DALAGA 38❀
CANNOT be reached...
Iyon ang paulit-ulit na naririnig ko sa cellphone ko kahit ilang beses kong tawagan ang number niya. Sinadya ko talagang magpaload para tawagan siya pero kahit ilang beses kong ulitin ay iyon at iyon pa rin ang natatanggap ko.
"Hanggang kailan ka makikipagtelebabad diyan?" tanong ni Auntie Emily nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko.Binaba ko na 'yung cellphone ko. "'Yung ka-MU mo ba 'yan?" nakahalukipkip niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi po, Auntie."
"Eh, bakit pang-Biyernes Santo 'yang mukha mo samantalang magpa-Pasko na. Mukha kang may ka-LQ sa lungkot ng mukha mo,"sabi niya sabay lapit sa'kin.
Sa huli kinuwento ko kay Auntie ang mga nangyari noong prom at 'yung pag-aaway namin ng kaibigan ko. Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit sinusubukan kong tawagan si Poknat. Naupo kaming dalawa sa gilid ng kama, mabuti na lang abala si Mamang sa kusina.
"Okay, first question, bakit mo tinatawagan 'yang si Poknat?" tanong ni Auntie.
"Kasi... Gusto kong itanong kung bakit biglaan siyang umalis ng walang paalam," sagot ko.
"At?" naguguluhang tumingin ako kay Auntie.
"At?" ulit ko.
"Sa tingin mo may karapatan ka talagang malaman kung bakit?" mataray na tanong ni Auntie. "I mean, hindi mo naman siya jowa."
"Auntie, kailangan ba talaga jowa? Magkababata kaya kami."
"Sus, ilang beses mo ngang binasted 'yung tao tapos maghahabol ka?"
"Auntie, hindi naman ako naghahabol," giit ko. Hays, parang nagkamali akong i-open 'to sa kanya. "Ang sa'kin lang naman dapat nagsasabi siya ng maayos para hindi kami nabibigla at isa pa... Pakiramdam ko kasi dahil do'n kaya nagalit sa'kin si Honey."
Hinawakan ako ni Auntie sa balikat. "Bata ka pa, Ming, 'yang issue n'yo ni Honey siya ang may problema, hindi ikaw. Kay Poknat, huwag tayong judgmental at hindi natin alam kung anong pinagdadaanan niya. At speaking of pinagdadaanan, may alam ka ba tungkol sa ganap ng pamilya niya?"
Napaisip ako sa huling sinabi ni Auntie tungkol sa pamilya ni Poknat. As in nag-isip talaga ako pero... bigla akong nanlumo.
"W-Wala akong masyadong alam, eh. Ang alam ko lang... Only child si Poknat tapos nagtatrabaho sa malayo 'yung tatay niya..." nahihiya kong sabi.
"Tingnan mo, wala ka naman palang kaalam-alam—"
"Kaya nga tinatawagan ko siya, eh, para malaman ko, kasi nag-aalala ako," nakanguso kong sagot. Si Auntie pinagmumukha akong defensive, nakakainis naman. Inagaw niya sa'kin bigla 'yung cellphone ko at tiningnan 'yon.
"20 missed calls? Nako, Remison, tigil-tigilan mo na ang kaka-obsess sa pagtawag kay Poknat," sabi niya sabay abot sa'kin ng cellphone at saka tumayo. "Minsan pag lalo mong pinipilit 'yung gusto mo, eh, hindi nangyayari, kaya tigilan mo na 'yan, mag-enjoy ka sa bakasyon mo. And hello, Christmas is coming, enjoyin mo ang Pasko kasama ang maganda mong Auntie." Lumabas na si Auntie at naiwan akong nakatulala.
May point naman si Auntie, ano bang magagawa ko kung hindi ko ma-contact si Poknat? Anong magagawa ko kung ayaw na talaga makipagkaibigan ni Honey sa'kin—sa'min? At saka... Oo nga, ngayon lang ako nagka-interes kung ano ang personal na buhay ni Poknat? Magkababata nga kami pero hindi ko lubos akalain na sobrang kaunti lang pala 'yung alam ko tungkol sa kanya.
