DALAGA 60❀
MALUMANAY na ang kantang tumutugtog na kanta, wala na ang hiyawan at ingay ng kasiyahan ng mga tao. Lumalalim na rin kasi ang gabi at mas mainam na namnamin ang ingay ng hampas ng alon sa dalampasigan.
Nakaupo kami sa buhanginan habang pilit na inaabot ng alon ang aming mga paa, parehas kaming nakatingala at pinagmamasdan ang porselanang bilog na buwan, pati ang mga palamuti sa langit na nagniningning na bahagyang tinatakpan ng itim na manipis na ulap.
"So, it's really over for us, huh," dinig kong sabi niya kaya napako ang tingin ko sa aking katabi na nakatingala pa rin sa langit. "Time really flies fast; it feels like still yesterday when we met at a beach."
Natatandaan ko pa rin ang araw na tinutukoy ni Quentin. Seventh birthday ko, kasama ko sina Mamang at Papang, sa dagat sa probinsya naganap ang selebrasyon kasama ang iba pa naming mga kamag-anak na ngayon ay hindi ko na matandaan. Iyon 'yung araw na natagpuan ko ang isang batang umiiyak sa may dalampasigan.
"And now we're here, ten years later," sabi niya ulit saka sumulyap sa'kin. "I just found it romantic na dito rin sa may dagat magtatapos ang sa'ting dalawa." Kahit nakangiti siya'y hindi ko makita ang palaging kinang sa mga mata niya.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko at saka umiling sa kanya. "Hindi pa nagtatapos, Q. Huwag mong isipin 'yon, 'di ba sinabi ko sa'yo na nandito pa rin ako?"
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa kaya napalitan ng pagtataka ang itsura ko. "Sorry, I just feel like I needed to say that. It's perfect."
"Huh?" Nanlaki bigla ang mga mata ko. "Huwag mong sabihing umaarte ka?"
"I'm not a theatre kid for nothing," nakangiting sabi niya kaya naman hinampas ko siya sa braso. "Ouch!"
"Akala ko pa naman seryoso ka!" Medyo kinabahan ako ro'n kasi akala ko may dinaramdam pa rin siya, 'yun pala ay trip niya lang umarte dahil napakaganda nga naman ng senaryo namin. "Alam mo may future ka sa pagsulat ng script, maging writer ka kaya?"
Umiling siya. "I'm not like Corra but I'm still interested in acting. Baka i-pursue ko ang filmmaking," sabi niya. Oo nga pala, hindi naman malayo 'yon dahil Multimedia Arts ang course niya. "'Tapos ikaw ang kukunin kong artista sa una kong pelikula." Walang bahid ng himig ng pagbibiro 'yung boses niya kaya kumunot ako.
"Naku, baka malugi ang una mong pelikula niyan," sagot ko naman saka natawa. "Nakalimutan ko nang umarte." Halos nakalimutan ko na nga rin na minsan akong naging bahaga ng Drama Club noong high school.
"Why? I think you're great at acting," sabi niya. "Remember? Hindi ka magiging lead actress noon kung wala kang potential."
Napailing ako. "Swerte lang siguro 'yon." Sa totoo lang ay marami namang masasayang alaala noong mga panahon na 'yon lalo pa't kasama ko pa noon sila Aiza, Burma, at Honey. Pero may iba kasing pinapaalala sa'kin ang pag-arte sa teatro.
"Remi, what's wrong?" Napansin niya siguro na tila may dinadamdam ako. Nawala rin bigla 'yung ngiti sa labi niya.
"Ah, sorry, Q," sabi ko at pilit na ngumiti. "Hayaan mo, pwede mo naman akong kuhaning extra."
Ngumiti na rin ulit siya sa'kin at hindi na nagtangkang magtanong kahit na alam kong gusto niya akong usigin kung bakit tinalikuran ko na ang teatro at pag-arte. Para sa'kin isa na lang 'yon bahagi ng nakaraan ko na hindi ko na babalikan.
"Alright, make sure din na aattend ka sa premier night," sagot niya sa'kin at tumango ako. Knowing Quentin, alam kong kayang-kaya niya gawin kung ano ang gusto niya sa buhay. Tumingala siya ulit. "Sorry for bringing the past up, it seems like you're upset with something."
