DALAGA 49❀


AAMININ ko na noong mga sandaling kaharap namin si Quentin ay pilit kong inalala kung binanggit niya nga ba sa'kin noon ang pangalan ng university na pinapasukan niya.

Maaaring nabanggit niya pero hindi ko matandaan. Pero hindi iyon ang mahalaga sa mga oras na 'to, dahil alam kong maraming tanong sa isip niya at isa sa mga pagkakamali ko na hindi ko siya kinontak.

Sa mga nakakabiglang pangyayari sa buhay ko ay nawala sa loob ko... na nandiyan nga pala si Quentin at hindi lang siya basta isang kaibigan.

Naramdaman ko ang titig nilang dalawa sa'kin at natauhan lang ako nang tumikhim si Miggy.

"A-Ano... Quentin... Miggy..." Nagkanda-letse-letse na ang takbo ng isip ko. Parang computer na nag-hang. Kulang na lang ay himatayin ako sa sobrang bigla.

"Remison and I are childhood friends. She's studying here from now on," sabi ni Miggy, may bakas din ng pagtataka ang seryoso niyang mukha. "I'm surprised that you know her, Q."

"She's my—"

"Miggy, pwede bang mag-usap muna kami ni Quentin?" sabi ko bigla sa kaharap ko.

"Go ahead, malapit na rin 'yung class ko," sagot ni Miggy sabay tayo. "I'll leave the two of you. Remi, I'll text you later."

Umalis na si Miggy pero nanatiling nakakunot si Quentin. Ngayon lang ako nakakita ng anghel na nakasalubong ang kilay, kapag kasi magkasama kami ni Quentin ay palagi lang siyang nakangiti.

"Uhm... Quentin?" tawag ko sa kanya.

"Are you finished eating?" seryosong tanong niya at tumango lang ako, para tuloy akong batang nakabasag ng pinggan. "Let's go somewhere."

Hinawakan niya ako bigla sa braso at hinila papunta kung saan. Namalayan ko na lang nasa may outdoor ampitheater kami at umupo sa bakanteng pwesto na may lilim.

"I think you owe me a serious explanation, I almost got a heart attack, you know?" napalitan ng concern ang itsura ni Quentin.

Napaluno ako nang sunod-sunod. "Magkababata kami ni Miggy katulad nang sinabi niya, at... Biglang nag-alok ng tulong ang daddy niya na tulungan kami sa gastos sa ospital at saka... pag-aralin ako rito sa school ni Miggy. S-Sorry kung hindi ko nasabi sa'yo 'agad noong dumating ako kahapon dito sa Baguio."

Tinitigan lang ako ni Quentin pagkatapos kong sabihin 'yon, hindi ko nga alam kung naniniwala ba siya sa'kin o hindi.

"Sorry... I... I just don't believe it." Bigla akong kinabahan. "I mean... Fate's crazy." Napangiti siya at hinawakan ang kamay ko. "I'm really glad na nakatanggap na kayo ng tulong and you don't know how I happy I am to see you here. Are you feeling better here?"

Tumango lang ako at sunod niyang kinamusta si Mamang at Auntie at ibinalita ko naman sa kanya na malaking ginhawa ang naging tulong ni Tito Miguel sa'min.

Ako naman ang hindi makapaniwala sa kanya. Hindi ba niya tatanungin kung... kung bakit?

Of course, hindi siya mapang-usisang tao... at ang tanging mahalaga sa kanya ay okay na ako at nandito ako kasama siya. Minsan hindi ko maiwasang mamangha sa kasimplehan ni Quentin, napakainosente ng isip niya.

Nang maalala ko ang ginawa kong desisyon ay ni hindi ko man lang naisip si Quentin... dahil... dahil ang mahalaga lang sa'kin ay ang kagalingan ni Mamang.

Gusto kong kurutin 'yung sarili ko dahil pakiramdam ko'y ang sama-sama ko sa kanya.

"M-Magkaklase pala kayo ni Miggy?" tanong ko bigla.

"Nope, nagkakilala lang kami during sa isang university event thru a common friend, then we joined the same org."

Alanganing ngumiti ako at muling umalingawngaw ang boses ni Auntie Emily, para tuloy isang manghuhula si Auntie sa naging kapalaran ko.