Sinunod ko na lang si Auntie Emily, tinigilan ko 'yung pag-ooverthink ko tungkol sa mga issue at mas tinuon ko 'yung pansin ko sa darating na Pasko. First time naming makakasama si Auntie sa Pasko, first time na hindi lang kaming dalawa ni Mamang ang magsasalo sa Noche Buena.
Masaya na medyo malungkot ang bakasyon ko. Pero pinilit kong tingnan 'yung masayang parte kaysa sa maglugmok. Binati ako ng maraming kaibigan, maging si Quentin na hindi nakakalimot kahit na hindi kami nagkita, gustuhin niya man daw ay napakarami nilang family gathering events.
Dumaan ang bagong taon, kahit na malaki na ako ay naniniwala pa rin ako na tatangkad pa rin ako kahit papaano kaya nakuha ko pa ring tumalun-talon. Pagkatapos no'n ay umalis na ulit si Auntie Emily, naiwan na naman kaming dalawa ni Mamang sa bahay at pakiramdam ko ay mag-isa na lang ulit ako. '
Muling nagpatuloy ang klase, mabuti nga't sa ganitong panahon ay mabilis lang lumipas ang oras. Kamukat-mukat mo ay Pebrero na, tapos kaunting kembot lang ay March na. Nalalapit na naman ang bakasyon at bisperas ng kaarawan ko.
Ewan ko ba o kung ako lang ang nakaramdam na parang tumahimik ang eskwelahan o sadyang nangangamoy final year na ang taon namin sa high school. Inintriga nila Aiza at Burma ang mga barkada ni Poknat, pero maging sila ay walang ideya kung bakit biglang nagdrop ang kaibigan nila. Napag-alaman din nila na wala namang naging away sila Honey at Poknat, at nagtext lang daw 'ata si Poknat kay Honey na nagpapaalam. Naisip ko na mabuti pa nga si Honey at tinext niya ng paalam—sa akin wala man lang.
Natapos ang ikatlong taon ko sa high school at muling sumapit ang summer vacation. Muling bumalik 'yung dating gawain namin ni Quentin na magkatawagan tuwing gabi na makakapuslit siya at magkukwentuhan kami magdamag.
"Is there something wrong, Remi?" tanong bigla ni Quentin sa kabilang linya.
"Huh? Wala naman..."
"That's the typical answer of people who have some problem, what's up? Spill the tea, you know I'm always willing to listen."
Napahinga ako nang malalim, bago kasi magsummer ay nakailang labas din kami ni Quentin sa mall pero hindi gano'n kadalas, tapos nataon na palaging kasama si Ate Gabi kaya hindi ko mai-open up kay Quentin pero mukhang naramdaman niya 'ata.
Sa huli ay kinuwento ko rin sa kanya ang nangyari noong December, gano'n na ako kakomportable kay Quentin.
"Nagiguilty ka ba dahil you don't know him to well?"tanong niya. Sa totoo lang ay mas maalam pa ako sa personal na impormasyon kay Quentin kesa kay Poknat.
"O-Oo... Feeling ko wala akong kwentang kaibigan."
"Hey, don't say that, you did nothing wrong," sabi niya. Iyon din naman ang gusto kong paniwalaan sa sarili ko pero kahit anong pilit ng isip ko ay mas nangingibabaw 'yung pakiramdam ko na ako ang may mali. "Maybe they just needed some time, and one day everything would be fine, I mean, sometimes if you leave things without pushing to fix the problem, it'll automatically be solved."
Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Sana nga gano'n lang kadali ang lahat..pero sana nga balang araw magiging maayos din ang lahat. Kung sa ngayon ay wala na akong magagawa eh 'di hayaan ko na lang muna.
"Quentin?"
