Dahil Natakot Ako (One Shot)
Isa po ito sa mga earliest works ko. And dahil wala pa akong time na i-edit siya, expect errors and excuse my amateur writing style.
UNREVISED
Copyright © 2013
girlinparis
All rights reserved.
————-
"Ang hirap sakin, masyado akong natakot. Natakot umamin. Kaya kahit alam kong pwede noon, hindi na pwede ngayon dahil huli na ko. Huling-huli na ko."
Tandang-tanda ko pa nung una tayong nagkakilala. Nasa park ako nun, mag-isa at naglalakad lamang habang umaambon.
Nakatungo ako noon at hindi ko napansin na may mababangga ako. Tiningnan mo ako nun nang nakakakunot ang noo. Natapon pala ang iniinom mong kape dahil sakin. Ako ang unang nag-sorry dahil ako naman talaga ang may dahilan kung bakit natapon mo ang iniinom mo.
Mula sa pagkakakunot ng noo mo ay ngumiti ka sa akin. At dun ako nakaramdam ng kakaiba. Pakiramdam na alam kong mauulit.
Hindi ko alam pero nagkasama tayo ng araw na yon. Ang gaan ng pakiramdam ko sayo kahit ngayon lang tayo nagkakilala. Magkasama na tayong maglakad at nagpakilala sa isa't isa.
"Salamat sa araw na to ha. Nice to meet you, Ken."
"Ganun din ako, Grace."
Pagkatapos ng araw na yun, palagi na akong pumupunta sa park baka sakaling makita ulit kita. At tama nga ako, dun nga ulit kita makikita. Ngayon lang ako sumaya ng ganito. Kung alam mo lang.
"Oh? Pareho pala tayo ng school?"
"Talaga? E di pwede tayong magkita?"
Nakita ko na naman ang maganda mong ngiti. Hindi ko na narinig lahat ng sinabi mo nun dahil natulala na lang ako sa ngiti mo.
Ito na naman. Nararamdaman ko na naman at natatakot ako sa kahahantungan nitong nararamdaman kong ito.
Nagkikita tayo sa school paminsan minsan. Mas matanda ka sakin ng isang taon kaya hindi tayo magkaklase pero pasalamat na din ako dahil hindi malayo ang room niyo sa room namin.
'Punta ako diyan ha.'
Binasa ko muli ang text mo sakin at parang hindi ako makapaniwala na pupuntahan mo nga ako dito, pero paano kung wrong send lang pala to? Hay.
"Grace!" Hanggang sa narinig kong tinawag mo ko. Nakaramdam ako ng saya ng makita kita sa labas ng room ko. Kung alam mo lang.
Simula nun, lagi mo na akong dinadalaw sa room namin at hindi maiiwasang magtanong at asarin ako ng mga kaklase ko.
"Aminin mo na kasi, ano bang meron sa inyo ni Ken?"
"Magkaibigan lang talaga kami."
"Weh? Parang hindi naman eh. Kung makatingin siya sa'yo para ka na niyang tutunawin."
Magkaibigan kami pero kahit papano umaasa ako na hindi lang kaibigan ang tingin niya sakin. Umaasa ako na may pag-asa.
"Sinong crush mo?"
Napatingin ako sa'yo nun at sana hindi niya nakitang namula ako sa tanong niya. Tama ba namang itanong yun, anong sasabihin ko? Siya?
"Wala akong crush no."
"Imposible. Lahat ng tao may crush noh. Ikaw naman nahiya ka pa sakin."
"Hindi ako nahihiya, wala lang talaga. Ikaw na lang magshare diyan."
"Crush ko? Hmmmm pano kung sabihin kong.... Ikaw?"
Nananadya ka ba o talagang inaasar mo lang ako? Hindi mo ba alam na kinikilig na ko sa sinasabi mo?
Simula nun, palagi mo na akong inaasar na crush mo ko at dun ko lang nalaman na hindi na pala kita gusto.
Mahal na pala kita.
Pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo bilang crush mo. Oo sinabi mo sa kanila na crush mo ko. Gustong-gusto mo talaga akong inaasar pero hinayaan kita. At hinayaan mo din akong mahulog sa'yo.
Hanggang sa makita kitang kasama si Zoe. Ang maganda, matalino at sikat mong kaklase. Ang ganda niyong tingnan at halos lahat nakatingin at kinikilig sa inyong dalawa. Kaso ako naman itong napayuko na lang sa tabi.
Kung alam mo lang, Ken. Pero kung alam mo man o hindi may mababago ba?
Umiwas ka sakin simula nun, ni text wala akong natanggap sa'yo. Ni hindi mo na rin ako pinapansin sa school pero wala akong ginawa. Umiyak lang ako mag-isa.
Ang sakit kasi eh, bakit kasi paasa ka? At bakit kasi umasa ako?
Ang mga kaibigan mo na lang ang naging daan para malaman lahat ng ginagawa mo sa buhay mo. Masokista na kung tawagin pero hindi ko talaga kayang mawalan na lang ako ng alam tungkol sa'yo.
Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ako umaamin sa kanya. Simple lang ang sagot, takot akong mareject. Mababaw ba? Para sakin hindi.