"You never mentioned before na may childhood friend ka pa pala bukod kay Poknat," dinig kong sabi niya.

"Ah... Kasi... Umalis ang pamilya nila Miggy noon papuntang Amerika kaya..." nagpaliwanag ako sa kanya.

Kung magkaibigan sila ni Miggy... May posibilidad na malaman niya ang totoong dahilan kung bakit ako nakapasok dito sa university nila.

Ayokong malaman ni Quentin sa ibang tao... Dapat... Dapat kong sabihin sa kanya ang totoo.

At ang ibig sabihin no'n... Kailangan ko nang makipag-break sa kanya.

Kailan? Kailan mo sasabihin sa kanya, Remison? Ngayon?

Parang hindi ko kaya.

Ngayong pinagmamasdan ko ang napakasaya niyang mukha'y parang hindi ko kayang wasakin ang puso niya.

Siguro... Siguro mag-iipon muna ako ng sapat na lakas ng loob bago ko ipagtapat sa kanya ang totoo. Ayokong magsinungaling sa kanya sa mahabang panahon.

"Hey? Are you going to cry?" napansin niya 'ata na nangilid bigla ang luha ko.

Kaagad kong pinahid 'yon at tumingin sa kabila.

"W-Wala, naho-homesick lang ako," pagdadahilan ko.

"I'm here, and Miggy," sabi niya. "And..." Biglang namilog ang mga mata niya at bigla siyang napatayo. "May surprise ako sa'yo. Come on."

"Huh?" Wala akong ibang nagawa kundi magpakayag sa kanya papunta ulit sa kung saan.

Maya-maya pa'y matapos naming lakarin ang kabilang building ay huminto kami sa lobby nito, may tiningnan si Quentin sa bulletin board at parang may hinahanap.

"Teka lang, wala ka bang klase?" tanong ko. Wala kasing ibang estudyante roon dahil oras na siguro ng klase.

"I skipped class. No worries, it's fine." Hindi na ako naka-angal pa at muli niya akong hinila papunta naman sa itaas.

Tumigil kami sa third floor at naglakad sa hallway. Wala akong ideya kung anong surpresa sa'kin ni Quentin. Ang natatandaan ko lang ay pumasok kami rito sa magarang building na College of Business ang tawag.

Pinagtitinginan ulit kami ng mga taong nakaupo sa mga bench sa gilid. Nangingibabaw 'yung suot ko dahil 'yung mga estudyante rito ay kala mo nagtatrabaho sa hotel, mga executive, o parang pupunta sa party ang mga suotan.

"Right timing," dinig kong sabi ni Q nang makitang bumukas ang pinto ng isang classroom at may mga lumabas doon. Huminto kaming dalawa ni Q nang sumigaw siya. "Azami!"

Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang sinigaw ni Quentin. Mula sa tumpok ng mga estudyante'y may isang babae ang lumingon sa direksyon namin.

Kumaway si Quentin doon at ilang sandali pa'y may dali-daling naglakad sa kinaroroonan namin. Hindi ako makapaniwalang si Azami 'yon! Halos hindi ko siya makilala dahil naging chubby ang pangangatawan niya, malayong-malayo sa nakilala ko noon.

"Q? And... Oh my gosh! Kambal?!" gulat na gulat din si Azami nang makita ako.

"H-Hi... Kambal?" nahihiya kong bati sa kanya. Napatili si Azami at sinunggaban niya ako ng yakap.

"I'm so shocked to see you! I mean... Wow! Is this true?" bumitaw na siya sa'kin at saka tumingin kay Quentin.

"Yup, same reaction."

"I'm really happy to see you, kambal!"

"Ako rin," nakangiti kong sagot.

Nakasuot si Azami ng maiksing pencil cut skirt at kulay dilaw na blouse. Napansin ko rin ang ID lanyard niya na may nakalagay na 'Accounting'.

"Dito ka na talaga mag-aaral, kambal?" halatang hindi pa rin makaget-over si Azami.

"O-Oo, kambal."

"O to the M to the G. Look who's here?" sabay-sabay kaming napatingin sa panibagong parating. Dinig na dinig ang tunog ng high heels niya habang naglalakad.

