DALAGA 55❀
MATAGAL din kaming nagkayakap ni Quentin, parang ayaw pa nga niyang bumitaw. Kaagad niyang pinalis ang luha sa pisngi. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito, nasasaktan din ako na makita siyang nasasaktan.
"A-are you mad at me?" nag-aalangang tanong niya. Umiling ako, pero hindi pa rin napawi ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Paanong nangyari 'yon?" Hindi ko nga alam kung tama bang itanong ko pa 'yon pero siguro naman kahit papaano'y pwede kong malaman 'yon gayong ipinakita niya sa'kin 'yung larawan sa phone niya.
Hindi siya kaagad nakasagot at halatang napaisip. "I... I was drunk. I wasn't myself."
Pagkatapos ay walang nagsalita sa'min. Napayuko ako dahil mukhang hindi ko na muna masasabi sa kanya 'yung gusto kong sabihin. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko sa kanya ngayon, parang kailangan niya ng masasandalan.
"Alam ba... Alam ba ng daddy mo?" tumingin siya sa'kin bigla nang sabihin ko 'yon. Nagsalubong ang kilay niya pero hindi napawi ang pangamba.
"No, he didn't know," mahinang sagot niya. "But Kennedy's threatening me that he'll send it to him." Ako naman ang napakunot nang marinig 'yon. "I'm actually... scared, Remi."
"Q..." malambot kong tawag sa kanya. "Bakit hindi mo sabihin kay Kennedy na tigilan ka niya? Ano bang gusto niya? Bakit niya ginagawa 'yon sa'yo? Hindi ba magkaibigan kayo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"He wants me to... He wants me... to..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin kaya hinawakan na lang niya ako sa dalawang kamay, namuo muli ang luha sa kanyang mga mata. "I need you to stay with me."
Wala na akong ibang nagawa pa kundi tumango at muling tanggapin ang yakap niya. Damang-dama ko ang pangamba ni Quentin at gusto ko siyang tulungan. Gusto ko man lang makabawi sa mga tinulong niya sa'kin noon. Hindi niya ako iniwanan noon kaya dapat ay samahan ko siya.
Kahit na kailangan niya pa ring malaman ang totoo.. Hindi lang talaga muna ngayon.
Latang-lata akong pumasok sa loob ng bahay matapos akong ihatid ni Quentin. Pilit niya pa ring binalik ang sigla at ngiti pero alam kong dinadala lang niya ang lahat, kailan pa ba niya sinasarili ang problemang 'yon?
Kaya pala... Kaya pala gano'n siya kasaya noong malaman niyang dito ako sa Baguio nag-aaral. Kasi kailangan niya ako.
Pumunta ako sa may kusina at doon ko natagpuan si Manang, binati namin ang isa't isa.
"Manang, si Miggy po?" tanong ko.
"Ah, hindi pa umuuwi si senyorito," sagot nito. "Baka gabi na 'yon umuwi kaya mauna ka na lang maghapunan."
"Sige po."
Pagkatapos ay umakayat ako sa itaas. Pagkapasok ko sa kwarto ko'y kaagad akong sumalampak sa kama. Saka ko naramdaman ang pagod. Parang napakadaming nangyari ngayong araw, gusto ko na lang matulog kaagad pero may mga kailangan pa kong gawin para sa school.
Matapos kong kumain ng hapunan ay hindi pa rin umuuwi si Miggy, mukhang late talaga siya umuuwi kapag ganitong araw. Mukhang mauudlot din ang pag-uusap naming dalawa tungkol sa pinagtalunan namin noong isang gabi.
Sa ngayon ay kailangan ko munang ituon ang atensyon dito sa problema ni Quentin. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko lang alam kung paano. Gusto kong maibsan 'yung pangamba at takot niya. Masyadong precious si Quentin para masaktan ng gano'n, kilala ko siya at alam kong kahit na gano'n ang nakita ko sa larawan ay alam kong mabuti pa rin siyang tao.
*****
Kinaumagahan ay nagkita na kami ni Miggy sa kumedor. Napatingin siya sa'kin nang makitang nakagayak na ako, hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya dahil blangko lang siyang nakatingin sa'kin. Nakita ako ni Manang na kakagaling sa kusina.
