DALAGA 56❀


MULING bumuhos ang luha nang muli kong mayakap ang pinakamamahal kong tao sa mundo. Nanumbalik 'yung pakiramdam na akala ko'y hindi ko na makikita ulit si Mamang. Parang ayoko nang mawalay pa sa piling niya.

"Ming, baka naman hindi na makahinga si Mamang niyan," dinig kong sabi ni Auntie kaya bumitaw na ako kay Mamang.

Nang sumapit ang weekend ay tinupad ni Tito Miguel ang hiling ko na umuwi muna para makita si Mamang at kumustahin ang kalagayan niya. Kaso babalik din ako agad sa Lunes sa Baguio dahil may pasok ako. Kung pwede lang sana na huwag nang bumalik doon.

Nakaconfine pa rin si Mamang at nagpapalakas na lang, pinilit daw ni Tito Miguel na sa ospital na magfully recover si Mamang at wala naman daw kinontra si Auntie dahil sagot naman nito ang mga gastos.

"Mamang—"

"Mingming, apo ko," maluha-luhang sambit ni Mamang sa pangalan ko. Sobrang namiss ko siya. "Patawarin mo ako kung naging pabigat ako... Patawarin mo si Mamang kung dahil sa akin ay nahirapan ka..."

Saglit akong sumulyap kay Auntie, gusto ko sanang itanong sa kanya kung naikwento na ba niya kay Mamang ang lahat ng nangyari. Basa sa tingin na binigay sa'kin ni Auntie ay naikwento na nga niya ang lahat.

Nang humarap ako kay Mamang ay hinaplos niya ang buhok ko. Parang may gusto siyang sabihin na hindi ko mawari.

"'Mang, d-dito na lang kaya ako? Ako na lang muna ang mag-aalaga sa'yo?" Gusto kong sabihin niya na oo, gusto kong pilitin niya ako pero nanlumo ako nang umiling si Mamang.

"N-nandito naman ang Auntie mo, Ming, ayokong maabala ang pag-aaral mo," sagot ni Mamang sa'kin. "Ayoko nang dahil sa'kin ay masira ang kinabukasan mo, Ming."

Muli kong niyakap si Mamang at humingi na naman siya ng tawad. Pero pilit kong sinabi sa kanya na wala siyang kasalanan at ginawa ko 'yon dahil mahal na mahal ko siya. Tiyak kong naiintindihan ni Mamang ang sitwasyon, pero sa kaloob-looban ko'y hinihintay ko siya na pagalitan ako.

Marahil ay natakot din si Mamang, siguro'y gusto pa rin niyang manatili sa mundong 'to ng matagal pa dahil natatandaan ko pa ang sinabi niya sa'kin noon, na pangarap niyang makita akong makapagtapos.

Kaya naman nang tumigil na ang luha'y binigay ko ang best ko na maging masaya kasama si Mamang kahit sandali lamang. Halos sa ospital ako nanatili noong weekend at umuuwi lang ako sa bahay namin para matulog.

Kinamusta nila ako ni Auntie sa bago kong tinitirhan at sa bago kong eskwelahan. Sinabi kong okay lang naman ako roon. Hindi ko magawang maikwento sa kanila 'yung problema ko tungkol kay Quentin.

Simula kasi noong huli naming pag-uusap ay hindi na siya sumasagot sa mga tawag, text, at chat ko. Hanggang sa hinayaan ko na lang muna siyang makapag-isip. Pero determinado pa rin ako na makausap siya.

Naitanong nga nina Mamang at Auntie kung kumusta naman si Miggy at sinabi ko sa kanila ang totoo na medyo malamig ang pakikitungo sa'kin nito kahit na hindi tutol sa gusto ng daddy niya. Wala naman na silang ibang kinomento.

Noong linggo'y nakipagkita ako kila Aiza, Burma, at Honey. Sobrang namiss ko sila at hindi ko maiwasang maiyak nang magkita-kita kami, nahawa tuloy sila.

"Hah?!" hindi napigilan nilang mapabulalas nang sabihin ko na sa kanilang tatlo ang totoo kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako nakapag-aral sa Baguio.

