DALAGA 22❀


"UGH, grabe ang sakit ng ulo ko." Narinig ko 'yung boses ni Auntie na kakapasok lang ng kusina.

Mas maaga akong nagising kaysa kahapon kaya nakapaghanda ako ngayon ng agahan. Wala pa ring balita kay Mamang kung kailan ba siya uuwi.

"Kailangan ko ng kape..." medyo lumingon ako kay Auntie na nakaupo na ngayon, hinihilot 'yung noo niya. "Gusto ko ng kape, mamamatay ako ng walang kape."

Mukhang sabog si Auntie sa itsura niya, gulu-gulo 'yung buhok tapos 'yung maskara niya sa mukha eh nakakalat pa rin.

Nakita ko sa harapan ko 'yung tray ng kapehan.

"Kape, Auntie?" alok ko.

"Sige—ako na magtitimpla, baka mamaya matabang na naman 'yung itimpla mo," sabi niya. "Iabot mo sa'kin 'yang tray." Turo niya sa kapehan.

Kinuha ko 'yung tray sa harapan ko tapos nilagay ko sa mesa katapat niya. Kumuha na rin ako ng tasa para sa kanya.

"Papasok ka na?" bigla niyang tanong nang ilapag ko sa mesa 'yung tasa at kutsarita. Napansin niya kasi na nakasuot na ako ng uniform.

"Hindi po, uuwi pa lang," pilosopo kong sagot.

Sinamaan ako ng tingin ni Auntie. Kala niya ha. Bawi-bawi lang.

"Bakit ba 'ko nagtanong," bulong niya sa sarili habang nagtatakal ng kape.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa ginagawa niya.

"Auntie," tawag ko sa kanya nang buksan niya 'yung lalagyan ng asukal. "Wala po kayong naalala kagabi?"

"Ha? Anong meron?" nakakunot niyang tanong habang nakatingin sa'kin, 'yung kamay niya abala sa pagtakal ng asukal. Naka-apat na takal siya.

"Ah... Eh..." Niyakap-yakap mo lang naman ako kagabi tapos ang pangit-pangit mong umiyak. "Ano po, kinakatok na po tayo ng mga kapitbahay kasi nakakaistorbo na raw po kayo. Ipapabarangay na raw po kayo pag nag-ingay ulit kayo mamayang gabi, buti raw sana kung maganda boses n'yo—"

"Ano kamo?" galit niyang tanong. "Hindi maganda boses ko? Sinong nagsabi no'n? Ang kapal ng mukha!"

Siyempre kwentong barbers ko lang 'yong huli. Pero may naninita na kaming kapitbahay kagabi.

Ibig sabihin kapag nalalasing si Auntie ay wala talaga siyang naalala. Hmm... Parang nagkaroon ug light-bulb na nag-ting sa tabi ng ulo ko.

"Sige po, Auntie, papasok na po ako," paalam ko sa kanya at dali-dali akong umalis.

Pero ang totoo sinilip ko muna siyang higupin 'yung kape niya... ' ͜ʖ'

"Pwshhhkjdljasdlka!" nabuga niya 'yung kape!

Sunud-sunod na nagmura si Auntie at ako naman ay kumaripas ng takbo palabas bago pa niya ko mahuli.

Noong nasa labas na 'ko ay saka ko humagalpak ng tawa. Napapaluha ako sa kakatawa dahil sa nangyari.

Aakalain siguro ng iba na nandito na nababaliw na 'ko dahil sa pagtawa ko nang wagas. Wala silang kaalam-alam sa first prank ko kay Auntie.

Sabi nga nila, lintik lang ang walang ganti. At hindi roon nagtapos ang pangpa-prank ko kay Auntie.

Operation: Revenge to Evil Auntie begins! Mwahahaha! ψ(`∇')ψ

Bumili ko sa bangketa ng pekeng ipis para sa susunod kong misyon. Nang sumunod na umaga ay muntikan na kong matawa nang makita kong may bukol sa noo si Auntie.

"Auntie, anong nangyari sa'yo?" kunwaring nag-aalala kong tanong. ಠﭛಠ

"May punyetang ipis sa noo ko!" galit niyang sagot.

Ayon, nilagay ko kasi sa noo niya 'yung pekeng ipis tapos paggising niya nagtititili siya at nahulog siya sa sahig kaya nagkabukol.

Nagtanong ako kila Aiza kung ano pa 'yung pwedeng gawin kong prank kay Auntie. At nabigyan naman nila ako ng mga tip.

