DALAGA 52❀
BAKAS ang gulat sa mukha ni Miggy nang makita niya akong pumasok sa dining area para sumabay ng almusal sa kanya.
Paano ba naman kasi... Ang aga-aga ay para akong nanalo sa lotto. Mukhang nasanay na rin ang katawan ko na makatulog nang mahimbing at magkakasunod na magandang balita ang natanggap ko.
Paggising ko kasi ay tinawagan ko si Auntie para kamustahin sila, tapos puro good news ang natanggap ko. Nakaka-recover na ng unti-unti si Mamang pero hindi pa siya nakakalabas ng ospital, sa susunod ay pwede ko na siyang makausap. Tapos si Auntie naman ay balik sa negosyo niya sa palengke at masaya ako para sa kanya.
"Something happened?" 'di matiis na tanong ni Miggy habang nakatingin sa'kin, siguro naninibago siya dahil ngayon lang ako ngumiti ng ganito simula nang dumating ako rito.
Kinuwento ko sa kanya 'yung sitwasyon sa amin at napatango lang siya.
"Miggy," tawag ko sa kanya ulit bago niya ibalik ang tingin sa binabasang libro. "Nandito rin si Poknat sa Baguio."
Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo bago ako ulit nagsalita.
"Si Poknat—"
"Talaga?" sumilay ang ngiti sa labi niya kaya naman mas lalong lumapad ang ngiti ko nang makita 'yon. Napasandal siya sa upuan at tila hindi makapaniwala sa narinig. "Man, this is crazy. I mean, in a good way."
"'Di ba?" sabi ko. "Kahapon ko lang kasi siya nakausap sa Facebook!" Huminto ako saglit at bumwelo. "Pwede ba natin siyang puntahan?"
"But we have classes today."
"Oo nga, pero mamayang uwian," sabi ko. "Sinabi ko sa kanya yayayain kitang puntahan siya. Alam mo ba na may banda siya ngayon na kumakanta sa isang bistro raw sa may siyudad? Manlilibre raw siya—"
"Wait, wait, wait." Tinaas ni Miggy ang kamay kaya huminto ako sa pagsasalita. "You told him about us?"
Tumango ako. "Oo... P-Pero hindi 'yung tungkol do'n!" bulalas ko. Halatang nabibigla si Miggy sa pagiging hyper ko. "Nakwento ko sa kanya na pinag-aral ako ng daddy mo rito kaya magkasama tayo..."
"And... What did he say?"
"Ayun... Natuwa naman siya siyempre kasi hindi rin niya akalaing nandito ka rin sa Baguio."
Hindi sumagot si Miggy at napatitig lang sa'kin. Humupa tuloy 'yung ngiti ko dahil hindi ko alam kung anong iniisip niya.
"Hindi ka ba pwede mamayang uwian?"
Tumikhim si Miggy bago matipid na ngumiti. "Sige, let's meet him after school."
Muling bumalik ang malapad kong ngiti. "Thank you, Miggy!"
Pagkatapos ng almusal ay sabay kaming pumasok ni Miggy sa school. Medyo nakakailang pa rin 'yung tinginan ng ibang mga tao kasi nakita ng ilan na bumaba ako sa sasakyan ni Miggy.
Naghiwalay na rin kami ni Miggy para sa kanya-kanya naming morning class. Nakakapa ko naman na 'yung campus at naramdaman ko naman na okay 'yung mga tao rito kaya hindi na ako inaatake ng kaba.
Inaantok tuloy ako sa unang klase ko. Medyo napuyat kasi ako kagabi dahil sa pagcha-chat namin ni Poknat. Kung ano-ano lang naman ang napag-usapan namin, kamustahan gano'n. 'Di ko rin naman kasi expected na magrereply siya bagoa ko matulog kaya ayon mas lalong hindi na ako nakatulog.
