DALAGA 31❀
NAIISIP ko na 'yung magiging balita kinabukasan sa TV, naisip ko na rin na paano kung malaman ng buong eskwelahan at ng buong barangay namin ang nangyari sa'kin. Samu't saring reaksyon tiyak ko pero ang kinatatakutan ko ay 'yung magiging reaksyon ni Mamang.
For sure ay sobra-sobrang matatakot at mag-aalala 'yon kapag nalaman niya na ang apo niya ay nakidnap lang naman. Mahirap lang kami, patunay 'yon na sa Tanso ako nag-aaral, sa totoo lang ay nadawit lang ako—dahil si Quentin talaga ang target.
Paulit-ulit ko na ring sinisi ang sarili ko na kung hindi ko niyayang kumain ng kwek kwek si Quentin ay hindi 'to mangyayari, kung umuwi na lang 'agad ako at naiwan siya sa school nila para hintayin 'yung sundo niya e di sana walang ganito.
Naiiyak ako na ewan, pinipigilan ko lang 'yung sarili ko dahil kasama ko siya, si Quentin na wala man lang takot sa itsura at napakakalmado!
"Don't cry," sabi niya na para bang nabasa kung anong nasa isip ko. Nagtaka ako nang bahagya pa siyang ngumiti. Bakit parang wala lang sa kanya ang nangyayari?
"H-Hindi ka man lang ba natatakot?" nanginginig kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yung nanlalamig o sadyang malamig 'yung sahig dahil parehas kaming nakasalampak. Wala na kaming mga piring, nakatali lang 'yung kamay at paa namin.
Akala ko sa pelikula lang nangyayari 'yung ganito, 'yung may kidnapan tapos dadalhin kayo sa parang abandonadong warehouse na maraming nakatambak na gamit at isang ilaw na nakasabit.
"I'm not scared. So, don't be," sabi niya na tila pinakakalma ako.
"P-Paano kung kumukuha sila ng lamang loob? O kaya ay mga sindikato sila tapos dadalhin tayo sa ibang lugar para gawing pulubi," naluluha kon sabi.
"No, I don't think they'll do that," sabi niya sabay sandal. "I think they're amateurs."
"Ha?"
"They got my phone earlier to call my parents, asking for ransom money," sabi niya.
Ah, mukhang kaya pala hindi na siya natatakot? Kasi alam niyang mayaman naman sila kaya mabibigay ng mga magulang niya 'yung ransom money. Pero paano ako? Kasama rin ba ako sa tutubusin? Mahirap lang kami!
Nilibot ko 'yung tingin ko at muling pumasok ang maraming karumal-dumal na pangyayari. Naalala ko 'yung mga paulit-ulit na bilin noon ni Mamang sa'kin, huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala, huwag kang titingin sa mata kapag kinakausap ka ng iba kasi baka mabudol ka, huwag ka ring sasama sa mga taong nagpapaturo ng direksyon.
Pagtingin ko kay Quentin ay laking gulat ko nang makitang tinatanggal niya na 'yung tali sa paa niya!
"N-Natanggal mo 'yung tali sa kamay mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"It's not that tight," kampanteng sabi niya. Nang makakawala 'yung paa niya ay lumapit siya sa'kin at tinanggal 'yung mga tali sa paa at kamay ko. "There, you're okay."
"Hindi tayo magiging okay hangga't nandito tayo," nagpapanic kong sabi. "Ah! May cellphone nga pala ako—ay! Wala akong load!" gusto kong itapon sa mga sandaling 'to 'yung cellphone ko.
"Sshhh..." nilagay niya 'yung daliri sa bibig niya. "Calm down, Remi."
"Calm down?! Paano ako— biglang tinakpan ng kamay niya 'yung bibig ko at umupo kaming dalawa ulit.
"Okay, I'll tell you why I'm calm," sabi niya. "This is not new to me, okay?"
"Huh?" mahina na ngayon 'yung mga boses namin. "Anong ibig mong sabihin?"
Napabuntong hininga muna si Quentin bago sumagot.
"I've been kidnapped before," sagot niya na parang wala lang.
"Ha?!" muntik na naman mapalakas 'yung boses ko kaya tinakpan ko 'yung bibig ko. "Seryoso?"
Tumango siya.