Sunod kong ginawa ay dinrowingan ko 'yung mukha ni Auntie habang mahimbing siyang natutulog bago ako pumasok sa iskul.

Hindi ko maimagine kung anong itsura niya noong makita niya!

Tapos ginawa ko 'yung tinuro sa'kin ni Honey, lagyan ko raw ng nail polish 'yung sabon para kapag naligo si Auntie mabubwisit siya na hindi bumubula 'yon. Bwahaha. ヘ(`▽'*)

Bumili ako ng cookies at pinalitan ko 'yung vanilla filling ng puting toothpaste, tapos iniwan ko sa ref. PG din 'yong si Auntie at for sure napamura na naman 'yon kapag nilamon niya 'yung cookies.

Feeling ko alam ni Auntie na may nananadya sa kamalasan niya. Imbis na pagalitan niya ako ay lalo niya lang akong sinusungitan at inuutusan.

Para kaming aso't pusang nagbabangayan sa ibang paraan. Kung inaalipin niya ako, bumabawi ako sa pangpaprank sa kanya.

Hindi ko sukat akalaing magkakaroon ako ng sungay dahil kay Auntie Emily—siya nagturo sa'kin no'n, ang maging salbahe!

Minsan nga hindi na ako makapaghintay sa susunod kong prank sa kanya. Nakakaenjoy pala ang maging salbahe paminsan-minsan. Salbahe naman si Auntie Emily kaya sa tingin ko okay lang 'yon.

Ang mas masaya 'yung ipaprank ko siya ng lasing siya tapos wala siyang maalala kinaumagahan. Hays, ang saya-saya. Ψ( ̄∀ ̄)Ψ

Pero isang gabi, as usual naglasing na naman si Auntie.

Sa totoo lang, hindi naman gano'n karami 'yung alak niya. Mga... tatlong bote lang tapos lasing na siya 'agad.

Ibig sabihin madali lang siyang malasing—at ibig sabihin sinasadya niya siguro 'yon.

Ang complicated naman ng pag-iisip ng mga matatanda.

Habang busy si Auntie sa paglalasing niya sa sala. Ako naman ay busy din sa evil plan ko sa kwarto. Hindi pwedeng matapos ang gabing 'to ng hindi ako nakakaganti kay Auntie.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko para silipin si Auntie. Sakto, tumba na siya.

Kaso nang makalapit ako sa kanya ay bigla siyang bumangon.

"Hoy, ikaw bata ka—hik!" langong sabi niya sabay turo sa'kin. "Akala mo ba hindi ko alam 'yang pinaggagawa mo ha."

"A-Alin po, Auntie?" painosente kong sagot.

"Aba, nagmamaang-maangan ka pa?" pulang-pula 'yung mukha niya tapos 'yung mata niya halos maningkit na. "Pasalamat ka kung hindi kita pamangkin baka nakurot na kita ng pinung-pino!" gigil niyang sabi.

"Hehe, thank you po," pamimilosopo ko sa kanya.

Pumanewang siya.

"Saan mo natutunan 'yang ganyan, ha?" nakasimangot niyang tanong.

"Sa inyo po," sagot ko. "Kayo po? Bakit po ang sama ng ugali n'yo?"

"Ikaw—" muli niya akong dinuro pero mas nangingibabaw na 'yung antok niya.

Aalis na sana ako nang may maisip ako bigla.

"Auntie... May tanong po ako..."

"Hah?"

"Sino po si Eliam?"

"Ahh... Si Eliam? Kilala ko 'yun... Gago 'yon eh."

Kahit na hindi matino 'yung sagot ni Auntie ay medyo nabigyan ako ng pag-asa.

"Uhm... Ano po... S-Siya po ba 'yung tatay ko?" biglang kumabog 'yung dibdib ko nang itanong ko 'yon.

"Aba, mukha ba akong manghuhulam? Ano akala mo sa'kin, si Madam Auring?" tinuro niya pa 'yung sarili niya. "Itanong mo sa kupal na 'yon."

"Pero, Auntie... Hindi ko naman po siya kilala."

"Eliam Fraga."

"P-Po?"

"'Yon ang pangalan ng tukmol na 'yon."

Eliam Fraga.

Iyon ang pangalan ni Mr. E?

Eliam Fraga
Eliam Fraga
Eliam Fraga

Hanggang sa pagtulog ko pakiramdam ko'y umaalingawngaw pa rin ang pangalan na 'yon.

Nang sumunod na araw ay as usual walang naalala si Auntie Emily sa nangyari kagabi.

"Alis na po ako, Auntie," paalam ko sa kanya. Nasa kusina siya at tinitikman 'yung asukal, sinisigurong hindi betsin 'yon. "Thank you po."

