DALAGA 27❀
HINDI ako makatulog.
Paano ako makakatulog kung napakadaming bagay na bumabagabag sa isip ko. Hays. Nakailang ikot na ba ako sa kama at hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok.
Pakiramdam ko napakadaming nangyari sa loob lang ng ilang araw. Patuloy pa rin akong inuusig ng kunsensya na sabihin kay Mamang ang mga nalaman namin—tungkol kay Detdet. Pero naisip ko na wala nang magbabago pa kahit na ipagkalat ko ang totoo, hindi pa rin naman na maibabalik ang buhay ng kalaro namin.
Idagdag pa 'yung nakakalitong sinabi ng daddy ni Miggy sa'kin. Marry daw? Ikasal daw sa anak niya balang araw? Kami ni Miggy? Bakit? Hindi ko rin sinabi 'yon kay Mamang, ayokong malaman kung anong magiging reaksyon niya. Pero dahil kilala ko si Mamang, baka mamaya pumayag pa 'yun.
Biglang tumulo 'yung luha sa pisngi ko. Huh? Bakit ako umiiyak?
Ah, oo nga pala, kasi sa susunod na mga araw, aalis na ulit sila Miggy.
Bukas magkakaroon ulit ng party, isang despidida o selebrasyon sa mansion nila Miggy. Hindi ko maiwasang malungkot siyempre, kung kailan na-attach na ulit ako na magkakasama kaming tatlo nila Poknat tuwing uwian, hindi man kami naglalaro katulad dati, pero pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Pakiramdam ko bumalik 'yung panahong napakasimple lang ng lahat.
"Talaga?! Invited kami?!" hindi mapigilang bulalas ni Aiza nang sabihin ko sa kanila ngayong uwian na imbitado rin sila sa despedida party kila Miggy.
"Oo—"
"Mingminggggg!" sabay-sabay kaming napalingon at nakita si Poknat na kumakaway-kaway sa'min habang papalapit, kasama niya rin ang mga kaibigan niyang sila Ramsey, Colt, at Veji.
"OMG, kasama rin kayo?!" excited na tanong ni Burma nang makalapit sila.
"Siyempre naman," sagot ni Poknat sabay tingin sa'kin "Arat na! Tomguts na 'ko at for sure madaming masasarap na pagkain do'n!" hindi naman halatang excited din si Poknat, panigurado dahil sa pagkain 'yon, ang takaw niya eh.
Sabay-sabay kaming nagcommute papunta sa lugar namin. Hindi ko naman palagi nakukwento si Miggy kila Aiza kaya iniimagine ko na kung anong magiging reaksyon nila pag nakita nila si Miggy.
Behave na behave kami na parang mga elementary students nang makapasok kami sa loob ng mansion nila Miggy. Ang dami rin kasing matatandang bisita, medyo maingay at ang daming taong nagkakagulo sa may buffet, dito pa lang sa entrada ay naamoy na namin ang masarap na handa.
"Kain na tayo—" sabi ni Poknat na akmang pupunta sa may buffet table pero pinigilan ko siya.
"Hintayin muna natin si Miggy," sabi ko. Siyang dating naman ng taong tinutukoy ko.
"Nandiyan na pala kayo," nakangiting salubong sa'mi ni Miggy na naka-all white at as usual ay preskong presko. "You, guys, must be Remison and Ezequiel's friends."
Gusto kong matawa sa reaksyon ng mga kaibigan kong sila Aiza, Burma, at Honey dahil halos malaglag ang panga nila sa presensya ni Miggy.
"I'm Miggy, childhood friend nila," sabi ni Miggy at inabot ang kamay. Natuod lang sila Aiza dahil masyadong nahumaling sa mukha ni Miggy.
Kinamayan si Miggy ng mga friends ni Poknat at kaswal lang na nagpakilala, easy lang talaga sa mga boys 'yung ganito. Sila Aiza naman ay na-starstruck pa rin kaya ako na ang nagpakilala sa kanila.