"Yes? I told you, just call me Q—"
"Aalis ka rin ba?" Iiwan mo rin ba ako? Kasi lahat sila iniiwan ako.
Ilang segundo ko ring hindi narinig ang boses niya, mukhang napaisip siya saglit sa sinabi ko.
"I told you, I'm waiting for you," sagot niya. "May usapan pa tayo, remember?"Napangiti na lang ako. Nag-usap kami hanggang sa dinalaw ako ng antok. Pero hindi na rin ako sigurado kung sino na lang ba ang magtatagal sa buhay ko. Parang tanggap ko na talaga na lahat ng tao ay umaalis din.
Lumipas ang ilang araw at namalayan ko na lang na nadagdagan na naman ako ng taon. Hindi katulad noong nakaraang taon na bongga ang handa, bumalik sa normal ang hinanda sa'kin ni Mamang, hindi kasi umuwi si Auntie Emily at nagpadala na lang ulit siya ng regalo.
"Happy sweet sixteen, Remskyyyyy!" sabay bati nila Aiza at Burma na may dalang chocolate round cake, may dedication pa at kandila! "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!"
"Teka lang, bakit nandito kayo?" gulat kong tanong sa kanila sa pintuan pagkatapos nila akong kantahan. Grabe, ang daming nagtatahulan na aso tuloy dahil sa ingay nila.
"Awts, grabe ka naman, nagsurprise na nga kami!" nagtatampo kunong sabi ni Burma.
"Okay dahil diyan ayaw ka na naming maging friend," sabi ni Aiza at napasimangot ako. "Joke! 'Eto naman iiyak 'agad!" mas dumikit ang kilay ko sa sinabi niya.
Pumasok na sila at saktong dumating si Mamang, nagbless sila rito, kilala na kasi sila ni Mamang kaya okay lang. Actually, sinadya ko talaga na hindi mangumbida kasi... hindi ko lang feel magcelebrate. Pero na-touch naman ako nag-effort sila Aiza at Burma para i-surprise ako.
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay tumambay kami sa kwarto at nanood ng ilang movies, dala kasi ni Aiza 'yung portable DVD niya, 'yung parang laptop na maliit, tapos may bagong bili kasi siyang pirated DVD.
Nang matapos 'yung pelikula ay saka kami kinatok ulit kami ni Mamang para bigyan ng meryenda na turon at juice. Nakaupo kami ngayon sa may sahig habang kumakain.
"Bakit mo pinatay?" tanong ko kay Aiza nang makita ko siyang inaayos na 'yung DVD. Akala ko kasi manonood pa ulit kami.
"Pumunta talaga kami rito para magkaroon tayo ng emergency meeting," sagot ni Aiza.
"Emergency meeting para saan?" tanong ko. "Anong meron?"
"Hays, alam namin na sobrang nadown ka dahil sa nangyari," sabi ni Burma habang ngumunguya sabay lunok.
"Ang tagal na no'n, summer na kaya," sabi ko naman.
"Well, hindi naman porque hindi na natin napag-usapan ay wala na tayong gagawin," sabi ni Aiza.
"Wala naman na tayong magagawa, hindi ko na ma-contact si Poknat, tapos hindi na tayo kinakausap ni Honey," sabi ko sabay kibit-balikat.
"True, wala naman na tayong magagawa." Naguluhan ako sa pagsang-ayon ni Aiza kaya napakunot ako. "We're moving on! But it doesn't mean na wala na tayong gagawin para maging masaya sa senior year natin!"
"Yes, tumpak!" si Burma sabay nag-apir silang dalawa.
"Huh? Anong gagawin?"
"Nandito talaga kami para pag-usapan natin kung anong gagawin natin sa huling taon natin sa hayskul!" bulalas ni Aiza na kaagad sinundan ni Burma, talagang tumayo pa silang dalawa at winasiwas ang mga kamay sa ere na parang umaarte sa teatro.
