DALAGA 29❀


"AHH! Aray ko—Tama na!" sigaw ko dahil ayaw nila akong tigilan, halos mapunit na 'yung uniform ko sa kakayugyog nila sa'kin. "Arayyyyy! Ang sakit na ng ulo ko!"

"Nakakagigil kaaaaa! Ang sarap-sarap mong sabunutan!" si Aiza habang nakahawak pa rin sa buhok ko. Diosmio makakalbo na 'ata ako!

"Oo nga! Napaka-unfair talaga ni Lord! Ikaw lang ba anak ng diyos?!" si Burma naman ang nakahawak sa collar ng uniform ko, lamug na lamog na 'ko sa kakayugyog niya. "Bakeeeeet! Anong meron sa'yo na wala kami huhuhu!"

"Guys, tama naaaa, huhu!" naiiyak na rin ako sa ginagawa nila. Hindi ko alam kung mapipikon na ba ako o iiyak eh.

"Hmm... In fairness kamukha niya talaga 'yung bata sa picture," sabi ni Honey sa gilid habang hawak 'yung picture na pinakita ko kanina. Mabuti pa 'tong si Honey, kalmado lang at hindi ako sinasaktan ng pisikal, hindi katulad nitong ni Aiza at Burma!

"Hays, gusto ko na lang magcry," sabi ni Aiza na sawakas ay binitawan na rin ako.

"Nagugutom na naman ako, hays," sabi naman ni Burma na bumitaw na rin sa uniform ko.

Pakiramdam ko'y para kong sinagasaan ng sampung kabayo sa ginawa nila sa'kin. Ang gulu-gulo ng buhok at uniform ko!

Isang malaking pagkakamali 'ata na kinuwento ko sa kanila 'yung tungkol sa batang humalik sa'kin sa beach. Paano ba naman... Matapos 'yung malaking kahihiyan ko gulat na gulat silang tatlo at siyempre dahil kating-kati rin akong magshare ay nakwento ko rin sa kanila kung bakit ko 'yon nasabi."

"Nakakainis kayo, dapat hindi na lang ako nagkwento," nakanguso kong sabi.

"Hehe, sorry, Remsky," sabi ni Aiza. Tumayo siya ulit at sinuklayan ako, pambawi ba. Si Burma naman ay inayos 'yung uniform ko at saka hinilot 'yung balikat kong nanakit. Ganyan naman sila, sasaktan muna ako kapag nanggigigil sila pero babawi rin.

"Bale may nadagdagan na naman po sa listahan ng mga lalake ni Remison," loka-lokang sabi ni Aiza na patuloy pa ring sinusuklay 'yung buhok, mamaya lang ibe-braid niya na 'yun, trip talaga niya na gawin akong Barbie doll.

"Anong listahan ng mga lalaki, hindi naman ako malandi," pagkasabi ko no'n ay napasulyap ako kay Honey. "No offense, hehe."

"Keri lang," chill na sabi ni Honey sabay abot sa'kin ng lumang picture at saka umupo sa bench.

Lunch break namin ngayon at mabuti na lang kami lang ang tao sa gawi na 'to sa student plaza kasi napakaingay talaga nila kanina matapos ang big revelation ko.

"Pero alam n'yo mas pinuproblema ko 'yung role ko sa play kesa rito," sabi ko at sabay-sabay naman silang nag "Wehhhh" sa mukha ko.

"Gurl, hindi mo pwedeng baliwalain 'tong ebidensya na 'to," sabi ni Aiza sabay agaw sa hawak kong picture

"Oo nga! At saka napahiya ka sa madlang pipol nang sabihin niyang hindi ka niya maalala!" si Burma naman na biglang diniinan 'yung kamay niya kaya napangiwi ako.

"Aray ko naman," daing ko. "Malay n'yo naman kamukha lang talaga niya 'yan. At saka, hello? Sa probinsya 'yan at napaka-imposible namang magmimeet kami rito—"

"Gurl, halatang hindi ka nagbabasa ng mga love stories ano?" si Honey.

"Nagbabasa kaya ako—"

"Ang tawag d'yan..."

"DESTINY!" sabay-sabay nilang sabi na halos ikabingi ko.

"Destiny, destiny, tigilan n'yo nga 'yan," sabi ko. "At kung siya man 'to, eh hindi naman niya ako naalala, alangan naman ipilit ko?"

Bigla ba naman akong sinapok sa noo ni Aiza, grabe namumuro na sila!

"Aiza naman!"

"Alam mo ikaw, Remsky, kung hindi ka lang namin friend, pinatapon ka na namin sa Ilog Pasig. Siyempre, hindi mo malalaman kung hindi mo itatanong!"

"Or! Kung hindi mo ipapaalala sa kanya!" sinundan 'yon 'agad ni Burma..

Tumayo ako. "Hay nako, tama na 'yang echos na 'yan. Kung siya man 'to o hindi, wala naman akong pake!" sigaw ko sa kanila.

Bakit ko naman ipipilit sa taong 'yon? Hindi naman kami magkakilala, at saka napahiya na ako, bakit uulitin ko pang ipahiya 'yung sarili ko?

