Prologue
Ang buhay ay isang malaking playground. Maraming pwedeng mangyari. Pwede kang mabalian, mapagod, matalo masaktan at ang pinakamasaya, manalo. Marami man tayong timeouts at fouls sa court na nagsisilbing ating buhay, hindi pa rin nito mapapantayan yung saya na may nag-aabang sayo sa gilid at nanonood sa bawat pagshoot mo ng bola. Fans man o ang pinakamahal mo, nandoon yung saya na iba ang dala sa puso mo. Kasabay nito ang team mates mo na nagdiriwang sa iyong pagkapanalo, pamilya na todo ang suporta sa bawat laro mo, at ang isang tao na nakatanaw mula sa kabilang screen ng telebisyon masuportahan ka lang at masabing mahal ka niya at proud siya sayo kahit ang apat na sulok lang ng silid ang nakakarinig nito. At ikaw, na ang bukod tanging iniisip ay ang taong mahal mo na hindi mo mapagsigawan sa mundo dahil sa takot na mahusgahan at masaktan.
Ano nga ba ang pipiliin mo?
Ang iyong ama na nagbigay ng buhay sayo o ang mahal mo na nagsisilbing buhay mo ngayon?
"MALAYA KANA"
Mga salitang hindi ko inaasahang manggaling sa kanya dahil sa sakit na naidulot ko. Katagang kahit kailan ay hindi ko gustong marinig at ayokong mangyari ngunit wala, talo na kumbaga, game over na ang laban.
"Kung nagising ka lang hindi na masasaktan ang isa't isa. Malaya kana, magagawa mo na ang lahat ng gusto mo kahit masaktan man ako. Malaya ka na huwag ka ng umasa pa, magbabalik ako lilimutin ka hindi mabibigo."
Hindi ko gusto ngunit kapalaran na ang nag udyok. Marahil ay hindi talaga kami para sa isa't isa ngunit umaasa ako na darating ang araw na mapapatawad at babalik siya sa piling ko. Hindi ko isusuko ang bawat segundo, oras, at araw na mayroon ako maipakita at maiparamdam ko lang na mahal na mahal ko siya. Siya na isang VICE GANDA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top