Humalukipkip si Deanna nang huminto sa harap namin at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Hi, Deanna. Long-time no see," bati ko sa kanya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Likewise." Medyo natawa nga ako dahil halatang wala siyang pinagbago, kahit na ang tangkad na niya lalo, makapal ang makeup, at magarbo ang kasuotan, siya pa rin ang Deanna na nakilala ko noong elementary. Katulad ni Azami ay accounting din ang nakalagay sa lanyard na suot niya.

"I took her here to see you, guys. Since she's new here, she needs some familiar company," sabi ni Quentin sa dalawa. "Where's Olly?"

"Nandito rin si Olly?" gulat kong sabi.

"Unfortunately, yes," sagot ni Deanna.

Sabay-sabay kaming nagpunta sa kinaroroonan ni Olly. Nasa first floor daw ang lab room nila. Habang bumababa sa hagdan ay nagsalita si Deanna.

"I can't believe na afford mong mag-aral dito, Remison. Kasi baka hindi ka informed na nasa international school ka."

"Of course matalino si Kambal kaya talagang tatanggapin siya rito sa school natin," sabi naman ni Azami.

Ngiti lang ang sinagot ko sa kanilang dalawa dahil nahirapang pumorma ng mga salita ang isip ko. Bumabagabag sa'kin ang ideyang nadagdagan ang mga tao na kinakailangan kong paglihiman.

Nakarating kami sa first floor at walang pasabing pumasok kami sa loob ng isang kwarto. Naamoy ko 'agad ang masarap na aroma ng tinapay. Kulang na lang maglaway ako sa nakita ko... Puro mga tinapay ang nasa mesa at may iba pang gumagawa ng cake. Nasa kusina ba kami?

"Hey, Olly!" tawag ni Deanna. "Join our mini-reunion here."

Akala ko wala na akong ikakagulat ngayong araw dahil nang makita ko si Olly ay kulang na lang ay malaglag ang panga ko sa sahig.

Hindi ko rin siya halos makilala dahil bukod sa tumangkad ay... pumayat na siya... hindi... Parang naging macho pa nga 'ata 'yung pangangatawan niya dahil fit na fit sa kanya 'yung uniform niya na parang pang-chef.

"OMG, Remison?!" ang tinis ng boses niya kaya nabuo na 'agad ang isang hakahaka sa isip ko.

Nakumpirma 'yon nang sunggaban niya ako ng yakap at halos malamog ako sa pagyugyog niya.

"Bakit ka naman nanggugulat?! Dito ka na mag-aaral?!"

"Oo, eh."

"Tamang-tama kakatapos ko lang sa binebake ko, let's go somewhere and celebrate!" suhestiyon ni Olly.

Bago pa ko makaangal ay kaagad 'yong ginatungan ni Quentin at Azami. Si Deanna naman ay halatang natutulilig sa matinis na boses ni Olly.

"Right timing wala na kaming next class ni Yana," sabi ni Azami. Napatingin naman ako kay Deanna, mukhang Yana na ang tawag sa kanya dito. "I'll text our driver para sunduin tayo. Let's eat at Van Gogh's! I wanna try their new dessert!"

"Duh, Azami, I thought you're on diet na?" si Deanna.

Para akong naging patay na isda nang mga sumunod na sandali. Wala akong ibang nagawa kundi sumama sa kanila dahil nakakahiya naman kung pipilitin kong tumanggi.

Kaya nag-text ako kay Miggy na hindi ako makakasabay sa kanya pag-uwi dahil nagprisinta rin naman si Quentin na ihatid ako.

Akala ko ay sa mall kami pupunta pero nagulat ako nang makarating kami sa isang parang bahay, medyo liblib at napaliligiran ng mga puno ang gusali. Sa loob ay tumambad sa'kin ang kakaibang karangyaan, parang hotel ang itsura nito.

"Welcome to Van Gogh's, Remrem!" bulalas ni Olly. "Ito ang secret tambayan ng mga Lions!"

"Lions?"

"That's us, Panorama University students," si Azami.

Pumwesto kami sa mesang malapit sa isang malaking bintana kung saan ay may magandang view ng tanawin. Mabuti na lang talaga ay nakasuot ako ng jacket dahil damang-dama ko 'yung lamig kahit wala namang aircon.

"Oh, he's here," dinig kong sabi ni Azami at may kinawayan.