"Hindi naman ako galit," sabi ko. "Nalulungkot lang ako kasi namimiss ko 'yong dati, 'yung mga panahon na puro kalokohan at tawanan lang kami nina Aiza sa school."
Tumango siya. "So, you're happy naman with your course?"
"Interior design?"
"Yeah," tumingin siya ulit sa'kin, "I never expected that you're into art."
"Noong elementary, kung alam mo lang," sabi ko at nagbalik ulit ang alaala sa isip ko. "At isa pa, iyon ang pinili kong course kasi simple lang naman 'yung pangarap ko."
"Oh, for your grandma, I remember," sabi niya na naalala pa rin 'yung pinag-usapan namin noon.
Tumango naman ako. "Gusto ko balang araw magdisenyo ng bahay para kay Mamang at Auntie, kahit maliit lang pero maganda."
"Surely you can do it."
Sabay kaming napatingin sa kanan nang maramdaman na may taong papalapit sa'min. Hindi namin kaagad nakita kung sino ang matangkad na lalaki kaya sabay kaming tumayo ni Quentin.
"Kennedy?" kunot-noong sabi ng katabi ko nang parehas namin siyang makita. Automatic naman akong hinawakan sa braso ni Q at tinago sa likuran niya. "What do you want?"
Tinaas ni Kennedy ang dalawang kamay. "Chill, I'm not here to pick a fight. I'm here to... to apologize."
Binitawan ako ni Q at nagkatinginan kaming dalawa bago ulit tumingin sa kaharap namin. Halos hindi ko nga siya napansin kanina, invited din pala siya sa birthday ni Azami.
"Apologize? Coming from someone like you?" hindi pa rin nagbago ang himig ng kaseryosohan sa boses ni Quentin. Maging ako rin ay ayokong ibaba ang depensa ko sa taong kaharap namin.
"I'm serious," sabi nito sa'min saka tumingin sa'kin. "I'm sorry, Remi."
Napakunot ako at hindi matiis na kumawala ang salita sa bibig ko, "Bakit?"
Napabuntong-hininga si Kennedy at muling tumingin sa'kin. "I just realized my mistakes, I'm sorry for trying to ruin both of you."
"You just realized? I don't believe it," nakangisi pero sarkastikong sabi ni Quentin. "I know you, Kennedy. You're a liar, you don't just apologize for nothing. Is this just another game?"
Hinawakan ko si Quentin sa braso para patigilin siya. Hindi ko rin naman kasi siya masisisi. "Gusto lang namin malaman ni Q kung anong nagpabago bigla sa isip mo. Alam mo kasi na medyo hindi kapani-paniwala para sa'min."
Umiwas bigla ito ng tingin at napako ang titig sa buhanginan. "I know it's hard for you to believe. But... After I saw you two... I thought... I thought..."
"That you'll ruin us?" putol ni Quentin. Muling nag-angat ng tingin si Kennedy at ngumiti sa'ming dalawa, subalit hindi ang mga mata niya.
"I'm sorry. Let me repent my mistakes. I won't bother you two anymore. I just went here to tell you that... I was inspired to be brave like you." Muli kaming nagkatinginan ni Quentin, parehas naming unti-unting naramdaman ang sinseridad sa mga salita nito.
Pumihit patalikod si Kennedy subalit natigilan ito nang dumating si Corra.
"Oh, nandito lang pala kayong dalawa," sabi ni Corra sa'min saka humarap kay Kennedy. "So, he's the one?"
"Corra!" sigaw namin parehas ni Quentin nang makita namin kung anong ginawa niya.
"You deserve that punch, you prick!" sigaw ni Corra.
"Bitch—" sapo ni Kennedy ang ilong na dumudgo na ngayon. Inambahan ito ni Corra kaya walang ibang nagawa si Kennedy kundi tumakbo palayo.
"Woah, thanks, cousin," sabi ni Quentin at nakipag-apir pa kay Corra. Ako naman ay napanganga lang.
