Osmosis," sabi niya sabay ngiti.

Napakunot ako sa kanya. "Anong party?" Hindi ba kakabirthday mo lang last week?

"Oh, actually, I just feel like celebrating since I'm eighteen and my dad finally gave me a new car. So, pupunta ka?"

"Uhm... Kasi..."

"Come on, kambal! I promise magiging masaya 'yon!"

"Sorry, hindi siya available mamayang uwian." May nagsalita bigla sa likuran ko.

"Huh? Who are—oh, ikaw 'yung singer!" napalitan ng pagkamangha ang boses ni Azami. "And the childhood friend of kambal and Miggy!"

Lumingon ako sa kanya at kinindatan ba naman ako ng loko. Ngayon ko lang sasakyan ang trip niya dahil sa totoo lang ay ayokong sumama sa party ni Azami sa bar. Tumingin ako ulit kay Azami.

"Ah, oo, sorry, may lakad nga pala ako mamaya." Naramdaman ko 'yung pagsiko ni Poknat sa tagiliran ko na para bang nang-aasar kaya siniko ko rin siya pabalik—ng mas malakas.

"Oh, really? Sayang naman. Habol na lang kayo?"

Umiling ako at biglang nagsalita si Poknat. "Naku, wrong timing kasi may gig kami, nagpramis na sa'kin 'tong si Remison na manonood daw siya."

Hindi ko maiwasang magulat nang marinig 'yon sa kanya. Parang ang weird pakinggan kapag hindi palayaw 'yung tawag niya sa'kin.

"Oo, makulit kasi 'tong si Kiel," sabi ko. Mas lalong weird kapag pala gano'n ang tawag ko sa kanya.

"Oh, I see..."

"Tara na," sabi sa'kin ni Poknat at hinawakan ako sa braso.

"Bye, Azami." Hindi ko alam kung bakit 'yon 'yung sinabi ko at nagpahatak naman ako kay Poknat palabas ng cafeteria.

Pagkalabas namin ay binitawan niya ako at kaagad ko naman siyang hinarap.

"You're welcome!" nakangiting sabi niya.

"Ano ka ba, kabute? Bakit pasulpot-sulpot ka?" naniningkit kong sabi sa kanya. "Stalker ka, ano?"

Natawa siya sa huli kong sinabi. "Stalker na kabute? Grabe ka sa'kin, ako na nga 'tong nagkusang loob na ilusot ka ro'n. Hoy, seryoso 'yon ha, sasama ka sa'kin mamayang uwian."

"Desisyon ka rin, ano? Talagang ang ganda ng timing mong sumulpot. Kabute na ang itatawag ko sa'yo, hindi na Poknat."

"Hindi ako kabute, housemate na kaya tayo, remember? At saka kasalanan ko ba kung malakas ang Remison radar nito," sabi niya tapos tinuro 'yung dibdib niya. Loko-loko talaga. "Sige, bahala ka ro'n sa party na 'yon," pananakot pa niya. Napansin niyang hindi umubra kaya ngumuso siya. "Sama ka na kasi! Sumbong kita sa fiancé mo dyan."

"Ha-ha nakakatawa ka," sarcastic kong sabi. "Teka, anong oras na ba?"

Tumingin si Poknat sa relos niya. "Oras na para mahalin ako—aray ko!" hinampas ko kasi siya sa kakornihan niya. "Twelve-forty-one na!"

"Hindi pa ako nakakakain ng lunch!" bulalas ko sa sarili ko. Ang dami kasing mga kabute na sumulpot, gusto ko lang naman kumain.

"Ay, hindi ka pa ba nakakakain? Sorry naman!" tatawa-tawa niyang sabi.

"Kumain ka na ba?"

Pumitik siya sa hangin. "Tch! Sayang kakatapos ko lang kumain, actually late na nga ako sa klase ko eh, pero kung sabi mo sige tara kain tayo!"

"Baliw! Pumasok ka na sa klase mo!" halos ipagtulakan ko siya palayo sa cafeteria.

"Okay, basta mamayang uwian, ha," sabi niya at naglakad na palayo. Pero bigla siyang huminto at lumingon sa'kin. "Kinilig ka ba kahit 5% lang? Sa sulat ko?"

"Korni mo."

Pinagdikit niya 'yung kamay niya para gawing hugis puso. "Bye, Ming!"

Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa loob ng cafeteria. Gusto ko na talaga kumain nang matiwasay, 'yung walang susulpot, 'yung walang mga kabute. Pero bakit hindi pa rin bumababa 'tong magkabilang gilid ng labi ko?


*****


TILA bumilis ang ikot ng oras noong hapon, namalayan ko na lang kasi na uwian na. Kaagad kong tiningnan 'yung phone ko at nakita ang isang message kay Poknat one hour ago. Dali-dali naman akong nagpunta sa kinaroroonan niya, sa may parking lot.