"Para saan?" maang niyang tanong.

Nadulas ako ro'n kaya imbis na sumagot ay iniwanan ko na lang siya.

Pagkatapos ng school ay gulat na gulat sila Aiza nang yayain ko silang magcomputer shop. At siyempre... hindi ako nag-aksaya ng oras at kaagad kong hinanap si Eliam Fraga sa Facebook.

Usung-uso na kasi ngayon sa buong school 'yung Facebook kaya... pakiramdam ko pwede kong mahanap dito si Mr. E—este si Eliam Fraga.

Tinayp ko sa search bar 'yung pangalan at pinindot ko 'yung search button.

Lihim akong nanalangin habang nagloload 'yon.

Hanggang sa... May nakita ako.

Eliam Fraga

May nag-iisang profile na lumabas.

Kahit na hindi ako sigurado kung siya ba 'yung hinahanap ko... Dahil una sa lahat hindi ko naman alam 'yung itsura niya, punit kasi 'yung mukha niya sa picture na nakuha ko noon.

Pero lumakas ang kutob ko na siya ang hinahanap ko nang makita ko 'yung mga detalyeng nakasulat sa profile niya.

Manager at VX Studios
Former Actor
Theater Director

Nakalagay kasi kung saang siyudad siya nakatira... Sa katabing siyudad dito sa'min! Isang sakay lang ng jeep.

Bago ko pindutin 'yung display photo ay tumingin muna ako sa mga kasama ko.

Si Honey busy sa panonood ng Korean drama, si Burma naman ay naglalaro ng Pet Society at si Aiza naman ay may ka-chat. Busy silang lahat kaya pinindot ko 'yung bilog para tingnan 'yung mga picture.

Gwapo nga siya. Hindi gano'n katanda ang itsura ni Eliam Fraga. Kaparehas ng tindig niya 'yung tindig ng nasa picture, pati 'yung pormahan.

Apat na larawan lang 'yung nakita ko, may nakaupo, nakasakay sa kotse, umaarte sa entablado, at isang close-up picture.

Hindi ko alam kung gaano ko katagal tinitigan 'yung larawan niya. Ang ganda kasi ng ngiti niya...

Pakiramdam ko ay nagtugma-tugma ang mga piraso ng puzzle sa isip ko. Gwapo, mayaman, at artista. Iyon ang tsismis na narinig ko tungkol sa tatay ko.

Hindi nawala sa isip ko ang mukha ni Eliam Fraga. At para makasigurado akong siya nga 'yung hinahanap ko, palihim kong pinaprint 'yung picture niya na nakuha ko sa Facebook.

At noong gabi... hinintay ko talagang malasing si Auntie para ipakita sa kanya ang nakuha kong picture.

"Auntie, siya po ba si Eliam Fraga?"

Nang makita ni Auntie 'yong picture ay nilapit niya pa 'yon sa mukha niya para tingnang mabuti.

"Bakit may demonyo?" iyon 'yung sinabi niya. Confirm.

Everything happens for a reason.

Akala ko sa mga palabas lang may gano'n. Pero mukhang sadyang ang buhay natin ay isang malaking drama.

Siguro nga kaya dumating si Auntie Emily sa buhay ko ay para ibigay sa'kin ang susi sa mga kasagutan na hinahanap ko.

Bata pa lang ako alam ko ng may kulang.

Pinalaki naman ako nang mabuti nila Mamang at Papang, kahit payak ang pamumuhay namin dito sa maliit naming bahay ay kuntento naman ako.

Kahit na hindi ako nabibili palagi ng mga luho katulad ng laruan at mga bagong damit, ramdam ko 'yung pagmamahal nila kahit na hindi ko naman sila mga magulang at lola't lolo ko sila, pinaramdam nila sa'kin na higit pa sa apo ang pagmamahal nila.

Pero iba pa rin kasi 'yung pakiramdam kapag wala kang nakagisnang nanay at tatay. Iba 'yung pakiramdam na wala kang tinatawag na 'mama' at 'papa'.

Kaya naman naging buo 'yung desisyon ko noong isang hapon na puntahan si Eliam Fraga kung saan siya nagtatrabaho.

Nalaman ko sa internet kung saan 'yung lugar ng VX Studios at sa katabing siyudad lang din namin 'yon. Isang sakay ng jeep sa terminal, malayu-layo rin kasi 'yon.

Wala si Mamang at wala naman 'atang pake si Auntie kung gabi akong umuwi kaya bumyahe akong mag-isa.