Niyaya kami ni Corra papunta sa isang kubo 'di kalayuan. Marami-rami pa ring guest si Azami na rito na talaga balak mag-overnight, ang balita kasi namin ay open sa guest ang mga hotel rooms. Buong beach resort ata'y inarkila ng pamilya ni Azami.
At saka lang kumulo 'yung tiyan ko nang bigyan kami ng mga inihaw na pagkain ng waiter, kumuha rin sila Corra ng mga maiinom pero sinabi kong hindi ayokong uminom ng alak ay kinuha nila ako ng iced tea.
"Corra, baka may balak kang ikwento sa'kin tungkol sa inyo ni ano," sabi ko habang kumakain kami sa may kubo. Natigilan naman siya at siyang dating bigla ng tinutukoy ko. "Hi, Leighton! Long time no see—" natigilan ako bigla nang makita ko kung sino 'yung kasunod niya.
"Uy, Remi! Nabanggit nga ni Corra sa Baguio ka na rin nag-aaral!" masayang bati sa'kin ni Leighton, hindi ko alam kung nanibago lang ako bigla sa pagiging friendly ng vibes niya, nakipagkamay siya sa'kin pagkatapos ay may humawak ng kamay ko.
"Oy, akin 'yan," sabi ni Poknat at kaagad ko namang binawi 'yung kamay ko sa kanya.
Umupo si Leighton katabi ni Corra na biglang natameme at si Poknat ay tumabi sa gitna namin ni Quentin.
"Kumuha kaya kayo ng inyo!" sita bigla ni Corra sa dalawa nang dumampot sila ng barbeque.
"Uy, Canteen, balita ko break na kayong dalawa," sabi ni Poknat habang ngumunguya. Gusto ko sanang takpan 'yung bibig niya.
"Uh... Yeah."
"Well, gano'n talaga ang life—"
"Bakit kayo nandito? 'Tapos na ba 'yung pagkanta n'yo?" sabad ko bigla.
"Oo, 'tapos na," sagot ni Poknat sa'kin. "Kaya pwedeng-pwede na tayong magbonding. Alam mo, Ming—"
"Hindi pa pala kinukwento sa'kin ni Corra kung paano siya nasama sa banda n'yo," kaagad kong sabi bago pa kung ano-ano ang sabihin nitong ni Poknat.
"Oh, that's because—" nagsalita si Quentin pero kaagad siyang binato ng stick ni Corra.
"Nagkulang kasi kami bigla ng member nang magquit 'yung isa naming kabanda," cool na sagot ni Leighton habang nakasandal. "Naghahanap kami ng member ta's ayon."
Napa-ahh na lang ako bilang sagot, simple mang pakinggan pero alam kong iba ang version ng kwento ni Corra. Hanggang ngayon, walang kamalay-malay si Leighton na sinusundan siya ni Corra—since high school.
"Fast-learner naman 'yang si Corra, kaya sinama na namin," sabi ni Poknat saka biglang ininom 'yung iced tea ko.
"Oy, akin 'yan!" bulalas ko.
"Gaya-gaya ka ng linya," sabi niya matapos ubusin 'yung baso ko. Dumighay siya nang malakas saka muling bumaling kay Quentin. "Pa'no ba 'yan, Canteen, cool na tayo, ah. Wala ka ng warranty dito—" inakbayan niya ko bigla at kaagad ko naman siyang siniko. "Aray ko!"
"Oh, so ikaw pala 'yun," halos sabay na sabi ni Leighton at Corra.
"Huh?" napakunot naman ako sa kanila.
Tinakpan ni Corra ang bibig, nagpipigil ng tawa, saka tumingin kay Quentin. "Q, no hard feelings?" Nagkibit-balikat lang naman si Quentin. Tapos tumingin ulit sa'kin si Corra. "Ikaw pala 'yung palaging kinukwento nitong ni Kiel sa'min."
"Na?" dapat hindi ko na 'yon sinabi at automatic na tumingin ako sa loko-loko kong katabi na may nakakabwisit na ngiti sa mukha.