Lutang-lutang pa rin 'yung utak ko pagkatapos ng klase. Siguro nga malaking epekto rin 'yung magandang balita na okay na si Mamang dahil bumabalik na ako sa dati kong sarili.
Kaso bigla akong may naalala kagabi...
"I love you..."
Sa sobrang lutang ko'y hindi ako nakaiwas sa makakasalubong ko kaya nagkabanggaan tuloy kami.
"Sheesh! Kennedy! Okay ka lang?" dinig kong boses ng isang maarteng babae sa tabi ng taong nakabangga ko. "Watch where you're going, missy!"
"S-Sorry!"
"Are you okay?" tanong ng lalaki sa'kin. Halos tingalain ko siya sa tangkad niya at kaagad kong napansin ang katangi-tangi niyang itsura. Kulay gray kasi ang buhok nito, tapos 'yung suot niyang jacket ay fur! Kala mo nasa Korea ang datingan niya.
Tumango lang ako.
"She's the one who's supposed to ask that to you, Kennedy," hirit pa ulit ng malditang babae. At saka ko nakita sa lanyard niya ang salitang 'Fashion' at doon ko napagtanto kung bakit gano'n kabongga ang mga suot nila, may fashion course pala sa school na 'to.
"H-Hindi ko naman sinasadyang mabunggo ang boyfriend mo, Miss," nahihiya kong sabi at mas nanlisik ang mga mata nito. Nagulat naman ako nang biglang natawa ang lalaki.
"Tara na nga, Kennedy!" Sumulyap pa sa'kin ang lalaki bago sila tuluyang umalis.
Ayan tuloy, Remison! Okay na sana eh kaso ako rin ang sumira ng impression ko sa school na 'to. May mga matataray din pala katulad ng babaeng 'yon (counted nga rin pala si Deanna sa mga gano'ng tao). First time ko lang maka-encounter na parang sasabunutan ako.
Para hindi ako antukin sa susunod na subject ay napabili tuloy ako ng kape sa vending machine. Sa kabutihang palad ay nawala ang pagkalutang ko't nakapakinig din ako sa klase.
Sumapit ang lunch break at nakatanggap ako ng text kay Quentin, hindi raw niya ako masasabayan dahil may klase pa sila (with sad and crying emoji). Nagreply naman ako na okay lang.
Hindi ko nakita si Azami sa cafeteria at ewan ko ba't lihim kong pinagpasalamat 'yon, feeling ko kasi hindi pa ulit ako ready ma-culture shock sa mga susunod niyang kwento. Kaya naman na okay na okay lang sa'kin na mag-isa na muna kumain.
Habang kumakain at naghihintay ay biglang may lumapit sa mesa ko at umupo sa harapan ko. Halos mabulunan ako nang makita ko si furry guy kanina.
"Hi there," bati niya. Nakakasilaw 'yung mga burloloy niya sa katawan.
"H-Hello?" napalinga tuloy ako sa paligid. May mga bakante namang ibang pwesto ah?
"I'm sorry earlier, my friend was rude," sabi niya at biglang nilahad ang kamay. "I'm Kennedy by the way."
Nag-aalangang tinanggap ko 'yung kamay niya. Ang lambot ng kamay niya!
"Remison... Kahit Remi na lang." Kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon ay siguradong-sigurado ako sa itsura ko na parang may malaking question mark.
"You're Q's girlfriend, right?" nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig 'yon. Medyo natawa siya, sa reaction ko 'ata. "I saw you at the party yesterday. You're quite famous in our circle."
"Circle?" Teka, party pala talaga 'yung dinner kagabi? Mukhang hindi sinabi ni Quentin dahil ayaw na mabigla ako.
"I'm friends with Q," sabi niya. "Nabanggit niya kasi sa amin noon na may girlfriend na siya. It's nice to finally meet you."
"Ah... Thank you?"
"Well, I know it's weird to say this but... since gf ka ni Q, you're now also part of our clique. Hopefully next time ay mabigyan ka namin ng welcome party."