Dati kasi may nagustuhan akong lalaki, close din kami gaya ni Ken at dumating sa point na hindi ko na kinaya na maging magkaibigan na lang kami kaya nagconfess ako sa kanya at ang nangyari? nareject ako. Iniwasan niya ko pagkatapos nun kasi nakakailang daw.
Kinahiya niya ko. Kinamuhian niya ako. Kinadirian niya ko. Tandang-tanda ko pa lahat ng sinabi niya sa mga barkada niya. Masasakit na salitang hindi na ata nabura sa isip at puso ko.
"Tol kamusta na kayo ni Grace? Bakit parang hindi na ata kayo nagkakasama?"
"Yun? Wala yun. Naperahan ko na. Nilayuan ko na ang tanga nagkagusto sakin. Ang hindi niya alam pineperahan ko lang naman siya! Hahaha."
"Grabe tol. Pinerahan mo lang yun? E akala ko nga nagustuhan mo na yung babaeng yun eh. Pinagpapalit mo sa barkada eh."
"Ano ba kayo mga dre, syempre kailangan kong pagtiyagaan ang mukha noon para makakuha ako ng pera. Pero sa totoo lang, sukang suka na ko," naipatak ko ang gamit ko noon sa sobrang bigla.
Napaiyak na lang din ako sa mga narinig ko sa'yo. Ang sakit eh. Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin eto lang ang igaganti mo sakin?
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Lungkot, sakit, galit, paghihinayang. "Pare si Grace!"
Tiningnan mo ako ng may gulat sa mata mo pero agad naman iyong napalitan ng ngisi, "Oh ano Grace? Narinig mo na. Pahinging pera, nagugutom na ko," narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan mo at tumakbo na ko kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
At ngayon, hindi malabong maulit ang lahat.
Pumunta muli ako sa park kung saan kita unang makita. Umupo ako sa bench kung saan ako malimit umupo.
Naalala ko lahat ng pinagdaanan natin, kung paano tayo naging malapit sa isa't isa. Naramdaman ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko.
"Hi Grace. Kamusta na?"
Boses pa lang alam ko na kung sino. "K-ken. Anong ginagawa mo dito?"
Walang pinagbago. Ikaw pa rin ang lalaking minamahal ko. Walang nagbago.
"Naglalakad lakad lang ako tapos sakto naman na nakita kita. Kamusta ka na?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Sana hindi niya nahalata na malungkot ako.
"Ok lang."
"Ok ka lang ba talaga? Bakit parang hindi naman. Tingnan mo nga yang ngiti mo, hindi man lang umabot sa mata mo."
"K-ken."
"Anong problema?" Ako, Ken. Ako ang problema.
"Wala nga. Ikaw kamusta ka na?"
"Ito ganto pa din. Kami na ni Zoe."
Alam ko. Kelangan mo pa bang sabihin? "Talaga? E-edi mabuti."
"Sa tingin mo? Haha. Masaya ka ba para sakin?"
Tumingin ako sa'yo nun at nakatingin ka din sakin. Pigil na pigil ko ang luha ko pero alam kong konti na lang bibigay na to. "Masaya ako para sa'yo."
"Salamat, Grace.." Tumango lang ako sa'yo.
"Alam mo noon hindi ko naman talaga gusto si Zoe. Siguro natutunan ko na lang ang bagay na yun."
"Ikaw naman talaga ang gusto ko eh kaso natorpe ako. Magkaibigan kasi tayo eh, natakot ako."
Ang ibig niyang sabihin? A-ako talaga ang gusto niya? Pareho lang pala kami. Pareho kaming natakot.
"Humingi ako ng sign nun kaya ginamit ko si Zoe."
"G-ginamit?"
"Sabi ko kapag tumingin ka sa aming dalawa noon nung magkasama kaming dalawa, aamin na ko sa'yo. Haha. At kapag hindi, kakalimutan na kita at lalayuan. Hahaha. Ang baliw ko no? Sorry ha."
Paano pala kung tumingin ako sa kanilang dalawa? Makikita niya kayang nagseselos ako at gusto ko siya? Paano kaya kung sinabi ko sa kanya at hindi ako takot sa rejection? Magiging kami kaya?
"Una pa lang kasi kitang nakita dito, nagustuhan na kita.." Nagkamot siya ng ulo na parang nahihiya. "Kaso yun nga, natorpe ako. Pero maniwala ka sakin, wala na to."
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinabi niya. Wala na? Ibig sabihin wala na nga talaga akong pag-asa.
Pareho kaming natakot. Pareho kaming naduwag na mawawala ang pagkakaibigan namin. Pareho naming alam ang nararamdaman namin pero binalewala namin yun dahil pareho kaming natakot umamin sa isa't isa. Pareho kaming naghintay sa wala.
At alam niyo ang sagot ko?
"Okay lang yun. Mas mabuti pang hindi ka na nga umamin kita mo ngayon, masaya ka na. Ipagpatuloy mo na lang yan. Maging masaya ka sa kanya ha?" Dirediretso kong sabi sa kanya.
Lumabas lang ang mga salitang yun sa bibig ko pero hindi sinasabi ng puso ko. Dahil hanggang ngayon natatakot pa rin akong umamin. Ngayon pa't alam ko na nagmamahal na siya ng iba.
Sinayang ko ang pagkakataon dahil natakot ako. Ang tanga ko di ba?
Hanggang kelan kaya ako matatakot?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top