Nadatnan ko siya na nakasandal sa motor niya at nakita kong may nakaipit na umuusok sa kamay niya. Nang makita ko siya'y kaagad niyang pinitik 'yon palayo.

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" sita ko sa kanya, pumanewang pa tuloy ako.

"Ahh..." Nag-isip talaga siya at pilit inalala. Sinimangutan ko siya lalo.

"Pulutin mo kaya 'yon at itapon sa tamang tapunan," sabi ko sabay turo sa basurahan 'di kalayuan.

"Opo, mam," parang batang sabi niya at sinunod naman 'yung utos ko. Pagkatapos ay lumapit siya sa'kin na ngiting-ngiti. "Tara na."

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "Parang ang aga pa para sa gig n'yo."

"Sa totoo lang wala kaming gig tuwing Lunes. Pero may gusto akong ipakita sa'yo." Inabot niya sa'kin 'yung helmet pero tinitigan ko lang 'yon. "Teka, huwag mong sabihing kailangan pa nating magpaalam kay Miggy?"

"Tss. Hindi na," sabi ko at saka kinuha sa kanya 'yung helmet. Ngumiti lang si Poknat saka binuhay ang makina ng motor.

Wala pang isang oras nang marating namin ang 360 Bistro, 'yung restobar na pinuntahan namin noon. Dahil wala pang ala sais ng gabi ay hindi pa gano'n kadami ang tao sa loob. Sumunod lang ako kay Poknat pagpasok namin sa loob, may isang waiter ang bumati sa kanya.

"Nandiyan ba si Jared?" tanong ni Poknat sa watier.

"Wala pa si Boss," sagot nito sa kanya. "Baba kayo?" Tumango lang si Poknat at sumenyas sa'kin na sumunod sa kanya.

Hindi ko alam na may hagdanan pala sa may tabi ng CR area, paibaba 'yon at mukhang restricted area. Bumaba kami hanggang sa binuksan ni Poknat ang isang pinto, nauna siyang pumasok at binuksan ang mga ilaw.

"Welcome sa aming studio!" masayang bulalas ni Poknat at tinuro ang sofa sa gilid ko. "Pasensya ka na kung medyo maliit at makalat. Sayang wala si Jared dito, siya may-ari nitong resto, at siya rin manager namin."

Umupo naman ako habang nililibot ko 'yung tingin ko. May mga gitara na nakasabit sa pader, may mga monitor at iba pang aparato na pang-music. Kahit na walang electric fan at aircon ay malamig naman dito.

"May natutulog ba rito?" tanong ko nang madako 'yung tingin ko sa gilid, may nakapatong kasing dalawang unan tapos kumot.

"Ah oo, 'yung isa pa naming kabanda," sagot niya habang niligpit 'yung mga papel sa mesa, mukhang mga lyrics ng kanta. "Dito ng asana ako tutuloy kaso masyado namang masikip para sa'ming dalawa, kaya nga mabuti na lang nandiyan si Miggy. Pero don't worry dahil naghahanap din kami ng bagong tutuluyan."

Hindi ko maiwasang mag-usisa kaya tumayo ako at lumapit do'n sa may shelf sa pader, may mga nakadisplay kasi. Nakita ko rin 'yung isang group picture, naroon sina Poknat, Leighton, at Corra. Narinig ko 'yung tunog ng TV na nakasabit kaya napatingin ako ro'n, binuksan pala ni Poknat.

"Diyan ka lang muna, Ming, tutulong lang ako sa taas," sabi niya, wala na 'yung jacket niya at nakasuot na lang ng plain na puting t-shirt. "Para 'di ka mainip manood ka muna ng movies. Pagbalik ko dadalhan kita ng foods tapos parinig ko sa'yo 'yung mga nirecord naming original na kanta."

"Anong gagawin mo sa taas?"

"Pandagdag raket din, pumayag naman si Jared na swelduhan ako pag tumulong ako sa resto niya," sagot niya at hinila ako para paupuin sa sofa. "Sit back and relax ka lang diyan, ha. Ayun sa sticky note sa bulletin board 'yung password ng wifi."

Tumango na lang ako at iniwanan niya ako rito sa basement. Mukhang seryoso si Poknat sa sinabi niya na ayaw niyang umasa sa lolo niya. Bigla ko tuloy naalala 'yung mga panahong sinubukan kong magpart-time ng trabaho para kumita ng pera. Hindi ko sukat akalaing nalagpasan ko rin 'yung sitwasyon na 'yon.