Ito ang first time na malayo 'yung pupuntahan ko na ako lang ang mag-isa. Pero hindi ako kinakabahan. Iniisip ko na lang na may guardian angel na nagbabantay sa'kin kahit na malaki na ako para maniwala sa gano'n.

Halos madilim na nang matunton ko 'yong VX Studios. Pagbaba ko ay naglakad pa ako papasok sa isang eskinita, nagtanung-tanong kung saan 'yon.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatayo ako 'di kalayuan sa isang maliit na building. Bukas na 'yung ilaw nito na VX Studios pero walang ilaw 'yung ilang letra kaya kulang-kulang.

"Ano na, Ming?" tanong ko sa sarili ko habang nasa tabi ako ng poste ng kuryente.

Inisip ko kung ano 'yung pwede kong gawin, papasok ako sa loob tapos magtatanong ulit ako kung pwede ba makausap si Eliam Fraga?

Tama ba 'tong ginagawa ko?

Nandito ka na, ang dami mo ng effort na ginawa at saka ang layo na nang narating mo...

Hahakbang na ako papunta ro'n nang may lumabas na lalaki mula sa building.

Si Eliam Fraga...

Nakita ko siyang nakasuot ng pormal, tapos naglabas siya ng sigarilyo at sinindihan 'yon.

Napakunot ako kasi medyo malayo 'yung itsura niya sa Facebook, parang... mas doble ang tanda niya sa personal.

Anong gagawin ko? Lalapitan ko ba siya? Tapos sasabihin ko... Ikaw ba ang tatay ko? Wow, parang ang dali lang!

"Mr. E?" bulong kong sabi. "Ikaw ba si Mr.E?"

Alam kong hindi niya naman ako naririnig pero ewan ko ba kung bakit paulit-ulit kong sinambit 'yung Mr. E.

Mr. E?

Para lang akong tuod na nakasilip sa kanya sa malayo.

"Papa!" may narinig akong sigaw ng isang bata at nakita kong may palapit na batang lalaki sa kanya. "Papa! May star ako!" kasunod nito ang isang babae.

Kinarga ni Eliam Fraga 'yung batang lalaki at kinausap 'yung babae na sa palagay ko ay asawa niya.

Everything happens for a reason.

Mukhang nakatadhana ring mangyari na makita ko 'to.

Para ipamukha sa akin na...

Heto ako, hindi niya kilala, at masaya siya sa kanyang pamilya.

Bakit nga ba ulit ako pumunta rito?

Ah... Hindi ko rin alam.

Nawala na sila sa paningin ko nang sumakay sila sa kotse. Madilim na.

Makauwi na nga. At ipaprank ko na lang ulit si Auntie Emily.

Pero natigilan ako nang may pumatak na tubig sa pisngi ko. Tumingala ako... at biglang bumuhos nang malakas ang ulan.

At ang mas masaklap. Wala akong dalang payong.

Halos tinakbo ko 'yung sakayan ng jeep, kaso pagdating ko do'n wala namang bubong 'yung shed.

Naalala ko tuloy 'yung kinakanta ni Auntie sa videoke... Heto ako, basang-basa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan...

"Alam mo, magkakasakit ka sa ginagawa mo?" akala ko tumila 'yung ulan...

"Poknat?! Este... Kiel..."

Nakatayo siya sa gilid habang hawak-hawak 'yung payong.

"Totoo ka ba?"

"Hah?" maang niya. "Anong totoo?"

"Ang ibig kong sabihin... Bakit ka nandito?" gulat na gulat kong tanong.

Imbis na sumagot ay nagsalubong lang ang kilay niya, parang naiinis siya.

"Ikaw, bakit ka nandito?" sabi niya. "Alam ba ni Aling Eme na gumagala ka?"

Kainis, binalik niya 'yung tanong ko.

Tumingin ako sa baba. Hindi naman niya sinagot 'yung tanong ko. At saka... at saka... Bakit ganito siya? Parang noong mga nakaraang araw.

"Umalis si Mamang..."

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh."

Tumingin ako sa kanya.

"Bakit?" naiilang niyang tanong, parang naiinis.

Natawa ako, mas lalo siyang kumunot.

"Ang galing mo rin palang umarte, Kiel," sabi ko.

Hindi na siya sumagot.

Bigla ko na lang nagets ang mga nangyari.

"Pero... thank you. Thank you na dumating ka."

Tumahimik kami parehas habang naghihintay ng masasakyan... Kasabay ng ulan, naalala ko, minsan nga pala kaming naglaro noon at nagtampisaw sa ulan. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top