Nagkatinginan naman si Leighton at Corra, parehas sila ng nasa isip. Nakakainis, dapat ako 'yung nang-aasar sa kanilang dalawa ngayon pero ako 'tong napagtitripan ngayon.
"Ikaw daw 'yung pakakasalan niya," halos sabay ulit na sabi nina Leighton at Corra. Narinig kong naubo bigla si Quentin.
Hindi naman ako uminom ng beer pero bakit nag-init bigla 'yung pisngi ko? Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.
"Q, want some water?" dinig kong sabi ni Corra.
Tumayo ako bigla at hinila 'yung katabi ko.
"Uy, saan mo ako dadalhin?" tanong ni Poknat na halos mapunit ang bibig.
"Remi, 'yung... third month rule... applicable ba sa'tin 'yon?" maubo-ubong tanong ni Quentin.
"Q, mali ka ng iniisip," sabi ko. "Excuse lang guys ha, kailangan ko lang kausapin 'tong baliw na 'to."
"Ang sweet naman ng endearment mo sa'kin, Ming—" inirapan ko siya at nauna akong naglakad palabas ng kubo.
Sumunod naman siya sa'kin at nang makalayo kami sa kubo ay huminto ako at hinarap siya.
"Bakit?" inosenteng tanong niya habang nakangiti pa rin.
Humugot ako nang malalim na hininga para sa mahabang pasensya.
"Poknat, pwedeng 'wag ka namang insensitive kay Quentin?" 'yon ang una kong sinabi.
"Okay, sorry na, sorry na," sabi niya sabay kamot sa ulo. "Alam mo naman ako, hyper."
Napabuntong-hininga ulit ako. "At saka ano ba 'yung mga sinasabi mo kina Leighton at Corra?" hindi naman sa slow ako pero...
Nawala bigla 'yung ngiti niya. "Alam ko hindi mo pa rin nakakalimutan 'yon," sabi niya na ikinatahimik ko. Humakbang siya palapit pero hindi ko nagawang makagalaw sa kinatatayuan ko. "Noon, hanggang ngayon, ikaw pa rin. Korni? Oo, sobrang korni, pero totoo. Ikaw pa rin ang napili ko. Napaglayo man tayo nang matagal-tagal, pero hindi ka pa rin napalitan dito." Tinuro niya 'yung dibdib niya.
"Poknat—seryoso—"
"Matagal na akong seryoso," sabi niya at bigla akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Ngayong magkalapit na ulit tayo, at hiwalay na kayo ni Quentin. Mas seryoso na ulit ako. Hindi na kita pakakawalan."
Halos mapanganga ako sa mga pinagsasasabi niya dahil hindi ko lahat 'yon inaasahan! Anong dapat kong sabihin? Biglang nablangko ang isip ko.
Kaya umatras ako at pinalis ang kamay niya. Mabuti na lang at madilim, hindi niya nakikita ang mukha ko ngayon na hindi ko rin alam kung ano ang lagay.
"Alam mo na imposible 'yang mga sinasabi mo, ipapakasal ako kay Miggy—"
"Wala akong pakialam," sabi niya. Nabibingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang lapit niya. Bakit gano'n? Bakit natatakot ako sa kanya? Pero hindi 'yung gano'ng takot. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan. "Wala akong pakialam sa kasunduan na 'yon. Kailangan mo lang marealize ang totoo at ikaw mismo ang hihiwalay sa kasunduan na 'yon."
Napakunota ko bigla. Anong katotohanan ang sinasabi niya? Bago pa ako makasagot ay nagsalita agad si Poknat na halos ikalaglag ng puso ko.
"Hindi mo alam ang totoo, Ming..." sabi niya at huminto saglit, pagkatapos ay ngumiti. "...Na ako ang mahal mo."
-xxx-
A/N: DNSR is back! I'm back! Are you ready for future the pasabogzzz?!
Napagnilayan ko na ang magiging takbo ng season 3 at bagong outline sa final season (season 4), ito ang reaction ko sa aking conclusion...
Namimiss ko 'yung memes ng mga ku(l)to! Haha. Ito ang mga nakolekta ko from Twitter recently (thank you guys!)
THANKS FOR READING! (≧◡≦) ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top