"Miggy, sila Aiza, Burma, at Honey nga pala," sabi ko sabay turo sa kanila.
"Hello," bati ulit ni Miggy sa kanila.
"HI!" sabay pa na sigaw ni Aiza at Burma at nag-agawan pa sa kamay ni Miggy. Nasulyapan ko si Poknat na nakapila na sa Buffet, hays, patay gutom talaga.
Ngumiti lang si Miggy at pagkatapos ay humarap siya sa'min. "Kain na muna kayo, tapos akyat tayo sa third floor, may karaoke at billiards doon."
Na-excite ang mga kasama ko nang marinig 'yon kaya sabay-sabay kaming kumain. Habang kumakain ay hindi pa rin makaget over si Aiza at Burma kay Miggy, mangati-ngating sabunutan ako dahil bakit ngayon ko lang daw sinabi na may Kano akong bespren.
"Guys, una sa lahat, hindi kano si Miggy," sabi ko. "Lumaki lang sa Amerika kaya tunog mamahalin ang accent."
"Bakit ba palagi kang pinagpapala ng mga gwapong boylet?" tanong ni Honey na ikinangiwi ko.
"Oo nga!" gatong pa ni Burma. "Life is so unfair. How to be Remison?! Una si Viggo and his friends, tapos si Pokpok at may Miggy boy pa?"
"Huy, bunganga n'yo," mahinang saway ko sa kanila sa takot na baka may matandang nakakarinig sa'min. Pero hindi pa rin sila natinag.
"Mygad, good bye Colt dahil feel ko meant to be kami ni Miggy baby," maloka-lokang sabi ni Aiza.
"Anong Miggy baby ka diyan, mas bagay kaya kami," singit ni Burma na umaapaw ang plato sa dami ng putahe na kinuha. "Mas bagay kayo ni Colt."
"Paano na si Vegeta?" tanong ni Honey.
"Sa'yo na lang siya," sabi ni Burma at natawa na lang kami.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami sa third floor ng bahay at nagkasiyahan sa entertainment room. Masayang nagkantahan ang mga kaibigan namin habang ang mga boys ay naglalaro ng billiards, kaming dalawa ni Miggy ay tahimik lang na nanonood sa kanila.
Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung alam ba ni Miggy 'yung gustong mangyari ng daddy niya—sa'min. Teka bakit ba sineseryoso ko talaga 'yong sinabi ni Tito Miguel, baka nagbibiro lang 'yon.
Bakit ba ang bilis lagi tumakbo ng oras? Bakit ba palagi na lang natin hindi namamalayan na tapos na 'yung mga masasayang oras natin?
"Remiskyyy ikaw naman ang kumanta, paos na kami, girl!" pilit ni Aiza sa'kin sabay inaabot 'yung mikropono.
"Oo nga, whooo!" nakigatong na rin 'yung mga tropa ni Poknat.
"Duet tayo! Duet tayo!" parang batang lumusob si Poknat pero hindi binigay ni Aiza sa kanya 'yung mic.
"Huwag ka ngang sapaw!" sabi ni Burma. "Solo grading 'to!"
"Bwisit ka, Bulma!" sigaw ni Poknat.
Habang busy sila sa pagkukulitan ay wala akong ibang nagawa kundi tanggapin 'yung mic kay Aiza.
"Yasss, go girl!" suporta sa'kin ni Aiza.
"Nalagay na namin 'yung palagi mong kinakanta," sabi naman ni Honey na hawak-hawak 'yung libro ng karaoke.
Nilunok ko na lahat ng hiya ko, sila-sila lang naman 'yung mga kasama ko eh. Kaya kinanta ko na 'yung palagi kong kinakanta sa karaoke 'yung Mahal sa Akin ni Tootsie Guevarra. Wala na akong choice kasi 'yon lang talaga 'yung confident kong kantahin.
Habang kumakanta ako ay nagpapasway-sway pa ng kamay sila Aiza, Burma, at Honey.
'Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin'
Pagkatapos kong kumanta ay nagpalakpakan silang lahat na may halong sipol at sigaw.
"Grabe, ang daming hugot, Ming? Para sa'kin ba 'yan?" pambasag bigla ni Poknat, inirapan ko lang siya.
"Hindi no, para kay Viggo 'yon—" biglang tinakpan ni Aiza 'yung bibig ni Burma. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Crush mo pa rin 'yung tukmol na 'yon?" inis na sabi ni Poknat sabay halukipkip.
"Hindi na noh! Iyon lang kasi 'yung kaya kong kantahin sa karaoke!" depensa ko.
"Wehh! Maniwala kami! May papikit-pikit ka pa!" Tapos nagtalo pa kami ni Poknat habang napansin kong tawa lang ng tawa si Miggy. Natigilan ako kasi noon ko lang ulit nakita si Miggy na tumawa na parang sumasakit na ang tiyan.
Sa inis ko'y inabot ko sa kanya 'yung mic. "Ikaw naman ang kumanta, Miggy! Akala mo exempted ka?"
"Huh?" ayan, mainam sa kanya na napunta ang atensyon.
Noong una'y ayaw pa sana ni Miggy pero sumuko rin siya at pumayag na rin. At ang kinanta ni Miggy? Your Love ng Alamid.
'You're the one that never lets me sleep
Through my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstasy'
"Kyaaah! Ang pogi!" sigaw ni Aiza at Burma.
Sinong mag-aakala na may ibubuga rin pala sa karaoke 'tong si Miggy? Mukhang hindi na talaga siya 'yung shy boy na nakilala namin noon. Naiimagine ko na tuloy kapag mas tumanda at lumaki si Miggy ay paniguradong maraming magkakandarapa sa kanya. Huy, Ming! Crush mo pa rin ba si Miggy?!
Oo na, aaminin ka na may kaunting crush pa rin ako kay Miggy, mga 30%.
Pagkatapos ni Miggy ay kay Poknat na napunta ang mikropono, sawakas daw ay makakakanta na rin siya dahil ayaw kasing ibigay sa kanya nila Honey 'yung mic dahil magpapabibo lang daw.
Nagulat kami sa piniling kanta ni Poknat dahil akala naming lahat 'yung kantang pangrakista eh. Kailan by Smokey Mountain.
'Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala'
Mas lumalim ang boses ni Poknat habang kumakanta, o sadyang dala ng pagbibinata niya'y talagang lumalalim na 'yung boses niya? Damang-dama rin niya 'yung pagkanta habang nakaharap sa karaoke. Sumabay silang lahat sa pagkanta nang dumating ang korus.
'Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin...
Kailan...'
"Kailaaaaan!" sabay-sabay pang nag-sway sila Aiza at binunggo ako nang malakas. Aray ko ah.
'...kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin'
Nagpalakpakan silang lahat matapos kumanta ni Poknat, perfect 100 'yung score, taob kaming lahat talaga sa boses niya.
"Nice, Pokpok, hugot na hugot ah!" pang-aasar ni Burma.
"Heh, Bulma! Kumanta ka na lang ng dragonball!" pang-aasar ni Poknat sabay belat.
"Ohhh, duet naman diyan oh! Bulma and Veji!" biglang umepal si Aiza na sinang-ayunan nila Poknat.
Hindi ko alam kung paano nila napapayag si Burma at Veji na magduet ng Cha-la head cha-la ng Dragon ball theme song. Mamatay-matay kami kakatawa, maging si Miggy na kahit hindi naman ngayon lang nila nakilala ay tuwang-tuwa, siguro sadyang kalog lang talaga 'yung mga kaibigan namin.
"Thank you, Miggy, sobrang nag-enjoy kami!"
"Ingat kayo, Miggy! Papakasal pa tayo—aray!" siniko ba naman ni Burma si Aiza.