Sa kabutihang palad ay nagring na ang bell at hindi na ako kinulit nila Aiza tungkol kay Quentin. Siguro sadyang malalakas lang ang imagination nila (namin) kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip. Ayoko ring mag-overthink dahil totoo naman talaga na mas kinakabahan ako sa magiging play namin sa susunod na buwan.

Ako lang naman ang main lead! Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung bakit ako? Kung kaya ko ba 'yon? Kinakabahan ako!

Walang kamalay-malay si Mamang sa nangyayari sa'kin sa club sa school, hindi rin naman niya magegets kahit na ikwento ko—kahit na kating-kati ako ikwento sa kanya 'yung tungkol kay Quentin, mas minainam kong sarilihin na lang muna.

Hanggang sa dumating na 'yung araw ng pagpractice namin, araw-araw pagkatapos ng klase, salitan ang venue sa school namin at sa Silvestre Academy.

Damang-dama ko 'yung pressure habang kasamang magpractice ang tiga-ibang school. At as usual, halos mamatay ako sa mga titig ni Chantal, na hindi pinalad magkaroon ng major role sa play.

Hindi ko na rin natiis 'yung mga pananadya sa'kin ni Chantal tuwing practice kaya naman isang hapon ay naabutan ko siya sa CR, break time namin mula sa practice.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa paghuhugas ng kamay, hinarap niya ako habang nakahalukipkip. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot.

"Matagal ko nang napapansin na palaging mainit ang dugo mo sa'kin... Gusto ko lang itanong kung... kung may nagawa ba akong mali sa'yo? Kung meron... sorry. Kaya sana..."

Tinaasan lang niya ako ng kilay at akmang lalabas pero hinarangan ko siya.

"Hindi ka lalabas hangga't hindi mo sinasabi sa'kin," matigas kong sabi.

Mukhang tumalab naman sa kanya kaya umatras siya at sumandal sa lababo.

"Nakakairita ka," sabi niya. "Alam mo kung bakit?"

"Kaya nga ako nagtatanong eh," mas sinamaan niya ako ng tingin. Kung nakakamatay lang talaga ang titig.

"Kapitbahay ako ni Viggo," sabi niya na ikinagulat ko. "Bata pa lang kami crush na crush ko na si Viggo!"

Hindi ako nakasagot. Sobrang hindi ko ineexpect na may kinalaman ka Viggo 'yung galit niya sa'kin pero ano ulit ang kinalaman ko ro'n?

"'Yung tipong ako na ang lumalapit sa kanya pero ayaw niya talaga sa'kin kasi sabi niya may gusto siyang iba!" sabi pa ni Chantal na halos ikanganga ko. "At ikaw 'yon! Noong tumuntong ng high school, tuwang-tuwa ako na schoolmates kami! Pero ang nakakabwisit, ikaw pa rin daw ang gusto niya!"

"T-Teka, a-ano bang sinasabi mo?" gulung-gulo 'yung isip ko. Ako? Gusto ni Viggo? "C-Chantal, prank ba 'to—"

"Tapos ikaw pa 'tong may ganang bastedin siya!" akala ko hindi na ako mas magugulat pa sa mga sinasabi niya pero iyon 'yung nagpatigil sa'kin. "Matapos mo siyang paasahin! Ha! Akala mo kung sino kang maganda! Tapos... Tapos napunta siya sa best friend mo na sumalo sa kanya! At wala na 'kong laban sa taong 'yun... dito siya nag-aaral, mayaman siya at mas maganda kesa sa'kin. Kaya tanggap na tanggap ko na, wala na akong pag-asa kay Viggo."

Pagkatapos ay iniwanan niya akong nakatulala at pilit na dina-digest ang mga narinig niya. Paulit-ulit ko 'yong inisip, may gusto sa'kin si Viggo? Pinaasa ko siya? At mas malala, binasted ko raw siya? Eh ni hindi man lang nanligaw 'yon eh!

Gulung-gulo 'yung isip ko. Hindi ko tinangkang ikwento 'agad kila Aiza 'yung mga nalaman ko dahil ayokong tumanggap ng kahit anong overreaction. Buong oras ng practice ay palagi akong nagkakamali sa mga linya ko kaya paulit-ulit kami.

Napapansin ko rin na sa bawat pagkakamali ko ay lihim akong pinagtatawanan ng mga tiga-Silvestre na kasama namin sa play, ang iba naman ay halatang naiinggit na kapartner ko si Quentin. Pero hindi ko 'yon naisip dahil mas nangibabaw 'yung kaguluhan sa isip ko.

Kaya kinabukasan, pagkatapos ng huling klase ay tinakasan ko sila Aiza para hanapin ang isang tao. Wala siya sa gym at mukhang wala silang praktis ngayon kaya nagpunta ako sa computer shop. Nagdalawang isip ako dahil baka nando'n si Poknat pero himalang wala sila ng tropa nila ro'n.

Natagpuan ko si Viggo na naglalaro at 'agad naman niyang napansin ang presensya ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong ko sa kanya.