"It's complicated," sabi ni Quentin sabay sandal. "You know... When my parents split up, my mom used to 'kidnap' me, that's what my dad said because he doesn't want me to be with her."
Napatitig na lang ako kay Quentin nang bigla siyang magkwento, bukod sa fresh pa rin siya sa kabila ng mga nangyari'y may something na nag-iba ng bahagya sa boses at ekspresyon niya.
"A-Anong nangyari sa dad mo?"
"My father won the custody rights, that's why I'm with him." sagot niya. "It is what it is."
"Sorry..."
"Hmmm? Why?" curious niyang tanong na para bang mali na nagsorry ako bigla. "I never saw my mom again but I heard she have her own family, I guess she's happy now. The same goes for my dad."
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Naisip ko tuloy kung anong pakiramdam no'n, na kaya pala may kalungkutang bahid palagi ang mga mata niya dahil sa nakaraang 'yon. Hanggang sa naisip ko ang isang bagay tungkol sa'kin.
"Kaya pala malungkot ka," sabi ko bigla na ipinagtaka niya.
"I never said I'm sad," depensa niya at ngumiti na lang ako. Siyempre, hindi niya aaminin 'yon o baka naman ay hindi siya aware sa sarili niya.
"Malungkot din ako," sabi ko. "Kasi... kasi ako namulat ako na walang magulang, walang mama at papa."
Siya naman ang tila hindi alam ang sasabihin.
"Pero, ayon nga, katulad ng sinabi mo, it is what it is. Siguro sadyang gano'n lang talaga ang life," sabi ko sabay ngiti ulit.
Weird. Nawala na 'yung kaba na nararamdaman ko habang magkausap kami, para na lang kaming nakakulong sa isang nakakatakot na silid habang nagkukwentuhan. Nawala na nga sa isip ko na nakidnap nga pala kaming dalawa.
Ilang minuto kaming natahimik ni Quentin hanggang sa magsalita siya.
"Don't you think this is fate? Do you believe in destiny?"
Tumitig ako kay Quentin nang itanong niya 'yon dahil sa mapupungay niyang mga mata na tila nanghihipnotismo.
Sasagot pa lang ako nang makarinig kami ng malakas na kalabog sa labas at sigaw ng mga lalaki. Sa gulat at kaba ko ay napapitlag ako kaya naman muling hinawakan ni Quentin ang kamay ko.
"It's alright," sabi niya. "We'll be fine." Sa pagkakataong 'yon ay naniwala ako sa kanya. Tumango ako at sabay kaming tumayo.
Si Quentin ang nauuna sa paglalakad habang hawak-hawak niya pa rin 'yung kamay ko. Buong tapang niyang binuksan 'yung pinto at tumambad sa'min ang isang nakakagulat na eksena.
Nakita namin ang isang nilalang na nakahelmet at nakikipagbakbakan sa mga kidnapers namin. Gulat na gulat ako dahil para akong nanunuod ng live action scene sa isang pelikula!
"I told you they're amateurs,"sabi ni Quentin na tinutukoy ang mga kidnaper naming bugbog sarado na ngayon, pagkatapos ay pinosasan ito para hindi na makatakas.
Teka, parang hindi naman 'yun pulis. Lumapit sa'min ang aming tigapagligtas at laking gulat ko lalo nang tanggalin nito ang helmet. Isang babae!
"What's up, Q?" nakangiting sabi ng babae at napatingin sa'kin. "Got a new girlfriend?"
"It's not what you think, Gabi," sabi ni Quentin na nakahawak pa rin sa'kin.
"Sinaktan ba nila kayo?" nag-aalalang tanong ng babae. Napatitig lamang ako sa kanya, ang ganda niya! Parang model ang datingan, 'yung morena, mahaba ang buhok, tangos ng ilong at killer ang kilay!
"Nope, we're fine," sabi ni Quentin na bumitaw na sa'kin, napansin niya 'ata na gulat pa rin ako. "Oh, si Gabi nga pala, my service slash bodyguard."
"Bodyguard?" hindi makapaniwalang sabi ko. May ganito palang kagandang bodyguard at sundo! Ang cool cool niya! Parang nagrereplay pa rin sa utak ko 'yung eksena niya kanina. Pakiramdam ko tuloy nahanap ko na 'yung role model ko, gusto ko maging ganito kabadass paglaki!