Nandito pa naman kami sa isang coffee shop kaya napatingin tuloy 'yung ibang tao sa'min. Ilang segundo rin silang nakatulala sa'kin at halos nakanganga pa.

"S-Sigurado ka ba sa sinabi mo? B-baka naman jino-joke mo lang kami?" tanong ni Burma. Tumango lang ako at bahagyang napayuko. Nagkatinginan silang tatlo nang mapagtantong mukhang hindi ako nagbibiro.

"Girl, paano si Quentin?" sunod na tanong ni Aiza.

"Break na kami. Nakipaghiwalay ako sa kanya." Napatakip naman sila ng bibig nang marinig 'yon. "Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa inyo," nahihiya kong sabi.

"Remi..." Hinawakan ni Honey 'yung kamay ko. "Okay ka naman ba?" dama ko 'yung concern sa boses niya.

Tumango ako. "Kailangan ko na lang kausapin si Q kasi mukhang nahihirapan siya..." Sa tingin ko'y hindi muna nila dapat malaman 'yung tungkol sa sitwasyon ni Quentin dahil hindi pa kami nakakapag-usap. Parang angs sensitibo rin kasing pakinggan at ayoko rin namang mahusgahan nila 'yung tao, hindi naman kasi 'yon maiiwasan.

At isa pa, ayokong masyado nilang isipin 'yung problema ko kaya hanggang doon na lang muna 'yung kinuwento ko sa kanila. Ang mahalaga'y naipagtapat ko na rin sa kanila. Medyo gumaan-gaan 'yung pakiramdam ko.

"Anong sabi ni Quentin?" concern na tanong ni Burma.

Gusto kong humingi ng sorry sa kanila kasi dapat ay masaya kami ngayon na nagkita-kita ulit pero mukhang nadamay na rin sila ng kalungkutan sa ibinalita ko. Pero wala eh... Kailangan ko rin ng kadamay kahit papaano.

"Hindi pa rin niya ako nirereplyan. Pero hindi ako susuko na kausapin siya, para malaman niya na hindi pa rin naman ako mawawala sa tabi niya," sabi ko.

Huminga nang malalim si Aiza, katabi ko siya kaya bigla niya akong inakbayan at yakapin.Tumayo rin 'yung dalawa para yumakap din.

"Remsky, kahit malayo at busy na tayo sa isa't isa, 'wag mong kalilimutan na nandito lang kami, ha?" dinig kong sabi ni Aiza.

"Kapag may problema ka, huwag kang mahihiyang tumawag," sabi naman ni Burma.

"Guys, thank you..." Nang magbitaw kami'y pinunasan ko 'yung tumulong luha sa pisngi ko. Ngumiti ako sa kanila.

"How about sometimes dalawin ka namin si Baguio?" pagkasabi no'n ni Honey ay biglang naging hyper 'yung dalawa.

Na-excite sila at game sa idea an puntahan ako sa Baguio kaya pag-uusapan daw nila ang date kung kailan. Mabuti na lang ay nabawasan na ang lungkot, pinilit ko rin kasing mapunta na sa ibang topic 'yung usapan namin.

Ayoko mang umuwi ay wala akong ibang nagawa. Pagkatapos ng meet up namin sa mall ay dumaan ako sa ospital para puntahan ulit si Mamang at magpaalam. Si Auntie naman ay gano'n pa rin ang mga bilin. Mabuti nga'y hindi na kami nag-iyakan, gumaan at lumakas na 'yung loob ko dahil din sa mga kaibigan ko. At saka napagtanto ko kasi na hindi pa rin naman talaga ako nag-iisa, nandiyan pa sila

Linggo ng gabi'y sinundo ako ni Mang Ernie pabalik ng Baguio. Alas dos ng madaling araw ako nakarating sa bahay ni Miggy sa Baguio kaya natulog muna ulit ako dahil may pasok ako mamayang alas otso.

At dahil mababaw na ang naging tulog ko'y nagising ako ng ala singko ng madaling araw. Sapat naman at mahaba-haba naman na 'yung tinulog ko simula kaninang byahe.

Lumabas ako ng kwarto ko habang yakap-yakap ang sarili, ang ginaw kasi. Medyo madilim pa at may napansin akong tao sa veranda rito sa second floor.