Bahagyang napanganga na lang ako. Hindi ko talaga ineexpect na sobrang friendly ng mga tao rito (maliban kay Deanna at sa kaibigan nitong ni Kennedy). Saktong biglang tumunog 'yung cellphone ko at tumayo na siya bigla at mukhang sinadya lang ako rito para sabihin 'yon.
"You gotta take that call. I'll see you again, Remi." Kumaway pa ito bago umalis.
Dali-dali ko namang sinagot ang tawag at halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng boses ni Aiza.
"NAKAKALOKA KANG BABAE KA! BAKIT AT PAANONG NANGYARING NASA BAGUIO KA?! NAGISING NA LANG KAMI SA PM MO LIKE WHAT?! BAKIT BIGLA KANG PINATAPON DIYAN?!" damang-dama ko 'yung halo-halo niyang emosyon, parang armalite 'yung boses niya.
Paano ba naman kasi... Nagchat lang ako sa kanila kagabi na nandito ako sa Baguio ng walang explanation, sinabi ko lang din na tawagan na lang nila ako para magpaliwanag ako.
"OO NGA, MAGPALIWANAG KA REMISON! WE DESERVE AN EXPLANATION! HOW COULD YOU LEFT US WITHOUT SAYING GOODBYE?!" boses naman ni Burma ang narinig ko. Group call pala ito.
"Wow, English!" sabay na puri ni Aiza at Honey.
"NAKO, REMISON, MAGPALIWANAG KA!"
"Kumalma ka lang, Aiza, paano makakapag-explain si Remi?" sawakas ay umawat na si Honey.
At ayon na nga, para akong preso na nagpaliwanag sa kanila... Katulad ng mga sinabi ko noon kay Poknat sa chat. Bumalik na naman 'yung kunsensya ko dahil hindi ko magawang sabihin sa kanila ang totoo, 'yung tungkol sa'min ni Miggy.
Napapikit ako saglit. Sobrang hirap pala magtago ng ganito. Kaibigan ko sila at pati ba naman sila pagtataguan ko ng lihim? Pero... pero hindi rin naman kasi gano'n kadaling sabihin 'yon. Hindi muna ulit ngayon.
Relax, Remison. Magiging okay din ang lahat.
Napilitang maputol ang usapan namin dahil may susunod na kong klase, may pasok na rin sila kaya nagpramis ako sa kanila na mag-uusap ulit kami sa susunod.
Pagkatapos ng lunch ay pakiramdam ko bumabgal nang sobra ang oras. Gustong-gusto ko na mag-uwian!
Five pm natapos ang huli kong klase. Sawakas! Gano'n din ang oras ng tapos ng klase ni Miggy kaya naglalakad ako ngayon papuntang parking lot.
"Hey, babe!"
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang sumulpot si Quentin sa harapan ko.
"N-Nakakagulat ka naman!"
"Sorry," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Yayayain sana kita ng date... with the others."
"Others?" Naalala ko bigla 'yung friend niya na si Kennedy. Kailan niya kaya babanggitin sa'kin 'yung tungkolsa mga kaibigan niya bukod sa mga elem friends namin?
"With Olly and the gang."
"Ahm... Sorry, Q. May lakad kasi kami ni Miggy." Nawala ang ngiti sa mukha niya nang sabihin 'yon.
"Saan ang lakad n'yo ni Miggy?" Gusto kong mainis sa sarili ko sa tuwing nawawala 'yung ngiti niya, parang ang sama-sama ko.
"Sa may 360 Bistro..."
"Really? Doon din ang usapan namin! Teka... Bakit naman kayo pupunta ro'n?"
"Kasi nando'n 'yung isa pa naming kababata... Si Poknat."
Ilang segundong napaisip si Quentin, mukhang nahirapan siyang maalala si Poknat.