"Oh, kumain ka na , hija," sabi ni Manang at akmang hahainan ako ng pagkain.
"Hindi na po Manang, papasok na po ako sa school, doon na lang po ako kakain," sabi ko naman.
"Eh, hindi ba't sabay kayo ni senyorito?" nagtatakang tanong ni Manang saka bumaling kay Miggy.
"Aaralin ko na pong magcommute ngayon mula rito, Manang," nakangiti kong sabi, kumuha ako ng mansanas sa may mesa. "Bye po." Tumingin ako kay Miggy na wala pa ring sinasabi. "Mauna na ako sa school, Miggy."
Isang matipid na tango lang ang sinagot sa'kin ni Miggy at saka ako lumabas. Nang makatapak ako sa may kalsada ay huminga ako nang malalim, pakiramdam ko nakatulong 'yon sa paggaan ng pakiramdam ko.
Naglakad ako hanggang sa makalabas ako ng subdivision, hindi naman gano'n kalayo. Mas na-appreciate ko 'yung view kapag naglalakad kaysa sa nakasakay sa kotse. Hindi naman na ako nahirapan makarating ng university, kagabi kasi'y tiningnan ko sa mapa 'yung daan papuntang school, tapos nagtanong-tanong ako sa mga nakasalubong ko kung saan 'yung sakayan ng ganito.
Pinili kong magcommute ngayong araw dahil... dahil gusto ko lang. Hindi ko naman siguro kailangang iasa na lang palagi kay Quentin at Miggy 'yung pagpasok at pag-uwi ko sa bahay. Sana kahit sa ganitong paraan man lang ay may kalayaan ako.
Simula kahapon ay wala akong natanggap na message o chat galing kay Quentin, hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin sa kanya kaya pinili ko na lang na huwag muna siyang abalahin at hayaan siyang makapag-isip-isip. Nag-aalala pa rin ako.
May one hour and fifteen minutes pa naman bago mag-umpisa ang klase kaya tumambay muna ako sa may university plaza malapit sa chapel, hindi pa kasi ako nakakatambay dito. Bumili lang ako ng tinapay sa may cafeteria at dito ako kumakain ngayon mag-isa. Sinadya ko talaga magpaaga para makapaglakad-lakad ako.
"Kambal?" kakagat pa lang ako ng tinapay nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. "Hi, kambal!" namalayan ko na lang na nasa tabi ko na si Azami. "What are you doing here malapit sa college namin?"
"Ah... Mayamaya pa kasi 'yung una kong klase. Good morning pala, kambal!" pinilit kong pasiglahin 'yung boses ko.
"Sayang naman, malapit na mag-umpisa ang class ko at hindi ka masasamahan. May ikukwento pa naman ako!" nakanguso niyang sabi. Lihim akong nagpasalamat kasi parang hindi pa ako handa sa kung ano na namang ikukwento niya. "Anyway, great timing! Hindi ko na ipapabigay kay Q 'to." May kinuha siya sa bag niya at binigay sa'kin ang isang pink envelope.
"Ano 'to, kambal?" tanong ko.
"Invitation to my debut! Punta ka ha! Hindi pwedeng wala kayo ni Q doon!" masaya niyang sabi. "Oh, siya, magrereview pa ako to freshen up my mind. See you later, kambal!" bigla siyang bumeso sa'kin na ikinailang ko, hindi kasi ako sanay ng gano'n.
Nang makaalis si Azami ay binuksan ko 'yung invitation niya, mukhang magiging magarbo ang selebrasyon ng birthday niya. Bigla kong naalala... Sa susunod na taon ay tutuntong na rin pala ako sa edad na 'yon. Hindi naman ako naghahangad ng bonggang selebrasyon, basta kasama ko lang sina Mamang at Auntie, okay na.
*****
SI Kennedy na 'ata ang huling tao na gusto kong makita ngayong araw na 'to. Pagkatapos kasi ng klase ko'y sumapit na ang lunch break kaya nagpunta ako rito sa cafeteria. At kung minamalas ka nga naman ay pagpasok ko sa loob ay ang mesa ng grupo nila ang bumungad sa'kin.
Nakatingin sa'kin si Kennedy kaya tumingin din tuloy 'yung mga kaibigan niya, kumaway pa siya na animo'y close kaming dalawa.