Noong una nga'y akala ko namamalik-mata lang ako pero nang lumapit ako'y nakita ko si Miggy 'yon na nagku-curl ups, walang suot na pang-itaas at hindi ko maiwasang mapatitig sa abs niya. Ganito kaaga pala ang gising niya.

Huminto siya bigla nang makita ako na nakatanga sa may pintuan. Tumayo siya at sinuot 'yung t-shirt niya. Pawis na pawis siya't uminom muna ng tubig.

"G-good morning," bati ko.

"Good morning. Nakauwi ka na pala," sabi niya matapos uminom at umupo sa may rattan na upuan. "Sasabay ka ba sa'kin mamaya?"

"Eight ang pasok ko. Ikaw ba?"

"Ten AM. Do you want a ride?"

"Mauna na lang ako, alam ko naman na kung paano magcommute." Tumango lang siya. Natahimik kami parehas pagkatapos. Nang maalala ko bigla na hindi pa rin pala kami nakakapag-usap tungkol do'n. "Miggy, sa tingin ko kailangan mong malaman..."

"What?"

"Nakipagbreak na ako kay Quentin." Tumitig lang siya sa'kin at hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Sinabi ko na nga pala kanya ang totoo. 'Yung tungkol sa'tin."

Sa totoo lang ay inihanda ko na 'yung sarili ko dahil kutob kong magagalit siya dahil pinangunahan ko na. Pero tumitig lang ng ilang segundo si Miggy sa'kin, wala man lang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Hanggang sa tumayo siya bigla at naglakad papasok. Huminto siya sa gilid ko para.

"Okay." Iyon lang ang huli niyang sinabi bago ako iwanan.

Hindi ko maiwasang masurpresa. Iyon lang talaga ang sinabi niya? Bakit? Parang noong isang gabi'y ayaw niyang ipaalam kay Quentin pero ngayon ay parang wala na lang sa kanya. Ano ba 'tong nararamdaman ko bakit parang na-frustrate ako bigla. Para kasing ang sarcastic ng dating ni Miggy. Ano bang ibig niyang iparating?

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kahit na ang dami kong gustong itanong sa kanya. Gusto kong isipin na simula pa lang noong unang dumating ako rito'y may problema na sa akin si Miggy.

Isinawalangbahala ko na lang muna 'yon ngayon dahil kailangan ko munang makausap si Quentin. Gusto ko siyang tulungan sa kung ano mang pinagdadaanan niya, alam kong dumagdag lang 'yung pakikipaghiwalay ko sa kanya. Ayokong isipin niya na iniwan ko siya.

Nauna na akong pumasok pagkatapos kong mag-agahan. Tahimik pa rin si Miggy at hindi na ako nagtangkang magsalita o magtanongs sa kanya. Mukhang hindi talaga siya interesado o baka may iba siyang pinararating sa'kin.

Si Manang naman ay halatang gustong mag-usisa pero hindi naman nagtanong dahil nararamdaman din nito na parang may kakaiba sa'min ni Miggy. Idagdag pa 'yung hindi namin pagsabay sa pagpasok sa school.


*****


NANG sumapit ang lunch break ay hindi ako dumiretso sa cafeteria. Mahirap na at baka matagpuan ko ro'n si Kennedy, ayoko munang harapin ang taong 'yon matapos ang ginawa niya. Hindi ko muna uunahing kumain.

Pumunta ako sa may college nila Azami at saktong nakita ko siyang papalabas ng building. Sinalubong ko siya sa may lobby.

"Kambal!" tawag ko sa kanya.

"Oh, kambal! It's good to see you!" bumeso siya sa'kin. "Why are you here? Wanna grab a lunch with me, you know I had a lot of kwento—"

"Alam mo ba kung saan 'yung college ni Q at saka kung saan ang class niya ngayon?" putol ko sa kanya.

"What? You don't know? Anong klaseng girlfriend ka, kambal!" bulalas niya na halos ikaikot ng mata ko. "Why don't you text him?"

"H-Hindi kasi siya sumasagot, eh. Kailangan ko lang siyang makausap."

"Wait, I remembered last week, hindi raw pumasok si Q ng school ng two days! I thought you know?" humakbang siya palapit at hinawakan ako sa kamay. "Did something happen? Nag-away ba kayo? OMG."