"Oh, I remember him... The one's who's always jealous? So, nandito rin siya sa Baguio." medyo natawa naman ako sa sinabi niyang 'yon. Tapos hindi siya ngumingiti kaya nawala 'yung tawa ko. "I don't want you to go there."
"E-Eh?"
"I'm afraid that he might steal you away from me," seryoso niyang sabi at hindi kumukurap.
Hindi ko alam ang sasabihin ko at bigla siyang ngumiti.
"Just kidding!" sabi niya. "Well, since doon din naman dapat ang punta natin, let's go?"
"Pero naghihintay sa'kin si Miggy..."
"Don't worry about him, he's with his girl, I'll text him na doon na tayo magkita-kita sa bistro."
Kasama ni Miggy ang girlfriend niya? Makikilala ko na rin pala kung sino 'yon.
Hindi naman na ako umangal pa at sumama na ako kay Quentin. Sabi niya kanya-kanyang punta na lang daw doon sa bistro sila Olly, si Azami ay kasama si Viggo, at ewan ko lang kung pupunta rin si Deanna.
Isang oras din halos ang biyahe namin mula sa school papunta ro'n sa bistro, malayo-layo rin pala at medyo natagalan dahilsa traffic. Kaya madilim-dilim na nang makarating kami sa nasabing bistro.
Ang daming nakaparadang sasakyan sa labas, sabi ni Quentin nagpareserve naman na raw sila Olly ng table.
"Hi, guys!"
Nadatnan naming nando'n na sila Olly, Deanna, Azami at Viggo. Bumulong ako kay Quentin.
"Ano bang meron ngayon?" tanong ko rin 'yon sa sarili ko dahil parang ang unexpected na kasama rin sila ngayong gabi.
"Wala lang, we love to hang out here every Thursday after class," sagot ni Quentin. Pinaghila niya muna ako ng upuan.
Naalala ko na parang noong isang araw lang ay magkakasma kaming tumambay sa Van Gogh's. Mukhang 'eto ang normal nilang gawain pagkatapos ng klase. Napatingin tuloy ako kay Azami at naalala ang sinabi niya kung bakit mas gusto niya rito sa Baguio.
"Pampatagal ng stress sa school," dagdag pa ni Quentin. "Stress eating, sabi nga."
"Totoo 'yan," gatong pa ni Olly. "Mahilig kaming magfoodtrip. Kaya magready ka na Remrem at tataba ka na rin katulad nitong ni Azami—ouch!" Hinampas kasi bigla ni Azami si Olly.
"Babe oh si Olly inaasar na naman ako," parang batang sumbong ni Azami kay Viggo.
"Hay nako, Azami, grow up, kairita 'yang boses mo," sabi naman ni Deanna pero hindi siya pinansin nito.
Madami-dami na ring tao rito at mukhang dinadayo nga ng mga tao. Meron kasing maliit na stage at may mga instrument do'n.
"Sus, inggit lang 'yang si Deanna," si Olly. "Parang siya hindi immature sa jowa niya."
"Shut up, Olly."
"Andyan na pala si Miggy," sabi ni Quentin at kumaway. Napatingin ako ro'n at nakita si Miggy na papalapit sa table namin.
At halos mapanganga ako nang biglang tumayo si Deanna at hinalikan sa pisngi si Miggy.
Bakit sa dinami-rami ng pwedeng maging girlfriend ni Miggy... Si Deanna pa?
"Love, why you're so matagal?" natawa sila Olly, Azami, at Viggo nang marinig ang boses ni Deanna.
Ako naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa dalawa. Muntik na nga ako mapatakip ng bibig. Nagsalubong 'yung tingin namin ni Miggy. Sabay biglang lumingon sa'kin si Deanna.
"Hoy ikaw Remison may kasalanan ka sa'kin!" sabi niya at tinuro pa ko. Halos malaglag naman 'yung puso ko... Huwag mong sabihing... "Why didn't you tell 'agad na magpinsan pala kayo ni Miggy?!"