Dali-dali akong naglakad diretso at hindi na tinangkang tumingin sa direksyon nila. Pumila lang ako sa bilihan at bumili ng pagkain, pagkatapos ay umupo ako sa bakanteng mesa, malayo sa kanila. Akala ko'y matiwasay akong makakakain ng lunch pero bigla siyang sumulpot dala-dala ang tray niya.
"Mind if I join you?" nakangiti niyang tanong. Kahit hindi pa ako sumasagot ng oo ay umupo na si Kennedy sa harapan ko.
Dapat sa mga sandaling 'to ay layuan ko na siya pero nanatiling tuod ang katawan ko. Bakit parang ako pa ang natatakot sa kanya?
"So, Remi—"
"Anong kailangang mo?" inunahan ko na siyang magsalita. Napasandal siya't ngumisi at napansin ang panlalamig ng boses ko.
"Let me guess... He told you already?" nang hindi ako sumagot ay napa-wow pa siya, halatang namangha. "Well, as expected of Quentin, he's really a good kid."
Nang akma akong tatayo ay bigla niyang nilabas 'yung phone niya at ipinakita sa'kin 'yung pinakita sa'kin noon ni Quentin. Alam kong tinitingnan niya 'yung reaksyon ng mukha ko kaya tinatagan ko 'yung sarili ko na huwag magpakita ng kahit ano, tinitigan ko lang nang blangko 'yung larawan. 'Yung larawan ni Quentin na may kahalikan... Na isang lalaki... sa club.
"So, what do you think of these?" sabi niya. "Marami pa 'to, actually," nag-swipe pa siya at nakita ko 'yung ibang anggulo ng eksena, at saka ko narealize... na siya ang taong kahalikan ni Q. Pagkatapos ay tinabi na niya 'yung phone niya. "Wala ka man lang bang violent reaction?" mangha pa rin niyang tanong. "Your boyfriend was kissing another guy, well, which is me."
"Ano bang gusto mong mangyari?" tanong ko sa kanya, direktang nakatitig sa mga mata niya. Sa ilalim ay nakakuyom ang mga palad ko.
"Hmm... Don't you feel disgusted? Betrayed? That he kept secrets to you," nakahalukipkip niyang sabi. Nang mapansin niyang hindi ako nagrereact katulad ng inaasahan niya'y unti-unting lumukot ang mukha niya. "I've been with him since high school." Kung gano'n magkaklase sila sa Silvestre Academy? "We're inseparable, we've been together with every summer classes. I know him, Remi. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa sa'yo."
Gusto ko sanang sagutin na hindi niya alam na mas nauna na kaming pagtagpuin ng tadhana noong mga bata pa lang kami, pero hindi ko sinabi. At base sa mga narinig ko sa kanya'y mukhang alam ko na kung anong gusto niyang mangyari kung bakit niya tinatakot si Quentin.
"Gusto mo na maghiwalay kami?" blangkong tanong ko sa kanya.
"Tch," umismid siya. "I've been threatening him to send this to his daddy kung hindi siya makikipaghiwalay sa'yo. I don't believe in his bullshit that he loves you. He's just using you. I know the real Quentin, and I can love him for who really is," may himig ng pinaghalong poot at desperasyon ang boses niya. "Ikaw? Can you say that you really know him? That you love him truly?"
Napalunok ako at mabilis na hinanap ang mga salitang ibabato sa kanya. "Hindi mo ba nakikitang nasasaktan siya sa ginagawa mo?"
Bigla siyang natawa at umiling. "You don't get the situation at all. Hindi mo naintindihan ang mga sinabi ko—"
"Poprotektahan ko si Quentin mula sa mga katulad mong selfish," tumaas ang boses ko sa pagkakasabi no'n.
"Sige, tingnan natin kung anong mangyayari," iyon ang huli niyang sinabi bago ako iwanan.
*****
HULI na para pagsisihan 'yung sinabi ko noon kay Kennedy, huli na rin para magsisi sa desisyon na sana pala'y hindi na ako kumain sa cafeteria at dapat ay kaagad ko siyang iniwasan para hindi na kami nakapag-usap.
Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Quentin matapos niya akong kaladkarin matapos ang huli kong klase. Natanggap ko ang balita sa kanya na sinabi ni Kennedy na pinadala na nito ang mga larawan sa daddy niya.