Nagpaalam na 'yung mga kaibigan namin at sabay-sabay silang umuwi samantalang naiwan kaming dalawa ni Poknat kasama si Miggy.
"You're both lucky," biglang sabi ni Miggy sa'min nang mawala sa paningin namin sila Aiza. "You had such wonderful friends here."
"Bakit? May umaaway ba sa'yo sa Amerika?" sabi ni Poknat sabay pinatunog ang kamao, kala talaga neto mabubugbog niya 'yung mga nambubully kay Miggy
"Sanay naman na 'ko sa discrimination doon," sabi ni Miggy. "I'm really fine. Besides, I know I got you guys here."
Napangiti kami parehas ni Poknat at saka sinundan namin si Miggy.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kahit na alam ko naman 'yung sagot. Bakit kami pupunta ng duluhan? Maggagabi na?
"Wow!" sabay kaming nagulat ni Poknat nang makita namin 'yung nakaayos na mesa with Christmas lights sa may tabi ng puno ng bayabas, 'yung palagi naming inaakyat noong maliliit pa lang kami.
"Talagang pinaayos mo 'to, Miggy?" manghang tanong ko nang makalapit kami ro'n.
Hindi malamok, tapos may mini bonfire sa gilid at mga nakahandang pagkain, may nag-iihaw din—'yung driver nila Miggy! At siguro dahil wala pa kami sa legal age ay mga soda na nasa lata 'yung inumin namin.
Kumain ulit kami tapos ay nag-star gazing lang kami sa langit, na ngayon lang namin ginawa. Nakalimutan ko nan gang magpaalam kay Mamang, basta alam niya na kila Miggy ako.
"I just wanted to do this with you bago kami umalis ulit," sabi ni Miggy habang nakatanaw sa langit.
"Bakit? Parang hindi ka naman ulit uuwi," sabi ni Poknat na nakatingala rin habang nakalagay ang dalawang kamay sa batok.
"Hmm... I don't know when," sagot ni Miggy. "Baka matatanda na tayo sa susunod na umuwi kami."
"Gaano katanda?" tanong ko naman at biglang tumingin sa'kin si Miggy.
"Maybe if someone's getting married," sagot ni Miggy na ikinapula ng pisngi ko. Alam ba niya 'yung joke ng daddy niya o coincidence lang 'yon?
Malamig sa duluhan tuwing gabi, natatandaan ko pa 'yung mga kwentong panakot nila Mamang na huwag magpagabi rito dahil may mga engkanto raw o mumu.
Tumingala ulit kami sa langit at namangha kami nang makita na may mga bulalakaw na dumaan. Siguro talagang pinlano 'to ni Miggy at alam niyang magkakameteor shower ngayong gabi.
"Magwish tayo!" sabi ko sa kanila.
"Tsss... Hindi naman totoo 'yon," kontra ni Poknat. "Ilang beses ko na ginawa 'to noon 'di naman natupad mga wish ko."
"Ang KJ talaga nito," nakanguso kong sabi.
"Let's just say... What do we want to be when we grow up," sabi naman ni Miggy.
"Huh? Malaki na kaya tayo," basag ulit ni Poknat.
"Bata pa tayo, fourteen pa lang kaya tayo," sagot ko naman sa kanya. "Siguro ibig sabihin ni Miggy, kung ano ang gusto natin pagkatapos nating mag-aral."
"Ahh... Hmm... Dati gusto ko lang maging masaya, madali lang naman 'yon, masaya naman ako palagi," sabi ni Poknat.
"Talaga ba?" pang-aasar ko.
"Ha! Hindi mo lang alam," sagot ni Poknat. "Kaya namang ipeke na maging masaya ka."
"So, anong gusto mo paglaki, Poknat?" seryoso kong tanong.
"Hindi ko pa alam, baka mag-rock star na lang ako," sagot niya nang nakangisi. Hindi na 'ko sumagot, gusto niya 'yon eh.