"P-Pinsan?" Tumingin ako kay Miggy at sinalubong ang malamig niyang tingin. Gano'n pala ang pakilala niya sa'kin sa girlfriend niya.
"Pinsan?" narinig kong boses ni Quentin. "Ngayon ko lang din nalaman 'yun ah. I thought you two are—"
"Halos sabay kasi kami lumaki and then nahiwalay noong nagpunta kami ng America," sagot ni Miggy pagkaupo, natural na natural lang sa kanya.
"Oh." Si Quentin, hindi na nagtanong pa.
"That's so cool!" reaksyon ni Azami. "You're cousins and then..." tinuro niya pa kaming apat at hindi malaman ang sasabihin. "Basta ang galing! No, babe?"
Tumango lang si Viggo at sumulyap sa'kin. Kanina pa siya hindi nagsasalita at pangiti-ngiti lang.
"OMG, Olly, you're the only single here!" bulalas ni Azami. "Not just third but fourth and fifth wheel!"
"Azami, alam mo, kaibigan ba kita?" nakasimangot na sagot ni Olly.
Dumating na 'yung mga pagkain namin after twenty-minutes. Nawalan ako ng gana kumain. Hindi ko magawang tinginan si Miggy at Deanna. Bakit naman kasi gano'n? Para tuloy nawalan ako lalo ng choice... Hindi ko masasabi kay Quentin ang totoo dahil madadamay na rin si Deanna... At kapag nalaman ni Deanna... Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa'kin dahil sa itsura niya'y parang patay na patay siya kay Miggy.
Hindi ko magets, Miggy, bakit si Deanna pa?
Nag-aasaran pa rin si Azami at Olly, silang dalawa nga lang ang maingay. Sila Deanna kasi'y parang may sariling mundo, hindi ako sanay makitang sweet si Miggy sa ibang babae... Pero parang gano'n naman talaga siya dati? Ang gulo.
Si Quentin naman ay nakikigulo rin kila Olly at tina-tanong-tanong ako at matipid lang 'yung sagot ko.
"Ladies and gentlemen, good evening sa inyo." 'Yung boses na 'yon...
Sabay-sabay kaming napatingin sa may stage at nakita roon ang isang grupo. Narinig ko ang mahinang pagtili ni Olly.
"Look, Azami, kapag naging kami ng crush ko riyan, who you ka sa'king baboy ka."
"What? How dare you call me baboy—"
Nangibabaw sa'kin ang boses ng lalaking nasa unahan. Ayon siya... Si Poknat.
Nagkatinginan kami saglit ni Miggy sabay tingin ulit sa harapan at saktong nakita niya kami kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya.
Nagsimulang kumalabit ang gitara at tumunog ang tambol nang magsalita ulit si Poknat habang nakatingin sa amin.
"Espesyal ang gabing ito kaya naman iniaalalay ko sa dalawang taong naging bahagi ng kabataan ko ang unang kanta na 'to..."
Nagsimulang kumanta si Poknat at tila nahipnotismo niya ang lahat na makinig sa kanyang pag-awit.
Naramdaman ko bigla ang pagpisil ng kamay ni Quentin.
At saka ko lang naintidihan ng lubos ang sitwasyon ko na araw-araw ay parang nagiging kumplikado.
-xxx-
Bitin ba kayo sa appearance ni Poknat? Kinikilabutan ako sa fans club ni Pokpok, hahaha! Abangan next chapter!
Me reading your reactions:
By the way... On "Finding Poknat", si Miggy merong port dapat si Poknat din. TBH, ang hirap maghanap kasi wala akong makakitang ka-aura niya. Si Louise Patridge lang almost ka-close ng vibes ni Poknat. Kayo, baka may kilala kayo? Tag me on twitter! xD
yes or nah?
Thank you for reading! (^人^)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top