Imbis na manood ng TV ay nagpatugtog ako ng light music. Pagkatapos ay kumonekta ako sa wifi gamit 'yung phone ko para gumawa ng assignment sa minor subjects. Nilapag ko sa mesa 'yung bag ko at nilabas do'n 'yung mga gamit ko.

Habang nagsi-search ako sa phone ko tungkol sa topic ay biglang sumulpot ang isang message mula kay Miggy.

'Nasa school ka pa rin ba?'

Napakunot ako dahil hindi naman ako tinetext ni Miggy noon kung nasaan na ako tuwing pagkatapos ng klase ko. Ala sais na rin kasi ng gabi at mukhang alam niya ang oras ng uwi ko ngayong araw.

Wala rin naman akong ibang nagawa kundi magreply.

'Kasama ko si Poknat.'

Kaaad siyang nagreply.

'Nasaan kayo?'

Hindi ko na siya sinagot pa at tinuloy ko na lang 'yung paggawa ng assignment ko. Effective naman 'yung music dahil nakapagfocus ako. Ilang sandali pa ang lumipas, isang oras na ang naubos ko sa paggawa ng assignment.

Saktong dumating si Poknat at kaagad kong naamoy ang nakatatakam na aroma dahil sa dala niyang tray.

"Special delivery for madam Remison," sabi niya at lumuhod pa sa gilid ng lamesita at maingat na nilapag 'yung umuusok-usok pang sisig. Kulang na lang ay tumulo ang laway ko, saka ko lang naramdaman ang gutom. Mukhang masarap! "Tama na muna ang pag-aaral baka daigin mo pa si Einstein."

"Thank you!" bulalas ko saka napatingin sa kanya. Pawis na pawis 'yung noo niya kaya 'di ko maiwasang damputin 'yung panyo ko at punasan 'yon. "Wala ka bang panyo? Grabe 'yung pawis mo."

"Hmm... Wala," sabi niya at napapikit pa. Binato ko tuloy sa mukha niya 'yung panyo.

"'Yan, sa'yo na muna," sabi ko. "Kumain ka na ba?"

Ngumuso siya at umiling. "Mamaya pa, pagkatapos ng shift ko."

"Sige. Hinahanap na ako ni Miggy," sabi ko bigla sabay dampot ng kutsara. "Pero 'di ko naman sinabi kung nasaan tayo."

"Ikaw may desisyon niyan ha, hindi ako," sabi niya at itinaas pa ang dalawang kamay. Tatawa-tawa niya akong iniwanan, kunwari pa siya pero tuwang-tuwa naman siya.

Inenjoy ko na lang 'yung libreng dinner ko. Nang maubos ko 'yung pagkain ay kaagad akong tumayo at dinala ang tray para dalhin sa itaas 'yung pinagkainan ko.

Nagulat nga kasi ako kasi biglang napuno 'yung resto, kanina lang ay walang katao-tao rito. Hindi na ako nagtaka kung bakti gano'n kapawis na pawis si Poknat. Dahan-dahan akong pumunta sa may kusina na area nang lumabas mula roon ang isang babaeng chubby.

"Ay, keri, akin na 'yan," nakangiting sabi niya saka kinuha sa'kin ang tray. "Uyy, ikaw pala 'yung girlfriend ni Kiel?"

"Po, hindi—"

Bigla akong hinila nung babae habang sa kabilang kamay niya hawak 'yung tray na walang kahirap-hirap. Pagpasok namin sa kitchen ay napatingin sa'min lahat ng nando'n.

"Kiel! Jowa mo! Moral support daw for you!" sigaw ni Ateng chubby at umugong tuloy ang mga boses na mapang-asar. Si Poknat naman ay imbis na sawayin ang mga katrabaho ay nagflying kiss pa sa'kin. Loko-loko talaga. Lumabas din kami ni Ate na nakangiti pa rin. "Sensya ka na, natuwa lang ako. Mabuti na lang wala rito ngayon si Boss Jared."

"S-sige po," alanganing ngumiti ako at saka nagpaalam na babalik na ako sa basement.

Pagpasok ko sa loob ng studio ay napaupo ako sa sofa at saka nakita ko sa phone ko ang sangkatutak na missed call galing kay Miggy. Napabuntong-hininga naman ako.

'Miggy, nasa may bistro lang kami. Kakakain ko lang.' text ko sa kanya para manahimik na siya.

'Okay. Ingat kayo sa pag-uwi.' Ang dami niya sigurong time para mag-aalala sa'kin.

At dahil tapos ko naman na 'yung assignment ko ay naisipan ko nang manood ng TV, naghanap ako ng palabas at pinlay 'yon habang hinihintay si Poknat.

Nasa kalahati na ako ng movie nang bumukas ulit ang pinto at nakita ko si Poknat na lulugo-lugong pumasok. Umusod ako para bigyan siya ng space at pabagsak siyang umupo. Hininto ko 'yung pinapanood ko.