Nakayuko sa may manibela si Quentin at kanina pa walang nagsasalita sa'min nang sabihin niya ang balita. Ilang sandali pa'y nag-angat siya ng tingin, hindi man siya lumuluha ay alam kong doble-doble ang pangamba niya.
"Come with me to our house today," sabi niya. "They know that you're my girlfriend. Dad would believe me if you will tell them that it's nothing if he asked."
"Quentin—"
"That's right, that's what we'll do." Akma niyang paandarin ang sasakyan nang pigilan ko 'yung kamay niya. "Why?"
"Q, may sasabihin dapat ako sa'yo kahapon."
"Ano 'yon?" tanong niya, at mukhang naalala nga ang sinabi ko noon. "What's the problem?"
Napapikit ako saglit sabay hinga nang malalim. Sa narinig kong mga salita sa kanya kanina'y nagbigay 'yon ng hudyat na gawin ko na kung anong dapat kong gawin.
"Gusto ko nang makipagbreak..."
Mahigit sampungs segundo lang siya tumitig sa'kin. Hanggang sa unti-unti siyang umiling.
"N-no way... Was it because of it?" nanginginig ang boses niya. Umiling din ako sa kanya.
"Hindi. Matagal ko nang naiisip 'yon simula nang dumating ako rito sa Baguio... Ayoko nang maging unfair sa'yo..." tumulo 'yung luha sa mga mata ko dahil alam kong dadagdag 'yon sa sakit na nararamdaman niya.
"W-why?" halos mabitak ang boses niya at sunod-sunod ding bumagsak ang luha sa mga mata niya. "May sinabi ba si Kennedy sa'yo? What did he say to you?! Maybe I was aware that night! I'm confused! I don't know who I am! I need you, Remi! I need you to make me sane!" kumalma siya sandali saka umusod palapit sa'kin. "D-do you love me?"
"Q... Mahal kita... Pero hindi sa gano'ng paraan. Gusto kitang protektahan, gusto kitang damayan, gusto ko ring maging palagi na nasa tabi mo... M-mahal kita bilang matalik na kaibigan."
Nang hindi makaimik agad si Quentin ay akala ko matatanggap na niya ang desisyon ko pero bigla niya akong hinawakan sa kamay. "Just... stay with me, okay? Even as friend, please don't break up with me. Come with me to our house—"
"Hindi lang 'yon ang dahilan, Q," putol ko sa kanya. "E-engage na ako sa iba. Iyon ang dahilan kung bakit nakapag-aral ako dito sa mamahaling eskwelahan. I'm sorry kung hindi ko ipinagtapat agad sa'yo."
Naging matapang siya na sabihin sa'kin ang totoo kaya dapat sabihin ko rin sa kanya kung anong itinatago ko.
"E-engage? K-kanino?"
"Kay Miggy." Napayuko ako nang sabihin 'yon, nawalan ako bigla ng lakas ng loob na salubungin ang tingin niya. Bigla akong nilamon ng kahihiyan.
Napasandal si Quentin at hinihimay sa isip ang mga sinabi ko.
"Get out of my car."
"Quen—"
"I said get out!"
Ano bang aasahan ko? Matutuwa siya? Niloloko ko lang ang sarili ko kung gano'n. Bumaba ako ng sasakyan niya't mabilis niyang pinaharurot ang kotse palayo.
Ilang sandali pa'y saka ko lang naramdaman din ang sakit ng ginawa ko. Sinaktan ko 'yung tao na walang ibang ginawa kundi maging mabuti sa'kin. Ang sama-sama ko. Napatakip na lang ako ng mukha saka humikbi.
I'm sorry, Quentin.
-xxx-
A/N: Thanks for reading! Sumakit balikat ko sa chapter na 'to! Hahaha. Grabe sangkatutak memes ng mga DNSR stans at ku(l)to ni Poknat sa twitter! Hahaha grabe angsisipag nyo gumawa ng memes, gawa-gawa din ng modules. XD
Credits to Ku(l)to ni Poknat stans:
Evicted na ba ang Team Quentin? XD
Hanep, ang tatalino gumawa ng memes HAHAHAHA salamat at pinasasaya nyo ko
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top