"I'm Gabriela, Gabi for short, and he's right, bodyguard ako ni Q," tinapik nito si Quentin. "Masyado kasing protective ang tatay nito."
Dinadigest pa rin ng utak ko 'yung nangyari. Bale nang tawagan ng mga kidnaper ang dad ni Quentin ay imbis na ransom money ang dumating ay itong si Ate Gabi ang dumating para bugbugin ang mga kidnaper na ngayon ay dinadala na sa mga awtoridad.
Napag-alaman ko rin na isa sa business ng dad ni Quentin ay ang security agency kaya dapat hindi na 'ko magtaka na may special bodyguard siya! Kaya naman pala talaga hindi kinakabahan si Quentin dahil alam niyang hindi siya hahayaan ng dad niya.
Isa't kalahating oras din pala kaming nakidnap ni Quentin. Hinatid nila ako sa may bahay namin at winawari ko sa isip kung anong sasabihin kay Mamang.
"Q, stay here, sasamahan ko si Remi para ipaliwanag sa guardian niya ang nangyari," sabi ni Ate Gabi na akmang bababa ng kotse.
"Uhm... Kahit huwag na po," sabi ko bigla.
"Why?"
"Ano kasi... Ayoko pong mag-alala ng sobra ang lola ko," pagdadahilan ko. "Sobrang thank you po sa inyo."
"Sure ka ba talaga?" nag-aalalang tanong nito sa'kin.
"Opo, ako na lang po magsasabi sa lola ko sa tamang timing," sabi ko. Inaalala ko kasi na baka atakihin si Mamang, mas malala 'yun, siyempre matanda na rin siya at baka hindi kayanin ang balitang nakidnap lang naman ang apo niya. At saka sa sobrang paranoid no'n baka mamaya hindi na ako palabasin pa ng bahay.
Sa huli'y wala naman nang nagawa si Ate Gabi at Quentin. Bumaba ako ng sasakyan at kumaway sa kanila.
"Remi," tawag ni Quentin sa'kin na binuksan ang bintana. "I hope you'll have a good night sleep."
Napangiti na lang ako at saka sila umalis.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay himalang hindi ako kinuwestiyon ni Mamang kung anong nangyari at bakit nine-thirty na ako nakauwi. Kalmado lang na nanunuod ng TV si Mamang, sabi niya ayaw niya raw mastress ngayon dahil bukas na raw ang palabas namin.
Tama nga ang desisyon na huwag sabihin sa kanya. Kahit na alam kong mali 'yon... Para rin naman 'yon kay Mamang at isa pa wala namang masamang nangyari sa'kin.
Himala sa himala, nakatulog ako nang mahimbing noon at tila ba walang nangyaring masama. Salamat sa pagiging kalmado ni Quentin.
Dumating din ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang araw ng play namin na gaganapin sa Silvestre Academy. Nawala na sa isip ko 'yung mga nangyari kahapon dahil okupado na ng play ang nasa isip ko.
Excited si Mamang, ayon nga lang ay hindi si Auntie Emily ang kasama niya dahil hindi ito makakapunta. Kaya si Ate Melai na lang tuloy 'yung kasama niya.
Isa pang balita... Nang tumawag si Poknat at sinabi nitong hindi siya makakanood dahil hindi siya makakapasok. Nalungkot ako ng bahagya nang malaman 'yon pero kaagad niya ring pinalakas ang loob ko.
"Kahit na wala naman ako riyan alam kong gagalingan mo pa rin," sabi ni Poknat bago matapos ang usapan namin.
"Thank you, Poknat!" Alam niya talaga na gagalingan ko.
Maaga kaming pumunta ng Silvestre Academy, may ilang mga bagay pa kaming dapat paghandaan. Sila Mamang naman ay susunod na lang maya-maya, wala naman akong ibang dinala dahil naroon na 'yung mga kakailanganin namin.
Bago ako pumunta sa backstage ay nakasalubong ko pa sila Olly!
"Remrem! Good luck!" masiglang bati sa'kin ng bonjing na bonjing na si Olly. Napansin ko na may iba na ring tiga-Tanso ang nandito, pinapasok na rin sila, half-day lang kasi ang pasok sa school ngayon tapos kaming Drama Club ay excuse sa lahat ng klase.