Hindi pumasok si Quentin ng school... Ngayon kaya? Napatingin bigla si Azami sa isang banda at tinapik niya ako.

"Classmates sila ni Q," sabi niya at kaagad na lumapit sa dalawang estudyante. "Hi! Have you seen Quentin earlier? Pumasok na ba siya?"

Nanlumo na naman ako nang umiling 'yung dalawa. "We haven't seen him. Maybe he's still sick pa rin."

"Okay, thanks!" lumapit sa'kin ulit si Azami. "Hindi pa rin daw pumasok si Q, kambal."

"G-gano'n ba," halos pabulong kong sagot. Hindi nakatakas sa paningin niya 'yung pangamba sa itsura ko kaya halos ilapit niya bigla 'yung mukha niya sa'kin.

"You need to tell me what's going on. Tara, you tell me everything while we grab some lunch, I'm gonna text my loves na next time na lang kami—" akmang hihilahin niya ako nang huminto si Azami. "Oh, si Olly and Deanna! Guys, sabay kayo sa'min!"

Huminto sa harapan ko si Deanna at walang ano-ano'y halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya.

"OMG! Deanna!" halos mapatili naman sina Olly at Azami.

"You, bitch!" sigaw ni Deanna sa'kin. "Sabi ko na nga ba something's off nang dumating ka rito! Ahas!" akmang sasaktan na naman niya ako nang hawakan siya bigla nina Azami at Olly magkabila. Pumalag si Deanna at binitawan naman siya ng dalawa.

Nakatingin sa'min lahat ng mga tao na nandito ngayon. Naninikip ang dibdib ko sa nangyayari. Alam na ni Deanna. Paanong...

"Deanna, ano ka ba, what the hell?!" sabi ni Olly pero hindi siya natinag.

"Miggy called me on the phone this morning," tinitigan niya ako sa mga mata at kitang-kita ko na puno 'yon ng galit sa'kin, namuo ang mga luha roon subalit nanlilisik pa rin. "He broke up with me in a phone call!"

"So, bakit mo sinaktan—"

"Because of this bitch! He said he loves her!" duro sa'kin ni Deanna. "He also told me na hindi sila magpinsan and they're freaking living together!"

Halos matulala ako nang sunod-sunod sabihin 'yon ni Deanna sa mukha ko, kaya naman inihanda ko na lang 'yung sarili ko na saluhin ulit 'yung sampal niya nang may pumigil sa kamay niya.

"Anong nangyayari rito?"

"Love!" dinig kong bulalas ni Azami. Si Viggo 'yon, hawak-hawak ang kamay ni Deanna.

"Remi?" tawag ni Viggo sa'kin pero hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko'y lahat ng mga mata ng tao ay nakatutok sa'kin. At bago pa ulit makapagsalita si Deanna ay tumakbo ako papalayo sa kanila.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sa kalagitnaan ng takbo ko'y bigla akong natisod at halos masubsob sa sahig.

"Oops." Nag-angat ako ng tingin at nakita si Kennedy na nakangisi sa'kin. "Why are you crying, honey?" kumislap ang hawak niyang phone. Tumayo ako at tinabig siya.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ng CR para magkulong sa cubicle at umiyak mag-isa. 


-xxx-

A/N: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta (pati pagpepressure), damang-dama ko ang pagmamahal nyo sa kwento ni Remison :)

Oo nga pala, sa mga ku(l)to na kabilang sa nalikom nila Eggnog sa GC nila, attendance naman kayo rito. Drop your username on twitter at nickname nyo. Gusto ko lang makilala mga names nyo hehe. And para rin makapili ako ng bibigyan ng dedication. (Next time na lang ako jojoin sa kulto GC hehe pag patapos na to and para party party xD)

Meme exhibition again! Ang tatalino talaga gumawa ng memes! Salamat sa mga nagpapasaya sa'kin sa twitter hehe di ko maretweet yung iba kasi masyadong spoiler XD

Ikaw ba to? XD

Oh sino gising pa xD

Marami pa to sa twitter but keep the memes going, pampatanggal ng stress. xD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top