"Hi, babe." Nakita ko si Viggo na humalik sa pisngi ni Azami bago umupo sa tabi nito. "Remsky! Kamusta?" Nakangiti niyang bati sa'kin.

Ang laki rin ng pinagbago ni Viggo, atletang atleta talaga ang aurahan. Humaba nga lang ang buhok niya at pumuti ang kulay ng balat.

"O-Okay lang naman," sagot ko sa kanya. Mukhang matatag pa rin ang relasyon nila ni Azami. Oo nga pala nasabi ni Viggo noon na magkasama pa rin sila ni Azami sa college.

Parang kahapon lang ay nag-aalala ako sa bagong lugar na pupuntahan ko at ngayon ay kaharap ko sila ngayon. Sinong mag-aakala na muli kong makakasama ang mga elementary friends ko matapos ang maraming taon?

Nakakatuwa nga kasi parang... talagang winelcome pa nila ako rito ngayon. Pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot kapag naalala ko ang totoo. Hindi ko rin naman kasi basta-basta maipagkakalat 'yung tungkol sa'min ni Miggy.

Maliban kay Quentin, dapat niyang malaman... Deserve niyang malaman ang totoo. Pero hindi muna sa ngayon.

"So, sino nga pala ang kasama mo rito sa Baguio?" nag-umpisa nang magtanong si Azami.

Halos sa akin umikot ang usapan. Na-open na rin 'yung tungkol kay Mamang at nagpabatid naman sila ng simpatya. Mabuti na lang ay nakaalalay si Quentin sa'kin at tinutulungan akong hindi maging awkward. Si Olly parang kahapon lang kami nagkita, ang daming kwento. Si Deanna naman ay mataray pa rin. Si Viggo ay pangiti-ngiti lang habang nakatingin sa'kin.

Apat na oras din ang tinagal namin sa Van Gogh's. Si Azami ang nagprisinta na magbayad, galante pa rin talaga siya.

Pagkatapos ay kanya-kanyang dating ang mga sundo nila, at kami ni Quentin ay hinatid muna nila ako ng driver nila sa amin.

"Nasaan na nga pala si Ate Gabi?" tanong ko sa kanya.

"You won't be missing her, she's also working here in Baguio, but not my personal bodyguard anymore," nakangiting sagot niya sa'kin.

Natunton naman namin 'yung bahay ni Miggy dahil sinend niya sa'kin yung address. Bago ako bumaba sa sasakyan ay niyakap ako saglit ni Quentin.

"Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na 'tong sinabi, Remi, but I'm really really happy that you're here."

"Q... Sorry."

"Huh? Why?"

Umiling ako bigla.

"Palagi na ba kitang makikita sa school?" tanong ko.

"Of course!"

Bago ako tuluyang bumaba ay binigyan niya ako ng smack kiss sa pisngi. Kumaway pa siya sa bintana bago umalis ang sasakyan nila.

Bukas naman ang pinto kaya nakapasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko nakita si Manang Kang kahit saan kaya dumiretso na lang ako sa itaas.

Sa second floor ng bahay ay mayroon ding sala sa gitna. Nadatnan ko si Miggy doon na nagbabasa ng libro.

"Miggy."

Sinara niya ang binabasa at tumayo para salubungin ako.

"Tungkol kanina... Si Quentin... ano ko siya..."

"Your boyfriend."

Mukhang obvious naman siguro sa tingin niya 'yon. Tumango ako.

"Kanina nakipagreunion ako sa mga elementary friends ko na roon din nag-aaral," sabi ko, hindi makatingin sa kanya ng diretso. "Sa tingin ko... Sa tingin ko hindi natin muna dapat ipaalam sa mga kakilala natin sa school... 'Yung tungkol sa'tin."

Ngumiti nang matipi si Miggy sabay balik sa sofa at umupo habang nakatingin pa rin sa'kin.

"I think that's the best for us to do," sabi niya.

Nilakasan ko 'yung loob ko at humakbang ako ng dalawang beses palapit sa kanya.

"M-Makikipagbreak ako kay Quentin."

"You don't need to do that."

"Huh?"

"I don't really mind. We got ourselves for the rest of our lives anyway." Tumayo siya, naglakad at nilampasan ako. "And I actually have a girlfriend." 



-xxx-




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top