Nagtataka man ay pumayag siya at lumabas kami ng computer shop. Hindi ako ngumingiti at sa tanang ng buhay ko ay ngayon lang ako naging seryoso ng ganito. Sinabi ko lahat kay Viggo, lahat ng nalaman ko mula kay Chantal, hindi ko mabasa kung anong iniisip niya dahil seryoso rin siya. Pagkaraa'y napayuko siya.

"Sorry, Remsky," iyon ang sinabi niya. "Sobrang tagal na akong kinukulit ni Chantal... Noon pa man ikaw na 'yung sinasabi ko sa kanya para tigilan niya 'ko..."

Kung gano'n wala akong kamalay-malay na ginamit ako ni Viggo?

"Ah, gano'n ba?" hindi ko man intensyon pero hindi ko mapigilang maging sarcastic. "Sige, iyon lang naman."

Akma akong aalis nang pigilan niya ako.

"Teka lang," pigil niya, may bakas ng kalambutan 'yung boses niya, nahihiya na parang guilty. "Hindi mo naman sasabihin kay Azami, 'di ba?"

Mas kumulo 'yung dugo ko noong marinig ko 'yon kaya pinalis ko 'yung kamay niya.

"Huwag kang mag-alala," ngumiti ako at nilubus-lubos ang pagiging sarcastic. "Hindi kita isusumbong kay Azami at hindi ko rin isusumbong 'yung pakikipaglandian mo sa iba sa school."

Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at naglakad ako papuntang Silvestre Academy. Damang-dama ko pa rin 'yung inis nang makarating ako sa auditorium, late na nga ako eh at nagsisimula na sila.

"Gosh, she got a nerve to be late?" dinig kong bulong ng isang Silverian.

"For all of people, bakit ba siya ang naging leading lady ni Q?"

"Yeah, she doesn't deserve it."

Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba na marinig ko ang mga masasakit na salitang 'yon. Apektadong-apektado pa rin ako sa nangyari kaya hindi naging maganda ang performance ko sa practice. Paulit-ulit kami sa isang scene at nakita kong naiinis na 'yung iba.

Halu-halo na 'yung nararamdaman ko, naiinis, nanliliit, nawawalan ng tiwala sa sarili. Gusto ko na lang umuwi at itulog ang lahat.

Noong sumapit ang break time ay tinangka akong kausapin nila Aiza dahil for sure nararamdaman nila na hindi ako okay. At dahil kilala nila ako kapag ganito gusto ko munang mapag-isa ay hinahayaan na lang nila muna ako.

Kaya naman lumabas ako at nagpakalayu-layo, kahit na hindi ko kabisado 'tong school na 'to ay namalayan ko na lang na napadpad ako sa school garden nila.

Umupo ako sa isang kahoy na bench at huminga nang malalim. Mabuti naman at ako lang ang tao rito ngayon. Ang ganda rito, ang daming magagandang halaman at bulaklak, nakahinga ako nang maluwag at medyo nawala 'yung bigat na nararamdaman ko sa puso.

Narealize ko na dala-dala ko pa pala 'yung bag ko sa sobrang lutang kaya hinayaan ko na lang. Pumikit ako at paulit-ulit na huminga nang malalim. Nakasanayan ko na kasi na gawin 'to sa tuwing bumibigat 'yung pakiramdam ko, effective naman.

Kaso napadilat ako nang maramdaman kong may dumating.

"I'm sorry, did I disturb you?" si Quentin! Poker-faced lang siya pero naggoglow pa rin 'yung mukha niya, kapag tumitig ka sa kanya kulang na lang may marinig kang kumakantang angels eh.

"A-Ah hindi naman,"sagot ko. Mukhang dito rin siya tumatambay ah. Pasimple akong umusog nang maramdaman kong tatabi siya.

Ang awkward naman...

Hindi ko maiwasang silipin siya sa gilid ng mga mata ko, nakasandal lang siya at nakatulala sa mga halaman. Weird din pala siya.

Sa totoo lang... Iba siyang tao kapag may kaharap na iba parang napakafriendly niya, pero may times naman na ganito na seryoso lang siya. Kapag umaarte siya ang galing-galing niyang mag-express ng nararamdaman pero alam ko na may kinikimkim siya, cold siyang tao.

Ewan ko kung anong pumitik sa'kin noong mga oras na 'yon at may kinuha ako mula sa bag ko.

"Quentin?" tawag ko sa kanya.

Matipid siyang ngumiti. "Yes?"

"Gusto ko lang malaman... Kung natatandaan mo pa 'to," sabi ko sabay abot sa kanya ng larawang hindi ko pa rin tinatanggal sa bag ko. "I-Ikaw ba 'yan?"

Tinanggap naman niya 'yung picture at tinitigan 'yon. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang lumipas bago niya ibalik sa'kin ang larawan.

"That's not me," sagot niya.

Okay, mabuti naman at nagkalinawan na. Natigilan ako nang makita kong may bakas ng lungkot ang mga mata niya.

"That child is dead." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top