Sunod na lumapit sa'kin si Deanna na nakataas ang kilay. "Balita ko kapartner mo si Q, alam mo ba kung gan'o ka kaswerte?" napailing ako bigla. "Pwes, kaya dapat galingan mo."
Napangiti na lang ako kay Deanna dahil gano'n pa rin siya. Muntik nang mawala 'yung ngiti ko nang makita ko si Azami na nakaangkla kay Viggo.
"Kambal!" bumitaw siya kay Viggo para yakapin ako nang mahigpit. "I'm so proud of you!"
"T-Thank you, Kambal..." hindi makatingin ng diretso si Viggo sa'kin kaya hindi ko na lang din siya pinansin.
Hinila na ako ng isang co-member ko bago ko pa makausap 'yung tropa ni Poknat na sila Colt, Ramsey, at Veji na nandito rin para manuod, sinabi rin kasi ni Poknat na 'yung tatlong tropa niya ang representative niya raw para suportahan kami.
Isang panibagong wirdong pakiramdam habang inaayusan ako hanggang sa palapit na nang palapit ang pagtatanghal... Hindi ako kinakabahan. Normal lang 'yung pintig ng puso ko, hindi ako nanlalamig o ano pa man.
"Let's go, guys! Ready na ba ang princess Aurora natin?" masiglang sabi ni Aiza. Nasa backstage na kaming lahat at nakacostume at makeup na.
Isang tango lang ang sinagot ko at ngumiti sa kanila.
"We can do this, BuReZaNey!" si Burma sabay akap sa'min.
"Hey, Remi." Biglang lumapit sa'min si Quentin at bigla ba naman akong tinulak ng tatlo rito. "Ready?"
Isang tango lang ulit ang sinagot ko. Kanina pa ako hindi gano'n nagsasalita na para bang pinepreserve ko 'yung boses ko..
"Are you afraid?" tanong niya at umiling ako. "Good," sabi niya nang nakangiti nang malapid. "We'll be fine."
We'll be fine.
Nabasa ko noon sa isang romance story sa libro na everything happens for a reason lalo na kapag may nakikilala tayong tao. Siguro ito ang dahilan kung bakit ko nakilala si Quentin, tinuruan niya akong maging kalmado sa mga bagay-bagay at magiging okay din ang lahat.
Hindi ko makita sa audience kung nasaan si Mamang pero ginawa ko ang best ko sa pag-arte. Lahat ng mga mata ay nakatitig sa'kin at may ilan mang hinihintay na magkamali ako ay hindi ko sila binigyan ng pagkakataon para maging masaya.
This is my moment.
Namalayan ko na lang na patapos na ang pagtatanghal. Bago magpunta sa huling eksena ay binigyan ako ng isang matipid na akap ni Mam Cass.
"You did great, Remison," puri ni Mam Cass sa'kin matapos ang yakap. Simpleng mga salita pero napalaking bagay.
Parehas na kaming nasa entablado ulit ni Quentin para sa huling eksena, matapos matalo ng prinsipe ang dragon ay natagpuan nito ang nahihimbing na prinsesa na naghihintay ng kanyang true love's kiss na magpapagising sa kanya.
Unti-unting dumilim ang mga ilaw at tanging mga anino lang namin ang nakikita. Palapit na nang palapit ang mukha ni Quentin sa mukha ko nang marinig ko habang tumutunog ang background music.
"You didn't answer my question last night," narinig kong mahinang tanong niya. Halos tumama sa mukha ko 'yung hininga niya dahil sobrang lapit niya sa'kin. "Do you believe in destiny?"
Hindi ako kumilos, hindi ako dumilat dahil hindi pa tapos ang play.
"I'm sorry if I lied to you. I think it's destiny that brought us together, Remi, I am Quentin," bulong niya na biglang ikinakabog ng puso ko. "The lost boy you met on the beach... After many years... You found me again."
Didilat pa lang ako nang maramdaman ko ang dampi ng kanyang labi sa aking pisngi.
-xxx-
A/N: Share ko lang 'tong app na nagamit ko: Pitzmaker. At nakagawa ako ng mga characters ng mga boys ni Mingming, pili na lang kayo, bawal marupok! HahahaMedyo mature itsura nila rito parang nasa 17 na sila (SEASON 3). Hahahah
THANK YOU!!!
☆*:.。.o(≧▽≦)o.。.:*☆
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top