"Pagod?" sabi ko. Ngumuso siya, nadampot ko 'yung unan sa gilid at tinakip sa mukha niya.

"Papatayin mo ata ako, eh." Tinanggal niya 'yung unan at nilagay sa gilid.

"Lagot tayo kay Miggy," biro ko. "Uwi na tayo?"

"Takot ka ba kay Daddy Miggy?" biro niya pabalik pero hindi siya ngumingiti. Natawa ako. "Hindi mo pa nga napapakinggan 'yung recording namin."

"Sa lagay mong 'yan paplakda ka na sa kama," sabi ko. "Wala ka bang assignment? O iba pang dapat gawin sa school?"

"Assignment? Ano 'yon?"

"Loko-loko ka. Sayang tuition na binabayad ng Lolo mo." Para naman siyang nagising nang banggitin ko 'yung Lolo niya.

"Isang kanta lang, ta's uwi na tayo kay Daddy Miggy," sabi niya. Natawa ulit ako at hinampas siya.

"Huwag mo ngang tawagin si Miggy na gano'n."

"Joke lang, at saka tayong dalawa lang naman nandito," sabi niya.

Naramdaman ko 'yung vibration ng phone ko kaya halos umikot 'yung mga mata ko. "Tingnan mo tumatawag na naman—" pero natigilan ako nang makitang ibang pangalan ang tumatawag. Kaagad ko 'yong sinagot. "Hello, Quentin?"

"Bakit si Canteen—" tinakpan ko 'yung bibig niya. Ang ingay kasi sa kabilang linya tapos hindi agad nagsalita si Q.

"Hello, Remi?!" pero ibang boses 'yon.

"Olly?"

"Nakitawag lang ako kay Q! I need your help! Wala akong ibang ma-contact, eh." Hindi ko man makita si Olly ay parang alalang-alala ang boses niya.

"Olly, anong nangyari? Nasaan kayo?"

"Si... Si Deanna kasi... At si Azami... Nasa Osmosis kami ngayon! Kumalat kasi bigla 'yung picture nina Deanna at Viggo, I think kailangan mong pumunta rito para pakalmahin si Azami. Please? Nandito rin si Q, kanina pa niya inaawat si Azami." Pagkatapos ay naputol na 'yung tawag. 



-xxx-


A/N: Hey! I'm back again! Maraming salamat sa naging consideration n'yo para sa'kin noong nakaraang chapter. Pasensya na kung ngayon na lang ulit ako nakapag-UD. Anyway, I'm getting better and better. Isa kayo sa mga nagpapasaya sa'kin sa twitter haha!

Time out muna tayo sa DNSR memes. It's time for Dalaga na si Remison boys exhibit! (Note: Imagination mo ang limit, sila lang ang mga nakita kong malapit na peg ng mga characters. Kung may naisip kang mas better sa imagination mo, gora lang haha)


VIGGO
Crush ni Mingming noong elem at hayskul. Na-friendzone si Remi ng 2x. Mahilig magsend ng mixed signals, medyo user. Typical crush ng bayan. Maputi pa rin kahit varsity player. Athlete na laging absent sa klase.


QUENTIN
The perfect and dream boyfriend. First kiss, first manliligaw, first boyfriend, at first break up ni Ming. Conyo thespian. Half-European half-Asian. Friendly to all, huwag bigyan ng malisya. Supportive and such a fragile cutie. 


MIGGY
First crush ni Ming, fiance lang naman niya ngayon. The Asian Harry Potter, bibliophile, moody, snob, and nasa loob ang kulo but still a papi. Don't call him daddy pero pag sinabi niyang gawin mo na ang modules mo gawin mo na kung ayaw mong mahalikan.


POKNAT
(Liek Solaba sa Facebook)
The favorite son! Assuming na papakasalan na siya ni Mingming paglaki. Manliligaw ni Mingming since childhood,  pero basted pa rin. Rakista. Cowboy. Masarap kasama, kaya kang patawanin ng walang humpay. Ikaw ang mahihiya sa kakapalan ng mukha niya. Kayang magpakilig ng 5%.


Hahaha, ang good vibes sa pagtype ng description. Out na si Viggo at Quentin, showdown na between Miggy and Poknat! Place your bets here. Charot.

Announce ko na rin pala 'yung  tungkol sa Dalaga Serye. Like my Inspired series, Dalaga Serye will be a series of standalone novels about coming of age/teenage/young adult romance that features different heroine. 

So far, after ng DNSR, plan kong isunod ang Manila Girls! I'm so excited :)

THANKS FOR READING! (≧◡≦) ♡

Tweet me with #DNSR @ demdemidemii

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top