"Hindi man naging maganda ang ending ng third year natin pero kailangan masiguro nating ma-eenjoy nati nang super-duper bonggacious ang high school bago tayo grumaduate!"
Halos mapanganga ako sa sinabi nilang dalawa kahit na hindi ko pa tuluyang nagegets kung anong gusto nilang iparating. Umupo silang dalawa at sabay pang uminom ng juice.
"Ayon nga, bale, naisip namin ni Burmakels na gumawa ng listahan ng mga bagay na kailangan nating ma-experience bago sumapit ang graduation," sabi ni Aiza nang mahimasmasan.
"Yes, yes! No regrets dapat tayong ga-graduate!"
Base sa itsura nila ay parang may halong kalokohan ang mga gusto nilang gawin namin, hindi ako nagkakamali dahil kilalang-kilala ko sila. Pinakita nila sa'kin 'yung listahan ng mga naiisip nila at mas nanlaki ang mata ko.
"Sigurado ba kayo rito? Parang makikick out tayo sa gagawin natin eh!" nag-aalala kong tanong tapos binalik ko sa kanila 'yung magulo nilang listahan.
"Siyempre hindi naman tayo magpapahuli, at saka wholesome naman 'to lahat! Medyo extreme lang 'yung iba," sabi ni Burma.
Sa huli wala akong nagawa kundi makisama sa kanila na gumawa ng listahan. Hindi naman sa killjoy ako pero nakakakaba lang talaga 'yung gusto nilang gawin. Katuald ng ***** at ***** tapos mag *****. Masasabunutan ako ni Mamang kapag nalaman 'yon! O mas malala ay baka mapalayas ako!
Pero deep inside inaamin ko na parang nakaka-excite na gawin 'yung mga bagay na 'yon. Sa loob naman ng tatlong taon namin sa Tanso ay mababait kaming mga estudyante at walang mga kalokohang ginawa, pero sa mga balak nila mukhang magkakaroon nga.
Nakakatakot na nakakakaba na nakaka-excite na nakakatawa. Halu-halo ang nararamdaman ko.
Mabuti't nababalanse ko 'yung listahan dahil ako 'yung sumasaway sa kanila pag nakakaisip sila ng malalang kalokohan.
At dito pinanganak ang aming Senior Year Bucket List na kailangan naming makumpleto bago kami grumaduate next year. Nagkaroon pa kami ng kunwaring kontrata at pinirmahan na tutuparin 'yon, at kung hindi? F.O. as in Friendship Over. Ito raw ang initiation ng sisterhood forever namin at kapag nakumpleto namin 'to ay magiging friends kami even after high school—it means friendship forebver!
Kahit papaano ay lumuwag at gumaan ang nararamdaman ko dahil sa mga naging plano namin. May nilu-look forward na tuloy ako sa pasukan at napalitan ang pag-ooverthink ko ng pag-iimagine ng mga nakakatawang memories na maiipon namin.
At isa pa pala sa kasunduan namin ay bawal ipagkalat ang kontrata o 'yung mga nakasulat sa mahiwagang notebook ni Aiza.
Mas naging magaan ang paghihintay ng pasukan. Wala man si Poknat at Honey, pinagdarasal ko na magiging masaya ang huling taon ko sa hayskul.
Nagising na lang ako isang araw, pasukan na naman. Ang huling first day ko sa Tanso National High School. Bigla akong nalungkot, nakaharap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Parang dati lang ay sobrang luwag sa'kin ng uniform na binili ni Mamang pero hindi ko namalayan na lumaki na ako.
Hindi natin namamalayan ang bawat araw, oras, minuto, at segundo na lumilipas dahil masyado tayong natatakot sa hinaharap at nagsisisi sa nakaraan. Pero ngayon... Pipilitin kong i-enjoy ang bawat araw ng pagiging high school student ko.
Sa susunod na taon hindi ko na pala makakasama ang mga kaibigan ko... Pero...
"Hindi mo kailangan maging malungkot, Ming," sabi ko sa repleksyon ko at ngumiti. "Enjoy lang."