"Maybe I'll become a lawyer," sabi naman ni Miggy. "Or maybe a politician."
Wow, ang lalim naman no'n. Pero kung iisipin, parehas matayog 'yung gusto nilang maging, isang rock star at isang politiko o abogado? Wow. Eh, ako?
"Ikaw?" sabay nilang tanong.
"Ahmm..." Tumingala ako at may pumasok sa isip ko, bigla kong nakita ang mukha ni Detdet.
Kapag naging matanda na ako katulad nila Auntie Emily, gusto ko ako 'yung maging tipo ng matanda na hindi magiging pabaya. 'Yung palaging nakikinig sa mga nangangailangan, para matulungan mo 'yung mga taong hindi pa sana nawala... Katulad ni Detdet.
Ang gulo pa ng isip ko.
Noong niyaya kami ni Miggy na tuklasin ang totoo, parang na-inspire ako sa isang bagay.
"Ewan ko pa eh," sabi ko. "Pero parang ang cool maging detective tapos huhuli ako ng mga masasamang tao."
"Ha?!" halos mahulog sila sa upuan nang marinig 'yon.
Pinagtawanan ko sila. "Ang seryoso n'yo masyado," sabi ko.
"Kung gano'n handa akong maging kriminal para hulihin mo ang puso ko," sabi ni Poknat, binato ko siya ng plastic cup na walang laman.
Naubos ang oras namin sa kwentuhan at ilang kalokohan. Nakakainis lang talaga kasi bumilis na naman 'yung oras. Pero hiniling ko noong gabing 'yon sa bulalakaw, na sana... hindi kami magbago, sana maging ganito pa rin kami hanggang sa pagtanda.
Walang pasok kinabukasan pero maaga akong nagising dahil sa ingay ng kalabog sa labas. Nakita ko sa gilid ng kama 'yung picture naming tatlo ni Miggy at Poknat, kinuhanan 'yon kagabi na kaagad ding naprint ng polaroid camera nila Miggy.
'Take care always. I'll see you both again soon. –Miggy'
Hays. Back to normal life ulit. Ganito talaga ang life, Ming.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Mamang na kakagaling lang sa attic, tapos ang daming kahon nakalabas.
"Mamang, ano pong ginagawa n'yo?" tanong ko.
"Ah, naku, naglilinis," sagot ni Mamang. "Ipamimigay ko na 'yung mga maliliit na damit at itatapon 'yung ibang wala ng silbi."
Nakiusyoso rin ako sa ginagawa ni Mamang kasi baka may mga lumang gamit ako na mahanap. At ayon nga, nahanap ko 'yung isang kahon na puno ng memorabilia ng childhood ko. Nakakalungkot man pero mukhang mas okay na rin kung idodonate ko sa ibang bata 'yung mga luma kong manika.
Pero may mga bagay akong sinalba katulad ng mga sulat galing kay Auntie Emily AKA Mr. E, mga cassette tape at sulat galing kay Poknat. Pasimple kong hinanap 'yung photo album na nakalkal ko noon na puro pictures ng nanay ko pero imbis na 'yon ang mahanap ko'y nakita ko ang isang lumang photo album na puro larawan ko noon maliit pa lang ako.
At ang pinakapumukaw ng atensyon ko?
Isang picture na nasa beach, ako na may kaakbay na batang lalaki na sa itsura pa lang ay mukha ng foreigner.
Remison's 7th birthday with Quentin.
"Sino nga ulit si Quentin?" tanong ko sa sarili ko.
Habang inaalala ko'y sumagi bigla sa'kin ang isang alaala.
"Ah! Siya 'yung..."
Siya 'yung batang humalik sa'kin sa beach!
-xxx-
A/N: Hi, guys! May tanong pala ako: Gusto n'yo bang gawan ko ng audiobook ang DNSR (syempre ako rin ang narrator in Mingming's POV hahaha) na iuupload ko sa Youtube? YES or NO?
THANK YOU AND TAKE CARE ALWAYS!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top