Taas noo at confident akong pumasok sa eskwelahan. Hindi ko parin maiwasang maalala ang unang araw na pumasok ako noon sa school na 'to na nangangapa, napangiti ako dahil ngayon ay kampanteng-kampante akong naglalakad.
Class Officer Election.
Iyan palagi ang ganap sa unang araw ng pagmimeeting ng klase. Section Agila, ang adviser namin ay ang Science teacher na si Ms. Krisanta San Jose, o Ma'am Kris. Kami-kami pa rin ang magkakasama ng mga kaklase ko since first year.
Nagkatinginan kaming tatlo dahil uumpisahan na namin ngayon ang balak namin, isa sa listahan na kailangan naming mafulfill.
"Kaya natin 'to," bulong ni Aiza. "We can do this, girls!"
"Kahit na BuReZA na lang tayo," bulong pa ni Burma.
Unang task sa Senior Year Bucket List: Maging Class Officers.
Noong mga nakaraang taon ay never kaming na-elect na officers, pero ngayon ay naisipan namin na maging parte nito para magkaroon ng maraming experience na hindi pa namin naranasan noon. Kampante si Aiza at Burma dahil mabunganga sila. Medyo kabado ako sa'kin kasi hindi naman ako ma-PR.
Sa huli, 'eto ang naging resulta:
President: Socorra De Jesus
Vice-President: Josef Leighton Zamora
Secretary: Aiza Maligaya
Treasurer: Tomomi Santiago
Auditor: Ringo Yen
P.R.O.: Teresa Burmada
Sergeant at Arms: Vladimir Cruz
Nakakatuwa dahil naging secretary si Aiza, naging easy lang sa kanya ang pagkapanalo, nadala sa bunganga matapos siyang i-nominate ni Burma. Ninonimate naman ni Aiza si Burma sa pagiging P.R.O. at nanalo naman si Burma dahil siya ang pinakamaingay kaysa sa mga nakalaban niya.
At ako?
Alam n'yo ba kung saan ako ninominate ng mga bruha kong kaibigan?
Sa pagiging muse. Oo, class muse, 'yung parang display lang na prinsesa sa officers.
Kalaban ko si Honey. Ewan ko kung may nananadya pero kaming dalawa lang ang naglaban.
Nasa harapan kaming dalawa at nakaharap sa buong klase.
"It's a tie!" anunsyo ni Corra, 'yung bagong president namin. "Okay, ulitin natin—"
"Waitttt!" sigaw ni Burma. "Hindi pa 'ata bumoboto si Remison!"
"Huh?" hindi ko kasi alam. "Kailangan bang bumoto ako?"
"Yes, Remison," sabi ni Corra. "Honey voted herself, ikaw, anong boto mo?"
Napatingin ako sa mga kaibigan ko at sumesenyas sila ng go. Napatingin ako kay Honey at malamig lang siya na nakatingin sa'kin. Mukhang alam na ang desisyon dito... Kung ako 'yung dating Remison, siguradong ibibigay ko ang boto ko sa kalaban ko, ako kasi 'yung tipong parang kailangan palaging magsakripisyo.
Pero hindi na ngayon. "I'm voting myself, Pres."
"Okay, so, Remison is the winner."
Nagdiwang ang mga kaibigan ko at hindi ko maiwasang mapangiti dahil natupad na 'yung isa sa bucket list namin, nagawa namin makapasok sa class officers! Hindi nakaligtas sa sulok ng mga mata ko na umirap si Honey nang bumalik sa pwesto niya.
Sunod na nagbotohan sa escort at walang kahirap-hirap na nanalo ang pinakagwapo sa klase namin.
Muse: Remison May Berbena
Escort: John Viggo Lizardo
-xxx-
(╯✧▽✧)╯ Fourth-year high school na si Mingming!!!
Happy sweet sixteen to our baby!!! (ಥ﹏ಥ)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top